You are on page 1of 52

MGA

NAPAPANAHONG
ISYU LOKAL AT
NASYONAL
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Geiann Yviff B. Velasco
Kaakibat ng modernisasyon ang pagsulpot
ng maraming suliranin tulad ng pagkawasak
ng kalikasan, paglobo ng populasyon,
pagtindi ng kahirapan, paglawak ng agwat
sa pagitan ng mayayaman at mahihirap,
paglala ng kriminalidad, at iba pa.
1. Ang Sistemang Ekonomiko ng
Pilipinas sa Kasalukuyan
■ EKONOMIYA – sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay
ng isang bansa. Kabilang ang trabaho, puhunan at mga
pinagkukunang lupain.
■ SUPPLY at DEMAND
■ IMPORT at EXPORT
■ NEOKOLONYAL – Isang sistemang ekonomikong nakadepende sa mga
dayuhang mamumuhunan at kanilang mga local na kasosyo, isang
sistemang ekonomiko na pinakikinabangan lamang ng iilan at
nabigong maghatid ng malawakang kaunlaran sa buhay ng mga
mamamayan.
■ Sa mga nakalipas na taon, mas marami pa ring
iniimport kaysa ineeksport ang bansa, at kapansin-
pansin na ang mga pangunahing eksport ng bansa
ay pawang mga hilaw na materyales o kaya’y semi-
processed goods sa halip na mga kompletong
produkto tulad ng kompyuter at kotse.
■ Malaya ring nakakapagnegosyo ang mga dayuhan sa
bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang
pagmamay-ari sa napakaraming minahan sa bansa
na pinapayagan ng Mining Act of 1995.
■ Ayon kay Papa Francisco, maituturing na
“Ekonomiya ng Ekslusyon” ang sistemang
ekonomiko ng Pilipinas sapagkat, hindi kasali, hindi
saklaw ng kaunlaran at paglago ng ekonomiyang ito
ang malaking porsiyento ng mahihirap na
mamamayan.
■ Sa pananaw naman ni Alejandro Lichauco, umiiral
ang “Economic Underdevelopment” sa bansa
(1988). Ito’y tumutukoy sa kawalang-kakayahan ng
isang bansa na “likhain ang mga kasangkapan sa
produksyon..”
2. Kahirapan sa Pilipinas
■ Poverty Threshold – minimum na kitang kailangan para matustusan
ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino
na may limang miyembro.
■ Ayon sa United Nations (UN) sa 2017 Human Development Report
(HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa
talaan ng 188 bansa sa buong daigdig na iniraranggo ng
pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng Human Development
Index. Ang Pilipinas ay ika-99 sa HDI noong 2010, ika-77 noong 2000
at ika-66 naman noong 1990.
■ Batay sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY) ay
30,000,000 Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o
urban poor.
■ Ayon sa PSA noong Enero 2018, 5.3% 0 2.33 milyong Pilipino ang
walang trabaho at 18% naman o 8 milyon ang underemployed.
Sanhi at Bunga ng Kahirapan:
1. Kasakiman
2. Korapsyon
3. Disempleyo o Kawalan ng trabaho
4. Kakulangan sa edukasyon
5. Paglobo ng populasyon
6. Kolonyal na kaisipan
3. Unemployment: May Solusyon Ba?
■ Unemployment vs. Underemployment
Uri ng Unemployment:
1. Voluntary
2. Frictional
3. Casual
4. Seasonal
5. Structural
6. Cyclical
4. Ang Konsepto ng Sustenableng
Kaunlaran
■ Binibigyang-diin ng konseptong ito na ang
magandang kinabukasan ng sangkatauhan ay
nakasalalay sa pagpapanatili ng isang sustenableng
ekonomiya na hindi nakakasira o kaya’y limitado
lamang ang impact sa kalikasan. Ang kapakanan ng
sangkatauhan at kapakanan ng kalikasan ay
magkarugtong at hindi mapaghiwalay.
Mga Hamon sa Sustenableng Kaunlaran:

■ Mabilis na paglobo ng populasyon ng daigdig.


Bunsod nito, lalong lumalaki ang
pangangailangan para sa mas maraming
mapagkukunan, bagay na maaaring lalong magpabilis
sa pagkawasak ng kalikasan o kaya’y di sustenableng
paggamit sa mapagkukunan.
■ Kahirapan
Para malutas ito, kinakailangang gamitin ng mga
mamamayan ng daigdig ang likas na yaman sa kani-
kanilang bansa. Ang pagmimina at iba pang industriya
na nakakapinsala sa kalikasan ay nakapagbibigay
naman ng trabaho sa mga mamamayan at
nakatutupad din sa mga pangangailangan ng
sangkatauhan.
■ Hindi maayos na alokasyon o distribusyon ng
mapagkukunan.
Isang hamon sa sangkatauhan ang
pagbabalanse sa pangangailangang lumikha ng
trabaho at gamitin ang mga likas na yaman ng mundo
sa isang banda, at ang pangangailangang isalba ang
kalikasan sa tuluyang pagkawasak sa isa pang banda.
■ Konsumerismo
Ito ay ang labis na pagkonsumo sa iba’t ibang
produkto na lagpas sa kinakailangan, at lagpas sa
antas na sustenable para sa kalikasan.

■ Pagkakaroon ng Sustenableng Enerhiya


Sa kasalukuyan, malaking porsiyento ng enerhiya
ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang
pinatatakbo ng uling, petrolyo, at iba pang fossil fuel
na nakasisira sa kalikasan kapag sinusunog.
■ Inequality sa kalusugan
Batay sa estadistika, relatibong mas malulusog
at mas mahahaba ang buhay ng mga nasa mauunlad
na bansa kaysa mga nasa mahihirap na bansa.
Bunsod nito, mas nakahantad o exposed sa iba’t ibang
sakit ang mga nasa mahihirap na bansa. Sila rin ang
pinakanaaapektuhan ng malulubhang epidemya sa
mga nakaraang dekada dahil ang kanilang sistemang
pangkalusugan ay mahina at maliit lamang ang pondo.
5. Ang Hamong Kaugnay ng Climate
Change
■ Ang pagtaas ng temperature ay bunga ng pagtaas
ng greenhouse gas emission sa atmospera sa mga
nakalipas na dekada dahil sa industriyalisasyon ng
ngayo’y mauunlad na bansa sa Kanluran at
umuunlad na bansa sa Silangan. Ang mga
greenhouse gas emission ay nakahahadlang sa
pagsingaw ng init na dulot ng araw.
Epekto ng Climate Change:
a. Mas uminit ang temperature lalo na sa mga lugar
na tropikal.
b. Humahaba at lumalala ang panahon ng tagtuyot sa
ibang lugar.
c. Lalong naging malalakas ang bagyo na
nagbubunsod ng malawakang pagbaha.
d. Umuulan na ng yelo sa ilang lugar.
e. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat dahil sa
pagkalusaw ng yelo sa rehiyong Arktiko.
■ Epekto ng Climate Change sa Aspektong Pang-
Ekonomiya:
1. Global na pagtaas sa presyo ng mga karaniwang
pagkain.
2. Mataas na gastusin sa disaster risk response at
mitigation.
3. Posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng
mundo kapag ganap nang ipinatupad ang mga
kasunduan sa paglimita sa greenhouse gas
emission ng bansa.
■ Dahil sa Climate Change, unti-unting nauunawaan
ng tao na ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat
maging bahagi rin ng mga salik sa kaunlaran,
sapagkat walang saysay ang anomang paglago sa
ekonomiya kung wawasakin lang nito ang pagiging
sustenable.
Tugon ng Pilipinas sa Climate Change:
■ Isinabatas ng Pilipinas ang Batas Republika Bilang
9729 o Climate Change Act.
Itinatadhana ng nasabing batas ang pagtatag ng
Climate Change Commission sa ilalim ng Tanggapan
ng Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno
na magtatakda ng mga patakaran at magsisilbing
tagapag-ugnay, tagamonitor, at tagasuri ng mga
aktibidad ng pamahalaan.
■ Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing patakaran
ng pamahalaan: ihanda ang mga komunidad sa mga
epekto ng climate change at mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga komunidad na makarekober
agad sa mga epekto nito.
6. Polusyon sa Tubig, Hangin at Lupa
– Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga
contaminant tulad ng kemikal o anupamang bagay na
bumabago sa kalagayan ng likas na kapaligiran, at
kung gayo’y karaniwang may negatibong epekto.
■ Polusyon sa Tubig – nagdudulot ng kontaminasyon
ng mga pinagkukunan ng tubig ng mga
mamamayan, bukod pa sa kontaminsayon ng mga
anyo ng tubig na pinagkukunan ng kabuhayan ng
mga mangingisdang Pilipino.
Sanhi:
a. Kawalan ng liquid waste treatment facilities ng
ilang mga pabrika
b. Mga informal settler o squatter
c. Sewage System
d. Pagmimina
■ Polusyon sa Hangin – sanhi ng pagdami ng
insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso ng
mga Pilipino. Pinakamalaki ang polusyon sa hangin
sa mga lugar na urban tulad ng Metro Manila.
Sanhi:
a. Mga sasakyan (65%, ayon sa 2006 National
Emission Inventory ng DENR)
b. Stationary Sources tulad ng mga pabrika at
planta ng koryente na gumagamit ng coal at
petrolyo (21%)
■ Polusyon sa Lupa – tumutukoy sa kontaminasyon ng lupa sa
pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng
lupa at pagtagas ng mga dumi o kemikal sa ilalim ng lupa.
Nagbubunsod ng pagbaba ng produktibidad ng lupa para sa
agrikultura.
Sanhi:
a. Mula sa mga industriyang illegal na nagtatambak ng
basura
b. Dumi ng hayop
c. Pagtagas ng dumi ng tao mula sa mga poso negro
d. Operasyon ng mga minahan
e. Pagtagas ng nakalalasong likido mula sa mga tambakang
walang pasilidad ng treatment
f. paggamit ng mga pestisidyo na may nakalalasong kemikal
7. Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng
Pagkasira ng Kalikasan, Pakinabang
sa Iilan
■ Bagama’t nakakapag-ambag nang kaunti sa
ekonomiya ng bansa, dapat bigyag-diin na
nagdudulot din ito ng maraming suliraning
panlipunan at pangkalikasan gaya ng:
a. dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na
karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang ninuno o
ancestral domain
b. mga aksidente sa pagmimina
■ Ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng
natural na habitat o tirahan ng mga hayop,
pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na
dulot ng mga tumagas na kemikal sa minahan,
pagkawala ng natural na taba ng lupa, peligrong
bunga ng mga estrukturang tulad ng dam na
maaaring magdulot ng biglaang pagbaha, polusyon
dahil sa pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng
minahan, pagtagas ng petrolyo mula sa mga
makinarya at iba pang aparato, pagtagas ng mga
kemikal sa waste treatment facilities, pagbuga ng mga
makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na
dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at paglabas
ng methane mula sa mga minahan.
8. Deforestation, Mabilis na
Urbanisasyon at Iba pa
■ Mabilis na urbanisasyon
■ Legal at illegal na pagtotroso
■ Pagkakaingin
■ Pagmimina
■ Mga sunog sa kagubatan
■ Ayon sa DENR, tatlong-kapat (3/4) ng archipelago
ang kagubatan. Noong 1988, sang-kapat (1/4) na
lamang ng bansa ang kagubatan.
■ Ayon naman sa Food and Agriculture Organization
(FAO), humigit kumulang sa 7,665,000 ektarya na
lamang ng bansa ang kagubatan. Batay rin sa datos
ng FAO, halos 54, 750 ektarya ng kagubatan ang
nawal sa bansa bawat taon mula 1990 hanggang
2010.
■ Mining Act of 1995 – naging mas malawakan ang
deforestation dahil sa pagmimina ng mga
korporasyong nagmimina na namumutol ng puno sa
mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon.

■ Jathropa – isang halaman na nakapagpoprodyus ng


biofuels na isa sa mga nakasisira sa likas na
kalagayan ng mga kagubatan.
■ Urbanisasyon – tumutukoy sa paglawak ng
saklaw ng mga lugar na urban sa isang bayan o
bansa. Ayon sa World Bank noong 2017, maaaring
umabot sa 102 milyong Pilipino ang nakatira sa mga
lugar na urban pagdating ng 2050.
Sanhi:
a. konsentrasyon ng debelopment ng
imprastruktura,
b. trabaho; at
c. industriya
9. Basura, Baha at Iba pang
Problema
■ Maaaring Solusyon:
1. Waste Management o paglimita, pagbabawas
2. Wastong pagtatapon ng mga basurang likido
at solido
■ Segregasyon:
Nabubulok
Di-nabubulok
Di-nabubulok ngunit di-nairerecycle
Kemikal
Lason
Hospital Waste
■ Ayon kay Ma. Theresa Oliva, program officer ng
Environmental Studies Institute ng Miriam College,
limang “E” ang kailangan upang makapagplano ng
maayos na waste management ang bawat
komunidad:
Education
Engineering
Enterprise
Enforcement
10. Globalisasyon: Isang
Depinisyon
■ Globalisasyon – tumutukoy sa proseso ng
malayang pagpapalitan ng mga produkto, kultura at
kaalaman ng mga bansa.
Ang Alamat ng Globalisasyon
■ May mga historyador na nagsasabing ang
globalisasyon ay nagsimula noon pang sinaunang
panahon ng malalaking imperyo tulad ng Imperyong
Roman, Persian, Greek at Tsino.
■ General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) –
naging pormal ang modernong kalakalan na malao’y
naging pormal na organisasyong tinatawag na World
Trade Organization (WTO), 2014.
■ Sa pamamagitan ng GATT, sinimulan ng maraming
bansa ang proseso ng pag-aalis sa mga restriksyon
at limitasyon sa malayang kalakalan. Halimbawa,
mula noong dekada ‘90 ay unti-unti nang inalis ang
mga taripa o buwis sa maraming angkat na
produkto. Sa pamamagitan nito, naging mabilis ang
pagpapalitan ng mga produkto, bagay na nagpalago
sa ekonomiya ng maraming bansa. Gayunpaman,
tila lugi sa ganitong kalakaran ang mga bansang
hindi industriyalisado o mga bansang agrikultural.
■ International Monetary Fund (IMF) – ang
nagpapautang ng salapi sa mahihirap na bansang
kasapi ng United Nation (UN) para sa mga
proyektong pangkaunlaran tulad ng patubig o
irigasyon, imprastruktura at iba pa. Subalit ang mga
institusyong ito ay nagpapautang nang may
kondisyon tulad ng pagpapataw ng mataas na
interes, paniningil ng bago o mas mataas na buwis
at pagtitipid sa mga serbisyong panlipunan.
■ United Nation (UN) – itinatag ng mga bansa ang UN
bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng
kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig pagkatapos ng
mapaminsalang digmaan na kumitil sa milyon-milyong
buhay at nagwasak sa bilyon-bilyong dolyar na halaga
ng ari-arian.
■ UN General Assembly (UNGA) - nagkaroon ng
estruktura ang isang entidad na may limitadong
kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng mga
bansa sa daigdig. Ang UN ay kumikilos sa
pamamagitan ng isang General Assembly tuwing
Setyembre.
■ UN Security Council (UNSC) – may kapangyarihang
patawan ng parusa ang mga bansang lumalabag sa
parusa ang mga bansang lumalabag sa mga
tuntunin ng UN. May kapangyarihan din ito na
atasan ang mga kasaping bansa ng UN na
magpadala ng tropa sa mga bansang
nangangailangan ng tulong para mapanatili ang
kapayapaan at seguridad.
Iba pang ahensyang pandaigdig na nasa ilalim ng UN:

■ UNESCO
■ International Labor Organization (ILO)
■ Food and Agricultural Organization (FAO)
■ World Health Organization (WHO)
11. Migrasyon: Problema o
Solusyon?
■ Ito ay ang pangingibang-bayan para magtrabaho. Ito
ay maaari din naming maganap sa loob ng bansa
lamang. Sa ganitong sitwasyon, ang mga
mamamayan mula sa mas mahihirap na lugar ay
lumilipat sa mga relatibong mas mauunlad na lugar
kung saan inaakalang mas madaling makakuha ng
trabaho.
■ Migrasyong eksternal at Migrasyong internal
■ Sa unang tingin, malusog ang ekonomiya ng
Pilipinas batay sa GDP, ngunit malalantad ang
kahinaan nito kapag sinipat ang paghina ng sector
ng pagmamanupaktura sa mga nakaraang taon
kasabay ng paglawak ng pag-asa ng ekonomiya sa
remittance ng mga OFW.
■ Ang malaking remittance ng mga OFW ay
nagsisilbing salbabida ng sisinghap-singhap na
ekonomiya ng bansa, ngunit ito’y itinataguyod
habang kinalilimutan ang sektor ng industriya na
may potensyal ding mag-ambag sa paglago ng
ekonomiya.
■ Mga Panlipunang Epekto ng Migrasyon:
a. “exodus” ng mga nars, kasama na ang mga
dating doktor
b. malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan
c. de-skilling ng mga propesyunal
d. negatibong impact ng migrasyon sa mga
pamilyang Pilipino lalo na sa mga bata
12. Mga Isyung Politikal:
Kontemporaryong Sistemang Politikal
ng Pilipinas
■ Naging batayan ng ilang istoryador at ekonomista
tulad nina Renato Constantino, Edberto Villegas at
Alejandro Lichauco para sabihing ang sistemang
political ng bansa ay malakolonyal o kaya’y
neokolonyal.
Mga Porma ng Korapsyon
■ Sa simpleng pahayag, katiwalian ang anumang transaksyon
na gumagamit ng salapi ng bayan para sa personal na
kapakinabangan.
■ Karaniwang porma nito ang pandarambong sa
pamamagitan ng:
a. overpriced
b. kaya’y mga proyektong pinondohan nang malaki
ngunit hindi natapos o kaya’y hindi talaga naitayo
c. malversation o paggamit ng pondo ng gobyerno sa
alinmang bagay na hindi awtorisado
d. paggasta para sa pagbili ng standard na
materyales na regular ang presyo
e. pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa
pamamagitan ng pekeng proyekto
f. pagtanggap ng anumang anyo ng suhol mula
sa indibidwal
Ugat ng Korapsyon
■ Kung susuriin ang kasaysayan ng
bansa, maaaring sa Español
nagsimula ang korapsyon. Nang
masakop nila ang Pilipinas,
ipinaubaya sa mga dating datu, rajah
at iba pang Maharlika ang
mabababang posisyon sa gobyerno
gaya ng pagiging cabeza de barangay
na ang pangunahing tungkulin ay
maningil ng buwis.
■ Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano, ang karapatang maghalal at mahalal ay
maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang
may edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong
tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa
kapangyarihang political sa panahong iyon, bagay na
nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Mga Dinastiyang Politikal
■ Ayon kay Prop. Dante Simbulan sa kanyang aklat na
“The Modern Principalia: The Historical Evolution of
the Philippine Ruling Oligarchy” (2007) sa kanyang
pananaliksik na sumasaklaw mula 1946 hanggang
1963, may 169 na dinastiya sa Pilipinas na
pinagmulan ng 584 opisyal ng gobyerno, kasama na
ang 7 president, 42 senador at 147 kinatawan sa
Kongreso.
Mga Bunga ng Korapsyon
■ Kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong
mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t
ibang sangay ng pamahalaan.
■ Pagliit ng pondo na maaaring magamit ng
pamahalaan para sa mga serbisyong panlipunan
gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon at
kalusugan.
■ Kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa.
Mga Solusyon ng Korapsyon
■ House Bill 3413 – Anti-Political Dynasty na co-
authored ng mga partylist na Bayan Muna, Gabriela
Women’s Party, Anakpawis, Kabataan at ACT
Teachers
■ Anti-Dynasty Bill – pagsuporta sa mga grupo ng mga
ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika.

You might also like