You are on page 1of 51

SINAUNANG KABIHASNAN

SA DAIGDIG
Araling Panlipunan 8
DOMINICAN BLESSING
May god the father bless us.
May god the son heal us.
May god the holy spirit enlighten us,
and give us
eyes to see with,
ears to hear with,
hands to do the work of god with,
feet to walk with,
a mouth to preach the word of salvation with,
and the angel of peace to watch over us and lead us at last,
by our lord's gift, to the kingdom.

Amen.
LEARNING COMPETENCY

a. Nakapag-iisa-isa ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na


sumibol sa mga lambak-ilog;
b. Nakapagsusuri ng mga sinaunang kabihasnan ng egypt,
mesopotamia, india at china batay sa politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan;
c. Nakapagpahahalaga sa pagsisikap ng mga sinaunang tao na
makapagtatag ng mauunlad na pamayanan.
MGA PAKSA

• Talakayan 1 – Kabihasnang Mesopotamia


• Talakayan 2 – Kabihasnang Indus
• Talakayan 3 – Kabihasnang Tsino
• Talakayan 4 – Kabihasnang Egyptian
BALIK-ARAL
• Nasa loob ng mga kahon ang
magulong ayos ng mga titik.
Ayusin mo ito upang mabuo
ang salitang tinutukoy sa
bawa bilang.
BALIK-ARAL
Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang
mabuo ang salitang tinutukoy sa bawa bilang.
BALIK-ARAL

1. Ito ang itinuturing na


kauna-unahang OSATOPMEIAM
kabihasnan sa daigdig.
BALIK-ARAL

1. Ito ang itinuturing na


kauna-unahang MESOPOTAMIA
kabihasnan sa daigdig.
BALIK-ARAL

2. Ito ay tinawag na “The


Gift of the Nile”dahil kung PYGTE
wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay
magiging isang disyerto.
BALIK-ARAL

2. Ito ay tinawag na “The


Gift of the Nile”dahil kung EGYPT
wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay
magiging isang disyerto.
BALIK-ARAL

3. Nakapapasok ang mga


tao sa mga daanang tulad REBYKHASPS
ng _________ sa hilagang-
kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at
tradisyon, na nagpayaman
sa kulturang Indian.
BALIK-ARAL

3. Nakapapasok ang mga


tao sa mga daanang tulad KHYBER PASS
ng _________ sa hilagang-
kanluran, dala ang
kanilang sariling wika at
tradisyon, na nagpayaman
sa kulturang Indian.
SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG
Maglalakbay tayo sa nakaraan, tatahakin natin ang landas ng mga sinaunang tao
na nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod sa mga
sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, Indus, Tsino at Egypt.
ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA
SA KANLURANG ASYA
• Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng
kabihasnan sapagkat ito ang pinag-usbungan ng mga
kauna-unahang lungsod sa daigdig. Sa kasalukuyan, ito ay
matatagpuan sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
SUMERIAN (3500 – 2340 B.C.E.)
• Itinuturing ang Sumer na pinakaunang sibilisasyon sa Mesopotamia.
• Nakapagtatag ng malayang lungsod-estado o city-estate na
pinamunuan ng isang paring-hari, isang pari na nagsisilbing hari rin ng
mga Sumerian.
• Nabuo ang 12 lungsod-estado tulad ng Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur,
Nippur at iba pa na bawat isa ay may sariling pamahalaan na
pinamunuan ng isang hari.
• Naniniwala sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may
katangian at pag-uugaling tao. Bunga ng paniniwalang ito, nagtayo
sila ng templo na magiging tahanan ng kanilang diyos, ang Ziggurat.
SUMERIAN (3500 – 2340 B.C.E.)
• Sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag
na cuneiform(hugis-sinsel) naitala ang mga kaganapan sa
lipunan.
• Ang mga Sumerian ay mga magsasaka na nagtayo ng mga
kanal at dike, gumamit ng araro sa pagsasaka, at gulong sa
paglipat ng kanilang mga pananim sa ibang lugar. Nag-alaga
sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
• Dahil sa madalas na tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol
sa lupa at tubig, hindi nakabuo ng matatag na pamahalaan
ang mga Sumerian.
AKKADIAN (2340 – 2100 B.C.E.)
• Itinatag ni Haring Sargon I ang Imperyo ng Akkad, ang itinuturing na kauna-
unahang imperyo sa daigdig.
• Si Sargon I ay nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-
estadong Akkad o Agade.
• Ang imperyong pinasimulan ni Sargon I at ipinagpatuloy ng kanyang mga
anak ay tumagal lamang nang halos 150 taon.
• Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng mga Akkadian ay si Naram-Sin
(2254 BCE – 2218 BCE).
• Noong 2100 BCE, panandaliang nabawi ng Ur sa ilalim ng pamumuno ni
UrNammu ang kapangyarihan at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
• Bumagsak ang Dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa
Mesopotamia.
BABYLONIAN (1792 – 1595 B.C.E.)
• Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa
pagsakop ng Mesopotamia.
• Itinatag ni Haring Hammurabi ang Imperyong Babylonia at ginawang
kabisera ng imperyo ang Babylon.
• Code of Hammurabi o Kodigo ni Hammurabi, ay ang katipunan ng 282
batas sa Babylonia na ipinatipon ni Hammurabi upang maging batayan ng
imperyo.
• Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng
Babylon.
• Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon.
• Ang mga Hittite ay napatanyag sa pagmimina ng iron ore at paggawa ng
mga kagamitang bakal.
ASSYRIAN (1813 – 605 B.C.E.)
• Noong 1120 B.C.E., si Tiglath-Pileser I (1114 B.C.E.–1076 B.C.E.), ang
kinikilalang pinakamahusay na hari ng Assyria, ay nagawang supilin ang
mgaHittite at naabot ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang
Imperyong Assyrian.
• Naging makapangyarihan ang Assyria sa panahon ni Tiglath-Pileser III (745
B.C.E.–728 B.C.E.). Isang henyo sa larangan ng militar, sinakop niya ang
Armenia, Syria, Egypt at iba pang bansa.
• Si Ashurbanipal (668 B.C.E.-627 B.C.E.) ay isa sa mga haring kinakitaan ng
maayos na pamamahala at nakilala siya bilang tagapagtatag ng unang
aklatan sa daigdig.
• Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
CHALDEAN (612 B.C.E. – 539 B.C.E.)
• Si Nabopolassar (612 B.C.E.-605 B.C.E.) ang nagtatag ng bagong imperyo
ng Babybonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
• Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605 B.C.E.-562 B.C.E.), anak ni
Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno, natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan.
• Ipinagawa niya ang Hanging Garden of Babylon para sa kanyang asawa
na si Amitis, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the
Ancient World.
• Noong 539 B.C.E., nilusob ni Cyrus the Great ng Persia ang Babylon.
PERSIAN (539 B.C.E. – 330 B.C.E.)
• Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Imperyong Achaemenid.
• Sa pamumuno ni Cyrus the Great (559 B.C.E.-530 B.C.E) napasailalim sa imperyo ang
mga Medes at Chaldean sa Mesopotamia at ang Asia Minor (Turkey)
• Sa panahon ni Darius the Great (521 B.C.E.-486 B.C.E.) umabot ang sakop ng
imperyo hanggang India. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at
pinamahalaan ng gobernador o satrap.
• Nagpagawa ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1,677 milya mula sa
Sardis hanggang Susa kung saan naglakbay ang mga mangangalakal, opisyal at
mensahero ng imperyo.
• Nagsulong ang mga Persiano ng relihiyong Zoroastrianism na ipinangaral ni
Zarathustra o Zoroaster.
Itinuturing ang _____ na pinakaunang
sibilisasyon sa Mesopotamia.

A Babylon B Sumer

C Akkad D Agade

>
tekhnologic
Ito ay itinuturing na lunduyan ng kabihasnan
sapagkat ito ang pinag-usbungan ng mga kauna-
unahang lungsod sa daigdig.

A Mesopotamia B Egypt

C Lambak Indus D Ilog Huang Ho

>
tekhnologic
Nagsulong ang mga Persiano ng relihiyong
Zoroastrianism na ipinangaral ni _______.

A Ashurbanipal B Nabopolassar

Zarathustra o
C Cyrus the Great D Zoroaster
>
tekhnologic
Ito ay ang katipunan ng 282 batas sa Babylonia na
ipinatipon ni Hammurabi upang maging batayan
ng imperyo.

A Zoroaster B Royal Road

Code of Hammurabi o Hanging Garden


C Kodigo ni Hammurabi D of Babylon
>
tekhnologic
ANG KABIHASNANG
INDUS SA TIMOG ASYA
• Sa Rehiyong Timog Asya nagsimula ang Kabihasnang Indus
na nakasentro sa mga lambak ng Ilog Indus. Sa bahaging
ito umunlad ang kambal na lungsod ng Kabihasnang Indus:
ang Harappa at Mohenjo-Daro.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

Harappa
Ito ay natagpuan sa
Mohenjo-Daro
kasalukuyang Punjab na Ito ay nasa katimugang
bahagi ng Pakistan. May bahagi ng daluyan ng
350 milya ang layo nito mula sa Indus River.
Mohenjo-Daro pahilaga.

• Ang mga Dravidian ang mga unang nanirahan sa India at nagtatag ng mga lungsod
ng Mohenjo-Daro at Harappa.
• Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-
unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system.
• Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao.
• May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang sinaunang
India sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit sa pagtatak ng
mga kalakal.
• Ang pagtatapos ng Kabihasnang Indus ay may iba’t ibang paliwanag, ang isa dito
ay dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa Gitnang Asya,
kabilang ang mga Aryan.
ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

Ang Panahong Vedic Makikita sa Vedas kung paano namuhay


(1500 – 500 B.C.E.) ang mga Aryan sa Panahong Vedic.
• Dinala ng mga Aryan sa rehiyong ito ang Nabuo ang Sistemang Caste sa India na
wikang tinatawag na Indo-European, hango sa salitang casta na
nabibilang dito ang wikang klasikal ng nangangahulugang “angkan” Ito ang
panitikang Indian, ang Sanskrit. pag-uuri ng tao sa lipunan.
• Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang
marangal sa wikang Sanskrit.
• May 4 na sagradong aklat ang mga Aryan
na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda,
Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda.
• Ang Vedas ay tinipong himnong
pandigma, mga sagradong ritwal, mga
sawikain at mga salaysay.
Brahmin SISTEMANG CASTE
kaparian

Kshatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa,
Dravidian, inapong Aryan na nakapag
asawa ng hindi Aryan

Pariah (Untouchable)
naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay, at
nagbibitay sa mga kriminal
Mga Imperyong Naitatag sa India
Imperyong Imperyong
Imperyong Mogul
Maurya Gupta
• Noong 322 • Itinatag ni • Itinatag ang
B.C.E., nakontrol Chandragupta Mogul nang
ni I (circa 319-335 masakop ni
Chandragupta CE) Babur ang
Maurya ang • Sa panahon ni Hilagang India
dating kaharian Chandragupta at Delhi noong
ng Magadha at II (circa 376-415 1526.
naitatag ang CE) nakontrol
Imperyong muli ang
Maurya na ang Hilagang India
kabisera ay at ang kabisera
nanatili sa ng imperyo ay
Pataliputra. Pataliputra.
Ito ay nasa katimugang bahagi ng daluyan ng
Indus River.

A Harappa B Mohenjo-Daro

C Sistemang Caste D Sanskrit

>
tekhnologic
Ito ay natagpuan sa kasalukuyang Punjab na
bahagi ng Pakistan.

A Harappa B Mohenjo-Daro

C Sistemang Caste D Sanskrit

>
tekhnologic
Wikang klasikal ng panitikang Indian

A Harappa B Mohenjo-Daro

C Sistemang Caste D Sanskrit

>
tekhnologic
Magsasakang walang sariling lupa, Dravidian,
inapong Aryan na nakapag asawa ng hindi Aryan

A Vaisya B Brahmin

C Sudra D Pariah

>
tekhnologic
ANG KABIHASNANG TSINO SA
SILANGANG ASYA
• Ang Kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow
River o Huang Ho. Tinawag ang ilog na ito na “River of Sorrow” dahil sa
pinsalang hatid nito tuwing umaapaw at nagdadala ng nakapipinsalang
baha.
• Dahil sa kanilang paniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa
gitna ng mga tribu ng mga barbaro, tinawag nila ang kanilang lupain bilang
Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang Kaharian.
• Naniwala din ang mga Tsino sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan
na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit. Kapag siya
ay naging masama at mapang-abuso, ay babawiin ng kalangitan ang
basbas sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
Pinagdaanang Panahon
Xia at Kabihasnan ng China
(2000 – 1570
B.C.E.)

Shang
(1570-1045
B.C.E.)

Zhou o Chou
(1045 – 221
B.C.E.)

Q’in o Ch’in
(221 – 206
B.C.E.)
Pinagdaanang Panahon
Han at Kabihasnan ng China
(202 B.C.E.
– 200 C.E.)

Sui
(589 – 618
C.E.)

Tang
(618 – 907
C.E.)

Song
(960 – 1127
C.E.)
Pinagdaanang Panahon
at Kabihasnan ng China
Yuan
(1279 – 1368
C.E.)

Ming
(1368 – 1644
C.E.)

Qing o
Ch’ing
(1644 – 1911)
Ang Kabihasnan sa ______ ay umusbong sa
tabing-ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho.

A China B Egypt

C India D Mexico

>
tekhnologic
Tinawag nila ang kanilang lupain bilang _______ na
nangangahulugang Middle Kingdom o Gitnang
Kaharian.

A Han B Yuan

C Zhongguo D Zhou o Chou

>
tekhnologic
Tinawag ang ilog na ito na ________ dahil sa
pinsalang hatid nito tuwing umaapaw at
nagdadala ng nakapipinsalang baha.

A Ilog Huang Ho B River of Snow

C Tigris River D Euphrates

>
tekhnologic
ANG KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay umusbong sa lambak ng Nile
River na nasa hilagang bahagi ng Africa. Ang sinaunang kasaysayan
ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa
dinastiya ng naghaharing pharaoh.
• Ang pharaoh ang tumatayong pinuno at hari (God-King o Divine
King) ng sinaunang Egypt at itinuturing na nagmula sa angkan ng
mga Diyos kaya ang kanyang pamumuno ay tinatawag na Divine
Monarchy.
• Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang
lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
MGA KAHARIAN SA KASAYSAYAN NG EGYPT

• Pre-dynastic Periodo Bago ang Panahon ng mga Dinastiya (bago ang 3100
B.C.E.)
• Early Dynastic Period o Panahon ng mga Unang Dinastiya
• Old Kingdom o Matandang Kaharian
• First Intermediate Period o Unang Intermedyang Panahon
• Middle Kingdom o Gitnang Kaharian
• Second Intermediate Periodo Ikalawang Intermedyang Panahon
• New Kingdom o Bagong Kaharian
• Third Intermediate Period o Ikatlong Intermedyang Panahon
• Late Period o Huling Panahon
Ang pharaoh ang tumatayong pinuno at hari
(God-King o Divine King) ng sinaunang Egypt.

A Vishnu B Pharaoh

C Brahma D Siva

>
tekhnologic
Ang sinaunang kabihasnan ng Egypt ay umusbong
sa lambak ng _______ na nasa hilagang bahagi ng
Africa.

A Nile River B Tigris

C Euphrates D Huang Ho

>
tekhnologic
Anu-ano ang mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig na ating tinalakay?

ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA

ANG KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

ANG KABIHASNANG EGYPTIAN


MAIKLING PAGSUSULIT (QUIZ)
SETYEMBRE 23, 2021 HUWEBES

Ang Heograpiya sa Pagbuo at


Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig

Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig
Maraming Salamat!

You might also like