You are on page 1of 3

Paternity leave (RA 8187)

magandang umaga po.. ang amin naman po iuulat sainyo ay tungkol sa paternity leave.. sa inyong palagay? ano ang
paternity leave?

ang paternity leave ay ang pagliban ng ama ng tahanan sa knyang pinapasukan upang tulungan ang kanyang kabiyak sa
panpapagling nito..

SAKLAW

sino sino ba ang mga sakop nito?? narito ang mga nasasakupan ng batas na ito

1. lalaki - dahil kung babae ang nangangailangan ng pag liban ay tinatawag ito maternity leave at mas mahaba ang
panahon nito kasya sa paternity leave

2. kasal - sila dapat ng kanyng kabiyak ay kasal sa west o simbahan at nagsasama o nagkakapisan sa isanag tahanan.

3. manggagawa - sila dapat ay pumapasok sa kumpanya at nagtagal na nga halos 6 na buwan para rito..

B. Ang Benepisyo

1. Ang benepisyong paternity leave ay maaaring magamit naempleyadong lalaki sa unang apat (4) na panganganak

2. ito ay gagamitin sa panganganak ng legal na asawa na kanyang kapisan. dapat po ay nagsasama sila sa bahay.

3. Kung ang mag-asawa ay hindi pisikal na magkasama sa bahay dahil sa trabaho o lugar na pinatatrabahuhan, may
karapatan rin ang lalaking manggagawa sa benepisyong paternity leave. gaya ito ng mga ofw.. mga nagtatrabaho sa
probinsya at kalapit bayan o yung mga stay in.

4. Ang paternity leave ay sa loob ng pitong (7) calendar days, na binubuong basic salary at mandatory allowances na
itinakda ng Regional WageBoard, kung mayroon man, at hangga't maari, ang kanyang sweldo ay hindi bababa sa
itinakdang minimum wage.

5. Ang paggamit ng paternity leave ay pagkatapos ng panganganak. layunin nito na magamit ang araw upang makatuwang
ang lalaki para sa pagpapagaling ng kapisan.

6. hindi sumasalungat sa patakaran ng maypagawa na pahintulut ng manggagawa na gamitin ang nasabing benepisyo
bago o sa mismong panganganak, ngunit dapat na ang kabuuang bilang ng arawsa pitong (7) araw para sa bawat
nasasaklaw na

Mga kondisyon para sa karapatan

1. Siya ay manggagawa sa panahon ng pagsilang ng kanyang anak. siya ay empleydo o manggawa ng isang kumpanya na
syang nagpapairal ng batas at regulasyon na magtatakda ng kanyang kwalipikasyon bilang sa pagliban.

2. Siya ay nakapisan sa kanyang asawang babae sa panahon ng panganganak o pagkakakunan nito: maari ring maituring
ang nakunan na asawa upang magsumite ng pagliban dahil nangangailangan din ito ng supporta at paggabay.

3. Siya ay nagsumite ng kanyang aplikasyon para sa paternity leave sa kanyang maypagawa, sa loob ng risonableng
panahon mula sa inaasahaang petsa ng panganganak ng kanyang asawa, o loob ngpanahong itinakda ng mga alintuntunin
at mga regulasyon ng kumpanya, o sa pamamagitan ng collective baragaining agreement; at

4. Ang kanyang asawa ay nanganak o nakunan. may mga katibayan naman ito na maaaring ipasa sa kinauukulan.
D. Pag-aapply para sa Paternity leave

Ang lalakeng manggagawa ay dapat magsumite ng aplikasyon para sa paternity leave sa kanyang maypagawa sa loob ng
risonableng panahon mula sa inaasahang petsa ng panganganak ng kanyang asawa, o sa loob ng palugit na itinakda ng
mga alintuntunin at mga regulasyon ng kumpanya, o sa pamamagitan ng collective bargaining agreement. Sa kaso ng
pagkakakunan, ang paunang aplikasyon para sa paternity leave ay hindi na kinakailangan.

E. Hindi pagsalin sa Pera (Nonconversion to Cash)

Kung sakaling hindi magamit ang paternity leave, hindi ito maaaring palitan ng katumbas na perang halaga at hindi rin ito
naiipon o cumulative.

Parental Leave para sa Solong Magulang (RA 8972)

ang batas naman na ito ay kumakatawan naman mga mag isang nagtataguyod ng pamilya..

A. Saklaw

Ang parental leave ay ipinagkakaloob sa sino mang solo parent solong magulang o sa indibiduwal na napag-iwanan nang
responsibilidad ng pagigin magulang dahil sa mga sumusunod:

1. Panganganak bilang resulta ng panggagahasa, o terminong ginagamit sa batas at iba pang krimen laban sa kalinisang-
puri; mga biktima ng rape na hindi malaman kung sino ang ama..

2. Kamatayan ng kabiyak o asawa; mga maagang nabiyuda o biyudo na naiwanan ng maliliit na anak.

3. Ang asawa ay nakapiit o gumugugol nang hindi bababa sa sa isang (1) taon sa bilangguan dahil sa hatol na krimen; mga
may maliliit pang anak ngunit mag isang tinataguyod dahil sa mga kasalanan na nagresulta sa pagkakakulong.

4. Kakulangan ng kakayahan sa pisikal o kaisipan ng kabiyan asawa, na pinatunayan ng isang public medical practitioner; o
de facto separation. mga kabiyak ng mga asawa na nagkaroon o may taglay ng sakit si isip..

5 Legal Separation o legal na paghihiwalay o de facto sepa mula sa asawa nang hindi bababa sa isar

nang hindi bababa sa isang (1) taon: Sa kundisyon na ipinagkatiwala sa kanya ang kustodiya ng mga bata,

6 Deklarasyon ng kawalang-halaga o pagpapawalang- bisa bilang anunsiyo ng isang hukuman o ng isang si kundisyon, na
ipinagkatiwala sa kanya ang kustodiya ng awalang-bisa ng kasal ng isang simbahan sa custodiya ng mga bata:

7. Pag abandona ng asawa o kabiyak nang hindi asawa o kabiyak nang hindi bababa sa isang (1) taon. mga bigla nalang
naghalo na di alam ang dahilan.

8. Binata o dalaga na ninais na siya ang kumupkop at magpalaki sa mga anak, sa halip na iba ang mag alaga sa kanila
kaniyang anak/mga anak, sa halip na iba ang mag aalaga o ibigay sila sa isang welfare institution na nangangalaga at
kumukopkop sa mga batang kailangan ng kalinga;

9. Sinuman na bukod tanging magkaloob ng pangmagulang na pag-aalaga at supporta sa isang bata o mga bata: Sa
kondisyon, na siya ay may karampatang lisensya bilang foster parent o sinuman naaidyo bilang magulang o tagapag-alaga
para sa isang bata sa lugar ng natural na magulang ng bata ngunit walang legal na paghango ng bata, mula sa Department
of Social Welfare and Development (DSWD) o binigyan ng karampatang paghirang ng hukuman bilang legal na tagapag-
alaga, at
10. Sinumang miyembro ng pamilya na umako ng responsibilidad bilang pinuno ng pamilya dahil sa resulta ng kamatayan,
pag abandona, pagkawala, o matagal na pagkawala ng magulang nahindi tatagal ng kahit isang (1) taon.

B. Kahulugan ng mga Termino

Ang ibig sabihin ng "parental leave" ay bakasyon pakinabang o leave benefits na ibinigay sa isang solong magulang upang
maisagawa niya ang mga tungkulin at pananagutan ng isang magulang kung saan kinakailangan ang pisikal niyang
presensiya.

C. Ang Benepisyo

parentaltal leave, bilang karagdagang pribilehiyo sa ilalim ng umiiral na mga batas, ay pitong (7) araw ng paggawa bawat
taon nang paggawa bawat taon, na may buong sahod na makukuha.

D. Mga kondisyon para sa karapatan

Ang solong magulang ay may karapatan sa parental leave sa mgkondisyong:

a. Siya ay nakapaglingkod sa kumpanya sa loob ng labin dalawang (12) buwan, tuloy-tuloy man o hindi; mas mapapabilis
ang pag pasa nito sa iyong maypagawa kung kayo ay may magandang record sa kumpanya.

b. Siya ay nakapagbigay sa kumpanya sa loob ng labing- dalawang (12) buwan, tuloy-tuloy man o hindi;

C. Siya ay nakapagsumite ng kanyang Solo Parent Identification Card pagkakakilanlan bilang solong magulang. Ang ID na
ito ay maaaring makuha mula sa tanggapan ng DSWD mapa lungsod o munisipyo kung saan

siya ay namamalagi. dito sa atin sa lungsod ng malolos ay meron narin mga ipinapasahang batas para sa ating mga solo
parents..

You might also like