You are on page 1of 7

PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.

School Year 2022-2023


LEARNING ACTIVITY SHEETS
ARALING PANLIPUNAN (GRADE 10)

Gng. Ana Lyn D. De Leon


Guro

ARALIN 10: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBT


Ika-23 at Ika-24 na Linggo
Pebrero 6 – 10 at Pebrero 13-17, 2023
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng diskriminasyon
2. Nasusuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender)

Mga gabay sa paggamit ng learning activity sheets:


1. Basahin at unawain ang mga impormasyong nakapaloob sa aralin
2. Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na nakapaloob sa aralin at ipasa ito sa
takdang oras
3. Unawain at sundin ang mga panuto na kaakibat ng mga gawain
4. Gamitin bilang gabay ang sumusunod:

Ang icon na ito ay tanda na ang kasunod na bahagi ay naglalaman ng


mga paalala o di kaya ay mga impormasyon na dapat mong tandaan.

Ang icon na ito ay tanda na ang kasunod na bahagi ay naglalaman ng


mahahalagang impormasyon na kailangan mong basahin at pag-aralan
upang higit na maunawaan ang paksang tinatalakay.

Ang icon na ito ay hudyat na ang kasunod na bahagi ay naglalaman ng


pagsusulit o pagtataya upang malaman kung iyo bang nakamit ang mga
layunin ng aralin. Basahing mabuti ang mga panutong kaugnay ng
pagtataya na iyong kailangang sagutan.

Ang araling ito ay idinisenyo upang iyong mapaliwanag ang konsepto ng


diskriminasyon at masuri ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian,
Gay, Bisexual, Transgender). Kalakip ng araling ito ang mga babasahin na makatutulong sa
iyo upang higit na maunawaan ang nasabing paksa.

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 1 of 7


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023

Bago tayo magsimula sa ating aralin para sa linggong ito, nais ko munang ipabatid sa iyo na
ngayon ang pagdiriwang ng Linggo ng Araling Panlipunan sa ating paaralan. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang
na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makikilahok sa mga paligsahang nakalaan sa bawat baitang. Para
sa ika-10 baitang, ang inyong lalahukan ay ang Infographc Making Contest. Basahin at unawain ang mga
sumusunod na impormasyon kaugnay nito.

PAGDIRIWANG NG LINGGO NG ARALING PANLIPUNAN


Pebrero 13-17, 2023

Tema: “Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran”

Layunin: Malinang ang mga kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan upang
mapalawak at mapalalim ang kanilang kamalayan sa mga pangyayari sa lipunan na siya nilang magiging
gabay sa pagsasabuhay ng pakikipagkapwa at pakikiisa sa pagganap ng kanilang mga gampanin bilang mga
mamamayan sa ika-21 siglo

Infographic Making: Layunin ng paligsahang ito na maimulat ang mga mag-aaral sa papel na
ginagampanan ng iba’t ibang kasarian gayundin ang kanilang mga ambag tungo sa ikatatatag at ikauunlad
ng lipunan

Mga Panuntunan para sa Infographic Making Contest

1. Ang mga kalahok sa infographic making contest ay ang mga mag-aaral sa Grade 10.
2. Maaaring gumamit ng ALINMANG photo-editing tool sa paggawa ng infographic na patungkol sa
temang: “Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran: Ang Papel ng Kasarian .”
3. Maaaring gumamit ng iba’t ibang image manipulation techniques sa pagsasakatuparan ng gawaing
ito. Ang mga kalahok ay maaring gumamit ng mga orihinal na larawan o ‘di kaya ay mga larawan na
mula sa internet. Kung gagamit ng mga larawang mula sa internet, kinakailangang itala ang
pinagkunan at orihinal na may-ari nito sa isang bahagi ng infographic.
4. Ang infographic ay dapat na naka-save sa .jpeg format at hindi dapat lumagpas sa dalawang pahina
(A4 size) kasama na ang talaan ng mga ginamit na sanggunian.
5. Ang ipapasang infographic ay magsisilbing Mini Task ng mga mag-aaral sa kanilang asignaturang
Araling Panlipunan para sa ika-3 Markahan.
6. Ang mga kalahok na infographic ay dapat na i-upload sa karampatang activity na naka-assign sa
SILID LMS hanggang 5:00pm sa ika-17 ng Pebrero gamit ang sumusunod na file name format:
Infographic_LastName_FirstName_Section

7. Ang mga infographic na ipapasa ng lagpas sa itinakdang araw at oras ng deadline ay hindi na
makakasama sa mga pagpipillian ng mga hurado.
8. Ang mga hurado ay pipili ng isang champion at isang runner-up ayon sa mga pamantayan ng
patimpalak.
9. Sa oras na maipasa ang resulta ng patimpalak sa komite, ang desisyon ng mga hurado ay ituturing
nang pinal at di na mababago.

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga teksto.


DISKRIMINASYON
Iba’t iba ang mga lahi ng tao sa mundo. Iba’t iba rin ang mga pisikal na katangian, paniniwala, at
pag-uugali. Gayunpaman, dapat nating tanggapin at igalang ang bawat isa. Kapag hindi natin ito ginawa,
hahantong tayo sa diskriminasyon.
Ang diskriminasyon ay ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa
pagkakaiba ng kanilang katangian tulad halimbawa ng lahi, edad, kasarian, kapansanan, o paniniwala.
Maraming posibleng anyo ang diskriminasyon ngunit ang lahat ng ito ay may elemento ng hindi pagtanggap
at pang-aapi. Marahil ay nakaranas o nakasaksi ka na ng ilang halimbawa ng diskriminasyon tulad ng
pagbabawal sa mga babae na sumali sa laro ng mga lalaki. Sa trabaho, maaaring may kompanyang hindi

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 2 of 7


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
tumatanggap ng empleyadong nabibilang sa ibang relihiyon o pangkat-etniko. Sa pambansang antas,
maaaring makita ang diskriminasyon sa mga batas at patakaran ng pamahalaan. Sa kasaysayan,
halimbawa, naisabatas ang pang-aalipin sa mga Aprikano sa Amerika, ang paghahari ng lahing puti sa
South Africa, at ang maramihang pagpatay ng Nazi Germany sa mga European Jews.
DISKRIMINASYON BATAY SA KASARIAN
May pagkakaiba ang mga kilos at gawi na inaasahang gampanan ayon sa kasarian. May mga kilos
at gawain na itinuturing na kakaiba sa kanilang seksuwalidad. Hindi pantay-pantay ang pagtingin ng ating
lipunan sa iba't ibang mga kasarian. Maraming mga bansa ang hindi pa rin lubos na kinikilala ang mga
karapatan ng kababaihan at homoseksuwal. Mayroong mga relihiyong itinuturing na kasalanan ang
relasyong homoseksuwal. Mayroon ding mga estadong aktibong tumutuligsa sa mga homoseksuwal at
kababaihan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na naglilimita sa kanilang mga karapatan.
Ang mga pagkakaiba at hindi pagka-pantay-pantay sa pagtrato ng mga kasarian ay makikita sa ating
lipunan tulad ng aspektong politkal, panghanapbuhay, at maging sa tahanan.
Sa Politika
May pagkakaiba ang mga kasarian sa kapangyarihang politikal sa pamahalaan, komunidad, at mga
institusyon. Sa maraming bahagi ng daigdig, ang kalalakihan ang may pinakamalaking kapangyarihan sa
lipunan. Limitado ang nakukuhang serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, trabaho, suweldo, at maging
pagkain ng mga babae at homoseksuwal kung ikukumpara sa kalalakihan.
Sa Tahanan
May pagkakaiba rin ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at
paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng
kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
Sa Paghahanapbuhay
Nakatatanggap rin ang kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho. Itinatalaga lang
sila sa mga mababang posisyon at binibigyan ng mas mababang sahod. Ang kalalakihan ang humahawak
ng mas mataas na posisyon at mas mataas na sahod.
Sa maraming ekonomiya sa mundo, ang kababaihan at kabataan ay agrabiyado. Dahil dito, natatali
ang kababaihan sa pinansiyal na suporta ng kanilang mga kaanak na lalaki. Pati ang media ay
nakapagpapalala sa diskriminasyon sa kasarian sapagkat ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual
object para sa kalalakihan. Ang pang-aabuso ay mas madalas maranasan ng kababaihan at ng mga
homoseksuwal kaysa sa mga kalalakihan.
Pinagkunan: Office of the Special Adviser on Gender Issues, Department of Economic and Social Affairs,
United Nations
Mga Anyo ng Diskriminasyon Ayon sa Kasarian
Ang ilan sa mga anyo ng diskriminasyong nararanasan ng mga LGBT ay: (1) hindi pagtanggap sa
kanila sa trabaho; (2) mga pang-iinsulto at pangungutya; (3) hindi pagpapatuloy sa mga establisyemento
dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos; (4) karahasan tulad ng pambubugbog o pagpatay; (5) at bullying sa
paaralan. Dahil sa diskriminasyon, maraming mga homoseksuwal ang nakararanas ng depresyon, pagiging
mapag-isa, hindi pagpasok sa paaralan; at pagpapatiwakal.
May mga bansa na bukas ang pananaw tungkol sa homoseksuwalidad. Madalang makaranas ng
diskriminasyon ang mga LGBT sa mga bansang Netherlands, Sweden at Denmark sa Europe, at gayundin
sa Canada, Argentina, at ilang states sa United States. Sa mga bansang Ito, isinabatas ang pagpapakasal
ng mga homoseksuwal at ang pamumuhay nila nang malaya at walang diskriminasyon. Ang ilan sa mga
bansang nabanggit ay tumatanggap din ng mga tinatawag na gay refugee na lumikas mula sa kanilang
bansa bunsod ng pag-uusig sa mga homoseksuwal.
Itinuturing na pangha-harass sa iba't ibang kasarian ang sumusunod:
• Pagbabanta at paninigaw
• Panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito
• Panunukso o pagsasabi ng mga komentong nakaiinsulto, pagkakalat ng mga usap-usapan tungkol sa
kasarian ng isang tao (verbal o sa pamamagitan ng social media)
• Panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian
Inuri ang ilang anyo ng diskriminasyon ng iba't ibang kasarian ng Human Rights Violations on the
Basis of Sexual Orientation, Gender Identity, and Homosexuality in the Philippines na ipinasa para sa
ginanap na "Consideration at the 106th Session of the Human Rights Committee for the Fourth Periodic
Review of the Philippines" noong October 2012. Narito ang mga pag-uuri:

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 3 of 7


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
1. Di-tuwirang Diskriminasyon
Maaaring mangyari ang diskriminasyon sa di-tuwirang paraan kung ang indibidwal o
organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT
mula sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato
nang hindi tama nang walang isang Iehitimong dahilan.
Halimbawa:
Ang isang kompanyang kumokontrata ng serbisyo mula sa isang ahensiya na nagpapadala
ng manggagawa ay natukiasan na isa sa mga manggagawang ito ay transgender/transsexual.
Ang kompanyang ito ay hindi na tatanggap ng mga manggagawa na hindi mukhang "normal" na
lalaki o babae.
2. Diskriminasyon sa Pagkakakilanlan
Nakararanas din ng diskriminasyon ang LGBT ayon sa estado ng kanilang pamumuhay
tulad ng lahi at katayuan ng pamilya. Batay sa pag-aaral, nagaganap ang diskriminasyon sa
trabaho. Ang isang LGBT na naghahanapbuhay nang may mababang sahod ay nakaaapekto rin
upang makaranas siya ng pang-aapi.
Halimbawa:
Ang isang gay ay nakatatanggap ng masasamang salita at pagbabanta mula sa iba niyang
kasamahan. Binabansagan siya ng iba't ibang pangalan.
3. Relasyon sa Iba
May ilang taong nahaharap din sa diskriminasyon dahil sa kanilang kaugnayan sa LGBT.
Halimbawa:
Ang nangungupahang babae ay nakaririnig ng mga masasakit na komento mula sa may-ari
dahil ang kanilang bagong kasama sa kuwarto ay isang transgender.
Sanggunian: Antonio, Eleanor D., et. Al. (2017). KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu (Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan). Rex Bookstore, Inc. Manila.

MGA SALIK NA NAGIGING DAHILAN NG PAGKAKAROON NG DISKRIMINASYON SA KASARIAN


Katulad ng diskriminasyon sa lahi, mayroon ding masasabing diskriminasyon sa kasarian. May mga
salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong diskriminasyon. Narito ang ilan.
1. Relihiyon at Kultura
Maraming mga kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng mga lalaki. Maging ang mga Banal
na Kasulatan ng maraming relihiyon ay nagpapahiwatig ng higit na katayuan ng kalalakihan. Halimbawa:
Ang ama ang itinuturong dapat mamuno sa pamilya at ang ina ay dapat magpasakop o sumunod sa
kaniya. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sa maraming bansa, walang karapatan ang mga babae na
bumoto at kumandidato sa halalan.
Ang tradisyonal na paniniwala sa maraming kultura na sinasang-ayunan ng mga Banal na Aklat ay
dalawa lamang ang tanggap na kasarian (gender)—ang ukol sa lalaki at babae. Ang ganitong paniniwala
ay natural na nagbubunga ng diskriminasyon sa mga taong lilihis sa kategoryang lalaki at babae.
2. Pisikal na kaanyuan
Ang pisikal na kaanyuan ay madalas na maging salik din sa diskriminasyon ukol sa gender. Ang
mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas maliliit at mas mahihina. Kung ang pagiging
brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki, ang mga babae naman ay inaasahan na maging
mahihinhin. Ang ganitong mga konsepto ay sinasabing nagbubunga rin ng diskriminasyon at maging ng
pang-aabuso sa mga babae.
3. Trabaho
Ang trabaho ay nagsisilbi ring salik ng diskriminasyon sapagkat may mga uri ng hanapbuhay o
propesyon na parang nilikha lamang sa "mas malakas" na kasarian—lalaki. May mga hanapbuhay
halimbawang kasarian nangangailangan ng pisikal na lakas ng kalalakihan kaya't madalas na ang mga
ganitong uri ng trabaho ay hindi ibinibigay sa mga mga babae o sa mga kabilang sa iba pang gender.
Sa maraming bansa, ang pagiging abogado at inhinyero ay nakalaan lamang sa mga lalaki. Ang
ganitong sitwasyon ay itinuturing na diskriminasyon sapagkat lumlabas na mas malaki ang oportunidad
ng mga lalaki na makahanap ng hanapbuhay.
4. Edukasyon
Lalo na sa nakaraang mga panahon, may mga kursong pinaniniwalaang dapat kuhanin ng lalaki
lamang o kaya ay ng babae lamang. Nabanggit na ang abogasya at pag-iinhinyero ay dating para
lamang sa mga lalaki. Ang nursing naman ay dating iniaalok lamang sa kababaihan. Ang ganitong
patakaran ay lalong nagpapaigting sa paniniwalang ang mga gender ay hindi magkakapantay.

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 4 of 7


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
ILANG ISYUNG MAY KINALAMAN SA GENDER AT KASARIAN
Ang ilang isyung ukol sa paglabag sa karapatang pantao ay may kaugnayan sa gender o kasarian.
Narito ang ilan.
1. Isyu sa karapatan ng kababaihan
Sapagkat maraming bansa sa mundo na ang kultura ay dominado ng lalaki (male dominated),
may mga karapatang ipinagkakaloob sa kalalakihan na hindi ibinibigay sa mga babae. Bagama't unti-unti
nang kinikilala ang kanilang mahalagang gampanin sa lipunan, mayroon pa ring mga kaso ng hindi
magandang pagtrato at pagtingin sa kababaihan bilang mahihina, sexual object, at prostitute.
Lalo na sa kasaysayan, may mga bansa kung saan ang mga babae ay walang karapatang
bumoto (suffrage). Sa edukasyon, may mga kultura na ang mga babae ay walang karapatang mag-aral
sa paaralan o kaya naman ay may mga kursong hindi nila maaaring kunin (gaya halimbawa ng
abogasya). Dati-rati ay may mga uri din ng hanapbuhay na hindi maaaring pasukin ng mga babae.
Malimit ding ang mga babae ay biktima ng mga pang-aabuso gaya ng panggagahasa (rape),
pangmomolestiya, bullying, at pang-aabuso sa pananalita (verbal abuse). Sa kasaysayan ng Pilipinas,
matatandaan na may mga Pilipinang ginawang comfort women ng mga sundalong Hapon noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Isyu sa karapatan ng mga LGBT
Bagama't ang mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa Pilipinas ay pinapayagan o
tino-tolerate, iginigiit ng mga kasapi ng LGBT community na wala pa rin daw silang malinaw at tuwirang
mga karapatang tulad ng sa kalalakihan at kababaihan. Mayroon pa ring umanong konsepto na sila ay
mga second-class citizen at hindi kapantay ng lalaki at babae. Hati pa rin ang bansa hinggil sa kanilang
mga isinusulong gaya ng same-sex marriage, civil union, at karapatang mag-ampon ng mga anak.

Sanggunian: De Guzman Jens Micah. (2017). Mga Kontemporaryong Isyu). JO-ES Publishing House, Inc.
Valenzuela City.
GENDER STEREOTYPES
Ang pagkabuo at pananatili ng gender stereotypes ay resulta ng mga mga paniniwala, tradisyon, at
prectices ukol sa gender roles na nakabatay sa gender norms. Binibigyang-kahulugan ang gender
stereotypes bilang ang labis-labis na paglalahat (over-generalizations) tungkol sa mga katangian ng isang
buong pangkat batay sa kasarian. Ito ay tumutukoy sa nakasanayan o praktis ng pagtatalaga sa indibidwal
na babae o lalaki ng mga espesipikong katangian o gampanin dahil lamang sa kanyang pagiging kabilang
sa kategorya ng babae o lalaki.
Kapwa may positibo at negatibong konotasyon ang gender
stereotyping. Bilang halimbawa, ang paniwalang ang mga babae ay
mas magaling na caregivers" at ang mga lalaki ay mas mahusay na
providers" ay maituturing na positibo subalit ang mga ito ay mga
paglalahat na hindi palaging totoo sa lahat ng pagkakataon, at
samakatwid gender stereotypes. Subalit sa pangkalahatan, ang mga
stereotype ay may negatibong katangian partikular sa mga minorya o
outgroup samantalang ang mga positibong katangian ay iniuugnay
naman sa mayorya o "in-group." Sa isang patriyarkal o "male dominated society," ang karamihan sa mga
positibong katangian ay nakapatungkol sa mga lalaki gaya ng pagiging higit na may kapasidad (more
capable), kakayanan (able), malakas, at may katwiran (rational) kaysa sa mga babae.
Nagkakaiba ang mga gender stereotypes batay sa apat na dimensiyon na binubuo ng mga trait, role
behavior, katangiang pisikal (physical characteristics), at hanapbuhay (occupations). Sa ilang mga lipunan,
higit na mahigpit (restricting) ang mga gender sterotypes samantalang may ilan din namang mas maluwag
at bukas sa paglihis (deviation) sa mga itinakdang dimensiyon. Bilang halimbawa, karaniwang iniuugnay na
katangian sa pag-uugali ng mga lalaki ang pagiging agresibo at competitive samantalang ang mga babae ay
tinitingnan naman bilang passive at cooperative. Batay rin sa tradisyon, ang mga lalaki ay ang itinuturing na
tagapaghanapbuhay (financial provider) samantalang ang mga babae ay ang tagapag-alaga (caretakers).
Maituturing na nakasasama ang gender stereotype kapag
nalilimitahan nito ang kapasidad ng mga babae, lalaki, at transgender na
mapaunlad ang kani-kanilang pansariling abilidad, makapagpatuloy ng
kani-kanilang karerang propesyonal at makagawa ng sariling pasiya tungkol
sa kanyang katawan at buhay at mga plano sa hinaharap. Hinuhubog o
naiimpluwensiyahan ng mga takdang gender roles, traits at katangiang
pisikal na ipinatutungkol sa kababaihan at transgender ang kanilang
aktibidad, edukasyon, trabaho, at propesyon o karerang tatahakin. Dahil sa
mga presyur na panlipunan na matugunan ang inaasahan sa pagiging
LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 5 of 7
PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023
babae mula sa magulang, kaibigan, guro, at media, maraming mga babae ang sumusunod na lamang sa
mga gender stereotypes para sa kanilang kasarian. Sila ay nagpipigil na mailabas ang kanilang mga iniisip
at nararamdaman kung kaya sila ay nagiging mas iyakin kaysa sa lalaki, sinasadyang huwag maging aktibo
sa mga "strength-related sports" at hindi naghahangad na umunlad sa trabaho (workforce) dahil sa
"insecurity" at sa presyur na maging isang ina. Kadalasan, ang mga babaeng sumasalungat o lumilihis sa
mga gender roles ng pagkababae ay kadalasang itinuturing na malupit (harsh), "controlling," o tomboy
(manly). Sila rin ang kadalasang nasisisi sa kaguluhan at pagkawasak ng pamilya.
Nakasasama pa rin ang gender stereotype kung ito ay nagbubunga ng paglabag sa mga
karapatang pantao at batayang kalayaan. Bilang halimbawa nito, ang paniwalang ang mga babae ay mga
pag-aaring seksuwal ng mga lalaki (sexual property of men) ay ang itinuturing na sanhi kung bakit hanggang
sa ngayon ay maraming bansa pa rin ang ayaw kilalanin sa kanilang kodigo ng mga batas ang marital rape
bilang krimen. Nagreresulta ng iba pang gender stereotypes ang paniwalang ang mga babae ay pag-aaring
seksuwal ng mga lalaki kung saan ang mga babae ay dapat palaging mukhang maganda at kaakit-akit sa
paningin ng iba lalo na para sa lalaki, seksi at maalaga sa katawan at itsura samantalang ang mga lalaki ay
hindi dapat banidoso (vain) sa itsura at pangangatawan. Kung kaya, ang mga lalaki o babae na hindi
sumusunod sa takdang gampanin, asal, at pagkilos para sa kanilang gender roles at gender norms para sa
kanilang kasarian ay itinuturing na tomboy o bakla (transgender) at samakatwid ay mga deviants. Upang
ang lalaki ay ituring at pag-isipang bakla, siya ay hindi dapat malamya sa kilos at pananalita, hindi iyakin,
hindi naglalaro ng manika, hindi nagsusuot ng kulay rosas, hindi mahilig sa gawaing-bahay, at hindi
gaanong malinis, masinop at maalaga sa katawan at kagamitan sa loob at labas ng tahanan.
Hinubog din ng mga gender stereotypes ang iba't ibang kaisipan na
nagbibigay-katwiran sa gender discrimination at gender inequality. Kabilang sa
mga kaisipang ito ang sexism at misogyny sa kababaihan at ang homophobia
at biphobia sa mga transgender. Nagsisilbing ideyolohikal na batayan ng
patriyarka ang sexism, o ang paniniwala na ang isang kasarian o sex ay mas
superyor o nangingibabaw kaysa sa iba. Ang sexism ay hindi lamang
maituturing na indibidwal na atittude kundi ito ay maaaring nakapaloob na
mismo sa mga institusyon sa lipunan gaya ng mga sistemang legal,
panrelihiyon, at pang-ekonomiya. Tinatawag na institutional sexism ang
manipulasyon o pagsang-ayon (toleration) sa mga patakarang institusyonal na
humahadlang na matamasa ng isang kasarian ang anumang oportunidad
kompara sa ibang kasarian.
Samantala, tinatawag namang misogyny (misogynist ang taong nagpapamalas ng misogyny) ang
"pagkatakot o galit sa mga babae," homophobia ang pagkatakot, galit, o intolerance sa mga transgender o
LGBT, at biphobia ang pagkatakot, galit, o intolerance sa mga bisexual na babae lalaki. Bagama't tila
pareho lamang ang kahulugan at katangian ng sexism at misogyny, may kaunti rin namang pagkakaiba ang
dalawang terminolohiya. Ang misogyny ay partikular na tumutukoy sa mga pagkilos at kaasalan (behavior)
na hindi angkop o takda para sa mga babae gaya ng pagiging malakas at makapangyarihan, independent,
at ambisyoso. Samantala, ang sexism ay ang "prejudicial behavior" laban sa kababaihan batay sa kanilang
gender. Hindi katulad ng misogyny, ang sexism ay nakatuon sa kababaihan bilang kabuoan o kategorya at
hindi sa kanilang “behaviors” na siyang pinagtutuonan ng misogyny. Sinasakop ng sexism ang mga
paniniwala tulad ng pagkakaiba ng gampanin para sa babae at lalaki, emosyon tulad ng hindi pagkagusto o
pagkamuhi sa malalakas at makapangyarihang babe (strong and powerful women) at behaviour tulad ng
sexual harassment na lahat ay sumusuporta sa gender inequality.
Sa kasalukuyan, ang mass media ang isa sa pangunahing tagapagpalaganap at nagpapanatili ng
mga gender stereotype na nakabatay sa patriyarka at pagturing na minorya ang mga babae. Sa pelikula,
programa sa telebisyon at radyo, at anunsiyo o advertisements ng mga kalakal at serbisyo, hamak na mas
maraming ipinapakita ang tradisyonal na gampanin ng mga lalaki at babae sa lipunan. Subalit sa kabila ng
sinasabing pagsulong sa katayuan ng kababaihan sa nakalipas no panahon, nagpapatuloy pa rin ang
"objectification" partikular ang "sexual objectification" ng kababaihan bilang isang kategorya lalo na sa mga
anunsiyo sa ilang produkto o serbisyo. Ang sexual objectification ay ang gawain (act) ng pagtrato sa isang
tao bilang kasangkapan lamang sa kaligayahang seksuwal (sexual pleasure). Ito ay pagtrato sa isang tao
lalo na sa kababaihan bilang kalakal o produkto (commodity) ng walang pagsasaalang-alang sa kaniyang
pagkatao (personality) o dignidad bilang tao. Upang makabenta ng produkto at serbisyo, ang ilang
kompanya ay patuloy sa pagkakabit o paggamit ng mga stereotype sa kababaihan na dapat palaging
nakaayos, maganda, seksi, at kaakit-akit kahit wala namang kaugnayan at lalo na ay kasalungat sa
katotohanan ang mensahe nito. Maging sa pang-araw-araw na usapan na pabiro man o seryoso gaya ng
public hearings sa Kongreso, pangkaraniwan pa rin ang sexual objectification at sexism sa kababaihan gaya
ng pagmamalaki ng ilang kalalakihan sa pagsasabi ng "It's a man s world," "A woman's place is in the
kitchen/bedroom," "Don't mind her, she's on her period," at "You should have been born a man."
Sanggunian: Mactal, Ronaldo B., PhD. (2017). PADAYON 10: Mga Kontemporaneong Isyu. Phoenix
Publishing House, Inc.. Quezon City.

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 6 of 7


PAOMBONG HIGH SCHOOL, INC.
School Year 2022-2023

Ikinagagalak ko na nauunawaan mo na ang konsepto ng diskriminasyon sa mga kababaihan,


kalalakihan at mga miyembro ng LGBTQ community. Panahon na upang ating subukan ang lalim ng iyong
pagkaunawa sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsasagot sa kasunod na mga gawain.

Sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod:


QUIZ 2: DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN, KALALAKIHAN AT LGBT
at
MINI TASK 1: INFOGRAPHIC
Panuto: Alinsunod sa mga tinalakay na panuntunan, gumawa ng infographic na kaugnay ng temang
“Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran:Ang Papel ng Kasarian.

Mga Pamantayan para sa Infographic Making Contest

Nagsisimula pa
Katangi-tangi Mahusay May Kakulangan
PAMANTAYAN lang
4 3 2
1
Ang infographic Ang infographic Ang infographic Ang nilalaman ng
ay nagpapahayag ng ay nagpapahayag ng ay nagpapahayag ng infographic ay
malinaw at malinaw na kabuuang kabuuang mensahe at walang kaugnayan
Nilalaman at makabuluhang kabuuang mensahe at naglalaman naglalaman ng mga sa tema at paksa.
Kabuuang mensahe at naglalaman ng may kalidad na mga impormasyon na
Mensahe ng detalyado at may impormasyon na kaugnay ng tema at
kalidad na mga angkop sa tema at paksa.
impormasyon na angkop paksa.
sa tema at paksa.

Ang infographic ay Ang infographic ay Ang infographic ay Walang


nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita ng pagkakaisa ang
pambihira at nakalulugod nakalulugod na pagkakaisa ng mga mga kulay at
Visual Appeal na pagkakaisa ng mga pagkakaisa ng mga kulay, estilo at estilong ginamit
kulay, estilo at kulay, estilo at pagkakaayos ng mga gayundin ang
pagkakaayos ng mga pagkakaayos ng mga elemento. pagkakaayos ng
elemento. elemento. mga elemento.
Maayos, detalyado at May wastong daloy ng May lohikal na Hindi maayos ang
madaling maunawaan mga kaisipan at organisasyon subalit daloy ng kaisipan
Organisasyon ang daloy ng mga madaling maunawaan hindi sapat upang at hindi
kaisipan at ang impormasyong mahikayat ang mga maunawaan ang
impormasyong inilahad. inilahad. netizen na tumugon. impormasyong
inilahad.
Malinaw at naaayon ang Masining ang mga May kakulangan ang Hindi angkop ang
mga disenyo at masining disenyo at mga disenyo at paraang ginamit
Pagkamalikhain ang pamamaraang pamamaraang ginamit pamamaraang ginamit upang mailahad
ginamit sa paglalahad ng sa paglalahad ng mga sa paglalahad ng mga ang mga
mga impormasyon. impormasyon. impormasyon. impormasyon.

Lubos na nakahihikayat Nakahihikayat ang Hindi ganap na Hindi


Impact at nakatatawag-pansin nilalaman ng nakahihikayat ang nakahihikayat ang
ang nilalaman ng infographic. nilalaman ng nilalaman ng
infographic. infographic. infographic.

Wasto ang pagkakagamit Wasto ang Maayos ang Hindi wasto ang
ng balarila. Maayos at pagkakagamit ng pagkakagawa ng paggamit ng
malinis ang pagkakagawa balarila at maayos ang infographic subalit may balarila at hindi
Mechanics ng infographic at pagkakagawa ng ilang kakulangan sa maayos ang
nagpapakita ng mataas infographic at paggamit ng balarila. pagkakagawa ng
na antas ng kasanayan at nagpapakita ng sapat infographic.
estilo. na antas ng kasanayan
at estilo.

Binabati kita sa iyong masusing pag-aaral at matiyagang pagsasagot sa mga nilalaman ng aralin na ito!
Hanggang sa susunod na aralin!

LAS - Araling Panlipunan 10 Pahina 7 of 7

You might also like