You are on page 1of 8

Isaiah John B.

Ilagan

Grade VI Faith

Mr. Butch

Korupsyon
Ang korupsyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa
kawalan ng integridad at katapatan.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag
ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng
pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para
sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o
moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Mga Gawaing Pangungurakot
Pang- aabuso sa Kapangyarihan
Ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga
pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay
kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang
kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng
kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na
substansiya sa pagpasok sa isang puerto.
Pakikipagsabwatan
Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim
upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng
pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o
magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa
pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na
kalamangan.

Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang


pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o
limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng
pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa
indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na
partido.

Pandaraya sa Halalan

Ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan. Ang mga


akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng boto upang
magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang
ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng
mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante.

Pagnanakaw sa Kabang Yaman ng Bansa


Ito ay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na
pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito
ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na
kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling
paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang
opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin
ang kanyang bahay.
Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol
Akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal
ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang
ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may
halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o
ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko
pambatas.
Pagtangkilik o Padrino
Ito ay tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa
trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang
bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na
opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga
patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga
walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng
administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga
indibidwal.
Pangingikil
Ito ay ang pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot. Halimbawa
nito ay ang paghingi ng pera mula sa isang opisyal ng gobyerno upang
hindi isiwalat ang kaalaman at katibayan sa mga illegal na gawain
nang nasabing opisyal.

Mga Kondisyong Pumapabor sa Korupsiyon

Sa Politika
Ang pampolitika na korupsiyon ang pag-abuso ng pampublikong
kapangyarihan, opisina o mga pinagkukunan ng mga hinalal na opisyal
ng pamahalaan para sarili nitong pakinabang gaya halimbawa ng
pangingikil, paghimok sa paggawa ng mga ilegal na gawain, o pagaalok ng mga suhol. Ito ay maaari ring kumuha ng anyo ng
pagpapanatili sa sarili sa posisyong pampolitika na hinahawakan sa
pamamagitan ng pagbili ng mga boto sa pamamagitan ng
pagsasabatas ng mga batas na gumagamit ng buwis ng taongbayan.
Sa Kapulisan
Ang korupsiyon ng kapulisan ay isang spesipikong anyo ng maling pagaasal sa kapulisan na ginagawa upang magkamit ng mga benepisyong
pansalapi, iba pang kapakinabangan o pagpapasulong ng kanilang
karera ng trabaho at iba pang pansariling intensiyon.
Sa Hudikatura
Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa sistemang hudikatura ng isang
bansa. Ang mga kurakot na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol
ay magbababa ng desisyong pabor sa nanuhol at sa gayon ay nasisira
ang integridad ng hustisya at pagiging patas ng sistemang korte.
Sa Pamamahayag
Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa pamamahayag (media). Kabilang
sa mga korupsiyon sa pamamahayag ang:

Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik o hindi paglalantad


ng katiwalian ng isang indibidwal o kompanya. Sa ibang kaso,
ang suhol ay hinihingi o kinikikil ng mamamahayag kapalit ng
pananahimik sa paglalantad ng katiwalian o paglalantad ng hindi
totoong kuwento na makasisira sa isang indbidwal o kompanya.

Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagsusulat ng papuri o mga hindi


totoong kuwento tungkol sa isang indibidwal o isang produkto o
serbisyo upang makinabang ang isang kompanya.

Mga Batas o Hakbang na Ipinasa upang Sugpuin ang Korapsiyon sa Pilipinas

Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na pinamagatang


Pagpapanagot ng mga Opiser na Pampubliko ay nagsasaad sa Seksiyon 1 na
ang opisinang pampubliko ay isang pagtitiwalang pampubliko. Ang mga
opiser at empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng mga
panahon sa mga tao, magsilbi sa kanila ng may sukdulang responsibilidad,
integridad, katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya at mamuhay
ng mga katamtamang pamumuhay.
Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo ay nagsasaad na ang Pangulo,
Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal at
ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa
panunuhol at graft at korupsiyon.
Ang Republic Act No. 3019 na kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt
Practices Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng
anumang opiser na pampubliko, nagdedeklarang sa mga ito na hindi naayon
sa batas at nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa
pagitan ng 6 hanggang 15 taon), walang katapusang diskwalipikasyon mula
sa pagtakbo sa opisinang pampubliko, at pagsamsam ng hindi maipaliwanag
ng kayamanan ng pabor sa pamahalaan.
Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at
Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga
Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay
nag-aatas na magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth
(SALN) kada taon.
Ang Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987 ay umuulit sa
mga probinsiyon na nasa Seksiyon I, Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas. Ito ay nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo ng
kapangyarihan na magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga
ari-arian ng mga opisyal at empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito
nang hindi naayon sa batas .
Ang Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical
Standards for Public Officials and Employees of 1989 ay nagtataguyod ng
isang mataas na pamantayan ng etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan
ng pamahalaan na gumawa ng isang tumpak na mga pahayag ng ari-arian at
liabilidad, ibunyag ang kanilang net worth at mga ugnayang pang salapi. Ito
ay nag-aatas rin sa mga bagong opisyal na pampubliko na magbawas ng

pag-aari ng anumang mga pribadong negosyo sa loob ng 30 araw mula sa


pag-upo sa opisina upang maiwasan ang alitan ng interes.
Ang Republic Act No. 6770 na kilala rin bilang Ombudsman Act of 1989 ay
nagbibigay ng organisasyong pangtungkulin at pang-istruktura ng Opisina ng
Ombudsman.
Ang Republic Act No. 7055 na kilala rin bilang An Act Strengthening Civilian
Supremacy over the Military ay lumilikha ng dalawang mga pakikitungo sa
paglilitis ng mga nagkakasalang mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at ibang mga kasaping nasa ilalim ng mga batas militar. Ang mga
krimeng pinaparusan ng Revised Penal Code at ibang mga special na batas
ng kaparusahan at mga ordinansa ng lokal na pamahalaan ay lilitisin sa mga
hukumang sibil. Ang mga korteng militar ay dapat kumilala lamang sa mga
nakatuon sa serbisyong krimen.
Ang Republic Act No. 7080 na kilala rin bilang Act Defining and Penalizing the
Crime of Plunder ay nagpaparusa sa sinumang opiser na pampubliko na sa
kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga
kamag-anak sa ugnayan o kadugo, mga ka-negosyo ay lumilikom o
nagkakamit ng masamang nakuhang kayamanan sa pamamagitan ng isang
pagsasama ng sunod sunod na mga pangyayari ng aktong kriminal na may
kabuuang halaga ng hindi bababa sa 50 milyong piso (P50,000,000).
Ang Republic Act No. 8249 na kilala rin bilang Act Further Defining the
Jurisdiction of the Sandiganbayan ay umuuri sa Sandiganbayan bilang isang
espesyal na hukuman at naglalagay rito na katumbas ng Hukuman ng Apela.

Isinumite Kay : Ginoong Butch

Isinumite Ni: Isaiah John B. Ilagan


Baitang at Seksyon: VI - Faith

You might also like