You are on page 1of 9

PAMBANSANG SERBISYO SA MAMAMAYAN:

Kalagayan ng Serbisyong Pabahay, Pangkalusugan,

Transportasyon at Edukasyon Layunin


Sa araling ito layunin na talakayin ang kalagayan ng mga serbisyo ng
pamahalaan para sa mamamayang Pilipino. Tatalakayin ang mga
programang panggobyerno para matulungan ang mga Pilipinong walang
kakayahang suportahan ang mga pangangailangan para mapaunlad ang mga sarili.

Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ang mga estudyante na:


• Makaaalam sa mga serbisyong pampubliko ng gobyerno na maaari nilang
magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay
• Makaaalam sa kalagayan ng serbisyong ibinibigay ng gobyerno para sa mga
Pilipino
• Makapagbibigay suhestiyon para mapabuti at mapaunlad ang mga serbisyong
pampubliko.

Introduksyon
Bahagi ng karapatang-pantao ang pagkakaroon ng maayos na pamumuhay sa
bansang kanyang kinalakhan. Bilang mamamayan na nagbabayad ng buwis, may
karapatan tayo na gamitin at magkaroon ng access sa mga programang inihanda ng
gobyerno sa atin. Kabilang sa mga programang ito ay ang libreng pabahay para sa mga
walang matitirhan o walang kakayahang magpatayo ng sariling bahay, serbisyong
pangkalusugan para sa lahat, maayos na transportasyon at programang pang-edukasyon
para sa lahat ng mga gustong mag-aral.

A bstr ak syon

Ang Pilipinas ay kasalukuyang humaharap ng sanda-makmak na mga isyu ukol


sa m g a s u l i r a n i n g p a n l i p u n a n , i l a n s a m g a i t o a y a n g a n t a s n g p a b
a h a y , pangkalusugan, transportasyon at edukasyon.
SERBISYONG PABAHAY
Isa sa mga pilit na tinutuganan ng ating pamahalaan ang serbisyong pabahay para
sa mga mamamaya. Sa pagdami ng populasyon ay batid natin na marami pa ang
mangangailangan ng tahanan pagdating ng panahon. Ang mga isyu ukol sa mga pabahay
ay masasabi natin dapat tugunan ng ating pamahalaan. Pangunahin na rito ang mga
biktima ng kalamidad na hangangsa ngayon kung di man nakatira sa mga tent ay mga
walang sariling tahanan at napipilitang makitira sa mga kamag-anak. Ang isyung ito ay
mas masidhi sa mga urban areas ng bansa kung saan mabilis na tumataas ang populasyon.
Ayon sa “Developing a National Informal Settlements Upgrading Strategy for the
Philippines” isang pagsusuri ukol informal settlements sa bansa noong 2014, ang ating
bansa ang isa sa mga pinakamabilis sa Asya pagdating sa urbanisasyon. Maliban sa Metro
Manila, may lima pang lungsod sa bansa na may populasyon na umaabot sa 750,000. Ito
ay Cebu na may 2.3 million ang populasyon; Davao na may dalawang milyon; Cagayan
de Oro, na may 1.1 million; Angeles City na may .97 million; at Metro Iloilo-Guimaras,
na may

0.79 million. Ayon sa pagsusuri, 80% ng ating GDP ay mula sa mga lugar na ito.
Sa Batas Republika bilang 7279 ng Saligang Batas ng Pilipinas na may pamagat
na ISANG BATAS NA MAGTATADHANA NG ISANG KOMPREHENSIBO AT
PATULOY NA PROGRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG KALUNSURAN AT
PABAHAY,MAGTATATAG NG MEKANISMO PARA SA PAGPAPATUPAD NITO,
AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN, naghahandog ang gobyerno ng mga
programang tutugon sa mga Pilipinong walang bahay na matitirhan. Dahil dito, may
pagkakataon ang mga mamamayan na magkaroon ng disenteng tirahan kahit pa wala
silang kakayahang makapagpundar ng sariling bahay dahil sa estado ng kanilang
pamumuhay. Nungit ang tanong, sino-sino ang mga nararapat bigyan ng pribilehiyo ng
programang pabahay?

Nakasaad sa Batas Republika bilang 7279 na: Ang "Mga kapus-palad at


walang-tirahang mamamayan" ay tumutukoy sa mga benepisyaryo ng Batas
na ito at sa mga indibidwal o pamilyana naninirahan sa lungsod o
malalungsod na mga lugar na ang kita o pinagsamang kita ng pamilya ay
napapaloob sa hanggahang-antas ngkahirapan (poverty threshold) na
itinakda ng National Economic Development Authority at hindi nagmamay-ari
ng mga pasilidad ng pabahay. Dito ay kasama ang mga nakatira sa mga
pansamantalang tirahan at walang seguridad ng pagmamay-ari.

Malinaw na nakasaad sa batas na ang mabibigyan ng pagkakataon na maging


benepisyaryo ng programang pabahay ay ang mga mahihirap na walang kakayahang
makapagpundar ng sariling tirahan at pansamantalang nakatira sa walang seguridad ng
pagmamay-ari. Batay sa isang report ng Commission on Audit noong 2018, nasa mahigit
190,000 housing units na ang naipatayo ng National Housing Authority para sa mga pulis,
sundalo, informal settlers at maging sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ang masaklap,
sa nabanggit na bilang, halos 40 porsiyento lang ang may nakatira, ang iba nasa 60
porsiyento, nakatengga at bakante lang. Sa gitna na malaking kontribusyon na ito, lantaran
din naman ang pagdami ng mga informal settlements o homelessness.Sinasabing nasa
mga 1.5 million o 15% ng ating urban population ay informal settlers. Bakit nga ba,
mataas ang bilang ng informal settlements sa ating mga urban areas?

Isa sa pinakamalaking rason dito ay kahirapan. Marami ang pumipiling tumira sa


mga informal settlements dahil malapit ito sa trabaho. Menos gastos sa pamasahe at miski
baon. Pangalawa, libre ang pagtira sa mga informal settlements. Sa ganitong paraan,
napapahaba ng mga informal settlers ang kanilang pisi. Isa ring mahalagang rason kung
bakit dumarami ang informal settlements ay ang kawalan ng maayos na urban planning.
Ang ating mga syudad ay hindi naging handa sa influx ng mga migrants at pagtaas ng
populasyon. Ang espasyo para sa mga tirahan ay nailalaan lamang sa mga may kaya.
Kaya nga hindi nakakapagtaka kung bakit sa pagitan at sulok ng mga magagarang
subdibisyon ay laging may nakasuksok na informal settlements. Ito ay ebidensya na hindi
abot kaya ang presyo ng pabahay, kaya’t kung ano mang maabot na lupa, titirikan na
lamang ng barong barong. Ang pagtanggi ng maraming mga informal settlers sa paglisan
ng kanilang tahanan kapag sila ay pinapa-alis ay hindi pagmamalaki. Kadalasan ang
pagtanggi na ito ay nangangahulugan ng survival. Marami sa mga informal settlers ay
lubhang mahirap at walang access sa mga batayang serbisyo pati na rin sa kapital, social
security, social networks o makakapitan, pati na rin kaligtasan mula sa mga panganib na
kaakibat sa pagtira sa mga danger-prone areas. Sa mga urban centers kung saan mabilis
ang buhay, ang eviction ay magdudulot pa ng sukdulang kahirapan. Ang dami ng mga
paraan upang maiayos ang ating mga informal settlements. Una maaring gawin ang slum
upgrading kung saan inaayos ang disensyo at anyo ng mga slum areas. Maari ring
masubukan ang in-site o near-site relocation. Ang mga ito ay mga lohikal na hakbang.
Ang pagpapalayas kasi ng mga slum settlers ay hindi nakakatulong sa mga maralita. Ang
eviction sa kanila na walang maayoos na pabahay ay magdudulot lamang ng siklo ng
panibagong urban settlements. Alalahanin natin kaya sila nakatira doon ay para survival.
Hindi ito malayang pagpili. Ito ay resulta ng “no choice” bunsod ng kahirapan.

Maraming mga isyung kinakaharap ang programang pabahay ng gobyerno.


Gayunpaman, sinisikap ng ating pamahalaan na matugunan ang pangangailangang ito
para na rin sa seguridad ng bawat pamilyang Pilipino. Bahagi na ito sa pagpapalawak at
pagpapaunlad ng bansa upang higit na umangat ang pamumuhay ng lahat. Naniniwala
ang lahat na magiging mas masaya ang mamamayang Pilipino kung ang bawat pamilya
ay may maayos at maaliwalas na tahanan .

1. National Housing Authority (NHA) – ahensyang namamahala sa programa


sa pabahay lalo na sa walang-bahay na pamilya na mababa ang kita na may kakayahang
makuha ang kinakailangang serbisyong panlipunan at pang-ekonomiyang oportunidad at
mag-ambag sa pagtiyak ng pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo.

2. Home Development Mutual Fund (HDMF) – popular na tinatawag na


PAG-IBIG, ito ang ahensya sa pabahay na ang tungkulin ay magpondo ng pabahay at
paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga myembro nito.

3. National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) – mayor na


institusyon ng pamahalaan hinggil sa sanglaan (mortage) ng pabahay, at pamamahala sa
pinanggalingan ng pangmatagalang pondo lalung-lalo na mua sa Social Security System,
ang Government Service Insurance System, at ang Home Development Mutual Fund.

4. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) – kambal na


ginagampanan nito ang pagpapahusay at pagpapalakas sa rasyunal na pabahay at
serbisyong real estate sa pamamagitan ng tatlong estratehiya: patakaran, pagpaplano at
regulasyon, tulad ng isinasaad sa mga Dekretong.

5. Social Housing and Finance Corporation (SHFC) – isang institusyong


pinansyal na tungkuling maglaan ng pabahay sa mga kapuspalad na mamamayan sa
pamamagitan ng paglalaan ng abot-kayang pinansya sa pabahay, at makipagtulungan sa
mga multisektoral na stakeholder’s para para sa pagbuo at pagpapatupad ng makabago at
sustenableng programa sa panlipunang pabahay.

SERBISYONG PANGKALUSUGAN

Malaki ang pakinabang na nagagawa ng bawat indibidwal sa lipunan na kanyang


kinabibilangan. Ang kaalaman at lakas ng bawat isa ay malaki ang kontribusyon sa mas
matatag at maunlad na bansa. Nakasalalay sa tao ang pagbubuo ng desisyon para sa pang-
araw-araw na kahihinatnan ng kaniyang buhay at maging ng lipunang kaniyang
ginagalawan. Kaya naman mahalagang malusog ang kaniyang pangangatawan upang
malusog din ang kaniyang pag-iisip. Ito ay isinasa- alang alang ng pamahalaan upang
lubos na mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa pagbubuo ng
tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para sa maayos na pamamalakad at
kalagayan ng bansa.

Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan.


May mga programa para sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat. Ang
Department of Health (DOH) ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na
mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa malalaking programa ng kagawaran
ay ang National Health Insurance Program (NHIP). Ito ay ang Complete Treatment Pack
na pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit. Ang
Philippine Health Insurance (PhilHealth) ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang
lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong
pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan.
Maraming Pilipino ang nakikinabang sa programang Philippine Health Insurance
ng pamahalaan. Sa tulong ng Philhealth, maraming mamamayan ang nakapagpapagamot
at nabibigyan pa ng libreng gamot. Kasama rito ang libreng pagpapagamot sa mga sakit
na dengue, asthma, at katarata, maging sa malalalang sakit gaya ng kanser. Sa
pamamagitan ng NHIP, maipagkakaloob sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap, ang
mga serbisyong pangkalusugan, pag-iwas man ito sa sakit o paggagamot ng karamdaman.
Higit ding mapauunlad ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng DOH. Layunin
nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot
lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa. Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars, at
komadrona sa malalayong munisipyo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan
ng mga tao rito.

• Complete Treatment Pack.


Itinataguyod at higit pang pinalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna o
imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso.
Kasama pa rito ang pamamahagi ng mga bitamina gaya ng Vitamin A, iron, at iodine
laban sa sakit sa dugo at mata. Isinasagawa ang mga ito sa mga sentrong pangkalusugan o
health center na matatagpuan sa iba-ibang bahagi ng rehiyon. Malaking tulong ang
serbisyong ito dahil nababawasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata na kung
magkaminsan ay sanhi rin ng pagliban nila sa paaralan.

• Programa sa mga Ina at Kababaihan


Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ang pangangalaga sa
kalusugan ng mga ina. Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa sentrong
pangkalusugan ng mga nagdadalang-tao, libreng bitamina para sa kanila, at libreng
bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus. Hinihikayat din ang mga ina na regular na
magpatingin sa doktor sa mga health center na makikita sa maraming bahagi ng
komunidad. Kalakip pa rito ang libreng mga gamot na kailangan para sa kanilang mga
sakit. Maraming ina ang nakikinabang sa mga serbisyong ito.

• Programa Laban sa Iba pang mga Sakit


Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis ay madali nang malunasan sa tulong ng
programa ng pamahalaan laban sa sakit na ito. Maliban sa walang bayad ang
pagpapatingin, may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center para sa tuluyang
paggaling ng mga mamamayang may karamdamang ito. May programa rin sa
pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot sa human
immunodeficiency virus infection at acquired immune deficiency syndrome (AIDS).
Patuloy ang pangangalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na
tuwing nalalapit ang tag- ulan kung saan maraming mga bata ang nagkakasakit. Kasama
sa panlaban sa pagdami ng nagkakasakit na mga bata ang paglilinis sa kapaligiran tulad ng
pagbobomba kontra lamok na may dalang sakit.
TRANSPORTASYON
Isa sa mga pinaglalaanan ng malaking pondo ng pamahalaan ang pagpapaunlad
ng transportasyon at komunikasyon dito sa ating bansa. Ang programang
pangtransportasyon ng pamahalaan ay may layuning palawigin at paunlarin ang sistemang
pangtransportasyon upang mas mapadali ang mga transaksyon at ugnayan ng mga
mamamayang Pilipino personal man o hindi.

Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas o Department of Transportation


(DOTr) ay isang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na may
tungkuling mangalaga at magpalawak ng independente, mahusay, at maaasahang sistema
ng transportasyon at komunikasyon bilang epektibong kagamitan para sa pagkabangon at
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ilan sa mga ahensya ng pamahalaan na namamahala sa
sistema ng transportasyon ay ang mga sumusunod:

• Land Transportation Office (LTO)


• Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
• Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
• Maritime Industry Authority (MARINA)
• Philippine Coast Guard
• Philippine National Railways (PNR)
• Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila (MRT)
• Manila International Airport Authority (MIAA-NAIA)
• Mactan-Cebu International Airport Authority
• Philippine Ports Authority (PPA)
• Civil Aeronautics Board (CAB)
• Toll Regulatory Board (TRB)
Sa isang buong taon, humigi’t kumulang sa P50 bilyong piso ang inilalalaang
badjet para sa pagsasagawa at pagpapabuti ng sistemang pangtransportasyon sa buong
bansa. Sa kasalukuyan, unti-unting napapaunlad ang kalagayan ng transportasyon dahil na
rin sa proyektong Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon. Kabilang na rito
ang pagpapalapad ng mga kalsada, pagpapaayos ng mga tulay, pagpapabuti sa sistema ng
tren at paliparan at pagpapaunlad ng mga terminal.

PROGRAMANG PANG-EDUKASYON
Isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng buhay ng tao ang magkaroon ng
edukasyon. Walang sinuman ang hindi naghahangad ng edukasyon sa anumang aspeto at
larangan. Kasama ito sa mga pangarap na gustong makamit lalong-lalo na ng mga
kabataan. Ngunit ano nga ba ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas? Ano-ano ang mga
programa ng pamahalaan para sa edukasyon ng mga mamamayang Pilipino lalo na ang
mga kabataan?

Nakasaad sa Batas Republika 10533 na ang batayang edukasyon ay nilalayong


tugunan ang mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga
pundasyon na siyang pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng
kindergarten, elementarya, at mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng
alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral na out-of-school at sa mga may espesyal na
pangangailangan. Ang kindergarten ang unang yugto ng edukasyon, ang elementarya ang
ikalawang yugto at ang pangatlong yugto ang sekondarya na kung saan kinapapalooban
ng junior high school na apat na taon at dalawang taon sa senior high school bilang bahagi
ng programang K-12. Sa pagpapatupad ng sistemang ito, ang pangunahing wika o unang
wika ay tutukoy sa wika o mga wika na unang natutuhan ng isang bata, kung saan siya
nakauugnay, at kinikilala bilang isang katutubong wikang ginagamit niya sang-ayon sa
iba, na siyang pinakaalam niya, o pinakaginagamit. Kasama rito ang Filipinong sign
language [wikang de-senyas] na ginagamit ng mga indibidwal na may kaugnay na
kapansanan. Ang rehiyonal o katutubong wika ay tutukoy sa tradisyonal na uri ng
pagsasalita o uri ng Filipinong wikang de-senyas na naroon sa isang rehiyon, lunan, o
lugar.

Sa pagbubuo ng kurikulum, ang DepEd ay bubuo ng disenyo at mga detalye ng


kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon. Makikipagtulungan ito sa Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon o Commission on Higher Education (CHED) upang
magbuo ng magkaugnay na mga kurikulum sa batayan at tersiyaryong edukasyon para sa
kasanayang pandaigdig ng mga Pilipinong nagsisipagtapos. Upang matiyak ang
kahandaan sa kolehiyo at upang maiwasan ang remedyal o pag-uulit ng mga klase sa
batayang edukasyon, makikipag-ugnayan ang DepEd sa CHED at sa Pangasiwaan sa
Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA).

Upang makamit ang isang mabisang kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon,


magsasagawa ng mga konsultasyon ang DepEd sa iba pang mga ahensiya ng pambansang
pamahalaan at iba pang mga stakeholder gaya ng, bagaman hindi limitado sa, Kagawaran
ng Paggawa at Empleo (DOLE), Komisyon sa Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga
samahan ng mga paaralang pribado at publiko, mga pambansang organisasyon ng mga
mag-aaral, mga pambansang organisasyon ng mga guro, mga samahan ng mga magulang
at guro at mga samahang pangkalakalan sa mga bagay na makaaapekto sa mga naturang
sangkot na stakeholder.

Upang matiyak na natutugunan ng programa sa pinabuting batayang edukasyon


ang mga kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa
ang DepED at CHED ng mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa
pakikipagtulungan ng mga kaugnay na katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at
mga samahang di-pampamahalaan. Bahagi na rin ng programa ng pamahalaan ang
katiyakan na may trabahong maghihintay para sa mga magtatapos ng High School kung
hindi muna makakapag-aral ng kolehiyo. Sa mga mag-eenrol ng kurso sa kolehiyo, ang
pamahalaan ay naghahandog ng mga scholarship para sa mga interesadong estudyante.

You might also like