You are on page 1of 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA ARALING PANLIPUNAN

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


GRADE 10
School Year 2022 – 2023

Most Essential Learning No. of No. of % ITEM SPECIFICATION / ITEM PLACEMENT & SKILLS
Competencies (MELCs) Teaching Items Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating
(Pag-alala) (Pag-unawa) (Paglalapat) (Pagsusuri) (Ebalwasyon)
days
Nasusuri ang kahalagahan ng
pag-aaral ng 4 7 14% 1-2, 41 3 4 5 6
Kontemporaryong Isyu

Natatalakay ang kalagayan,


suliranin at pagtugon sa 8 12 24% 7,8,9, 42- 10 12 13, 14, 11
isyung pangkapaligiran ng 43 15, 16
Pilipinas
Natutukoy ang mga
paghahandang nararapat
gawinsa harap ng panganib na 4 7 14% 17, 44, 45 18, 19 20 21 -
dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran

Nasusuri ang kahalagahan ng


kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon ng 8 12 24% 22, 23, 24 - 25-30 - 31
mga hamong pangkapaligiran 46, 47

Naisasagawa ang mga angkop


na hakbang ng CBDRRM Plan 8 12 24% 32, 33 34, 35 36, 37 38 39, 40
48, 49, 50

TOTAL 32 50 100% 21 6 11 7 5
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT – ARALING PANLIPUNAN 10


School Year 2022 – 2023

Pangalan: _________________________________ Section: _________ Score: _____________


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin at isulat ang LETRA ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Ang ____________________ ay mga pangyayari na nagdudulot ng malaking usapin para sa bansa.
A. Headlines C. Kontemporaryong Isyu
B. Sociological Imagination D. Kulturang Pilipino

_____2. Nagkakaiba– iba ang ___________ batay sa paglalarawan ng isang lipunan.


A. kultura B. pagpapahalaga C. norms D. simbolo

_____3. May pagkakaiba-iba sa interpretasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga para sa ating pamumuhay halimbawa ay ang
pagkakaroon ng mga curfew sa loob ng tahanan, pagsisimba tuwing araw ng linggo, pagkain ng hapunan ng sabay–sabay ng
isang pamilya. Tukuyin kung anong bahagi ng kultura ang mga ito.
A. paniniwala B. pagpapahalaga C. norms D. simbolo

_____4. Nagkaroon ng malawakang brownout sa Luzon, ano ang maaaring maging epekto nito sa mga pabrika sa Luzon?
A. Bababa ang bilang ng mga manggagawang papasok sa pabrika.
B. Maraming manggagawa ang hindi makakagawa dahil mainit sa loob ng pabrika.
C. Babagal ang produksyon sapagkat limitado lamang ang magagawa ng mga manggagawa.
D. Walang magiging epektado sa pabrika at manggagawa.

_____5. Alin sa sumusunod na grupo ng mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa Kontemporaryong Isyu?
A. Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at ng
daigdig sa kasalukuyan.
B. Ang KONTEMPORARYONG ISYU AY tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at
nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.
C. Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay mahalagang pag-aralan dahil nalilinang nito ang pagiging mabuting
pagkakamamamayan ng isang tao.
D. Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay mahusay na tagapagpalaganap ng fake news sa ating lipunan

_____6. Paano makatutulong ang tao sa paglutas ng mga suliraning panlipunan?


A. Matuto ang mga mamamayan na sumunod sa batas.
B. Dapat laging nakikisangkot ang mga Pilipino sa mga isyu sa lipunan.
C. Pagpunta sa ibang bansa ng mga Pilipinong kabilang sa white collar job.
D. Laging bantayan ang ulat sa bayan upang makasali sa mga welga.

_____7. Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa ____________?


A. residensyal o tahanan B. industriyal C. institusyunal D. komersyal

_____8. Ang ahensya ng Pilipinas na nangangalaga sa ating likas na yaman.


A. Department of Science and Technology C. Department of Environment and Natural Resources
B. Department of Transportation D. Department of Education

_____9. Ito ay isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko na kung saan ang mga bansang
apektado nito ay nakararanas ng matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang agrikultural.
A. El Niño phenomenon B. Kalamidad C. La Niña phenomenon D. Storm Surge

_____10. Ito ay nalilikha mula sa paggalaw o pagsabog sa itaas o ilalim ng tubig, paglindol, pagsabog ng bulkan, at pagguho ng lupa
A. Baha B. Daluyong C. Lindol D. Tsunami

_____11. Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng maraming tao, bilang mag-
aaral paano ka makatutulong upang maiwasan ang polusyon?
A. Pakikilahok sa mga gawain ng komunidad C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
B. Pagtatanim ng mga puno at halaman D. Wastong pagtatapon ng basura

_____12. Ang pamilya ni Mang Berting ay bagong lipat sa Pampanga, upang matiyak niya kung ang kanilang lugar na nilipatan ay
ligtas sa anumang peligro ay humingi siya ng Geohazard Map sa DENR. Ano ang naibibigay na kabutihan ng Geohazard
map?
A. Natutukoy ang mga magagandang tanawin na maaaring pasyalan
B. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lugar na madaling tamaan ng mga kalamidad
C. Nagbibigay ng mga pangalan ng bundok na maaaring sumabog anumang oras
D. Nagbibigay ng babala kung gaano kalakas ang mga parating na bagyo

_____13. Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa usaping basura o hindi tamang pagtatapon ng
basura dulot ng patuloy na kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI
kabilang sa mga ito?
A. Ang pagtatapon ng basura sa mga kanal , estero, bakanteng lote at maging sa ilog at pampublikong lugar.
B. Ang pagsusunog ng mga plastic , gulong at goma sa mga bakuran
C. Ang paggawa ng compost pit at tamang seggragation ng basura
D. Hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang bagay.

_____14. Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:
A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng bansa.
B. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning pangkapaligiran.
C. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na yaman.
D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.

_____15. Isa sa maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan sa Abuyog, Leyte nang magkaroon ng malawakang pagguho
ng lupa o landslide na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming pamilya , ito ay nagpapakita ng epekto ng unti-unting
pagkaubos ng mga puno sa kagubutan gawa ng mga illegal logging o pagkakaingin. Alin sa mga sumusunod ang pinaka
MABISA na hakbang ang maari mong gawin upang mapigilan ang suliraning ito?
A. Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran
upang makakuha ng maraming suporta
B. Sumali sa iba’t ibang programa na may kinalaman sa pagsasaayos at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran gaya ng
Clean Up Drive Program at Tree Planting.
C. Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling gawain at pagpapahitulot ng pagpuputol ng puno.
D. Magbigay ng tulong gaya ng pagkain , damit at tubig para sa mga biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning
pangkapaligiran.

_____16. Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng kalamidad na maaaring maranasan ng ating bansa, MALIBAN sa isa.
A. Bagyo B. COVID-19 C. Lindol D. Pagguho ng lupa

_____17. Nagdeklara ang kagawaran na suspendido ang klase sa mababa at mataas na antas ng paaralan dahil ang hanging dala ng
bagyo ay nasa 61-100 kph. Ang bagyo ay may typhoon signal na;
A. Typhoon Signal # 1 C. Typhoon Signal # 3
B. Typhoon Signal # 2 D. Typhoon Signal # 4

_____18. Alin sa sumusunod na mga gawain ang nararapat na gawin BAGO dumating ang bagyo?
A. Gumawa ng tik-tok para maipaalam ang paparating na bago
B. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng kuryente na nakakalat sa daan.
C. Ipunin ang mga kaibigan at magplano ng mga gawaing makatutulong sa gagawing earthquake drill
D. Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mga kagamitang kakailanganin para sa tatlong araw
_____19. Alin sa sumusunod na mga gawain ang pinaka-angkop na gawin HABANG may baha?
A. Ihanda ang inyong emergency kit.
B. Mag-ingat kapag babalik at papasukin ang binahang bahay.
C. Huwag lumusong o tumawid sa baha, ilog, o sapa kapag mabilis ang daloy ng tubig.
D. Ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng kuryente at tubo ng tubig.

_____20. Kung ikaw ay nakaranas na ng hazard o kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, o bagyo, ano ang dapat mong gawin
pagkatapos ng hazard o kalamidad?
A. Tanggapin ang sinapit at patuloy na umasa sa tulong na ibinibigay ng gobyerno at maging positibo sa buhay.
B. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at humingi ng tulong sa mga kaibigan at maging positibo sa buhay.
C. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at sikaping makabangon muli at isaayos ang mga nasirang ari-arian at
maging positibo sa buhay.
D. Tanggapin ang sinapit, lumipat ng lugar na hindi apekto ng hazard.

_____21. Sa iyong palagay, ano ang nararapat nating gawin at inaasahan sa atin ng pamahalaan matapos ang kalamidad?
A. Tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad kahit na ikaw ay napinsala rin.
B. Magpatuloy na lamang sa pagharap sa hamon ng buhay.
C. Alamin kung gaano kalaki ang naging pinsala ng bagyo.
D. Magreklamo sa pamahalaan.

_____22. Ito ay malaking alon na resulta ng landslide o debris flow sa ilalim ng tubig buhat sa pagputok ng bulkan.
A. Ash B. Lahar C. Seiche D. Volcanic Tsunami
_____23. Ito ay ligtas na lugar kung saan tayo dapat lumikas. Tinatawag itong
A. Evacuation Plan B. Evacuatiion Floor C. Evacuation Area D. Evacuatiion Rules

_____24. Ano ang ipina-iiwas sa mga tao sa panahong pagkatapos ng lindol at ikaw ay nasa loob ng gusali.
A. gumamit ng elevator B. gumamit ng lubid C. gumamit ng drone D. gumamit ng megaphone

(Para sa bilang 25 – 30, isulat ang letrang A kung SAFE at letrang B kung UNSAFE ang mga gawain)
_____25. Habang lumilindol, dumungaw sa bintana at humingi ng tulong.
_____26. Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan, lugar ng trabaho o paaralan.
_____27. Makinig sa radyo o manood ng telebisyon upang malaman ang pinakahuling balita sa mga volcanic o seismic activity.
_____28. Habang may pagputok ng bulkan, kunin ang celphone at i-bidyo ang nangyayari para mayroon kang dokumento.
_____29. Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad sa bahay o gusali.
_____30. Dumaan sa tulay, underpass, tunnel, o flyover kung naramdamang may pagyanig habang nagmamaneho.

_____31. Tama bang maging tagatanggap lamang ang mamamayan ng mga proyekto at programa ng pamahalaan tungkol sa
paghahanda at pag-iwas sa kalamidad?
A. Tama, dahil tungkulin nila na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga proyekto at
programa.
B. Mali, dahil hindi magiging matagumpay ang proyekto kung hindi magkakaroon ng inisyatibo o kusang loob na pagkilos
ang mga mamamayan.
C. Tama, dahil sila ang nagplano kaya’t sila ang mas higit na nakaaalam kung ano ang gagawin.
D. Mali, Dahil walang ginagawang programa ang pamahalaan para sa mahihirap.

_____32. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao at kung hindi ito maiiwasan, maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
A. Disaster B. Hazard C. Risk D. Vulnerability

_____33. Sa approach na ito ang mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang nangunguna sa hakbangin ng pagtukoy, pag-analisa
at pagresolba sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
A. Bottom-up B. CBDRM C. Disaster Management D. Top-down

_____34. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang komunidad ay posibleng maharap sa banta ng hazard at kalamidad na inaasahang
makikilahok, makikipagtulungan, tutugon, at isasagawa ang mga implementing rules ayon sa plano na angkop upang
maiwasan ang malaking pinsala na maaaring ang dulot ay kapahamakan sa buhay at ari-arian ng mamamayan.
A. Bottom-Up Approach C. Disaster Management
B. CBDRM Approach D. Top-Down Approach

_____35. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng natural hazard.


A. baha B. lindol C. polusyon D. sunog

_____36. Kung ikaw ay nakaranas na ng hazard o kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, o bagyo, ano ang dapat mong gawin
pagkatapos ng hazard o kalamidad?
A. Tanggapin ang sinapit at patuloy na umasa sa tulong na ibinibigay ng gobyerno at maging positibo sa buhay.
B. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at humingi ng tulong sa mga kaibigan at maging positibo sa buhay.
C. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at sikaping makabangon muli at isaayos ang mga nasirang ari-arian at
maging positibo sa buhay.
D. Tanggapin ang sinapit, lumipat ng lugar na hindi apekto ng hazard.

_____37. Mahalaga ang kagubatan sapagkat hindi lamang ito nagiging tirahan ng maiilap na hayop kundi pinagkukunan din natin ito
ng ating mga pangangailangan. Ano ang isang paraan upang mapangalagaan ito?
A. lumahok sa gawain ng barangay C. magtanim ng puno at halaman
B. maglinis ng bakuran D. tumulong sa gawaing bahay

_____38. Ang sumusunod na mga pahayag ay naglalarawan tungkol sa CBDRRM Approach, maliban sa isa
A. Ang hazard ay nangangahulugang banta dulot ng tao o kalikasan
B. Isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng tao.
C. Binibigyang diin na may mahalagang papel na dapat gampanan ng pamayanan na maibigay ang partisipasyon.
D. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa
pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.”

_____39. Kailangan bang makiisa sa mga drills at pagsasanay na isinasagawa sa komunidad tulad ng earthquake drill?
A. Opo, para marami akong makilalang tao na maaring makatulong sa akin sa panahon ng pagsapit nito.
B. Opo, para malaman ko kung ano ang mga hakbang na dapat kong gawin sa pagsapit nito.
C. Hindi po, dahil nababasa ko naman ang ilan sa mga pamamaraan na dapat gawin.
D. Hindi po, dahil mainit at maingay ang drills.

_____40. Sa iyong palagay, ano ang nararapat nating gawin at inaasahan sa ating pamahalaan matapos ang kalamidad?
A. Tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad kahit na ikaw ay napinsala rin.
B. Magpatuloy na lamang sa pagharap sa hamon ng buhay.
C. Alamin kung gaano kalaki ang naging pinsala ng bagyo.
D. Magreklamo sa pamahalaan.

(Para sa bilang 41-50)


Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat kung ito ay TAMA o MALI.

__________41. Mahalaga ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu sapagkat dito naimumulat ang kaisipan ng mga mamamayan
patungkol sa mga isyung nangangailangan ng agarang solusyon.
__________42. Malaki ang naitutulong ng hindi pagbubukod-bukod ng mga basura sa kaayusan at kagandahan ng bansa.
__________43. Nakakatulong ang programa ng DepEd na nagkakaroon ng earthquake drill sa mga paaralan upang sa ganoon ay may
mga pangunang kaalaman ang mga mag-aaral sa panahon ng lindol.
__________44. Ang PAGASA ay ang ahensiya na nagbibigay ng lehitimong impormasyon tungkol sa galaw ng bagyo.
__________45. Ang pagbibigay paalam sa kinauukulan ukol sa mga nasirang kawad ng kuryente ay ginagawa tuwing kasagsagan ng
bagyo.
__________46. Kaugnay sa paglikas dulot ng nagbabantang pagsabog ng bulkan o anumang kalamidad, sundin ang payo ng
Kagawaran ng Edukasyon
__________47. Hinihikayat at pinaghahanda ang mga mamamayan ng emergency kit dahil sa mga posibilidad ng kalamidad.
__________48. Ang disaster management ay tagapangangasiwa sa malaking kapahamakan na maaaring maganap o mangyari sa
isang lugar.
__________49. Sa ngayon ang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay naglalayon na maturuan ang mga lokal na pinuno
sa pagbuo ng Community Based Disaster Management Plan.
__________50. Ang National Budget Approach ay isang paraan na nakatuon sa paghahanda laban sa sakuna at kalamidad.

You might also like