You are on page 1of 66

PAKSA 1

MGA PARAAN NG
PAGSUSULONG NG
PAGTANGGAP AT
PAGGALANG SA
KASARIAN
 RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act of 1995)
 RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997)
 RA 8369 (Family Courts Act of 1997)
 RA 8505 (Rape Victim Assistance and Protection
Act of 1998)
 RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of
2003), at
 RA 9262 (AntiViolence Against Women and
Their Children of 2004)
MAGNA CARTA OF WOMEN
(REPUBLIC ACT NO. 9710)
 binubuo ng mga batas na naglalayong maibsan
ang diskriminasyon sa kababaihan sa
pamamagitan ng pagkilala at pagprotekta sa
kanilang mga karapatan
PHILIPPINES UDP-PHI-07-184-4005
 (Promoting Gender Responsive Governance for
Rural, Indigenous, and Muslim Women in the
Philippines)
 ipinatupad para proteksiyonan ang karapatang
pantao ng katutubong (indigenous) kababaihan at
kababaihang Muslim sa Autonomous Region
ofMuslim Mindanao (ARMM).
REPUBLIC ACT NO. 10354
 Responsible Parenthood and Reproductive
Health Act of 2012
 batas na may mga probisyon ukol sa
pangangalaga sa kalusugan ng isang ina at
kaniyang anak.
LADLAD LGBTQ PARTY LIST
 maituturing din na pagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian ang
pagbuo ng nito.
 Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon
nito noong 2010 na mapabilang sa mga
pagpipiliang party list sa eleksiyon.
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER
IDENTITY EXPRESSION (SOGIE)
EQUALITY BILL

 layon nito na labanan ang diumano'y nagaganap


na diskriminasyon sa kasarian sa lipunan.
PAKSA 2
ANG RH LAW
BILANG HAKBANG
SA PAGPAPAHALAGA
SA KABABAIHAN
REPUBLIC ACT NO. 10354
 Responsible Parenthood and Reproductive Health
Act of 2012
 ang batas ay lalong kilala sa tawag na Reproductive
Health Law o RH Law.
REPUBLIC ACT NO. 10354
 ang pinakalayunin ng batas ay ang magkaloob ng
kabatiran at access sa mga mamamayan, lalo na sa
kababaihan, sa mga metodong (methods) ukol sa
pagpipigil sa pagbubuntis (contraception), fertility
control, sexual education, at maternal care.
REPUBLIC ACT NO. 10354
 noong Disyembre 21, 2012, naging batas ang RH
Bill nang ito ay lagdaan ng noon ay presidente na si
Benigno "Noynoy" Aquino Ill.
REPUBLIC ACT NO. 10354
 subalit pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema
ang implementasyon nitO noong Marso 2013 bilang
tugon sa mga petisyon ng mga kumukuwestiyon sa
pagiging konstitusyonal ng batas.
REPUBLIC ACT NO. 10354
 noong Abril 8, 2014, pagkalipas ng mahigit isang
taon, idineklara ng pinakamataas na hukuman sa
bansa na ang RH Law ay not unconstitutional
subalit pinawalang-bisa nito ang ilang probisyon ng
batas partially or in full.
ISANG PAGSUSURI SA
REPRODUCTIVE
HEALTH LAW
1.MAGKAKAROON NG KABATIRAN AT
TAMANG EDUKASYON ANG MGA
MAMAMAYAN UKOL SA PAG-AANAK
(REPRODUCTION).
2. MAIIWASAN ANG HINDI
PLANADONG PAGDADALANTAO AT
MAPIPIGILAN ANG OVERPOPULATION.
3. MAPANGANGALAGAAN ANG
KAPAKANAN AT KALUSUGAN NG
KABABAIHAN MAGING NG MGA
ANAK.
4. MAGSISILBING GABAY SA
KABATAAN ANG SEX EDUCATION.
5. MAIIWASAN ANG PAGLAGANAP NG
MGA SEXUALLY TRANSMITTED
DISEASE (STD).
1.MAAARING MAGBUNGA NG
PAGDAMI NG KASO NG PREMARITAL
SEX
2. MAY MASAMANG EPEKTO SA
KALUSUGAN ANG MGA
CONTRACEPTIVE.
3. ANG SEX EDUCATION SA
KABATAAN, LALO NA SA
ELEMENTARYA, AY HINDI ANGKOP.
4. MAAARING MAGBUNGA NG
PAGLAGANAP NG PANGANGALUNYA.
5. LABAG SA ARAL NG SIMBAHANG
KATOLIKO.
ANG RH LAW BILANG
PAGSUSULONG SA
KAPAKANAN NG
RABABAIHAN
1. ISINASAALANG-ALANG NG RH LAW
ANG KOMPLETONG PISIKAL, MENTAL,
AT PANLIPUNANG KAGALINGAN NG
MGA INA NA MAY KINALAMAN SA
REPRODUCTIVE SYSTEM.
1. Isinasaalang-alang ng RH law ang
kompletong pisikal, mental, at panlipunang
kagalingan ng mga ina na may kinalaman sa
reproductive system.
2. Ang reproductive health law (RH law) ay
nakasentro sa responsible parenthood o ang
pagiging responsable ng mga magulang sa
pagpaplano ng kanilang pamilya
3. Kasamang nilalayon ng RH law ang para
sa pagkontrol ng populasyon o population
management bilang sagot sa kahirapan na ang
unangunang nakadarama ay ang mga ina ng
tahanan
GAWAIN 11: IPAHAYAG SA BAWAT
LETRA!
Maglagay ng mga sagot sa pamamagitan ng pagbuo
ng akrostik gamit ang salitang KASARIAN.
Halimbawa:
K—Kamumuhian ko ang mga gawaing imoral upang
huwag maging mababa ang tingin ng lipunan sa
katulad kong gay/babae/lalaki
K—Kamumuhian ko ang mga gawaing imoral upang huwag
maging mababa ang tingin ng lipunan sa katulad kong
gay/babae/lalaki
A-
S-
A-
R-
I-
A-
N-
PAKSA 3
ANG SAME-SEX
MARRIAGE BILANG
HAKBANG SA
PAGKAKAPANTAYPANTAY
HOMOSEKSUWALIDAD
(HOMOSEXUALITY)
 tumutukoy sa romantikong atraksiyon, atraksiyong
seksuwal, o gawaing seksuwal ng mga kabilang sa
magkaparehong kasarian.
 itinuturing na isa sa tatlong pangunahing kaurian ng
oryentasyong seksuwal, kasama ng biseksuwalidad
at heteroseksuwalidad.
HOMOSEKSUWALIDAD
(HOMOSEXUALITY)
 oryentasyong seksuwal na pinaniniwalaang bunga ng
kombinasyon ng mga salik na biyolohikal at
pangkapaligiran.
 may mga naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal
ay hindi natural o dysfunctional at may mga naninindigan
naman na ito ay isang normal at natural na kaurian ng
seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong
pag-iisip.
HOMOSEKSUWALIDAD
(HOMOSEXUALITY)
 Ito ay oryentasyong seksuwal na pinaniniwalaang bunga ng
kombinasyon ng mga salik na biyolohikal at
pangkapaligiran.
 may mga naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal
ay hindi natural o dysfunctional at may mga naninindigan
naman na ito ay isang normal at natural na kaurian ng
seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong
pag-iisip.
SAME-SEX MARRIAGE
 kasalan o pagiisang dibdib ng dalawang taong may
magkatulad na kasarian.
 ang isyu ukol dito lalo na sa Pilipinas, ay lagi nang
isang malaki at sensitibong usapin.
HUNYO 2015
 naglabas ng makasaysayang desisyon ang Korte
Suprema sa United States na kumikilala sa legal na
karapatan ng mga same-sex couple na magpakasal.
MAYO 2015
 sa petisyong inihain sa Korte Suprema, hiniling ni
Jesus Nicardo Falcis III na baguhin ang bahagi ng
mga Artikulo 1 at 2 ng Executive Order 209 0
Family Code 0f the Philippines, na nagtatakda at
naglilimita sa kasal na para lang sa lalaki at babae.
MAYO 2015
 nais din ng nagpepetisyon na alisin ang bahagi ng
mga Artikulo 46 (4) at 55 (6) ng Family Code na
nagsasaad na maaaring maging basehan ng
annulment at legal separation ang lesbianism o
homosexuality.
SAME-SEX MARRIAGE
 nagbigay rin ng pahayag ang noon ay House
Majority Leader na si Neptali Gonzales Il, na hindi
pa raw panahon para payagan ang gay marriage sa
Pilipinas, na inilarawan niya na generally
conservative.
SAME-SEX MARRIAGE
 Maging ang noon ay House Speaker na si
Feliciano Belmonte Jr., ay naniniwalang hindi pa
handa ang mga Pilipino para sa isang batas na
pinapayagan ang same-sex marriage.
SAME-SEX MARRIAGE
 Ganunpaman, unti-unti nang pinapayagan sa iba't
ibang bansa ito o ang mga kauri nito
Netherlands (2000), Belgium (2003), Canada (2005),
Spain (2005), South Africa (2005), Norway (2009),
Sweden (2009), Iceland (2010), Portugal (2010),
Argentina (2010), Denmark (2012), France (2013),
Brazil (2013), at United States of America (2015).
SAME-SEX MARRIAGE
 ayon kay Catholic Bishop Conference of the Philippines
(CBCP) — Episcopat Commission on Family and Life
(ECFL) Executive Secretary Melvin Castro, hindi nila
papayagan o sasang-ayunan ang pagkaroon nito sa bansa,
gaya ng ipinaglalaban o isinusulong ng gay rights
advocates dahil maaaring maging sanhi ito ng pagiging
komplikado ng buhay ng mga Pilipino lalo sa usaping
moralidad sakaling ito ay pahintulutan sa bansa.
1. Naipakikita diumano ang kapantayan sa kasarian
sa pamamagitan ng same-sex marriage.
2. Ang same-sex marriage diumano ay hindi
nagdudulot ng pinsala kaninuman at sa lipunan.
3. Ang legalisadong same-sex marriage ay maaaring
maging isang malaking tulong sa mga bahay-
ampunan.
4. Ngayon, ang homoseksuwalidad ay isa nang
tinatanggap na uri ng pamumuhay (lifestyle).
5. Wala raw mali same-sex marriage kung
nagmamahalan ang dalawang tao dahil ang pag-ibig
umano ang pinakamahalagang bagay na dapat
isaalang-alang sa pag-aasawa
6. Ang same-sex marriage ay isang karapatang
pantao.
1. Ang pagsasama ng magkaparehong kasarian ay
maaaring magdulot ng trauma at kalituhan sa mga
bata lalo na tungkol sa papel ng kasarian (gender
role), reproduksiyon, at inaasahan ng lipunan
(societal expectation).
2. Kahit na nagiging malaganap, ang gay lifestyle ay
isang bagay na hindi marapat na isulong.
3. Ang unyong homoseksuwal at pagbuo ng isang
pamilya mula sa relasyong ito ay hindi biologically
natural.
4. Ang panukalang pagsasalegal ng same-sex marriage
ay magpapahina sa kabanalan, dangal, at prestihiyo ng
pag-aasawa bilang isang pangunahing institusyon.
5. Sa konteksto ng homoseksuwalidad sa Pilipinas,
marami pa ring tao ang hindi tanggap ang mga
LGBTQ.
6. Sisirain ng same-sex marriage ang tradisyonal na
kahulugan ng kasal at pamilya.
PAKSA 4
ANG CIVIL PARTNERSHIP
AT SOGIE BILL
CIVIL SAME-SEX PARTNERSHIP
inihaing alternatibong panukalang batas sa panahon
ng speakership ni Cong. Pantaleon Alvarez ukol sa
pagsasamang legal ng magkaparehas ang kasarian
CIVIL SAME-SEX PARTNERSHIP
 naniniwala ang isang transgender woman na si
Bataan Rep. Geraldine Roman na mas madaling
ipasa ito kaysa same-sex marriage, lalo na at ang
nais naman daw ng LGBTQ+ community ay
karapatan.
(HOUSE BILL NO. 6595)
 panukalang batas na akda nina Alvarez, Roman, at
ng walo pang ibang kongresista
 nilalayon nito na hindi lamang kilalanin bagkus ay
bigran pa ng kaparehong karapatan ng mga kasal na
magasawa ang civil partnership. Nais din ng bill na
bigran ng karapatan ang civil same-sex partners na
mag-ampon at magkaroon ng hatian sa ari-arian.
(HOUSE BILL NO. 6595)
 papayagan din ng panukalang batas na ito na
maghiwalay ang civil same-sex partners alinsunod
sa mga kondisyon ng Family Code para sa mga
kasal na mag-asawa.
 ang bill na ito ay maaari din diumano sa
heterosexual couples (isang babae at isang lalake)
bilang alternatibo sa kasal.
CIVILPARTNERSHIP

 nakaugat sa pagkilala at pagtanggap sa


oryentasyong seksuwal na homosexuality.
SOGIE BILL
 panukalang-batas na magpapataw ng parusa sa
sangkot} sa mga diskriminasyong nakabatay
sa "sexual orientation" at "gender idéntity or
expression" (SOGIE).
 inaasahang poprotekta sa mga lesbyana, bakla,
bisexual, transgender, at iba pa.
SOGIE BILL
 may dalawang panukalang-batas ukol dito ang sa
ngayon ay nakahain sa Senado at Kapulungan ng
mga Kinatawan: ang (1) Senate Bill 159, o Anti-
Discrimination Act, at ang (2) House Bill 258, o
SOGIE Equality Act.

You might also like