You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN

DLP Blg.: 29 Asignatura: Araling Panlipunan Baitang: 8 Markahan: 1 Oras: 60 Minuto


Mga Kasanayan: Nasusuri ang mga sinunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, Code:
Hango sa Gabay ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan. AP8HSK-Ii-8
Pangkurikulum
Susi ng Pag-unawa Sinaunang Kabihasnan sa daigdig- Kabihasnang Indus sa Timog Asya.
na Lilinangin:
Domain 1. Layunin
Kaalaman Natutukoy ang mahahalagang impormasyon ng mga sinauang kabihasnan sa pamamagitan ng
web diyagram.
Kasanayan Nabubuo ng mabisa ang pathway diyagram ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Kaasalan Nakalalahok ng masigla at may layuninsa mga gawain sa klase.
Kahalagahan Nagugunita ang kadakilaan ng mga pinuno ng sinaunang kabihasnan gamit ang Gallery of
Ancient Rulers.
2. Nilalaman Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.
3. Mga Kagamitang Modyul ng Mag-aaral pahina 100-103, Manwal para sa Guro pahina 38-41,
Pampagpatuturo Powerpoint Presentation
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Pagganyak:
Gawain Pagbuo ng K-Web Diagram
Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “ Kabihasnan- Web Diagram.
1. Alamin ang tinutukoy ng bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.


2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog
Indus.
3. Sagradong aklat ng mga Aryan.
4. Tawag sa China na nangangahulugang “ Gitnang
Kaharian. Kaharian”
5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America.
6. Pagpapangkat ng mga Hindu.
7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian.
8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng
sinaunang Egypt.
9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “ Tirahan ng Diyos”.
10. Tanyag na gusali ng Bablylon: Kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World.
11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop.
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala
at El Salvador.
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt.
14. Sinaunang paniniwala ng mga Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang China.
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng Egyptian.
4.2 Mga Gawain Pangkatang Gawain :( hatiin ang klase sa 5 na pangkat)
o Estratehiya PathwayDiagram:
Pangkat 1- Kabihasnang Mesopotamia Pangkat 4- Kabihasnang Egypt
Pangkat 2- Kabihasnang Indus Pangkat 5- Kabihasnang Mesoamerica
Pangkat 3- Kabihasnang Tsino
Panuto :1. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong makilahok sa iyong
pangkat sapagkumpleto ng Pathway Diagram sa pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang
pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat
hakbang.
2. Pagkatapos mabuo ang diagram, punan ang mga bilog ng iba pang impormasyon tungkol sa
nakatalagang kabihasnan kabilang ang ekonomiya, kultura at lipunan nito.
3. Gawin sa manila paper ang kasunod na diagram.

Rubrics: pahina 102 ng LM.


- Ginagabayang Pangkatang Pag - uulat
4.3 Pagsusuri Pagpoproseso sa pangkatang pag –uulat.(Q&A /Lecture)
Paano natatangi ang bawat kabihasnan?
Ano-ano ang mga impluwensiya ng bawat kabihasnan?
Paano nagkakapareho at nagkakaiba ang bawat kabihasnan?
4.4 Pagtatalakay Sagutin ang tanong:
Anong kabihasnan ang inyong mas tumatak sa iyong isipan? Bakit?
4.5 Paglalapat Gallery of Ancient Rulers: ( Sa parehong pangkat kanina)
Pumili ng isang pinuno ng sinaunang kabihasnan na gawan ng “ Human Statue”.
Pumili ng isang kapangkat na magsilbing “ estatwa” at dikitan ito ng manila paper na may
nakasulat na simbolo o paglalarawan tungkol sa pinuno.
Itanghal sa klase ang gawain. ( Rubrics pahina 103)
Mga tanong:
1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?
2. Bakit siya tanyag sa kasaysayan?
3. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangian ang dapat taglayin ng isang pinuno?
5. Pagtataya Gumawa ng pagbubuod tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng isang
sanaysayay na may 150 na mga salita.
6. Takdang-Aralin Magdala ng limang larawan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan o di kaya ay gumawa ng
ppt presentation ng mga pamana ng sinaunag kabihasnan.
7. Paglalagom o Magbigay ng isang salita na makapaglalarawan ng mga kabihasnang natalakay.
Panapos na Gawain

Inihanda ni:NOLE E. LAYON


SST 1

Pangalan:NOLE E. LAYON Paaralan:ARGAWANON IS


Posisyon/Designasyon:SST 1 Sangay:CEBU PROVINCE
Contact Number: E-mail Address:

You might also like