You are on page 1of 4

MODYUL 10:

Pagmamahal sa Bayan
Ano ba ang pagmamahal sa bayan?
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na
dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo
rito.Tinatawag din itong patriyotismo, mula sasalitang
pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang
sinilangan (native land).*Kadalasang inuugnay ang
patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi
magkasingkahulugan ang dalawang ito. ay tumutukoy
sa mga ideolohiyang pagkamakabayan
NASYONALISMO
Ay tumutukoy sa mga edeolohiyang pang makabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may
kaparehong wika,kultura,at kaugalian o tradisyon.

PATRIYOTISMO
isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama
rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura at relihiyon
nakung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan angkabutihang panlahat.

ANG KAHALAGAHAN NG PAGMAMAHAL SA BAYAN


Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan
daan ang
upang makamit ang mga layunin mga tao sa lipunan
Naiingatan at napahahala-gahan ng Napahahalagahan ng pagma-mahal sa
pagmamahal sa bayan ang karapatan at bayan
dignidad ng tao ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal saBayan


Dimensiyon ng tao Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayanmula sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa Buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang, katarungan,kapayapaan,
kaayusan, at
pagkalinga sa pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at
kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa,kabayanihan,kalayaan at
pagsunod sa batas
8. Lahat ng dimensiyon Pag susulong kabutihan sa lahat
MODYUL 9

ANG MAINGAT NA PAGHUHUSGA

Iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil
sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga.
Unang pagpili na gagawin: Magpadaig sa karuwagan o aminin ang takot at
kumilos nang angkop?
• Makatarungan bilang Angkop
• Kahinahunan bilang Angkop
Kung ginagawa ang dapat, nangyayari ang
Unang hakbang: Tumugon
sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang
Ikalawang hakbang Pagsusuri sa kalidad ng katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay
itutugon ang angkop.
Angkop - dapat, wasto, sakto at tama.

• Tatlong Birtud: Katapangan, Kahinahunan, Katarungan.


• Prudentia (latin) – prudence • Prudentia - uri ng pagtingin sa hinaharap.
• Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa • Ina ng mga birtud ang prudentia sapagkat
mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa nilalagay nito sa konteksto ng panahon at
hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kasaysayan ang pamimili.
kahapon, ngayon at bukas - ang kwento ng ating
pagkatao.

• Aristostle - prudentia bilang 'phronesis' o karunungang praktikal.


• (Aristotle) Pinakamahalagang sangkap ng phronesis ay ang
aspekto ng pagiging mabunga.
• Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalikha ito ng
magandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao.
• Hindi hinuhusgahan ang pagiging tama o mali ng isang bagay
batay sa mga prinsipyo ng mabuti at masama.
• Ang maingat na paghuhusga ay kilos na pagpapalitaw sa mabuting nakatago sa sitwasyon at mga
pagpipilian.
• Dahilan ng maingat na paghusga: upang hindi agad mabulag ng mga nakasanayang ideya ng tama at
mali at makita ang binubuong kuwento ng mga tauhan.
• Ang pagpapasiya ay ginagawa sa pagitan ng parehong mabuti.
• Hindi kailangang makulong sa dalawang pagpipilian. Hindi iyan o
iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa.
• Mata ng Pag-ibig - kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang
sa perspektibo ng mga pagpipilian kundi sa perspektibo ng
makabubuti.
• Ang matinong paghuhusga: nagdudulot ng pasiyang makabubuti.
MODYUL 11

PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Kalikasan – tumutukoy sa lahat ng
nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o
wala.
Maling Pagtrato sa Kalikasan:
- Maling pagtatapon ng basura
- Illigal na pagputol ng mga puno
- Polusyon sa hangin, tubig at lupa
- Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop
at halaman sa kagubatan.
- Malabis at mapanirang pangingisda
- Pagkonvert ng mga lupang sakahan, illegal na pagmimina at quarrying
- Global warming & climate change
- Komersyalismo at urbanisasyon
Limang hakbang upang makatulong sa
pagpapanumbalik at pananatili ng
kalikasan
- Itapon ang basura sa tamang lugar
- Pagsasabuhay ng 4R
- Pagtatanim ng mga puno
- Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga
tagapatupad nito.
- Mabuhay ng simple
MODYUL 12

ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA

Ang tao ang pinaka-espesyal sa


lahat ng nilikha dahil pinagkalooban
din siya ngespiritu na nagpapabukd-
tangi at nagpapakawangis sa kaniya sa
Diyos.

Ang nagpapakatao sa tao ay ang


kanyang espiritu na kinaroroonan ng persona.
Persona – pagaka-ako.
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang
pagtugon sa tawag ng Diyos.
Pananampalataya - ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos.
Pananampalatayang Kristiyanismo - buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig at paniniwalang
ipinakita ni Hesukristo.
Pananampalatayang Islam – itinatag ni Mohammed (isang arabo). Koran (Banal na Kasulatan ng mga
Muslim)
Shahadatain – walang ibang Diyos na sasambahin maliban kay Allah at Mohammed
Salah – pagdarasal Sawm – pag-aayuno
Zakah – taunang kawanggawa Hajj – pagdalaw sa Meca
Pananampalatayang Buddhismo - Budha (ibig sabihin “The Enlightened One”) Nirvana – pinakamataas
na kaligayahan.
Paraan para mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos:
Panalangin Panahon ng Pananahimik o Pagninilay
Pagsisimba o Pagsama Pag-aaral ng Salita ng Diyos
Pagmamahal sa Kapuwa
Pagnanansa ng mg akalt tungkol sa espiritwalidad.
Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalatay at
ang pananampalataya ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao.

Apat na Uri ngPagmamahal:


1.) Affection – pagmamahal bilang kapatid
2.) Philia – pagmamahal ng magkakaibigan
3.) Eros – pagmamahal batay sa pagnanais
4.) Agape – pagmamahal na walang kapalit

You might also like