You are on page 1of 4

Graft and Corruption

pp. 168 - 170

EBALWASYON

Pagsubok sa Kaalaman
A.

1. Freedom of Information Bill

2. SALN(Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth)

3. Tong

4. Ghost Project

5. Bids and Awards Committee

6. Strike

7. Bribery

8. Tax Evasion

9. Fixer

10. Suhol

Pamprosesong Kasanayan

1. Graft
- Ito ay isang paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas. Ito ay ang pondo
ay sa ilegal na pamamaraan nakukuha.

2. Corruption
- Ito ay nangangahulugan sa pagnanakaw ng isang bagay na mahalaga sa bayan.
Ito ay ang pagaangkin ng isang opisyal sa gobyerno ng perang hindi sa kanya,
nakakalungkot pa nga na ito ay para sa bayan pero kinukurakot nila ito dahil
nasilaw sila sa kayamanan.

3. Freedom of Information(FOI)
- Ito ay ang pagsasabatas ng pagbubukas ng mga dokumento sa mga bawat
mamayan, para mapanatili ang magandang pamumuno ng gobyerno, maiwasan
ang korupsyon sa bansa, at pagiging bukas sa mamamayan sa isang bansa.

4. Extortion
- Ito ay nangangahulugang pagkuha ng isang bagay na mahalaga sa pamamagitan
ng pagbabanta sa kanila o sa pagpuwersa sa isang tao.

5. Ghost Payroll
- Ito ay ang mga empleyadong hindi na kinakailangang magpakita sa isang trabaho.
Ang perang binabayaran sa "Ghost Payroll” ay naihahatid sa isang organisadong
sindikato ng krimen. Ginagamit din ang mga “Ghost Payrolls” para sa pangingikil.

6. Nepotismo
- Ito ay ang pagtatalaga sa isang katungkulan sa isang kapamilya o kaibigan,
binibigyan nila ng pabor ang mga mahal nila sa buhay na maitalaga sa mga
katungkulan.

7. Tong
- Ito ay pagproprotekta sa isang ilegal na gawain ng ilang mga negosyante sa
pamamagitan ng malaking halaga ng salapi.

8. Tax Evasion
- Ito ay ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis o sa legal multa ng pamahalaan.

9. Passing Of Contracts
- Ito ay tumutukoy sa pagpapasagawa sa pagpasa ng mga kontraktor sa kanilang
napanalunang kontrata.

10. Ghost Projects.


- Ito ay ang mga proyekto na hindi umiiral na pinondohan o pinerahan ng gobyerno.

Pagpapalalim ng Pagkaunawa

1. Bakit kailangan ang transparency sa gobyerno?

- Kailangan natin ang transparency sa gobyerno para malaman natin kung ano ang
ginagawa ng nakaupo sa posisyon. Karagdagan pa, ang transparency ang
nagsisilbing kalasag natin mula sa korupsyon at nagsisilbing espada natin mula
sa mga opisyal na hindi gumagawa ng kanais-nais sa isang gobyerno.
2. Ipaliwanag ang negatibong epekto ng corruption sa mga pondo na ukol sa mga
serbisyong pampubliko at pang-impraestruktura.

- Maraming mga negatibong epekto ang corruption sa isang bansa lalong lalo na sa
ating bansa dahil maraming tayong mahihirap na mga mamamayan. Isa na nga rito
mas lalo pang dadami ang mga mahihirap sa ating bansa dahil hindi na nga sila
natutulungan sa maliliit na mga bagay dahil natatakpan na ng pagnanakaw ng
mga opisyal ng gobyerno. Pangalawa, nag-kakaroon nga ng mga sabwatan sa
isang gobyerno dahil rito mas dumarami pa ang mga perang nahahakot nila.
Panghuli, marami ring mga proyektong imprastraktura na hindi nagagawa sa
isang bansa dahil pinaglilimitahan ito ng mga politikong kurap sa pamamagitan ng
mga binabayad nating mga buwis.

3. Bumanggit ng mga solusyon o pamamaraan upang mabawasan o mawala ang


korapsiyon sa lipunan. Talakayin ang mga ito.

- Bilang demokratikong bansa pwede pa nating maiwasan ang korapsiyon na


nagaganap sa ating lipunan, magagawa nga natin ito sa pamamagitan ng pagpili
ng karapat-dapat na mga pinuno sa ating bansa. Kailangang pumili ng mga
botante ng isang pinuno na may malawak na kaisipan laban sa maruming politika
at tumutulong parin kahit maraming pagsubok ang dumarating.

4. Ipaliwanag ang konsepto, uri, at pamamaraan ng graft at corruption sa Pilipinas.


Gumamit ng halimbawa.

- Ang “Pork Barrel Scam” ay isang uri ng graft at corruption sa Pilipinas na


kinasasangkutan ng maling paggamit ng mga miyembro ng Kongreso ng Pilipinas
sa kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF. Tinawag itong pork
barrel dahil ito ay isang salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng
pamahalaan na pangunahing kinukuhaha sa kaban ng bayan upang magpasok ng
mga salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito.
Ang konsepto nga nito ay ang ghost project na kung saan ito ay ang mga
proyekto na hindi umiiral na pinondohan o pinerahan ng gobyerno.

5. Ano-ano ang epekto ng graft at corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga


mamamayan sa mga programa ng gobyerno?

- Gusto lamang ng mga mamamayan ng magandang pamumuhay at maunlad na


bansa kaso nadidismaya sila na mali ang mga napaupo nila sa pwesto kaya ang
iilan sa mga mamamayan ay nawawalan na ng gana bumoto at nakakaisip rin sila
ng mga hindi magagandang mga nagagawa ng mga opisyal ng gobyerno. Isa pa
nga rito mas nagiging mulat na nga sila sa realidad na wag nalang mag partisipa
sa botohan at mag rally nalang na patalsikin o sibakin sa pwesto ang
di-karapdapat na opisyal sa isang gobyerno.
6. Ano ang kaugnayan ng graft at corruption sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan?
Ipaliwanag.

- Ang kaugnayan ng graft at corruption sa mga aspektong pangkabuhayan at


panlipunan ay yung paguubos ng mga pondo sa isang bansa, dahil rito
nawawalan ng mga kakayahan para tulungan ang mahihirap o magtayo ng mga
imprastraktura na tutulong na umunlad ang bansa at sa halip na umunlad lalo
pang bababa ang ating pag-asang umangat.

7. Magmungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang graft at corruption sa lipunan?

- Kapag nga nalaman na ang isang opisyal ng gobyerno ay kurap pwede nga na
magpataw ng mas mahirap na parusa, maglatag ng napakalaking multa, at habang
buhay na pagkakakulong na walang “exemption.”

You might also like