You are on page 1of 11

KORAPSYON:

Sistema ng Pagnanakaw sa Kaban ngBayan

Layunin

Sa araling ito layunin na maipaliwanag ang kontekstong kinapapalooban ng


korapsyon sa Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing isyung lokal at nasyonal ng ating
bansa. Tunguhin din sa araling ito ang maipaliwanag ang saklaw, uri, sanhi at epekto ng
korapsyon na nagaganap sa ating bansa.

Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na ang mga estudyante na:


• Maipaliwanag ang kahulugan ng korapsyon;
• Matukoy ang mga gawaing maaaring maging daan sa paglutas nito;
Maisa-isa ang mga uri ng korapsyon sa bansa.

• Malaman ang epekto ng korapsyon sa bansa;

Introduksyon
Isa sa pangunahing problema ng bansang Pilipinas ay ang talamak na kaso ng
korapsyon sa gobyerno, lokal man o nasyonal. Taon-taon, may iba’t ibang kaso ng
korapsyon ang inihahain sa korte at madalas na mga sangkot nito ay mga taong
nanunungkulan sa gobyerno at mga ahensyang sakop ng gobyerno. Nasa 30% ng badjet ng
Pilipinas ay nawawala taon-taon dahil sa korapsyon ng mga namamahala ng ahensya
kabilang na rito ang mga mga pulitikong may matataas na katungkulan. Ang mga
korapsyong ito ay tinatayang milyon at bilyong piso ang ninanakaw sa kaban ng bayan
hindi pa kasama ang mga nawawalang pera mula sa mga maliliit na ahensyang hindi
naiulat. Dahil dito, mas hinigpitan ang proseso ng pagbibigay ng pondo sa mga ahensya
upang malimita at makontrol ang iregularidad na pagpapalabas ng pondo.

Abs traksyon

Ang korapsyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan ng


integridad at katapatan sa usaping pinansyal ng isang organisasyon, ahensya at sektor ng
lipunan o pamahalaan . Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korapsiyon na
nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado
ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa
hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Maraming uri ng korapsyon at ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:

1. Pang-aabuso sa kapangyarihan

Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan


ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay
kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o
isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang
ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Ang Paglalako ng
impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng isang tao sa
pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga
pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay
nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga
kamag-anak o ilang mga indibidwal.

2. Pakikipagsabwatan

Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang


mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na
kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga
karapatang nito o magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa
pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan
sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo,
limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan
ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng
relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat
ng mga akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang
Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok sa
parehong panig ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto o
komoditad sa isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa
gayong ang presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng
pagkokontrol ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay
isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay
ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay
nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay ilegal sa karamihan
ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan na
karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa
mga nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan.

3. Pandaraya sa halalan

Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan.


Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng boto upang magdulot ng isang
resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga
katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante.

4. Pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa (Pandarambong)

Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa


pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na
pampubliko o pera ng taong bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa
anumang sariling paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang
opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay.
Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na
pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya,
mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o
iba pang mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa
masama sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal
na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng
hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng
pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan. Ito ay:

• Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal


ng mga pondong pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;

• Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo,


bahagi, persentahe, mga kickback o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping
pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang
kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o posisyon ng
pinatutungkulang opiser ng publiko;
• Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian
na pag-aari ng pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o
mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na
mga korporasyon at mga subsidiyario nito;

• Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang


mga bahagi ng stock, ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang
ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;

• Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial)


na mga monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan
na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o

• Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon,


kapangyarihan, ugnayan, koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang
payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o kapinsalaan ng madlang Pilipino at
Republika ng Pilipinas.

5. Panunuhol at pagtanggap ng suhol

Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng


tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang ang pag-aalok,
pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang
mga aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling
pampubliko pambatas. Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang
komisyon ay binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga
serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol sa
kadahilanang may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng
dalawang partido sa halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng
kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal na
gawain.

6. Pagtangkilik o Padrino (Nepotismo, Kronyismo, at Paboritismo)


Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta,
halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong
nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang
mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung
ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon
ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi
demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa
kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak
(nepotismo) o personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay
isang anyo ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring
samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang
negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga
regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang buong
estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo
nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at
minoridad ay hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy
network" kung saan ang mga hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay
napipili lamang mula sa isang malapit at eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga
alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa paghirang ng pinaka may
kakayahang kandidato.

7. Pangingikil
Ito ay madalas na ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga
kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo
mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang
opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga
dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga
serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

8. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis


Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga
nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng
mga angkop na buwis sa pamahalaan.
9. Mga ghost project at pasahod
Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi
umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na
tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance.
Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa
pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura
at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

10. Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata


Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng
mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o
pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na
makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan ang
pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay
magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit na halaga
ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang
mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang
persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang
presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal.

11. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa


Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may
kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa
prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat
kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal
o hindi natapos na proyekto.

Mula sa mga naitalang kaso ng korapsyon sa Pilipinas, ang pinaikamaugong at


malaking nakurap ay ang tinatawag na Pork Barrel Scam taong 2013 na kung saan tinawag
ng midya na “ina ng lahat ng scam”. Sangkot dito ang mga namamahala sa gobyerno tulad
ng mga senador at ilang mga personalidad na nanunungkulan sa gobyerno. Ang
pinakamamalaking kaso ng korapsyon na umugong sa bansa sa mga nakalipas na 20 taon
ay ang mga sumusunod:
• Coco Levy Fund Scam - scam na kinasangkutan ni Ferdinand Marcos at iba pa.
• Fertilizer Fund scam - scam na kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa
• 2011 Eskandalong Korupsyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas - Eskandalong
kinasangkutan ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
• NBN-ZTE Scandal - eskandalong kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at
asawa nitong si Mike Arroyo

Ang mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas ay itinuturo sa mga


sumusunod na paktor:

• Ang spesipikong kultura ng mga Pilipino nagpapalakas ng paglaganap ng graft at


korupsiyon. Ang mga malalakas na ugnayang pampamilya ay nagbibigay dahilan o
katwiran sa pagbibigay ng mga benepisyo sa mga hindi kwalipikadong tumatanggap
nito na napaka-ebidente sa pagbibigay trabaho at pagkakaloob ng mga kontrata. Ang
phenomenon na ito sa lipunan ng Pilipinas ay mapanganib na umaapekto sa
propesyonalismo, kaigihan at pagiging epektibo ng serbisyo sa pamahalaan gayundin
sa pagpapapatayo ng mga publiong imprastruktura at pagkakamit ng mga suplay at
materyal ng pamahalaan na minsang mababang uri at labis na mataas ang presyo.

• Ang kulturang Pilipino ng pagbibigay regalo ay nagbibigay katwiran sa paglalagay o


panunuhol at pangingikil na gumagawang mahirap para sa pagpapatupad ng batas at
mga ahensiyang anti-korupsiyon na sugpuin ang problema. Ang kasanayang
panlipunang ito ay gumagawang inutil sa batas na nagbabawal sa pagbibigay regalo at
kaya ay karagdagang nagpapalakas ng kasanayang korupsiyong ito.

• Ang mga ahensiya sa Pilipinas na inatasan na labanan ang graft at korupsiyon ay hindi
mahusay na pinopondohan ng pamahalaan. May kawalan rin ng pagkilala, mga merito,
mga gantimpala at mga pabuya na ibinibigay ang pamahalaan ng Pilipinas para sa mga
pagsisikap ng mga ahensiyang anti-korupsiyon. Ang mga tauhan ng mga ahensiyang
anti-korupsiyon na ito ay marupok sa mga panunuhol dahil sa kawalan ng suportang
pangsalapi, integridad at propesyonalismo. Ang mga patakaran ay dapat ipakilala sa
pagrerecruit ng mga tauhang anti-korupsiyon upang masiguro na ang mga ito ay nag-
aangkin ng moralidad, katapatan, integridad at dedikasyon sa tungkuling ito.

• Ang transparency o pagiging bukas ay hindi sinusunod partikular na sa mga


transaksiyon ng pamahalaan. Ang publiko ay tinatanggihan na magkaroon ng
kaalaman sa mga aktibidad ng mga opisyal ng pamahalaan. Hindi pinapaalam sa mga
mamamayan ang detalye ng bahagi sa pambansang badyet ng mga kagawarang
ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) o hudikatura (korte) at kung paanong
ginugugol ng mga kagawarang ito ang kanilang mga pondo.

• Ang epektibong pagmomonitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan gayundin


ang mga gastusin ay hind seryosong isinasagawa ng mga ahensiya o tauhan na
inatasang magmonitor ng mga ito. Ang mga ito ay marupok rin sa panunuhol at hindi
aktuwal na nagsasagawa ng buong inspeksiyon ng mga ito ngunit umaasa lamang sa
mga impormasyong nakalap.

• Ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na mekanismo sa
pagsugpo ng graft at korupsiyon ay isinusumite ng lahat ng mga opisyal pampubliko.
Gayunpaman, walang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na inatasan na siyasatin
ang pagiging totoo ng mga datos na ipinasok dito. Ang mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan ay maaaring magtago ng kanilang nalikom na hindi maipaliwanag na
kayamanan habang nasa panunungkulan sa pamahalaan sa pamamagitan ng hindi tapat
na pagdedeklara nito sa kanilang SALN.

Maraming mga batas ang ipinatupad upang masugpo at managot ang mga
gumagawa ng korapsyon sa gobyerno. Maliban sa mga bagong batas na ipinatutupad, noon
pa man ay mga mga kaukulang batas na ang tumitingin sa mga kasong korapsyon. Ang
1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal upang
sugpuin ang graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang mga probinsiyan ng
pagpapanagot na pampubliko. Ang mga katawang ito ay pinagkalooban ng kapangyarihang
piskal upang masiguro ang kanilang kalayaan at ang kanilang mga aksiyon ay maapela
lamang sa Kataas-taasang hukuman.

• Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga


reklamong inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi
bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga diputado
nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the Military, One Deputy
Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga "protektor ng mga tao".
Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at spesipikong pagganap ng mga
katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat. Ito ay sumisiguro
sa patuloy at maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ay
nagpapasimula ng mga pagpipino ng mga pamamaraan at kasanayang pampubliko at
nag-aatas ng mga sanksiyong administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at
empleyado ng pamahalaan at naglilitis sa kanila para sa mga paglabag ng batas
kaparusahan. Ang nakaraang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay na-impeach
dahil sa kawalang pagkilos sa mga kasong inihain laban sa korupsiyon.

• Ang Civil Service Commission (CSC) ang sentral na ahensiya ng tauhan ng


pamahalaan na inatasang magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng
moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong
sibil. Ito ay nagpapalakas rin ng sistemang merito at mga gantimpala, pagpapaunlad
ng mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may hurisdiksiyon sa
mga kasong administratibo kabilang ang graft at korupsiyon na inihain dito sa apela.

• Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng


pamahalaan. Ito ay binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o iaduit at
bayaran ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo
at mga gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng mga
ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap ng mga
patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at hindi
pagpayag sa mga iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang
mga gastusin o paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.

• Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may


hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga kasanayang
graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag na ginawa ng mga opiser at
empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad,
integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

Mga sanggunian:
1. ↑ http://www.gmanetwork.com/news/story/258940/news/nation/ombudsman-most-
casesin-2011-filed-vs-local-govt-execs
2. ↑ http://www.pctc.gov.ph/papers/graft.htm
3. ↑ http://www.nytimes.com/2007/05/11/world/asia/11iht-phils.1.5665416.html?pagewant
ed=all&_r=0
4. ↑ http://ph.news.yahoo.com/impose-death-penalty-vs--corruption--pinoys-suggest.html

You might also like