You are on page 1of 21

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan — Modyul 5
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig
Aralin
Ang Kabihasnang Mesopotamia
1
Suriin
Gawain 1: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Mesopotamia
Itinuturing na kauna-unahan sa buong daigdig ang Kabihasnang Mesopotamia.

Kabihasnang Sumerian (3500-2340 BCE)


• Sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog namalagi ang nomadikong Sumerian
• Nagsilbing templo at tahanan ng mga diyos o patron na makikita sa kada
lungsod ang isang istruktura na kung tawagin ay Ziggurat.
Mga Ambag Mga Sanhi sa Pag-unlad
sa Kabihasnan at Pagbagsak
Mga Imbensyon: Pag-unlad:
1. Cuneiform –unang nabuong sistema ng panulat at Mga imbensyon - nagpaunlad sa
ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida; hugis- pagsasaka, kalakalan, at iba pang
sinsel; mga industriya at nagpaunlad din
2. Gulong – nagawa ang unang karwahe nang ito’y sa kanilang lipunan sa
natuklasan pangkalahatan.
3. Cacao – ginamit sa kalakal bilang unang pamalit
4. Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga disenyong Pagbagsak:
pang-arkitektura at pang-inhinyera na ginamit sa Hindi matatag ang pamahalaan ng
mga palasyo at templo sa Sumer mga Sumerian dahil sa madalas
7. Luwad – ginamit ng mga Sumerian sa paggawa ng na pag-aaway ng mga lungsod-
laryo na nagsilbing talaan nila estado tungkol sa tubig at lupa
8. Prinsipyo ng calculator
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Babylonian (1792-1595 BCE)


• Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia.

Ambag sa Kabihasnan Mga Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak


Pag-unlad:
Kodigo ni Hammurabi – binubuo ng 282
batas na nagsisilbing pamantayan ng • Nagpatatag sa lipunan at pamahalaan
kabihasnang Babylonian. ang Kodigo ni Hammurabi. Nakatulong
ito sa pag-unlad ng halos lahat ng
- Sakop nito ang mga itinuturing na
aspeto ng buhay ng mga Babylonian.
paglabag sa karapatan ng mga
Pagbagsak:

1
mamamayan at mga ari-arian nito; usapin • Paglusob ng mga Kassite, isang tribong
sa kalakal, lupa, butaw, serbisyong Indo-Europeo. Sinundan ito ng mga
propesyunal; at pamilya. Hittite na may higit na mahusay na
armas na gawa sa bakal.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Hittite (1400–1200 BCE)


• Ang Hittite Empire ay umabot sa rurok nito sa pagitan ng pamumuno ni Haring
Suppiluliuma I (c.1344-1322 BCE) at ang kanyang anak na si Mursilli II (c.1321-1295
BCE).
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak
• Pagkakatuklas ng bakal na Pag-Unlad:
nanatiling lihim sa loob ng • Ang kanilang sistema ng pagbabatas ay hindi malupit
200 taon. Ang paggawa ng kagaya kay Hammurabi pero maayos ang pagpapatakbo
mga sandata mula sa ng imperyo na nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan
bakal ay natuklasan nito.
lamang ng ibang pangkat Pagbagsak:
sa rehiyon nang masakop • Pakikipag-alyansa nila sa mga Egyptian na sanhi ng pag-
at tuluyang bumagsak ang aalsa ng mga kaalyado nito sa kanluran at silangang
mga Hittite noong 1200 bahagi ng imperyo.
B.C. • Paglawak Griyegong kapangyarihan na nagbunsod sa
pagdating ng mga tribo mula sa hilagang bahagi sa palibot
ng Dagat Aegean.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Assyrian (1813–605 BCE)


• Noong 1120 BCE, nasupil ni Tiglath-pileser I (1114-1076 BCE) ang mga Hittite at naabot
ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian

Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak

Ang mga Assyrian ang kauna-unahang • Ang patuloy na pag-aalsa ng mga lungsod
pangkat na nakabuo ng epektibong tulad ng Media at Babylonia na nasakop
sistema ng pamumuno sa imperyo. ng Assyria ay nakapagbawas nang malaki
Kinopya ng ibang pangkat sa malapit na sa yaman ng Assyria at nagpahina sa
silangan ang pamamalakad ng Imperyong hukbo nito.
Assyrian.

Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Chaldean (612 - 539 BCE)


• Si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan.
Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa na
kinilala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.

2
Ambag sa
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Kabihasnan
• Ang Hanging Pag-unlad:
Gardens of • Ang pamumuno ni Haring Nebuchadnezzar ang nagdala sa mga
Babylon ang isa sa Chaldean sa rurok ng tagumpay. Pumili siya ng matatalinong
pinakanakakahang kabataan mula sa mga sinakop na lupain upang maging katulong
ang tanawin sa niya sa pamumuno.
sinaunang Pagbagsak:
panahon. • Tanging si Nebuchadnezzar II lamang ang naging malakas na
• Konsepto ng hari ng mga Chaldean. Sa kanyang pagkamatay, mahihinang hari
zodiac at na ang namuno sa Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at
kasayahan lamang sila nakatuon.
horoscope.
Project EASE Modyul 3 pahina 3-12

Kabihasnang Persian (539 - 330 BCE)

Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak


• Isang pinakamahalagang Pag-unlad:
ambag ng Persiano • Ang makatarungan pagbubuwis at matapat na pikikitungo sa mga
ang nasakop na tao ang nagbabantog sa kabutihan ni Cyrus at
rehiyong Zoroastrianismo napanatili ang katiwasayan sa kanyang imperyo.
kung saan nabigyang diin Pagbagsak:
ang konsepto ng pagpili ng • Matapos ang pamumuno ni Cyrus, Cambyses, Dariusat Xerxes,
tao sa landas na tatahakin: nawalan na ng mahusay na pinuno ang mga Persiano. Ito ang
kasamaan ba o kabutihan. pangunahing dahilan ng kanilang pagbagsak.

Isaisip
Gawain 3: Data Retrieval Chart
Panuto: Gamit ang data retrival chart, pumili ng dalawang pangkat ng tao na
nanirahan sa Mesopotamia. Punan ng tamang sagot ang chart at isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

Kabihasnang
Mesopotamia
Ambag ng Sanhi ng
Pangkat ng tao Sanhi ng Pag-unlad
kabihasnan Pagbagsak
1.
2.

3
Aralin Ang Kabihasnang Indus sa

2 Timog Asya

Suriin
Gawain 1: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)
Lipunan at Kultura Ekonomiya
• May malalaking kalsada, alkantarilya, at • Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay
sistema ng patubig (Sewer system) na nila. May matabang lupa dulot ng malimit
tumutustos sa pangangailangan ng mga na pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman
tahanan.. ng palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba
pa.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Parisukat na seal carving na yari sa • Pagdating ng mga mananakop na Aryan
Soapstone, isang uri ng pulbos na pinatigas mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C
at kadalasang ginagawang dekorasyon at
selyo.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)


Pamahalaan Ekonomiya
• Pinamumunuan ng rajah na • Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan
nagmamana ng katungkulan at gaya ng pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng
may katulong na lupon ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan
tagapayo na binubuo ng mga sa bahay gaya ng araro at asarol.
pinuno ng tahanan.
Lipunan at Kultura
• Tinawag na Panahong Vedic dahil dito isinulat ang mga Veda o ang apat na aklat ng
karunungan na kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon, at mga
kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay tungkol sa kalikasan;
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Relihiyong Hinduismo at Budismo • Sinalakay at napailalim sa mga
• Sistemang caste Persiano sa pamumuno ni Cyrus
• Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay the Great noong 530 B.C.
• Sa panitikan, ang mga Veda at ang Upanishad

Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

4
Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng mga tao.

Brahmin
Kaparian

Ksatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan, magsasakang may
lupa
Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian, inapo ng Aryan na
nakapag-asawa ng hindi Aryan
Pariah
naglilinis ng kalsad, nagsusunog ng mga palay, nagbibitay sa mga kriminal

(Hango sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig LM pahina 74)

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 BCE- 500 CE)


Imperyong Maurya 320-185 B.C.
Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)
Pamahalaan
• May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati sa mga distrito
na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari.
Lipunan at Kultura
• Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal, pastol, artisano,
mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga magsasaka.
Ambag sa Kabihasnan
• Encyclopedia sa medisina na isinulat ni Charaka.
• Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na tungkol
sa pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29
Imperyong Gupta 320-500 A.D.
Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D)
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Lalong napalawak ang imperyo • Ito ay itinuturing na Gintong Panahon ng India.
hanggang Talampas ng Deccan sa Ang mga ambag ng Imperyong Gupta sa
ilalim ng pamumuno ni kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan
Samudragupta (335-375 A.D.), na dulot ng mga yaman mula sa mga nasakop at
anak ni Chandragupta I. kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni
Asoka.
Ambag sa Sibilisasyon
• Dinar – gintong barya na inuukitan ng tula at iba pang disenyo
• Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga pabula na may aral tungkol sa moralidad at pulitika.
Project EASE Modyul 3 pahina 22 – 29

5
Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.
Nagtatag: Babur (1526-1530)
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Nagpatayo ng mga monumento at • Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga
palasyo sa India sa ilalim ng biyuda kasama ng bangkay ng kanilang asawa.
pamamahala ni Akbar the Great Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 AD, dala
(apo ni Babur) noong 1556-1605 ng mga Raiputs, mga mandirigmang Kushan na
A.D. naniniwala sa monogamya o pag-aasawa ng isa
lamang.
Ambag sa Kabihasnan
• Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito ay sining ng India na hinaluan ng impluwensya
ng Persia.
• Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng 1620-1648 ay itinuturing na isa sa
pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Indian.

Pagyamanin

Gawain 2: Sagutin Mo!


Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Hanapin sa hanay B ang tamang sagot na
tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B

1. Sistema ng patubig ng kabihasnang Indus A. Imperyong Maurya


2. Apat na aklat ng mga karunungan na kalipunan B. Panahong Vedic
ng mga himnong pandigmaan at ritwal.
3. Isang uri ng na pinatigas at kadalasang C. Soap stone
ginagawang dekorasyon at selyo
4. Pangkat ng tao na mangangalakal, artisan, D. Sewer system
magsasakang may lupa
5. Panahong isinulat ang mga Veda E. Veda
6. Kabihasnan na may sistemang caste F. Imperyong Mogul
7. Imperyong may ambag ng encyclopedia G. Gautama Buddha
sa medisina na isinulat ni Charaka
8. Imperyong may epikong Ramayana at H. Vaisya
Mahabharata I. Imperyong Gupta
9. Taj Mahal J. Chandragupta
10. Nagpasimula ng Budismo K. Kabihasnang Aryan

6
Aralin
Ang Kabihasnang Tsino sa
3 Silangang Asya

Suriin
Gawain 1: Basahin Mo!
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang ito na umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talahanayan.


Xia or Hsia (2000 B.C. – 1600 o 1500 B.C.)
• Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu (c. 2200 – 2100 BC), sa may lambak ng Huang Ho
ang itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Shang (1700-1200 B.C.)


• Ang Chang ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Sa lambak ng
Huang Ho nakasentro ang kanilang kabihasnan. Mataas na antas ng lipunan na
pinamumunuan ng aristokrasya ang nabuo nila.
Kultura
• Nagtatag ng calligraphy o kaligrapo na isang uri ng pagsulat at gumamit ng pictogram o
mga larawan na dikit-dikit ang pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Pagkontrol ng tubig-baha at sistema ng irigasyon • Ang paglusob ng mga
• Ang kalendaryong lunar na sampung araw ang barbaro, ang mga Chou,
pinakamalaki – anim na tigsasampung araw ang bumubuo galing sa lambak ng We sa
ng 360 araw sa loob ng isang taon ay naimbento. kanlurang bahagi ng Tsina.

Chou (1122-256 B.C.)


Pamahalaan
• Ito ay pinamumunuan ng emperador kaagapay ang limang ministro o mandarin: punong
ministro (Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of Ceremonies); ministro
ng digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen (Mandarin of Autumn); at ministro ng
publikong paggawa (Mandarin of Winter).

7
Lipunan Kultura
• Itinatag ang Ito ay itinuturing na Ginintuang Panahon ng pilosopiyang Tsino dahil sa
piyudalismo pagsikat ng sumusunod na mga pantas:
o ang a. Confucius (551-479 B.C.) – ang Five Classics at Four Books ay ipinakilala
sistemang niya sa daigdig. Itinuro niya na dapat sundin ng tao ang anim na salik sa
sosyo- pakikipag-ugnayan: kagandahang-asal, kabutihan, katapatan,
pulitiko at pagkamakatarungan, pagkakawanggawa, at katalinuhan.
ekonomikon b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nakasulat ang kanyang mga turo sa Tao Te-
g ching. Ito ay nagpaliwanag ukol sa landas na dapat tahakin ng bawat tao
pamamahala tungo sa kabutihan.
na c. Mencius (372-289 B.C.) –. Ayon sa kanya, tungkulin ng pamahalaan
nakabatay sa na paunlarin ang kabuhayan at kaisipan ng tao dahil ito ang
pag-aari ng pinakamahalagang salik ng bansa.
lupain d. Mo Ti o Mo Tzu (470-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang
. pagmamahalan at pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayos na
lipunan.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Pagsulong sa sistemang • Dahil sa pagpapagawa ng mga proyektong irigasyon na
civil service upang makapili nangangailangan ng maraming manggagawa at sanhi na nawalan ng
ng mahuhusay na kawani bantay ang mga hangganan at nagpahina sa depensa nito.
ng pamahalaan.

Qin o Ch’in (246-206 B.C.)


Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pader na • Upang maipag-ibayo ang mga
sinimulan ng mga nakaraang dinastiya ay pagbabago ng kaharian, ipinasunog ni
pinagtibay niya ang depensa ng dinastiya laban sa Shih Huang-ti ang mga aklat ng
mga dayuhan at tinawag na Great Wall of China ito katuruang klasiko, lalo na ang mga
na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian. aklat ni Confucius.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Great Wall of China – bumabaybay mula • Sa pagkamatay ni Shih Huang-ti noong 206
hilagang silangan ng Hopei hanggang B.C., naagaw ng mga nagrerebeldeng
kanluran ng Kansu at may tore sa bawat 9 mamamayan ang pamahalaan dahil wala ng
metro ang habang 2,200 kilometro, taas na malakas na pinuno ang pumalit nito.
7 metro, at lapad na 6 metro.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Han (206 B.C. - 220 A.D.)


Pagkatapos ng Ch’in, naghari ang Han ng 400 taon. Itinuturing na nagpalawak at
nagpalakas sa kaharian ay si Wu Ti (156 B.C.-87 A.D.).
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Pinamunuan ng emperador ang estado na • Sinimulang linangin ang edukasyon.
tagagawa at tagapagpatupad ng mga batas, at Nagkaroon ng historyador at mga
sa buong kaharian, ang tanging hukom. manunulat ang Tsina.
Sanhi ng Pagbagsak Ambag sa Kabihasnan
• Malawakang rebelyon noong • Papel – naimbento noong 105 A.D.
220 A.D. na nagpahina sa • Lexicon o diksyunaryo –dulot sa pagkakaimbento ng
kaharian. papel, ito ay nailathala
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

8
Sui (581-618 A.D.)
Pamahalaan Ambag sa Kabihasnan
• Iniluklok ni Yang Jian (21 July 541 – 13 • Sistema ng pamamahala
August 604) ang sarili bilang regent at • K’aihuang Code – ginamit bilang modelo ng
kinuha ang gobyerno mula sa kanyang pinaka maimpluwensyang kalipunan ng mga
base militar sa Guanzhong at pinag-isa batas sa ilang bansa sa silangan, ang Kodigo
ang hilaga nang mamatay ang kanyang Tang.
manugang, ang tagapagmana ng trono Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
ng dinastiyang Chou. Sa pamamagitan ng Pag-unlad
Grand Canal, muli niyang ibinuklod ang • Magandang pamamahala ni Yang Jian at
Tsina. ibang pinuno
Pagbagsak
• pagbabanta ng mga Turko
• rebelyon ng bawat rehiyon ng imperyo
• pagtatanghal sa sarili ng emperador ng
bagong dinastiyang T’ang.

T’ang (618-907 A.D.)


Pamahalaan
• Pinagsama ang mga prefecture sa mga probinsya sa buong imperyo para mas mapasulong
at mapadali ang pamamahala.
• Ang pagsusulit sa serbisyo sibil ay batay pa rin sa katuruan ni Confucius.
Kultura Ambag sa Kabihasnan
• Mga tula nina Li Po (701 – 762) at Tu Fu • Mga imbento gaya ng gunpowder,
(712-770) ay nakaimpluwensya sa iba wheelbarrow, movable printing.
pang mga manunula.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pagdami ng mga tao * Pagsalakay ng mga Mongol mula sa hilaga.
Project EASE Modyul 3 pahina 32 – 45

Song (960-1279 A.D.)


• Nong 960 B.C. nang inindorso bilang emperador ng hukbo si heneral Zhao Kuangyin (927-
976 CE), nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya. Siya ang nagtatag ng dinastiyang
Song na muling nagbuklod sa buong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang Taizu ('Grand
Progenitor').
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Malaki ang kita ng pamahalaan at hindi • Muling pagkabuhay ng mga ideyal ng
naging suliranin ang pondo para sa mga Confucianism, Neo-Confucianism, kung
proyekto nito dahil may direktang kontrol tawagin.
sa pangungulekta ng buwis. • Foot-binding sa kababaihan ay naging mas
karaniwan.
Ambag sa Kabihasnan
• Ang mga imbensyon o pagpapabuti sa mga ideya gaya ng mga barkong paddle-wheel,
pulbura, perang papel, ang nakapirming kumpas, ang timon ng timog, ang mga pintuang-
kandado sa mga kanal, at ang makagalaw na uri ng pag-print. .
Sanhi ng Pagbagsak
• Ang korte ng Song ay labis na sinalanta ng mga paksyon sa pulitika at konserbatismo.
• Ang pagsalakay ng mga Mongol.

Yuan (1280-1367 A.D.)

9
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Walang pagbabago sa sistema at • Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa
balangkas ng pamahalaan. Nanatili sa mga Tsino.
ilalim ng anim na ministro ang mga • Tinangkilik sa buong imperyo ang
dibisyon, pati ang mga sangay ng ideolohiyang Confucian.
pamahalaan.
Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
• Mabilis ang pakikipagpalitan ng mga • Hindi nila lubos na natanggap ang dayuhang
pamamaraan at imbensyon sa pagitan ng Mongol at sa pangunguna ni Chu Yu-chang,
Tsina, Europa, at ibang bahagi ng Asya isang mongheng Budista, nag-alsa at
sanhi sa lawak ng sakop ng imperyo. pinatalsik si Shun Ti, ang huling haring
Mongol.

Ming (1368-1644 A.D.)


Si Zhu Yuanzhang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang Emperador
Hung Wu o Hung-wu (1328-1398).
Pamahalaan Lipunan at Kultura
• Ang organisasyon ng pamahalaan ay • Nanumbalik ang tradisyonal na drama, ang
ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung. chuanqi, isang uri ng musikal na teatro na
• Itinatag ang Secretariat – kinontrol ang may maraming mga eksena at mga
Anim na Mga Ministro. napapanahong plano, mula sa dinastiya Song
• Noong 1430, ibinalik ang Censorate – na nakaligtas sa mga Mongol.
sila ang nag-ulat ng mga taong
hinihinalang taksil sa pamahalaan.
Sanhi ng Pagbagsak
• Pagtulong sa Korea laban sa pananalakay ng mga Hapones noong 1590.
• Pagkawatak-watak ng mga opisyal
• Panghihimasok ng mga eunuch ng palasyo
Ambag sa Kabihasnan
• Ang Yongle Encyclopedia o The Great Canon or Vast Documents of the Yongle Era na
pinakamalaking kilalang pangkalahatang encyclopedia sa buong mundo sa mga sinaunang
panahon at ang unang encyclopedia na naisulat sa mundo.

Pagyamanin
Gawain 2: Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
TAMA kapag ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ang pahayag ay hindi wasto.
Salungguhitan ang maling salita at isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Si Zhu Yuanzhang ang nagtatag ng dinastiyang Ming.
2. Ang dinastiyang Yuan ang unang dayuhang dinastiyang namahala sa Tsina.
3. Foot-binding sa kalalakihan ay karaniwan sa dinastiyang Song.
4. Ipinatayo ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang Sui.
5. Hangad ni Lao Tzu na dapat sundin ng tao ang anim na salik sa pakikipag-
ugnayan: kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan,
pagkakawanggawa, at katalinuhan.

10
Isaisip

Gawain 3: Data Retrieval Chart


Panuto: Gamit ang data retrieval chart, pumili ng dalawang dinastiyang Tsino at punan ng
tamang sagot ang chart at isulat ito sa kwaderno.

DATA RETRIEVAL CHART

Sinaunang Kabihasnan sa Tsino


Mga Kaalaman
Dinastiyang nabuo
Kultura Pamahalaan Ambag Sanhi sa Pagbagsak

Aralin Ang Sinaunang Kabihasnan sa

4 Africa

Suriin

Gawain 1: Basahin Mo!


Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
Pamahalaan:
Lumang Kaharian (c. 2613-2181 BCE)
• Ito ay kilala bilang 'Age of the Pyramids' o 'Age of the Pyramid Builders' dahil dito
nagsimula ang pagpatayo ng mga piramide na nagsilbing libingan ng mga paraon sa
Ehipto.
• Sa dami ng namuno sa panahong ito, ang sumusunod ang ilan sa mga tanyag na paraon:
1. Djoser o Zoser (2667 – 2648 BC) – nagsagawa ng pagtatayo ng pinakamaagang
mahalagang gusaling bato sa Egypt, ang piramide..
2. Khufu o Cheops – pangalawang hari ng ika-4 na dinastiya (c. 2575 – c. 2465 BCE) ng
Egypt at tagabuo ng Great Pyramid sa Giza, ang pinakamalaking solong gusali na
itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
3. Unas o Wenis – huling hari ng ika-5 dinastiya (c. 2465 – c. 2325 BCE) ng sinaunang
Egypt at ang unang pharaoh na naisulat sa loob ng kanyang piramide sa Ṣaqqārah ang
mga relihiyoso at mahiwagang teksto na kilala bilang Pyramid Texts o ang kalipunan
ng Hieroglyphics na inilaan upang tulungan ang namatay na paraon sa kabilang buhay.
Gitnang Kaharian (2030-1650 BCE)

11
Bagong Kaharian (1570 - 1069 BCE)
1. Ahmose I (naghari noong 1539–14 BCE) - nagtatag ng ika-18 na dinastiya na
nakumpleto ang pagpapaalis sa mga Hyksos.
2. Hatshepsut (naghari sa kanyang sariling karapatan c. 1473–58 BCE) – asawa ni
Thutmose II
3. Thutmose III (naghari noong 1479–26 BCE) – itinuturing na pinakadakilang pinuno ng
sinaunang Egypt at magaling na mandirigma na napalawak ang imperyo hanggang sa
mga baybayin ng Euphrates.
4. Amenhotep IV o Akhenaten (naghari 1350 - 1334 BC) – nagtaguyod ng isang bagong
kulto na nakatuon bagong diyos na si Aton
5. Tutankhamun o Tutankhaten (1334 – 1353 B.C.) – naghari sa batang edad na siyam
taon gulang sa loob ng 10 taon.
6. Ramses II (1304 -1237 B.C.) – ang kanyang paghari ay ang pangalawang
pinakamahaba sa kasaysayan ng Egypt.
Ekonomiya:
• Ang ekonomiya ay pinapatakbo sa isang barter system nang walang gamit ng perang
papel. May palitan ng kahoy na cedar at olive oil para sa flax, papyrus, inasnang isdang
alabaster at ginto ng Ehipto na nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
Sanhi ng Pagbagsak:
Lumang Kaharian:
• Pagguho ng awtoridad ng Paraon at ang kasamang lumalaking kapangyarihan ng
maharlika at kaparian.
Bagong Kaharian:
• Ang mabigat na gastos ng militar at ang mga klimatikong pagbabago ay nagresulta sa
pagkawala ng sentralisadong kapangyarihan.
Ambag sa Kabihasnan:
• Nakatulong upang panatilihin ang tumpak na mga talaan at panatilihin ang kontrol sa
kanilang malaking imperyo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na
tinawag na hieroglyphics o hiroglipiko.
• Sila ang nagbuo ng rampa at pingga at geometry para sa mga hangarin ng konstruksyon,
pagsulong sa matematika at astronomiya, mga pagpapabuti sa patubig at agrikultura,
paggawa ng barko, aerodynamics, at gulong. .
• Sila ang nag-imbento ng toothpaste, mga sipilyo ng ngipin, palito, at kahit mints para sa
hininga.
• Nilikha nila ang isport ng bowling at napabuti ang paggawa ng serbesa.
• Nag-ahit sila ng ulo upang mapanatiling malinis at maiwasan ang mga peste tulad
ng kuto at gumawa sila ng wigs upang ilagay nito.
• Ang kalendaryong sibiko na batay sa 365 araw isang taon, ay may labindalawang buwan
at tatlong panahon kung saan mayroong tatlong sampung araw na linggo, sa kabuuan ng
30 araw ang bawat buwan ay
• Sila ay dalubhasa sa mummification o proseso ng pag-eembalsamo o pangangalaga ng
mga bangkay ng mga patay.

12
Pagyamanin
Gawain 2: Pangalanan Mo!
A. Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na ambag ng
kabihasnang Africa at isulat sa kwaderno.
Khufu Hieroglyphics Mummification
Imhotep Zoser Pyramid

1. Ito ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian.


2. Siya ang nagpatayo sa tinuturing na kauna-unahang pyramid.
3. Ito ang proseso ng pag-eembalsamo ng patay na katawan ng tao.
4. Ito ang nagsilbing libingan ng mga pharaoh sa Egypt.
5. S i y a a n g n agpatayo ng Great Pyramid sa Giza na itinuring na isa sa
Seven Wonders of the Ancient World.

Aralin
Ang Kabihasnang Mesoamerica
5
Suriin
Gawain 1: Basahin Mo!
Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica
Ang mga Pamayanang Nagsasaka (6500-1500 BCE)
Nagtanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan
Peninsula at kasalukuyang Veracruz ang mga sinaunang tao noon pa mang 3500 BCE. Ang
maraming taga-Mesoamerica ay nagsimulang manirahan sa mga pamayanan sa pagsapit ng
1500 BCE. Karaniwang kinakain nila ang isda at karne ng maiilap na hayop.
.
Ang mga Olmec
Olmec (1200-400 B.C.E.)
• Sila ang kauna-unahang sibilisasyon na umusbong sa
Central America.
• Sapagkat sila ang kauna unahang taong gumamit ng
dagta ng punong rubber o goma, sila at tinawag na
olmec na nangangahulugang rubber people.
• Ito ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa
katimugang Mexico at nang lumaon ay hanggang
Guatemala lumawig.
• Halos kasabayan ng Dinastiyang Shang sa China ang
panahong ito sa Central America.

13
The Wrestler, rebultong gawa ng mga Olmec
http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg

Isang pamayanang agrikultural ang mga Olmec. Nagbigay-daan upang masaka ang
mga lupain ang sistemang irigasyon na itinayo nila. Nakalinang rin sila ng katangi-tanging
akda ng sining at nakagawa ng kalendaryo. Gumamit rin sila ng isang sistema ng pagsulat na
may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egyptian at naunawaan rin nila ang konseptong
zero sa pagkukuwenta. Ngunit, hanggang ngayon, hindi pa lubusang nauunawaan ng mga
iskolar ang kanilang sulat kaya ang kaalaman tungkol sa Olmec at iba pang mga sinaunang
tao sa America ay nanggaling pa sa iba pang labi ng kanilang panahon.

Kulturang Olmec

Ang mga lugar ng Olmec ay ang San Lorenzo, La Venta, Laguna de los Cerros, at
Mahalaga sa pamumuhay ng mga Olmec ang mga ritwal ukol
Tres Zapotes sa katimugang Mexico ngayon. Karamihan sa mga nalalaman tungkol sa kanila
sa kanilang paniniwala gaya ng panrituwal na larong tinatawag na
ay nahinuha mula sa mga arkeolohikong paghuhukay sa mga lugar na iyon, gaya ng
pok-a-tok na gaya ng larong basketbol, ngunit ang mga manlalaro
malalaking mga piramide ng lupa at mga larawang inukit ng bato.
Ang kabihasnangay Olmec
hindi pwedeng
ay huminagumamit ng kanilang
at bumagsak gayakamay
rin ng para hawakan
iba pang ang
kulturang
bolang goma.
umusbong sa America pagkatapos Tinatangka
ng mga 400 BCE.ng mga
Hindimanlalaro na ihulog
lahat ng mga lugar at
ngipasok
Olmecang
ay
Larong Pok-a-tok
inabandona, bola sa isang
ngunit ang kulturang Olmecmaliit na ring nanagbago
ay unti-unting gawa saatbato at nakalagay
tumigil sa isang
na mangibabaw sa
Mesoamerica. mataas na pader gamit ang mga siko at baywang nila. Ang ilang
mga manlalaro ay ginagawang sakripisyo matapos ang nasabing
laro ayon sa paniniwala ng mga arkeologo. Sa kalaunan, ito ay
Teotihuacan (400 BCE- 750 AD) at nilaro sa iba’t ibang sentro sa buong Mesoamerica.
lumaganap

Ang mga Olmec ay kilalaAngrin mga


sa paglililok
Teotihuacanng mga anyong ulo
mula sa mga bato.• Ang Itinatag ang Teotihuacan
pinakamalaking ulo ay maynoong
taas na400 B.C.,
siyam na
talampakan at may kahit na ang
bigat pinakamalaking
na 44 istraktura ngang
libra. Maaari diumanong lungsod
mga
Lilok ng anyong ulo
mula sa mga bato ay hindi nakumpleto hanggang sa mga
lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno. Sila rin ay300 A.D.
nakagawa ng mga • templong
Pinakamahalaga at pinakamalaking
hugis-piramide sa ibabaw nglungsod
mga
umbok ng lupa. Angng pre-Aztec central Mexico
mga estrukturang ang Teotihuacan
ito ay nagsilbing na
mga lugar-
nangangahulugang
sambahan ng kanilang mga diyos. “tirahan ng diyos.”
• Pagsapit
Mahalaga sa paniniwalang ng 150Olmec BCE,
ang ito ay naging
hayop isang
na jaguar na
lungsodmaninila
pinaka kinatatakutanng na may (predator)
halos 12.95sakilometro
Central kuwadrado
America at
Hayop na jaguar
South America. na Itomahigit sa 20,000 katao.
ay nagpapakita ng lakas, katusuhan, at
kakayahang manirahan saan mang lugar.minsang
Ang
• populasyon nito ay umabot
Ito rin ay agresibo at
matapang. Sinasamba sa 200,000.
ng mga Olmec ang espiritu ng jaguar.
Kulturang Olmec
Ang mga liwasan, piramide, at lansangan ay nagdulot ng kadakilaan, karangyaan,
at kapangyarihan sa pamayanan. Nagawang makontrol ng mga pinuno nito ang malaking
bahagi ng lambak ng Mexico. Nagkaroon ng monopolyo sa mahahalagang produkto tulad ng
cacao, goma, balahibo, at obsidian nang naging sentro ng pagawaan ang lungsod. Ang
obsidian, na nabuo mula sa tumigas na lava at isang maitim at makintab na bato, ay ginamit
ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo. Ang mga
dugong bughaw o nobility ang namuno sa malaking bahagdan ng populasyon sa
pamamagitan ng pag-angkop sa relihiyon, pagkontrol sa ekonomiya, at pagpapasunod nang
puwersahan sa mga tao.

Si Quetzalcoatl, ang Feathered Serpent God, ang pinakamahalagang diyos ng


Teotihuacan. Kinatawan ni Quetzalcoatl ang puwersa ng kabutihan at liwanag.

14
Sadyang sinunog ang mga likhang sining, mga pangunahing gusali at ang relihiyosong
eskultura ay nawasak sa bandang 600 AD. Ito ay nagmumungkahi ng isang pag-aalsa mula
sa mga mahihirap laban sa naghaharing mga piling tao..
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al (2012)

Pagyamanin
Gawain 2: Tracing the Beginning
Panuto: Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.

Paano nagsimula ang Ano ang katangian ng mga


Sinaunang kabihasnang
kasaysayan ng katutubo nito?
umusbong sa America
kabihasnang ito?

Hango sa AP 8 LM pahina 99

Aralin Mga Pamana ng mga Sinaunang

6 Kabihasnan sa Daigdig

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan ang mga sinaunang
kabihasnang umusbong sa daigdig. Maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan ang ilang mga
bagay na ating ginagamit araw-araw ngunit hindi natin napapansin. Gayundin, maaaring matuntun sa
mga sinaunang kabihasnan ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa
kasalukuyan. Tingnan natin ang mga ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang
kabihasnan na kanilang ipinamana at tukuyin kung ito ay ginagamit pa sa kasalukuyang panahon.

Mesopotamia

Tinatawag na ziggurat ang estruktura kung saan ang mga tao


ay nagparangal at sumasamba sa diyos o patron ng isang lungsod.
Ito rin ang sentro ng pamayanan.

http://www.crystalinks.com/ziggur
at 15
Ang Code of Hammurabi, ang pinaka kumpleto at perpektong
umiiral na koleksyon ng mga batas sa Babilonya, na binuo noong
panahon ng paghahari ni Hammurabi (1792–1750 BCE) ng ika-1 na
dinastiya ng Babilonya, ay isang napakahalagang ambag. Halos
lahat ng aspekto ng araw araw na buhay sa Mesopotamia ay paksa
ng 282 batas na laman nito.

Itinuturing naman ang Epic of Gilgamesh, sa larangan ng


Epic of literatura, bilang sinaunang naitala sa wikang Akkadian tungkol kay
Gilgamesh, ang hari ng lungsod-estado ng Uruk (Erech).
Gilgamesh

Nalinang sa Sumer noong 3500-3000 BCE ang kauna-


unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig na
tinatawag na cuneiform.

https://www.ancient.eu/cuneiform

Mula sa AP 8 Module pahina 104 – 111

Indus

Parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern ang


makikita sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa
sa mga kalsada nito. Ito ay nangangahulugan na may urban o
city planning o pagpaplanong panlungsod, kalakip na ang
sewerage system na ginawa ng mga sinaunang Indian.

Sa larangan ng panitikan, may dalawang epikong pamana


ng India. Ang Mahabharata ay itinuturing ng mga Hindus
bilang teksto tungkol sa dharma (batas moral na Hindu) at
isang kasaysayan. Maliban nito, ito rin ay isang mahalagang
mapagkukunan ng impormasyon sa pagpapaunlad ng
Hinduismo sa pagitan ng 400 BCE at 200 AD. Ang Ramayana
ay binubuo sa Sanskrit, marahil sa hindi pa ang 300 BCE, ng
makatang si Valmiki at sa kasalukuyang anyo nito ay binubuo
ng ilang 24,000 na mga couplet na nahahati sa pitong mga
http://prodimage.images-
libro. bn.com/pimages/294014951224
9_p0_v1_s1200x630.jpgsa

16
Isinulat ni Kautilya, pilosopo at Punong Ministro, ang
Arthasastra na kauna unahang akda o treatise hinggil sa
pamahalaan, diskarte sa militar at ekonomiya. Si Kautilya ay Arthasastra
tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang
tagapagtatag ng Imperyong Mauryan (322-185 BCE).

Ang Ayurveda sa Sanskrit ay nangangahulugang


"Ang Agham ng Buhay" at tinatawag ding Ayurvedic na
gamot, tradisyonal na sistema ng gamot sa sinaunang Ayurveda
India. Ito ay isang halimbawa ng maayos na sistema ng
tradisyunal na pangangalagang pangkalusugan, kapwa
pumipigil at nakakagamot, na malawak na isinagawa sa
India.

Mula sa AP 8 Module pahina 104 – 111

Tsino

Sa panahon ng Qin, tinatayang daan-daang libo ng


mga sundalo at manggagawa ang sapilitang pinagtrabaho
upang maiugnay ang mga pader sa Qin, Yan, at Zhao at
https://cdn.britannica.com/82/94382-050- maging Great Wall ng China. Sa loob ng mahabang
20CF23DB/Great-Wall-of-China-Beijing.jpg panahon ito ay naging simbolo ng kabihasnang Tsino.

Bagaman ang I-Ching (Classic of Change) ay


orihinal na ginamit para sa panghuhula, ang impluwensya
nito sa isip ng mga Tsino at ang katanyagan nito ay sanhi
ng isang kosmolohiya na nagsasangkot ng mga tao at
kalikasan sa isang solong sistema.
https://www.slideshare.net/AB

Ang Feng Shui ay isang sinaunang sining ng


Tsino sa pag-aayos ng mga gusali, bagay, at puwang sa
isang kapaligiran upang makamit ang pagkakaisa at
balanse sa paraang magdudulot ng kapayapaan at
kaunlaran.

https://www.nationsonline.org/fengshui

17
Egypt

Ang hieroglyphics ay isa sa mga sistema ng


pagsulat na ginamit ng mga sinaunang Egypt upang
kumatawan sa kanilang wika. Dahil sa kanilang
kagandahang nakalarawan sa larawan, naniniwala si
Herodotus at iba pang mahahalagang Greeks na ang mga
hieroglyph ng Egypt ay isang bagay na sagrado, kaya
tinawag silang "banal na pagsulat".
http://en.wikipedia.org/wiki/Hieroglyp
Hitik sa mga simbolismong relihiyoso ang mga
piramide na ginamit bilang libingan ng pharaoh na simbolo
ng kapangyarihan ng namumuno. Ang paniniwala nila sa
buhay matapos ang kamatayan ay makikita sa
pagpapadala ng lahat ng kayamanan at karangyaan ng
pharaoh sa piramide bilang paghahanda sa kabilang
buhay.
https://www.history.com/.image/t_share/MT
U3ODc5MDg2NDMxODcyNzM1/egyptian-
pyramids-hero.jpg
Bago ito tuluyang ilibing, ang katawan ng isang
yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon na
tinatawag na mummification ng mga Egyptian. Gumamit
sila ng kemikal upang patuyuin ang bangkay at ang
mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan,
binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas bago
ilibing sa piramide kung ito ay isang pharaoh.
http://en.wikipedia.org/wiki/Tutankh

Mesoamerica

Ang mga likhang sining ng Olmec sa jade ay itinuturing na


hindi kayang tapatan sa sinaunang Amerika para sa
kanilang pagiging siksik, simetriko na balanse, three-
dimensional form at gilas ng detalye sa ibabaw ng mga ito.
Halos lahat ng mga pangunahing museo ng mundo ay may
iilang mga piraso ng Olmec jade
https://learnodo-newtonic.com/wp-
content/uploads/2018/04/Olmec-jadeite-
mask-1000-600-BC.webp

Ang Olmecs ay ang unang mga naninirahan


sa Amerika na nagtayo ng napakalaking arkitektura at ang
unang nakabuo ng isang sopistikadong estilo ng batong
iskultura. Ang Olmec monumental art ay maaaring
nahahati sa isang bilang ng mga kategorya tulad ng
napakalaking ulo, mga dambana, mga nakaupo na
numero, mga free-stand na numero, mga stelae, atbp.
https://learnodo-newtonic.com/wp-
content/uploads/2018/04/Identical-Twins-
facing-a-Jaguar-Olmec-monumental-
art.webp 18
Pagyamanin

Gawain 2. K-A-K Organizer

Panuto: Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer.


a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-
Ambag- Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang
ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang
tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

Hango sa AP 8 LM pahina 109

Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sistemang caste ng India?


A. Torah B. Sudra C. Vaisya D. Brahin
2. Bakit kinilala si Ashoka na pinakamahusay na pinuno ng Maurya at sa kasaysayan
ng daigdig?
A. Dahil marami siyang mga lupain na sinakop.
B. Dahil nagapi niya ang lahat ng kanyang mga kalaban.
C. Dahil pinalaganap niya ang walang karahasang pakikidigma.
D. Dahil tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.
3. Bakit tinawag na rubber people ang mga Olmec?
A. Dahil mahilig silang maglaro ng goma.
B. Dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta.
C. Dahil gawa sa goma ang kanilang mga tahanan at damit.
D. Dahil ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Olmec ay ang pagtatanim ng
punong goma.
4. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa
Mesopotamia, aling sitwasyon ang HINDI nararapat na maganap sa iyong lungsod-
estado?
A. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
B. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
C. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop
ang mga teritoryo nito.
D. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad
sa iyong pamumuhay.
5. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa
rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

Susi sa Pagwasto

Aralin 3 - Pagyamanin: Aralin 2 - Pagyamanin Aralin 4 – Pagyamanin:


Gawain 2: Tama o Mali Gawain 2: Sagutin Mo! Gawain 2: Pangalanan Mo
1. TAMA 1. D 1. Hieroglyphics
2. TAMA 2. E 2. Zoser
3. MALI – kalalakihan 3. C 3. Mummification
4. TAMA 4. H 4. pyramid
5. MALI - Lao Tzu 5. B 5. Khufu
6. K
7. A
8. I
9. F
10. G

Aralin 6 - Pagyamnin
Gawain 2: K-A-K Organizer (Posibleng sagot)
Kabihasnan Ambag Kabuluhan
Mesopotamia Code of Hammurabi Naglalaman ng 282 batas na
pumapaksa sa halos lahat na
aspekto ng araw-araw na buhay
sa Mesopotamia.

You might also like