You are on page 1of 25

MGA ISYU NA

MAY
KAUGNAYAN SA
KASARIAN
LAYUNIN
Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at
mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon.
Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual,
Transgender.
PAGPAPAUNLAD NG
REPRODUCTIVE
HEALTH
REPUBLIC ACT 10354 O
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Ang republic Act 10354 o Responsible Parenthood
and Reproductive Health Act of 2012, na mas
kilala sa tawag na Reproductive Health Law, ay
isang pagkilala sa karapatang pantao na sumasakop
sa karapatan sa kalusugan, sapat na kaalaman, at
kalayaan sa pagdedesisyon alinsunod sa paniniwala
at prensipyo bilang responsibleng magulang.
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Adolescent – batang mayedad na 10 hanggng 19 na
nasa transisyon ng pagiging bata patungong sapat na
gulang.
Family Planning – programa na nagbibigay sa mga
mag-asawa o indibidawal na malaya at responsableng
pagpapasiya sa wastong bilang at patalang ng
pagkakaroon ng anak sa natural o artipisyal na
pamamaraan.
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Gender equality – prinsipyo sa pagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa
lubusang paglinang ng kanilang kakayahan
Gender equity - mga polisiya, instrument, programa at
gawaing naglalayong iwasto ang mahinang posisyon ng
mga kababaihan sa lipunan, lalo na sa kalusugang
kaugnay sa reproduksiyon.
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Male responsibility – pakikilahok at pananagutan ng
kalalakihan sa aspektong sekswal at reproductive health .
Fetal and infant death review – pag-aaral sa mga dahilan
ng kamatayan ng sanggol sa sinapupunan o habang
ipinanganganak upang ito ay maiwasan, at sa pagpa-
paunlad ng mga programang may kinalaman sa
reproductive care
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Maternal death review – pag-aaral sa mga dahilan ng
kamatayan ng kababaihan na may kaugnayan sa
pagbubuntis at panganganak na may layunin na iwasan
ang katulad na mga kaso sa hinaharap.
Maternal health – kalusugan ng kababaihan na nasa
produktibong edad na hindi limitado sa panahon ng
pagbubuntis, pangananak o matapos ang panganganak
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Reproductive health care program – sistematiko at
pinagsamang pagtugon sa reproductive health para sa
lahat ng mamamayan na priyoridad ang kababaihan at ang
mga nasa laylayan ng lipunan.
 Responsible parenthood – kapasiyahan at kakayahan ng
magulang na tugunan ang mga pangangailangan ng bawat
miyembro ng pamilya lalo na ang mga anak.
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Sexually Transmitted Infections (STIs) – mga
impeksiyon na maaaring makuha o maipasa sa
pamamagitan ng pakikipagtalik, paggamit ng
intravenous (IV) na gamot at karayom,
panganganak at pagpapasuso.
MGA KONSEPTO NG
REPRODUCTIVE HEALTH LAW
Skilled health professional – mga doctor, nars, at
komodrona na nag-aral at nagsanay para sa wastong
pamamaraan ng pagpaanak, pangangalaga matapos
manganak, at pagtukoy sa mga kinakailangang
pangangalaga at medikal na pangangailangan ng
sanggol
REPRODUCTIVE HEALTH AT
REPRODUCTIVE HEALTH CARE
Ang Reproductive Health (RH) ay tumutukoy
sa kabuuang kalagayang pisikal, mental, at
sosyal. Hindi ito limitado sa pagkakaroon ng
sakit o kapansanan kung hindi sa kabuuang
kakayahang reproduktibo, sistema at mga
proseso.
REPRODUCTIVE HEALTH AT
REPRODUCTIVE HEALTH CARE
Ang Reproductive Health (RH) ay tumutukoy
sa kabuuang kalagayang pisikal, mental, at
sosyal. Hindi ito limitado sa pagkakaroon ng
sakit o kapansanan kung hindi sa kabuuang
kakayahang reproduktibo, sistema at mga
proseso.
1. Mga impormasyon at serbisyo sa pagpaplano ng
pamilya na nagbibigay kaalaman ukol sa reproductive
cycle ngkababaihan.
2. Pangangalaga sa nutrisyon at kalusugan ng ina at
sanggol
3. Pagbabawal ng aborsiyon at pangangalaga sa mga
komplikasyong dulot nito.
4. Paggabay at pagtuturo ng reproductive health sa
kabataan.
5. Pag-iwas at paggamot ng RTIs, STIs, HIV, at AIDS
6. Pagpapatigil sa mga karahasan at ibang anyo ng pang-
aabusong sekswal o may kaugnayan sa kasarian at
sekswalidad.
7. Pagtuturo at paggabay ukol sa sekswalidad at
reproductive health
8. Paggamot sa breast cancer, iba pang reproductive
cancer, at mga gyneocologic disorders.
9. Pag-alam ng responsibilidad ng kalalakihan sa kanyang
reproductive health
10. Edukasyon sa reproductive health para sa kabataan.
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
1. Hindi dapat magtago o magkain ng anumang
impormasyon o magpahayag ng maling
impormasyon ukol sa programa at mga serbisyo para
sa reproductive health, kabilang na ang karapatan sa
malayang pagpili ng o mapagkalooban ng legal,
ligtas, non-abortifiacient, at epektibong paraan ng
pagpaplano ng pamilya.
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
2. pagtanggi sa pagsasagawa ng legal at ligtas na mga
reproductive health procedure sa sinumang
pasyenteng nasa tamang edad sa anumang
kadahilanan tulad ng walag kapahintulutang mag-
asawa. Sa pagkakaiba ng desisyon sa pagitan ng mag-
asawa, ang desisyon ng nangangailangan medikal na
serbisyo ang siyang mananaig at susundin. Ang
parent consent ng menor de edad ay kinakailangan
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
2. pagtanggi sa pagsasagawa ng legal at ligtas na mga
reproductive health procedure sa sinumang pasyenteng nasa
tamang edad sa anumang kadahilanan tulad ng walag
kapahintulutang mag-asawa. Sa pagkakaiba ng desisyon sa
pagitan ng mag-asawa, ang desisyon ng nangangailangan
medikal na serbisyo ang siyang mananaig at susundin. Ang
parent consent ng menor de edad ay kinakailangan lamang
sa ilang piling surgical procedure at hindi kailangan sa mga
seryosong sitwasyon na itinakda ng Republic Act 8344.
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
3. Pagtanggi na magkaloob ng serbisyo at
impormasyon sa mga kadahilanang may kinalaman
sa katayuang sibil, kasarian, edad, pananampalataya,
pisikal na kondisyon at hanapbuhay.
4. Sinumang opisyal, halal man o itinalaga na
magpatupad ng batas na it, ay hindi maaaring
umiwas sa pagpapatupad ng batas na ito.
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
5. Ang bilang ng anak o pagbubuntis ay hindi
maaaring maging dahilan ng hindi pagtanggap o
pag-aalis sa trabaho. Walang sinumang employer
ang maaaring mag takda o pumigil sa paggamit ng
anumang modernong pamamaraan sa pagpaplano ng
pamilya ng kanilang empleyado.
6. Pamemeke ng certificate of compliance.
MGA PINAGBABAWAL NG
REPRODUCTIVE HEALTH
LAW
7. Anumang kompanyang pharmaceutical ay
pinagbabawalang makipagsabwatan sa kanino mang
opisyal sa pamahalaan sa pamamahagi, pagbili at
pagbebenta ng mga modernong suplay, produkto, at
kagamitan para sa modernong pagpaplano ng
pamiya.
 Bilang isang mag-aaral ng NISSAI, sa
paanong paraan ka makakatulong na
mapangalagahan ang kalusugang
reproduktibo ng mga Pilipino?
GAWAIN 1: STRUCTURED
INTERVIEW
 Panuto: Kunwari ikaw ang naging kinatawan ng ahnsiya ng
pamahalaan na magbibigay ng paliwanag hinggil sa reproductive
health care. Sagutin ang mga katanungan tungkol dito.
1. Ano ang Reproductive Health Care?
2. Anong sektor ang higit na makikinabag dito?
3. Bakit ito kailangang maipatupad?
4. Paano ito maipapatupad?
5. Sa inyong palagay, ano ang maidudulot nito sa kalagayan ng
ating bansa sa hinaharap?
Kraytirya Iskala 1 2 3 4 5

Kalidad ng sagot 1-5          

Wasto ang daloy ng 1-5          


ideya
Makabuluhan 1-5          

Kawastuhan 1-5          

Kabuuan 20 /20 /20 /20 /20 /20

You might also like