You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF THE VISAYAS

PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

LEARNING PLAN
GRADE : 8
UNIT TOPIC : Ang Daigdig sa Panahong Prehistoriko

UNIT STANDARDS
Content Standard:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang
humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa
susunod na henerasyon.

LEARNING COMPETENCIES
1. Nasusuri ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga unang tao sa daigdig;
2. Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa daigdig; at
3. Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.
LEARNING TARGETS
Inaasahang mabibigyang pansin ang natatanging katangian ng isang tao.

EXPLORE
Activity 1: Pre-Assessment (Ako sa Sinaunang Panahon)
Panuto: Ilagay ang iyong sarili sa daigdig isang milyong taon na ang naklilipas. Wala pa ang mga
matataas na gusali, establisimyento, at ang mga makabagong kagamitan sa kasalukuyan. Ang
mayroon lamang ay mga bagay sa kapaligiran. Pumili sa mga bagay sa kapaligiran na makikita sa
kahon sa ibaba. Piliin ang sa tingin mo ay lubos na nakatutulong sa iyo upang mabuhay.
Ipaliwanag ang mga dahilan ng iyong mga pagpili.
Kahoy/kawayan
Hibla/tela
Bato
Luwad/ palayok
Metal

FIRM UP
Gawain 1: Unawain
UNIVERSITY OF THE VISAYAS
PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

A. Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang isang
pahayag ay makatotohanan o hindi. Kung ang pahayag ay may katotohanan, isulat ang
TAMA. Kung hindi makatotohanan ang pahayag, iwasto ang salitang may salungguhit sa
patlang na nakalaan. (Basahin ang pahina 14 ng iyong aklat)
B. Pagtapat-tapatin. Pagtapat-tapatin ang mga deskripsyon sa Hanay A sa kanilang tinutukoy
sa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.

Gawain 2: Pagnilayan

Subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa mga inilaang patlang.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang pinagmulan ng tao sa daigdig?
2. Paano nalagpasan ng mga sinaunang tao ang mga hamon na kinaharapan nila sa kanilang
buhay?
3. Ano ang ugnayan ng mga kasangkapang bato sa yugto ng kultura sa panahong
prehistoriko?

Gawain 3: Puppet Show

Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat at magtatanghal ng isang puppet show. Bibigya
ang mga mag-aaral ng labinlimang minuto upang maghanda. Ipapakita ng mga mag-aaral sa
kanilang pagtatanghal ang mga naging pamumuhuay, paniniwala, at kahalagahan ng mga
sinaunang tao sa daigdig.

Mga gabay na tanong:


1. Paano ninyo itinanghal ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa daigdig?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang yugto ng pag-unlad nila?
3. Sa paanong paraan mapahahalagahn ang mga ambag ng mga sinaunang tao sa daigdig?

DEEPEN
Eksibit
Magsasagawa ng isang eksibit tungkol sa mga sinaunang tao na nabubuhay sa daigdig. Ang klase
ay hahatiin sa mga pangkat at bawat pangkat ay aatasan ng isang prehistorikong panahon. Bawat
pangkat ay inaasahan ding makabubuo ng mga itatanghal na bagay sa eksibit. Magtatalaga rin ng
mga curator na siya naming magpapaliwanag sa mga bagay at larawang itatanghal. Bibigyang
pansin ang pamumuhay ng mga sinaunang tao at ang mga yugto ng kanilang pag-unlad.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang mga bagay at larawang inyong itinanghal? Bakit ang mga ito ang inyong napili?
2. Bakit mahalaga na malaman ang pamumuhay ng mga sinaunang tao?
3. Ano ang kaugnayan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao sa daigdig sa ating pamumuhay
UNIVERSITY OF THE VISAYAS
PARDO CAMPUS
PARDO, CEBU CITY

sa kasalukuyan?
TRANSFER
Caricature
Caricature ang tawag sa mga guhit ng mukha o katawan ng isang tao na kadalasang binibigyan ng
pansin ang natatangi nitong katangian. Lilikha ang bawat isang mag-aaral ng isang caricature ng
isang sinaunang tao sa daigdig. Sa pagguhit, bibigyang pansin ang katangian ng napiling
sinaunang tao, maging ang kanyang pananamit, upang maging angkop sa panahon at lugar. Ang
caricature ay maaaring nakakatawa o nakakatuwa. Maaari ding mayroong kulay o wala ang
caricature na gagawin.

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit ganito ang napili mong itsura ng iyong caricature?
2. Ano ang sinisimbolo ng mga anyo at desinyo ng iyong caricature?
3. Ano ang iyong mga naging pagsubok sa paglikha nito?

ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN

You might also like