Professional Documents
Culture Documents
Sa araling ito layunin na talakayin ang kalagayan ng mga maralitang Pilipino tulad
ng mga manggagawang kontraktwal, mga drayber ng jeep at motorsiklo, magsasaka, mga
tindero at tindera, mga out-of-school youth at iba pa sa panahon ng globalisasyon. Aalamin
ang kanilang pang-araw-araw na sitwasyon at ang mga programa ng gobyerno para sa
kanila.
Introduksyon
Ang pagbabagong nagaganap sa ating mundo bunsod ng globalisasyon ay
malaki ang naidudulot sa pagpapaunlad ng bawat bansa. Ang malaking pagbabagong ito ay
kaakibat sa urbanisasyon at modernisasyon ng lipunang ginagalawan ng mga tao. Mayroong
mabuti at masamang epekto ang globalisasyon na maaaring makatulong o makasira sa ating
bansa at mamamayang Pilipino ngunit higit na ipinagpatibay ang kaayusan at kapakanan
ng bawat isa.
Abs traksyon
Sa loob ng mahigit tatlong dekada, mula 1960 hanggang 1996, naging mabilis ang
‘urbanisasyon’ sa Pilipinas bunsod ng globalisasyong nagaganap sa buong mundo, na
sinukat sa paglago ng populasyon sa kalunsuran nang humigit-kumulang 5% kada taon.
Pagdating ng 2000, ang populasyon sa kalunsuran ay lumalaki na ng 1 milyon kada taon.
Sa kabila ng ‘pag-unlad’ na ito, ang proporsyon ng mga pamilyang nasa kalunsuran na
nalulugmok sa kahirapan, o nasa ilalim ng sinasabing poverty line o threshold (ang
minimum na halaga na kailangan ng isang pamilya para masabing hindi sila mahirap), ay
15 porsyento. Lumala ang kahirapan sa bansa sa kabila ng pahayag ng gubyerno na may
pagunlad ang ekonomiya at bumubuti ang kalagayan. (Ayon sa Family Income and
Expenditure Survey or FIES noong 2006) ang mukha ng kahirapan ay makikita saanman—
mula sa mga magsasakang walang lupa sa kanayunan, mga manggagawang kontraktwal,
mga kabataang hindi nag-aaral at nasa lansangan, mga drayber ng mga jeep at motorsiklo,
mga tindera at tindero hanggang sa mga walang-trabahong naninirahan sa mga masisikip
na eskinita sa kalunsuran.
Mahalaga ang papel ng mga maliliit na mga magsasaka para tiyakin ang pagkain sa
gitna ng krisis. Sa pamamagitan ng likas-kayang pagsasaka gamit ang binhing katutubo at
mga pina-unlad na binhi, pinalalakas nila ang agrikulturang umaasa-sa-sarili. Sa
pamamagitan din ng pagpapalakas ng lokal na pamilihan, napapanatili nilang abot-kaya ang
mga produkto para sa mas maraming mamimili. At dahil lokal ang pagsasapamilihan,
napapanatili nilang sariwa bukod pa sa pagiging ligtas sa kemikal na pestisidyo, GMOs at
sakit gaya ng African Swine Flu at Bird flu. Dahil prayoridad sa lokal ang pagsasapamilihan
ng mga produkto, natitiyak din ng mga magsasaka ang kaseguruhan sa pagkain ng
komunidad.
Dahil dito, apektado na rin ang pag-aangkat ng kanilang mga produkto. Ang
madalas na nangyayari ay ibinibenta na lang nila sa murang halaga ang kanilang produkto
o ani at kaunting-kaunti na ang balik sa kanilang pinangkapital sa pagsasaka. Isa rin sa mga
naging epekto nito ay ang kakulangan sa suplay dahil na rin sa kulang ang pampondo ng
pagsasaka kung kaya apektado na rin ang presyo ng mga produkto sa palengke dahil
pinatataas ng mga tindero at tindera ang presyo.
Sa parte naman ng mga tindero at tindera, nakadepende lang din sila sa binibentang
suplay ng mga magsasaka dahil kapag naubusan sila ng paninda at wala pang suplay ng
produkto, wala rin silang maibebenta.
Ang out-of-school youth ay tumutukoy sa mga kabataang may edad 14-21 na hindi
nakapagtapos ng high school dahil sa iba’t ibang dahilan. Ayon sa ulat ng Alliance of
Concerned Teachers (ACT) umaabot na sa 3.3 milyong kabataan ang hindi na nag-aaral
noong taong 2008. Maraming kabataan ang palabuy-laboy lamang sa kalsada at
namamalimos samantalang ang iba pa ay nagpapatulo na ng pawis sa pagtatrabaho sa mga
pabrika, pagawaan ng muwebles, tindero at tindera sa palengke at marami pang iba.
Karamihan ay napilitang magtrabaho para makatulong na sa kanilang mga magulang. Sa
halip na ang mga oras nila ay ginugugol sa loob ng eskuwelahan, ang pagtatrabaho sa bukid,
dagat at pabrika ang kanilang inaatupag. Hindi sila kakain kung hindi magtatrabaho.
(CHED) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10931 o ang
Universal Access to Quality Tertiary Education Act at nang sumunod na taon, libre na ang
tuition at matrikula sa pang-gobyernong paaralan sa kolehiyo. Sa ilalim ng RA 10931,
sakop na nito ang mga bayarin sa matrikula sa 112 state universities and colleges, 78 local
universities and colleges at sa lahat ng technical-vocation education and training o TVET
programs na naka-rehistro sa Technical Education and Skills Development Authority o
TESDA. Sakop din sa sasagutin ng Free College Law ang miscellaneous fees at iba pang
bayarin ng estudyante na may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Dalawang taon mula nang
maisabatas ito, unti-unting nagkaroon ng interes at pag-asa ang mga kabataan na
magpatuloy sa pag-aarala ng kolehiyo at unti-unti ring nabawasan ang bilang mga out-of-
school youth at mga kabataang manggagawa.
MODYUL 5 - Aralin 6
Gawain at Pagsasanay
Gawain 1
Punan ng mga salita na may kaugnayan sa sentrong kaisipan upang mabuo ang
isang diagram. Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa isa’t isa sa isang maikling sanaysay.
Maral itang Pi li pi no