You are on page 1of 76

HAMONG

PANGKAPALIGIR
AN
Natural Disaster- ito ay mga kalamidad na dulot ng pagbabago
sa normal na estado ng kalikasan.

Mga uri ng natural disaster:


a. Bagyo
b. Baha
c. Lindol
d. Pagputok ng Bulkan
e. Pagguho ng lupa
f. Daluyong o storm surge
g. Tsunami o seismic wave
Bagyo- ay isang malaking unos,
mayroon itong isang pabilog o spiral
sistema ng marahas at malakas na
hangin na may dalang mabigat na
ulan,karaniwan daan-daang kilometro
o milya sa diameter ang laki

Ang mata ng bagyo, ito ay ang gitnang


bahagi ng namumuong ulap o
bagyo.Sinasabing ang mata ng bagyo
ay isang kalmadong lugar dahil isa
itong low pressure area
•Baha - ay ang umaapaw
at tumataas na lebel ng
tubig na dulot ng malakas
at walang tigil na pag-ulan
sa komunidad ang
pagbaha sa Pilipinas ay
pinalalala ng mga
baradong daluyan ng
tubig.
•Lindol - ay isang biglaan at mabilis na
pagyaring pag-uga ng lupa na dulot
ng pagbibigay at pagbabago ng mga
batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon.
• kung ang malakas na paglindol ay
mangyayari sa lugar na maraming
tao, maari itong kumitil ng maraming
buhay at magdulot ng malawakang
pagkasira ng mga ari arian.
•Pagputok ng Bulkan - ay
isang puwang o siwang sa
ibabaw ng lupa, karaniwang
nasa anyong bundok o burol.
Ang puwang o bunganga
(crater) ay nagsisilbing daanan
ng iniluluwang materyales
tulad ng abo at lava na
nagmumula sa ilalim ng lupa.
•Pagguho ng Lupa -Maaring
dulot ng pag-ulan na
nagreresulta sa paghina ng lupa
at lindol ang landslide o
pagguho ng lupa. Ang pagbasak
ng lupa, putik o malaking bato
ay nangyayari nang mabilisan at
minsan walang babala.
storm surge - Ang storm
surge o daluyong ng
bagyo ay ang hindi
pangkaraniwang
pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa
baybayin.
•Tsunami - ay serye ng
malalaking alon na nililikha
ng pangyayari sa ilalim ng
dagat tulad ng paglindol,
pagguho ng lupa,
pagsabog ng bulkan, o oras
malawak na karagatan at
humampas sa lupa dala
ang mga alon na umaabot
ng 100 talampakan o higit
pa.
1. Ang Kontemporaryong isyu ay hango sa latin na
contemporarius ano ang ibig sabihin ng Tempus?
A. Kasama sa
B. Magkaiba
C. Magkatulad
D. Magkasalungat
2. Ang salitang Isyu ay tumutukoy sa __________.
A. Pagbabago
B. Pagkabahala
C. Pangyayari
D. Paksa
3. Ito isang natural disaster na namumuong sama ng panahon, may
isang pabilog o spiral na Sistema ng marahas at malakas na hangin at
may dalang mabigat na ulan.

A. Baha
B. Bagyo
C. Landslide
D. Storm surge
4. Ito isang natural na kalamidad na umaapaw at
tumataas na label ng tubig na dulot ng malakas at
walang tigil napag-ulan sa komunidad.

A. Baha
B. Bagyo
C. Flash flood
D. Storm surge
5. Alin sa mga sunusunod ang hindi kabilang sa
Natural na kalamidad?
A. Pag putok ng Bulkan
B. Flash flood
C. Landslide
D. Climate Change
6. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa Natural na Kalamidad
A. Climate Change
B. Disaster risk
C. Solid waste
D. Storm surge
7 . ito ay isang natural na kalamidad na nag
lalarawan ng pag- alog ng mga lupa.
A. Baha
B. Flash flood
C. Landslide
D. Lindol
8. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mga
pangyayari na nagdudulot ng malaking pinsala sa
kapaligiran?
A. Bagyo
B. Baha
C. Kalamidad
D. Landslide
9. Ito tumutukoy na mga pangyayari na nagdudulot
ng ng malaking pinsala sa kapaligiran,ari-arian
kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan?
A. Baha
B. Bagyo
C. kalamidad
D. Landslide
10. Bakit nagkakaroon ng landslide o pagguho ng lupa na
nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa?
A. Dahil sa pagputol ng mga puno at quarrying o
pagmimina
B. Dahil sa malakas na ulan
C. Dahil sa lindol
D. Dahil sa mga bagyo
Panuto: Gamit ang graphic organizer punan ng mga impormasyon tungkol sa Natural Disaster.
Magsaliksik sa inyong Komunidad
Panuto: Suriin ang mga programa ng inyong komunidad hinggil sa
Natural Disaster management na ipinapatupad sa inyong paaralan at
barangay. Gumawa ng isang sanaysay tungkol dito.
Panuto:Ibigay ang kahulugan ng sumusunod ayon sa iyong
pagkakaunawa.

Climate Change-
Illegal logging-
Migration-
Fuel wood harvesting-
Illegal Mining-
ARALING
PANLIPUNAN
SEPTEMBER 4, 2023 (MONDAY)
Paksa: Ang mga
Suliranin at
HamongPangkapaligiran
Humigit kumulang 65 milyong Pilipino ang
umaasa sa likas na yaman para mabuhay. Ilan
sa mga pangunahing hanapbuhay nila ay ang
pagsasaka at pangingisda na bumubuo sa halos
20% ng Gross Domestic Product (GDP) ng
Pilipinas noong 2014. Kasama din dito ang
1.4% mula sa yamang-gubat, at 2.1% mula sa
pagmimina
Ang likas na kagandahan ng
Pilipinas ay isa sa mga dahilan
kung bakit ang turismo ay
nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino. Makikita sa mga
nabanggit na situwasiyon ang
1. Suliranin sa Solid Waste

Tumutukoy ang solid waste sa mga


basurang nagmula sa mga tahanan
at komersyal na establisimyento, mga
basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang
hindi nakakalason (Official Gazette,
2000)
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang
Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada
araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng
Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas
mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid
Waste Management,2016). Ang malaking bahagdan ng
itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan
na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri
ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable
na may 52.31% (National Solid Waste Management Status
Report,2015).
Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila,
ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na
pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang
leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na
dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila
Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng
halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa
maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura.
Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa
posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal
na gawain, o kaya ay mamatay
Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng Global Information Society
(2010), na humigit kumulang sa anim na toneladang e-waste
ang tinatapon sa landfill na siyang kinukuha ng mga waste
pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na
mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan
tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng
e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng
mga delikadong kemikal tulad ng lead,
cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason
ng lupa at maging ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).
Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000
upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso
ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa
mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery
Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin
ang nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang
tumugon sa kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay
tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste
Management Status Report, 2015). Iniulat din ng National Solid Waste
Management Commission ang ilan sa best practices ng mga Local
Government Units (LGUs) sa pamamahala sa solid waste.
suporta na nanggagaling sa mga NGO upang
mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay
sumusunod:

 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga


barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng
Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice
Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo,
2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La
Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao
sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
Data Retrieval Chart
Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa suliranin
sa solid waste sa Pilipinas.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin
sa solid waste?
4. Ano-ano ang mga balakid na kinaharap o kinahaharap
ng programa na inyong inilahad?
5. Bakit mahalaga ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor
sa mga programa para sa solid waste management?
ARALING
PANLIPUNAN
SEPTEMBER 5, 2023 (TUESDAY)
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na


yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay
kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito
ay ang pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman
bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang
sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga
computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas
na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na
yaman sa ekonomiya ng isang bansa.
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…
Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest
cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43
milyong ektaraya noong 2003.
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng
mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa
dating 10 kilo.
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang
lupain sa huling sampung taon
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat

Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang


tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng
kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung
patuloy na masisiraito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng
tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng
tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan
(Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila
ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira ang
kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United
Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t
ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO,
2010).
Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung
saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong
ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change
Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-
charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay
pangalawa sa pinakamaliit sa
mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na mababa
ang ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre kung saan
gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19%
ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European
Commission, 2009)
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa
nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang
sumusunod:

Gawain Epekto
Illegal logging Ang walang habas na pagputol ng puno
- Ilegal na pagputol sa mga puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin
sa kagubatan. Ang kawalan ng tulad ng pagbaha, soil erosion, at
ngipin sa pagpapatupad ng mga pagkasira ng tahanan ng mga ibon at
batas sa illegal logging sa Pilipinas hayop. Sa katunayan noong 2008 ay
ang nagpapalubha sa suliraning mayroong 221species ng fauna at 526
ito. species ng flora ang naitala sa
threatened
list (National Economic Development
Authority, 2011)
Migration – paglipat ng pook Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-
panirahan burn farming) ang mga lumilipat sa
kagubatan at kabundukan na nagiging
sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at
pagkawala ng sustansya ng lupain dito
Mabilis na pagtaas ng populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng
Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas
na demand sa mga pangunahing
produkto kung kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang plantasyon,
subdivision, paaralan, at iba pang
imprastruktura.
Fuel wood harvesting Ayon sa Department of Natural
-paggamit ng puno bilang Resources na lumabas sa ulat ng
panggatong. Isang halimbawa ay National Economic
ang paggawa ng uling mula sa Development Authority (2011),
puno tinatayang mayroong 8.14 milyong
kabahayan at industriya ang gumagamit
ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at
paggawa ng produkto, ang mataas na
demand sa uling at kahoy ay nagiging
dahilan ng pagputol ng mga puno sa
kagubatan
Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa
pagmimina dahil kadalasang dito
natatagpuan ang deposito ng
mga mineral tulad ng limestone, nickel,
copper, at gold. Kinakailangang putulin
ang mga puno upang maging maayos
ang operasyon ng pagmimina.
Nagdudulot din ng panganib sa
kalusugan ng tao at ng iba pang
nilalang sa kagubatan ang mga kemikal
na ginagamit sa pagpoproseso ng mga
nahukay na mineral. Ayon sa DENR,
mayroong 23 proyekto ng pagmimina
ang matatagpuan sa kabundukan ng
Sierra Madre, Palawan, at Mindoro
sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas, kautusan,
programa at proyekto na isinagawa sa Pilipinas mula sa pagtutuluungan ng
pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan ang
kagubatan. Makikita ito sa timeline na nahahati sa tatlong bahagi: ang una ay
noong panahon ng pananakop mula (1910-1945); panahon matapos ang
digmaan (1946-mid 1970s), at 1970-hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
impormasyon sa timeline na ito ay hango sa aklat na pinamagatang One
century of forest rehabilitation in the Philippines (Chokkalingam et al., 2006),
sa ulat na pinamagatang Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement
(Oliva, 2007) at sa opisyal na website ng Forest Management Bureau.
3. Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke,
Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas
bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil
mas lumalakas,
dumadalas, at nagiging unpredictable ang
pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan
sa Pilipinas dahil sa climate change.
Ano nga ba ang Climate Change?
Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change
(2001), “Climate change is a statistically significant
variation in either the mean state of the climate or in its,
variability, persisting for an extended period (typically
decades or longer). It may be due to natural internal
processes or external forcing, or to persistent
anthropogenic changes in the composition of atmosphere
or in land use.”
•Nagkakaroon din ng
suliranin sa karagatan dahil
sa tinatawag na coral
bleaching na pumapatay sa
mga coral reef na siyang
tahanan ng mga isda at iba
pang lamang dagat,
nagdudulot din ito ng
pagbaba sa bilang ng
nahuhuling mga isda at
pagkawala (extinction) ng
ilang mga species.
Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang
panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala
ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit
ang produksiyon ng sektor ng agrikultura dahil sa
pagkasira ng mga kalsda, bodega, mga kagamitan sa
pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga
palaisdaan, at pagkamatay ng mga magsasaka at
mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga
nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera
dahil sa pabago-bagong panahon at
matinding init
Man-made Disaster
a. Sunog
b. Epidemya
c. Deforestation
d. Polusyon
e. Digmaan
f. Aksidente
f. Oil spill
ARALING
PANLIPUNAN
SEPTEMBER 6, 2023
IKALAWANG PAGSUSULIT

1. Anong man made disaster na itinatalaga


tuwing Marso?
A. Disaster Management
B. Fire Prevention Month
C. Fair Prepareness Month
D. Risk reduction management
2. Ano ang magiging epekto ng illegal logging sa ating kapaligiran?

A. Nagsasagawa ng kaingin ang mga lumilipat sa kagubatan.


B. Apektado ang kagubutan sa pagmimina dahil kadalasan dito
matatagpuan ang deposito ng mga mineral.
C. Mabilis na pagtaas ng populasyon.
D. Nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil
erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop.
3. Ano ang isa sa mga dahilan ng deforestation sa
Pilipinas?
A. Illegal na pagmimina
B. Pagtatapon ng basura
C. Solid waste
D. Suliranin sa kagubatan
4. Ito ay mabilis na pagkalat ng
nakakahawang sakit sa komunidad.
A. Aksedente
B. Epidemya
C. sunog
D. illegal Logging
5. ito ay isang man made disaster kung saan
nagkakaroon ng karumihan o pagiging hindi
malinis ng kapaligiran.
A. Polusyon
B. Deforestation
C. Epidemya
D. Sunog
6. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Climate Change?
A. Dahil sa pagpatuloy ng pag-init ng daigdig o global
warming dahil sa mataas na konsentrasyon ng Carbon
Dioxide sa atmosphere.
B. Dahil sa pagtatapon ng mga basura sa dagat at ilog
C. Dahil a mataas na suliraning pangkapaligiran
D. Dahil sa pagpuputol ng puno sa gubat
7. Ito ay tinatawag na coral bleaching na
pumapatay sa coral reef. Anong suliranin ang
tawag dito?
A. Suliraning sa Karagatan
B. Suliraning Tubig
C. Suliraning Lupa
D. Suliraning Mineral
8. Alin sa mga sumusunod ang patuloy na pagliit ng
forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay
naging 6.43 milyong ektarya noong 2003?

A. Yamang Kagubatan
B. Yamang Lupa
C. Yamang Mineral
D. Yamang Tubig
9. Ito ay ang paggamit ng puno bilang
panggatong. Isang Halimbawa ay ang paggawa
ng uling, Ano ang tawag sa deforestation na
ito?
A. Fuel Wood Harvest
B. Migration
C. Pagmimina
D. Pagtaas ng Populasyon
10. Sa anong taon nilagdaan ang
Executive order No. 193?
A. 2011
B. 2013
C. 2015
D. 2017

You might also like