You are on page 1of 4

Pagsusulit

1. Sa gobyerno ng mga bansa, lalo na sa mga malalaki at mayayaman na bansa, ay


mayroon talagang mga kurakot. Ito ay karaniwan na ngunit hindi dapat ito hayaan at
ipagpaliban. Mayroong iba’t ibang mga gawaing pangungurakot; 1. Pang-aabuso sa
Kapangyarihan— ang kapangyarihan ay mahalaga upang magampanan ng isang lider ang
kaniyang tungkulin ng maayos. Ang pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na
paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon.
Halimbawa nito ay ang hindi pagkakakulong o pagpapataw ng kaso sa isang kriminal
dahil sa kaniyang koneksiyon sa gobyerno; 2. Pakikipagsabwatan— ang
pakikipagsabwatan ay ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na
minsan ay ilegal kaya ay palihim at patago nilang ginagawa ang mga ito. Ang mga ito ay
kadalasang mga korap na politiko na nagsasabwatan para sa sarili nilang kapakanan.
Halimbawa nito ay ang pagsasabwatan ng dalawang politiko sa isang ilegal na negosyo
tulad ng mga drug cartel upang makakita sila ng malaking pera para sa pansarili nilang
mga kagustuhan; 3. Pandaraya sa Halalan— ito ay ang ilegal na panghihimasok sa
proseso ng isang halalan. Kadalasang ginagawa ito upang maiangat ng mga politiko ang
kanilang mga sarili. Halimbawa ay ang pagbabago sa bilang ng mga boto ng isa o higit
pang mga kandidato upang tumaas ang kanilang ranking sa botohan, pagsabotahe sa mga
balota, panunuhol sa mga botante o vote buying, at pagpaslang sa mga kalaban na
katunggali; 4. Pagnanakaw sa Kabang Yaman ng Bansa— ito ay ang naiisip ng mga tao
sa salitang “pangungurakot” dahil ito ay ang pagnanakaw ng isang politiko ng mga
pinagkatiwalang pondo ng bansa. Ang mga korap na politiko ay ninanakaw ang mga
buwis na binabayad ng mga mamamayan upang mas yumaman sila. Halimbawa ay ang
utang ng pamilyang Marcos sa bansa na umabot sa 203 bilyong piso dahil sa pagnanakaw
sa pondo ng bansa at pag-uutang sa World Bank; 5. Pangingikil— ito ay ang pagkuha ng
anumang bagay mula sa isang tao na laban sa kanilang kalooban at sa pamamagitan ng
pananakot sakanila at iba pang paraan. Sa ingles, ito ay tinatawag na extortion.
Karaniwang ginagawa ito ng mga tao sa pamamagitan ng black mail, o pananakot sa
kanila gamit ang kanilang kahinaan. Halimbawa ay ang pagsisingil ng pera sa mga
nagnenegosyo kapalit ng hindi pagpapaalis sakanila sa kanilang puwesto na pinag-
nenegosyohan.
2. Ang reclusion perpetua ay isang batas sa Pilipinas na nilikha bilang kapalit sa death
penalty o parusang kamatayan. Ito ay pinapataw sa mga kasong napapasailalim sa
Revised Penal Code (RPC). Pagkatapos ng 30 taong pagkakakulong ng isang taong
napatawan ng parusang ito, maaari na siyang makapag-piyansa. Maraming tao ang iniisip
na magkapareho ang reclusion perpetua at ang habang buhay na pagkakakulong ngunit
ito ay magkaibang parusa. Ang pagkakaiba ng reclusion perpetua at habang buhay na
pagkakaulong ay— ang reclusion perpetua ay ipinapataw sa isang tao na gumawa ng
krimen na nasasailalim sa RPC, habang ang habang buhay na pagkakakulong ay
pinapataw sa mga taong gumawa ng krimen na nasasailalim sa special penal law. Ang
reclusion perpetua at hindi nahahati o naiikliang parusa. Ibig sabihin, ang taong
mapapatawan nito ay 30 taong makukulong.

3. Ang kickback ay isang uri ng korupsiyon na lumalabag sa etika ng isang manggagawa.


Ito ay karaniwang nangyayari sa mga negosyo, organisasyon, o pamahalaan na kung saan
ang isang tao ay nagbibigay ng paunang suhol, lagay o komisyon bilang ibabayad na
pabor na ibibigay sa taong susuhulan. Ang layunin ng kickback ay mapapayag ang isang
indibidwal na gumawa ng ilegal na gawain. Iba ito sa ibang uri ng panunuhol dahil ang
panunuhol na ito ay mayroong pagsasabwatan sa pagitan ng dalawang ahente ng
dalawang partido sa halip na pangingikil ng isang partido mula sa ibang partido. Isang
halimbawa nito ay ang paghihingi ng porsyento ng kita ng isang negosyo kapalit ng
sertipiko nito sa pagpapaandar ng nasabing negosyo.

4. Ang layunin ng kickback ay ang mahikayat o mapapayag ang isang indibidwal na


gumawa ng ilegal na gawain o bagay na alam niya ay ilegal ngunit wala siyang ibang
magagawa. Ang pag-alok at pagtanggap ng mga kickback ang isa sa pinakakaraniwang
anyo ng korupsiyon sa mga pamahalaan ng mga bansa. Isang halimbawa ng kickback ay
ang pag-aapruba ng minahan sa isang bayan kahit na nakasisira na ito sa kapaligiran
kapalit ang porsyento ng nakukuhang kita nito sa pagmimina. Talaga namang ilegal ang
kickback at hindi dapat ito hikayatin dahil masama ito. Hinihikayat nito ang mga
inosenteng indibidwal na gumawa ng mali na labag sa kanilang loob.
Pagsasanay
1. Limang Paraan para Makapangikil sa Pondong Pampubliko
 Blackmail
 Kawalan ng kontrol sa pamahalaan
 Proyektong pagpapanagot ng pamahalaan
 Mga pagkakataon at pabuya
 Mga kondisyon sa lipunan

2. Ang pandarambong ay isang krimen na inilalarawan sa Republic Act No. 7080. Ito ay
isang malubhang pagkakasala. Ang sinumang sisingilin na may nakapilit na ebidensya sa
pagkakasala na ito ay hindi maaaring mag-piyansa. Ito ay dating pasok sa parusang
kamatayan, noong hindi pa ito tinatanggal sa mga parusa sa mga bilanggo. Ngunit ay
wala pa kahit isang tao sa kasaysayan ng Pilipinas na nagkaroon ng kasong
pandarambong ang nakakuha ng parusang kamatayan. Sa kasalukuyan, ang parusa para
sa pandarambong ay ang pagkabilanggo panghabambuhay, pag-pagkawala ng yaman na
hindi nakuha sa pamahalaan, at walang hanggang pag-alis mula sa pampublikong
tanggapan.

3. Ang nepotismo at kronyismo ay mayroong pagkakapareho. Pareho itong hindi patas o


hindi makatarungang pagbibigay ng paborableng posisyon o benepisyo sa iyong kapuwa.
Ngunit ay mayroon itong pagkakaiba. Ang nepotismo ay ang pagbibigay ng paborableng
posisyon o benepisyo sa isang miyembro ng iyong pamilya. Ang kronyismo naman, sa
kabilang banda, ay ang pagbibigay ng paborableng posisyon o benepisyo sa iyong
kaibigan, kasamahan sa trabaho, at iba pang kakilala at pinagkakatiwalaang mga tao.
Halimbawa nito ay ang pagtatalaga ng isang politiko ng isang mahalagang posisyon sa
gobyerno sa kaniyang kapamilya o kaibigan kahit na wala itong kinalaman sa posisyong
ito.
Takdang Aralin
1. Mga Ugat ng Korupsiyon
 Pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ng mga namumuno sa pamahalaan at sa
iba’t ibang sektor ng lipunan na nagiging ugat sa lahat ng kasamaan.
 Pagiging matakaw sa kapangyarihan ng mga namumuno.

2. Mga Epekto ng Korupsiyon


 Lubos na paghihirap ng mga mamamayan dahil napupunta sa bulsa ng mga
namumuno ang kaban at pondo ng pamahalaan na dapat para sa mga mamamayan
at para sa pag-unlad ng bayan.
 Kinukulang ang mga mangagawa tulad ng nars, doktor, gamot at makabagong
kagamitan.
 Nagiging mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil
sa kakulangan ng guro, aklat, silid at iba't ibang pasilidad.
 Nagkukulang at umuunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan
ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ibang mga kababayan.

3. Positibong Pananaw sa posibleng paglutas ng Korupsiyon sa ating bansa


 Pagkakaroon ng mas maunlad na ekonomiya sa ating bansa.
 Pagkakaroon ng kaayusan sa pamahalaan ng bansa.
 Pagiging mas positibo ng mga mamamayan ng bansa.
 Pagkakaroon ng pag-asa sa kaunlaran.
 Pagkakaroon ng mas tapat na mga lider sa bansa.
 Pagkabawas sa mga taong nakararanas ng kahirapan sa bansa.

You might also like