You are on page 1of 50

Balik-aral

Ang kultura ang


sumasalamin sa
pagkatao ng mga
bumubuo sa isang
lipunan. Ito ay binubuo
ng mga elemento tulad
ng paniniwala,
pagpapahalaga, norms
at simbolo.
Sandaling Isipin!
Ang Barangay Soriano ay isang isla na
kadalasang nakararaanas ng malakas na
bagyo. Isipin ang hakbang na dapat gawin
ng tauhan na naitalaga sa iyo sa
sumusunod na pagkakataon:
 bago ang bagyo
 pagtama ng bagyo
 pagkatapos ng bagyo

Ikaw ay maaaring maitalaga bilang


government official, pangkaraniwang
mamamayan, miyembro ng isang Non-
Government
Pamprosesong Tanong
 1. Sa iyong palagay, tama ba ang
iyong ginawang aksyon sa naganap
na kalamidad? Bakit?
 2. Bakit may mga pagkakataon na
malaki ang pinasalang dulot ng
mga kalamidad sa buhay at ari-
arian?
 3. Paano magiging handa ang isang
lugar sa pagharap sa mga
kalamidad?
Panimula
Sa kasalukuyan, malaki ang suliranin at
hamong kinahaharap ng ating bansa dahil sa
pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Ang kapabayaang ito ay
nagpapalala sa mga natural na kaganapan
tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo,
pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha. Sa
huli, ang mga mamamayang umaasa sa
kalikasan para mabuhay ang siya ring
nakararanas ng hindi mabuting epekto sa iba’t
ibang aspekto ng pamumuhay
SULIRANIN SA SOLID WASTE
Tumutukoy ang solid
waste sa mga basurang
nagmula sa mga tahanan at
komersyal na
establisimyento, mga basura
na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa
sektor ng agrikultura at iba
pang basurang hindi
nakalalason (Official
Gazette, 2000).
SULIRANIN SA SOLID WASTE
Ayon sa pag-aaral ni
Oliveira at mga
kasama (2013), ang
Pilipinas ay
nakalikha ng 39,422
tonelada ng basura
kada araw noong
taong 2015.
SULIRANIN SA SOLID WASTE
Halos 25% ng mga basura
ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro
Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha
ng 0.7 kilong basura
araw-araw. Mas mataas
ito ng 130% kaysa sa
world average (National
Solid Waste
Management,2016).
56.7 %
MGA DAHILAN NG SULIRANIN
SA SOLID WASTE
 Kawalan ng disiplina sa
pagtatapon ng basura
 Pagtatapon sa estero, ilog
at kalsada
 Pagsusunog ng basura
 Kawalan ng waste
segregation
 Leachate o katas ng
basura sa mga dumpsite
 Pagtatapon ng e-waste
MGA HAKBANG HINGGIL SA
SULIRANIN SA SOLID WASTE
 Republic Act 9003 o
Ecological Solid Waste
Management Act of 2000
 Pagtatayo ng mga
Materials Recovery Facility
(MRF)
 Pagtulong ng mga NGOs
tulad ng Mother Earth
Foundation, Clean and
Green Foundation, Bantay
Kaliksan at Green Peace
GAWAIN 1: Skit
Ang apat na pangkat ay magpapakita ng
maikling skit o sitwasyon na nagpapakita ng
kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa
tahanan (G1), paaralan (G2), barangay (G3) at
pampublikong lugar (G4). Ang gawain ay
bibigyan ng marka batay sa sumusunod na
rubrik:

Kooperasyon – 10
Kaangkupan sa paksa- 5
Impak – 5
KABUUAN – 20 puntos
GAWAIN 2: Pagbuo ng Resolusyon
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng mga
resolusyon hinggil sa kawalan ng disiplina sa
pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ang
resolusyon ay bibigyan ng marka batay sa
sumusunod na rubrik:

1. Kawastuhan - 7
2. Nilalaman - 6
3. Organisasyon - 4
4. Pagkamalikhain – 3
KABUUAN: 20
PAGPAPAHALAGA

1. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t


ibang sektor sa mga programa para sa solid waste
management?

3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong


upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
PAGLALAHAT
Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking
hamon ay ang pagpapatupad ng batas
at pagbabago ng pag-uugali ng mga
Pilipino sa pagtatapon ng basura.
Nangangailangan pa nang mas
malawak na suporta at pagtutulungan
ng iba’t ibang sektor upang tuluyang
mabigyan ng solusyon ang suliraning
ito dahil ang patuloy na paglala nito
ay lalong magpapabigat sa iba pang
suliraning pangkapaligiran na ating
nararanasan.
Panimula
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na
biniyayaan ng maraming likas na yaman.
Mahalaga ang likas na yaman bilang
sangkap sa paggawa ng produkto na
ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng
industriya at paglilingkod, halimbawa,
ang mga computer, sasakyan, makina, at
pagkain ay naggawa mula sa mga likas na
yaman.
SANDALING ISIPIN!
Napapansin mo ba na
halos lahat na ng mga
establisyamento sa
ating lugar ay hindi na
gumagamit ng plastic at
sa harap ay supot na
papel na? Ano kaya ang
pangunahing dahilan
hinggil sa pagbabagong
ito?
PAGKASIRA NG LIKAS NA YAMAN
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa
kasalukuyan…
 Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit
ng forest cover mula sa 17 ektarya noong
1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya
noong 2003.
 Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang
timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo
bawat araw mula sa dating 10 kilo.
 Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng
matabang lupain sa huling sampung taon
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
o Illegal Logging
Ang walang habas
na pagputol ng puno
ay nagdudulot ng
pagbaha, soil
erosion, at
pagkasira ng tirahan
ng mga hayop.
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
o Migrasyon
Nagsasagawa ng kaingin
(slash-and-burn farming)
ang mga lumilipat sa
kagubatan at kabundukan
na nagiging sanhi ng
pagkakalbo ng kagubatan
at pagkawala ng
sustansya ng lupain dito.
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
o Mabilis na pagtaas ng Populasyon
Ang mabilis na pagtaas ng
populasyon ng Pilipinas ay
nangangahulugan ng
mataas na demand sa mga
pangunahing produkto kung
kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang
plantasyon, subdivision,
paaralan at iba pang
imprastruktura.
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT

o Fuel Wood Harvesting


Paggamit ng puno
bilang panggatong.
Halimbawa ay ang
paggawa ng uling
mula sa puno.
SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
o Ilegal na Pagmimina
Apektado ang kagubatan sa
pagmimina dahil kadalasang
dito natatagpuan ang deposito
ng mga mineral tulad ng
limestone, nickel, copper, at
gold. Kinakailangang putulin
ang mga puno upang maging
maayos ang operasyon ng
pagmimina na nagdudulot ng
panganib sa mga tao at iba
pang nilalang sa kagubatan.
HAKBANG UKOL SA SULIRANIN SA YAMANG GUBAT
Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan
ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay
ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization
(FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na may
malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).
GAWAIN 3: Pagbuo ng Liham
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng bukas na liham
para sa pangulo ng ating bansa na siyang kukumbinsi
kung gaano na kalala ang suliraning hinggil sa likas na
yaman at kagubatan. Kalakip rin ng liham ay ang mga
suhestyon at hakbangin upang mapigil ang paglala ng
isyu at hamong ito sa kapaligiran. Ang gawain ay
bibigyan ng marka gamit ang sumusunod na rubrik:
1. Kawastuhan - 7
2. Nilalaman - 6
3. Organisasyon - 4
4. Pagkamalikhain – 3
KABUUAN: 20
PAGLALAHAT

Ang pangkalahatang epekto ng


pagkasira ng likas na yaman ay
nararanasan ng mga mamamayan lalo
na yaong mga mahihirap na umaasa
lamang sa kagubatan. Ang patuloy na
pagliit ng forest cover ay nagpapaliit
din sa pinagkukunan nila ng
kabuhayan.
PAGPAPAHALAGA

1. Paano nakaapekto sa ating


pamumuhayang suliranin sa likas na
yaman?
2. Kung magpapatuloy ang mga nabanggit
na suliranin, ano ang maaaring mangyari
sa ating pamumuhay?
3. Paano masosolusyunan ang mga
nabanggit na suliranin sa ating mga likas
na yaman?
PAGTATAYA
1. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Pacific
Ring of Fire kaya ito ay masasabing prone sa mga kalamidad at
sakuna. Hindi maitatanggi na halos taun-taon ay malaking pinsala
ang naidudulot ng mga ito sa ating bansa. Isang uri ng likas na
kalamidad ay ang bagyo kung saan ito ay may dalang malakas at
maraming ulan, malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat. Sa
paanong paraan mo ito nararapat harapin sakaling tumama ito sa
lugar ninyo?
A. Maghanap ng mapagtataguan sakaling hindi makakayang
lumabas ng bahay
B. Maghanap ng kumot, basain ito at gumapang palabas ng bahay
at humingi ng tulong.
C. Lumikas at magtungo sa mataas na lugar na hindi maabot ng
baha at makinig ng balita.
D. Makinig nang balita, ihanda ang emergency kit, at mag imbak
ng mga de latang pagkain.
PAGTATAYA
2. Kadalasan, tuwing lumalakas ang buhos ng ulan, ang
mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite ay naghihintay
na nang anunsyo ng pagkansela ng klase. Ang iba ay
nakikinig ng radio, nanonood ng telebisyon o kaya ay
nagsesearch sa internet. Sa mga panahong tulad nito,
naglalabas ng Rainfall Warning ang PAGASA na nagiging
basehan ng mga namamahala upang magkansela ng
klase. Sa Rain Fall Warning na ito, anong kulay ang
ibinibigay sa mga lugar na inaasahang makararanas ng
15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod
na isang oras.
A. Red rainfall advisory
B. Green rainfall advisory
C. Orange rainfall advisory
D. Yellow rainfall advisory
PAGTATAYA
3. Isa sa maaari nating gawin upang masigurong ligtas ang ating mga sarili
at mahal sa buhay sa paparating na sakuna ay ang paghahanda rito.
Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pag iimbak ng pagkain at pakikinig ng
balita. Makatutulong din ang paghahanda ng emergency kit upang mas
mapabilis ang paglikas kung kinakailangan.Malaking tulong din ang mga
ahensya na nakahandang sumaklolo at umagapay kung sakaling may di
kanais-nais na pangyayari. Isa sa mga ahensyang ito ang National
Disaster Risk Reduction Management Council. Sa paanong paraan ito
nakatutulong?
A. Nagbibigay babala ang ahensyang ito sa paparating na kalamidad na
maaaring tumama sa ating bansa.
B. Malalapitan mo ang ahensyang ito kung ikaw ay nangangailangan ng
gamot at iba pang tulong medical.
C. Ang ahensiyang ito ang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga
kalamidad na mararanasan ng bansa
D. Katungkulan ng ahensyang ito na matiyak na may matatakbuhan ang
mga ngangangailangan ng tulong.
PAGTATAYA
4. Ang mga natural na kalamidad at sakuna ay hindi maiiwasang
mangyari ngunit maaring mabawasan ang magiging pinsala na
maidudulot nito. Kaya kailangan nating siguraduhin na handa tayo
sa pagtama o pagdating ng mga ito. Ano ang pinakaangkop na
dahilan upang maghanda tayo sa anumang kalamidad o sakuna?
A. Nang hindi makaranas ng panganib sa pagdating ng kalamidad.
B. Para maiwasan ang pagkamatay o pagkawala ng mahal sa
buhay.
C. Upang mapanatili ang ating mga tirahan, kahayupan at ari-
arian sa matinding pinsala.
D. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagsisi sa pamahalaan sa
maaring maging bunga ng nasabing kalamidad.
PAGTATAYA
5. May mga paghahandang ginagawa upang mabawasan
ang pinsala na maaring maidulot ng mga kalamidad at
sakuna. Ito ay mga paghahanda bago, habang at
matapos ang bawat kalamidad. Bakit sa kabila ng
paghupa ng kalamidad ay kailangan pa rin tayong
magkaroon ng ibayong pag-iingat?
A. Dahil kahit tapos na ang kalamidad ay mararanasan
pa rin natin ang ilang epekto nito.
B. Sapagkat hindi tayo nakakasigurado na ligtas na
tayo.
C. Kailangang hintayin muna natin ang sasabihin ng
pamahalaan bago tayo kumilos.
D. Walang mangyayari kung magpapanic pa rin tayo
kahit tapos na ang kalamidad.
BREAK MUNA!

Video Suri

(An Inconvenient Truth (2006) Official


Trailer #1 - Al Gore Movie HD).
PANIMULA
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk
Index, naitala ang Pilipinas bilang pang-
apat sa sampung bansa na pinaka
naapektuhan ng Climate Change. Ito ay
dahil mas lumalakas, dumadalas, at
nagiging unpredictable ang pagkakaroon
ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na
nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change.
ANO ANG CLIMATE CHANGE?
Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate
Change (2001), “Climate change is a
statistically significant variation in either the
mean state of the climate or in its, variability,
persisting for an extended period (typically
decades or longer). It may be due to natural
internal processes or external forcing, or to
persistent anthropogenic changes in the
composition of atmosphere or in land use.”
PALATANDAAN NG CLIMATE CHANGE
 Patuloy na pag-init ng daigdig o global
warming
 Matagalang kaso ng El Niño at La Niña
 Pagkakaroon ng malalakas na bagyo
 Forest fires
 Coral Bleaching
 Paglubog sa tubig ng ilang mabababang lugar
GAWAIN 4: Climate Change Forum
Magsaliksik ng batas, programa, mga best
practices ng pamahalaan, NGO, at mga
pamayanan bilang tugon sa hamon ng
climate change sa Pilipinas. Gumawa ng
presentasyon tungkol dito at ilahad sa
Climate Change Forum ng inyong klase.
Sa huling bahagi ng forum, gumawa ng
repleksiyon kung paano nauugnay ang
mga suliranin tulad ng suliranin sa solid
waste management at pagkaubos ng likas
na yaman sa Climate change.
GAWAIN 5: Campaign Video
Ang apat na pangkat ay pipili mula sa mga
isyung pangkapaligiran na tinalakay. Mula rito
ay gagawa ng isang campaign video na
nagpapakita ng mga hakbangin kung paano ito
maiiwasan at mabibigyan ng solusyon. Ang
gawain ay bibigyan ng marka sa pamamagitan
ng sumusunod na rubrik:
Kooperasyon – 10
Kaangkupan sa paksa- 5
Impak – 5
KABUUAN – 20 puntos
PAGLALAHAT

Sa kasalukuyan, isa sa
maituturing na na tagumpay ng
pagtutulungan ng pamahalaan,
pribadong sektor, NGO at mga
mamamayan ay ang unti-unting
pagbuti ng kalagayan ng
kagubatan sa Pilipinas. May mga
pag-aaral na nagpapakita na
nanunumbalik na itong muli.
PAGPAPAHALAGA

1. Ano-ano ng mga naging hakbang ng


pamahalaan at NGO upang
maipatupad ang Solid Waste
Management?
2. Bakit masasabing naging matagumpay
ang pamahalaan at mga NGO na
matugunan ang naging pagkasira ng
kalikasan sa mga nakalipas na
panahon?
PAGTATAYA
1. Isa sa mga suliranin sa bansa ay ang pagdami ng basura. Isa
itong suliranin na hanggang sa ngayon ay di pa rin
nasosolusyunan. May iba’t ibang uri ang basura. Isa rito ay ang
solid waste. Sa paanong paraan mo matutukoy ang uri ng
basurang ito?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na
mapanganib sa
kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal
na gawain o
mamatay.
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste
picker sapagkat
imbes na mag-aral ay nangangalakal na lamang sila upang
makatulong sa
pamilya.
PAGTATAYA
2. Ang Republic Act 9003 ay batas ang ipinatupad upang
magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso
ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Sa ilalim ng batas na ito
ay mas napapangalagaan ang kalikasan sapagkat nagkaroon ng
tamang pagproseso sa mga basura sa bansa. Bilang mag-aaral, sa
paanong paraan ka makatutulong upang mabawasan ang problema
sa basura sa iyong pamayanan?
A. Iwasan ang paggamit ng plastic at magdala ng eco bag sa
pamimili.
B. Maghukay ng compost pit sa bakuran at doon itapon ang mga
basura.
C. Ugaliin ang paghihiwalay ng basura at matutong magrecycle ng
mga ito.
D. Itapon ang basura sa basurahan at panatilihin ang kalinisan ng
pamayanan.
PAGTATAYA
3. Ano ang masamang epekto ng ng
kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon
ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa Hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga
waste collector

A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III


PAGTATAYA
4. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report
ng 2015, biodegradables ang uri ng basura na may pinakamalaking
porsyento na itinatapon sa bansa. Ito ay ang mga basurang
nabubulok kagaya ng balat ng prutas, papel, karton at iba pa. Sa
iyong palagay, bakit ang uri ng basurang ito ang may
pinakamalaking porsyento ng itinatapon sa bansa?
A. Maraming establisyemento ang hindi marunong maghiwalay ng
mga basura.
B. Marami sa mga Pilipino ang walang bakuran na maaaring
tapunan ng mga basurang nabubulok.
C. Ang mga biodegradables ay hindi agad natutunaw kaya
dumadami ito ng dumadami sa mga dumpsites.
D. Ang mga lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong
magsusulong ng tamang pagtatapon ng basura.
PAGTATAYA
5. Kadalasan sa mga tahanan at establisyemento ay walang sariling
tapunan ng basura kagaya ng compost pit. Dahil ditto, ang mga basurang
kanilang itinatapon ay dumidiretso sa mga dumpsites. Batay sa pag-aaral
ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto sa tao ang
mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa
kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na
gawain o
mamatay.
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker
sapagkat
imbes na mag-aral ay nangangalakal na lamang sila upang makatulong
sa
pamilya.
A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III
SANGGUNIAN
 Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2017

You might also like