You are on page 1of 6

Paksa: Implikasyon ng Pisikal na Katangian at Yamang Likas ng Silangang Asya sa Ekonomiya

Layunin:
• Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng Silangang Asya sa mga Asyano noon at ngayon
sa larangan ng ekonomiya

A. Panimula
1. Atasan ang mga mag-aaral na ilabas mula sa kanilang bag ang iba’t ibang electronic gadget na mayroon sila.
2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Saang bansa gawa ang nasabing gadget?
b. Paano mo ilalarawan ang gadget na nabanggit?
c. Sa iyong palagay, bakit may kakayahan ang nasabing bansa na gumawa ng ganitong mga produkto?
3. Hayaang ibahagi muna ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa katabi. Pagkatapos, tumawag ng mga volunteer
upang magbahagi ng kanilang sagot sa klase.
B. Paglinang
1. Problem-based Learning: Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang magiging sentro ng talakayan ay isang suliraning
damay ang lahat ng bansa sa daigdig – ang global warming. At isa ngang manipestasyon nito ay ang super typhoon
Yolanda na tumama sa ating bansa.
2. Tumawag ng mga mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang nalalaman o aktuwal na naranasan sa nasabing bagyo.
3. Sa ikatlong pagkakataon, papuntahin ang mga mag-aaral sa mga pangkat na kumakatawan sa iba’t ibang bansa sa
Silangang Asya.
4. Ipagawa ang sumusunod:
a. Ilista ang iba pang mga yaman na matatagpuan sa kani-kanilang bansa dahil sa kapaligirang pisikal nito.
b. Alamin kung paano nagagamit ng kanilang bansa ang nasabing likas na yaman at kung paano ito higit pang
nalilinang.
c. Ipaliwanag kung paano makatutulong sa ekonomiya ng kanilang bansa ang yamang likas na nabanggit.
d. Umisip ng isang instrumento, gadget, o teknolohiya na maaaring gawin o nagawa na ng kanilang bansa na
magagamit o nagamit upang matulungan ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang nasabing instrumento, gadget, o teknolohiya ay dapat na bunga ng pagunlad ng ekonomiya ng kanilang bansa
dahil sa likas na yamang matatagpuan dito.
5. Bigyan ang bawat pangkat ng 10 minuto para sa gawaing ito. Tumawag ng mga volunteer upang magbahagi sa klase
matapos ang pangkatang gawain.
6. Himukin ang iba pang mag-aaral na magtanong o magbigay ng kanilang palagay ukol sa ulat para sa malayang
talakayan.
C. Pagpapatibay
1. East Asian Fishbowl: Maghanda ng isang shbowl na naglalaman ng mga papel na hugis isda. Isulat sa mga papel ang
pangalan ng mga bansa sa Silangang Asya.
2. Hayaang buuin ng mga mag-aaral ang mga pangungusap batay sa bansang makukuha nila sa shbowl.
a. Mayaman ang (bansa) sa (likas na yaman) at nagamit nila ito upang _____.
b. Salat man ang (bansa) sa (likas na yaman), napaunlad pa rin nila ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng
_____.
c. Dapat tularan ng Pilipinas ang (bansa)dahil sa maayos na paggamit at epektibong paglinang ng kanilang likas na
yaman.
Sa katunayan, (mabuting epekto ng paggamit at paglinang sa likas na yaman sa ekonomiya).
D. Takdang Aralin
1. Ilarawan ang kapaligirang pisikal ng inyong pamayanan o barangay. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
2. Alamin ang mga hanapbuhay at karaniwang gawain ng mga tao sa inyong pamayanan.
3. Magdala ng sumusunod para sa pangkatang gawain: lumang diyaryo, gunting, tape, o glue.
Republic of the Philippines
Santa Cruz Institute
Sta. Cruz, Marinduque
LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7
Hulyo 30, 2019

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang mga magagandang tanawin sa kontinente ng Asya at ang
mga lugar sa Asya kung saan makikita ang mga ito.
2. Nasusuri ang mga katangian ng mga tanawing ito.
3. Nasasabi ang mahahalagang papel ng mga mag-aaral sa pagpananatili ng
mga tanawing ito.
II. Nilalaman
Paksa: “Katangiang Pisikal ng Asya”
• Mga Magagandang Tanawin sa Asya
Kagamitan: LCD monitor, smartphone, pentel pen, construction paper, sobre
Pagpapahalaga: paghanga sa kapaligiran
Tinatayang oras: 60 minuto
III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
GURO MAG-AARAL
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo Heograpiya
Pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa
kaniyang kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan.
Kultura
2. Pagganyak
LIKE KO ‘YAN
Panuto: Lagyan ng mga LIKES ang mga larawang nakaakit sa iyong
paningin. Ilagay ang ibinigay ng guro na mga “like stickers” sa mga de
numerong sobreng nakapaskil sa pisara. Iayon ito sa numero ng
magagandang tanawing naka-flash sa monitor.

1. 2. 3.

4. 5. 6.
B. PAGLINANG NG ARALIN

a. Paglalahad ng Paksa

GURO MAG-AARAL

Anu-ano ang pagkakatulad ng mga larawang inyong Ayon sa Anyo—Anyong Lupa at Anyong Tubig.
sinuri at binigyan ng likes?
Alin dito and Anyong Lupa at alin ang anyong Tubig?
ANYONG TUBIG:
Lake Baikal
Lake Baikal
Huang Ho
Caspian Sea
Dead Sea
Aral Sea
Tigris
Euphrates
ANYONG LUPA:
Fertile Crescent
Banaue Rice Terraces
Khyber Pass
Mount Everest
Borneo Rainforest
1. Ilalahad ang datos ukol sa resulta ng LIKES sa klase na ipa-flash sa
monitor.

2. Ang paglalahad ng paksa ay iaayon sa resulta ng LIKES na ginawa sa Pagganyak. Ang larawang may pinakamaraming
LIKES ay syang unang tatalakayin.
Guro Mag-aaral
Saan matatagpuan ang Caspian Sea? Hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan,
Armenia at Georgia
Katangian: Anyong Tubig Dagdag na kaalaman:
Pinakamalaking lawa sa mundo
Lake Baikal Timog-Silangang Siberia
Katangian: Anyong Tubig Dagdag na kaalaman: 31, 500
kilometro kuwadrado 20% ng tubig-tabang sa mundo ay
naririto. Pinakamalaking lawang tabang.
Huang Ho China
Katangian: Anyong Tubig Dagdag na kaalaman: Pangatlo
sa pinakamahabang ilog sa buong mundo, sumusunod sa
Nile at Amazon. Lundayan ng unang kabihasnan sa buong
mndo kasama ang ilog Tigris at Euphrates.
Fertile Crescent Egypt hanggang modernong Iraq
Katangian: Anyong Lupa Dagdag na kaalaman: Lundayan
ng unang kabihasnan. Binubuo ng Nile Valley at Nile Delta
Banaue Rice Terraces Pilipinas
Katangian: Anyong Lupa Dagdag na kaalaman: 2, 000
taon, Kabilang sa UNESCO Eight Wonders of the World
Khyber Pass Pakistan (kumukonekta sa Afghanistan at Pakistan)
Katangian: Anyong Lupa Dagdag na kaalaman: Dinaanan
ng kuta Ni Darius I, Alexander the Great at Genghis Khan
sa kanilang pananakop.

Mount Everest Nepal Katangian: Anyong Lupa Dagdag na kaalaman:


Pinakamataas na tuktok sa buong mundo.
Borneo Rainforest Indonesia
Katangian: Anyong Lupa. Dagdag na kaalaman: Dito
maatatagpuan ang 10, 000 uri ng halaman at 380 uri ng
ibon at iba pang uri ng hayop.
Tigris Kanlurang Asya (Mesopotamia)
Katangian: Anyong Tubig Dagdag na kaalaman:
Mahalagang ilog sa pagsibol ng kabihasnan sa
Mesopotamia
Euphrates Kanlurang Asya (Mesopotamia)
Katangian: (Anyong Tubig) Dagdag na kaalaman:
Mahalagang ilog sa pagsibol ng kabihasnan sa
Mesopotamia.
Dead Sea Israel, the West Bank at Jordan
Katangian: Anyong Tubig. Dagdag na kaalaman: Isa sa
pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo.
Sinisegundahan ang Assal Lake.
Aral Sea Kazakstan sa Hilaga at Afghanistan sa Timog
Katangian: Anyong Tubig. Dagdag na kaalaman: Unti-
unting naglalaho sa paglipas ng panahon (May nakalaang
larawan sa ukol sa pagagabgo sa laki nito na ipa-flash sa
monitor)

b. Analisis
Guro Mag-aaral
Pare-pareho ba ang likas na kapaligiran sa iba’t-ibang Hindi. Dahil sa klima at lokasyon ng mga lugar, nagiging
bahagi o sulok ng Asya? Bakit? magkaiba ang likas na kapaligiran sa iba’t-ibang bahagi o
sulok ng Asya. Halimbawa, ang kapaligiran sa Russia ay
magkaiba sa kapaligiran sa Pilipinas. Nagkakaroon ng pag-
ulan ng yelo na Russia habang hindi naman ito
nararanasan sa Pilipinas.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
c. Paglalahat
Guro Mag-aaral
Anu-ano ang mga magagandang tanawin sa Asya na ating Lake Baikal Huang Ho Fertile Crescent Banaue Rice
pinagaralan Terraces Khyber Pass Mount Everest Borneo Rainforest
Caspian Sea Dead Sea Aral Sea Tigris Euphrates
Alin sa mga ito ang Anyong Lupa at Alin naman ang Anyong Alin naman ang Anyong Tubig?
Tubig? ANYONG TUBIG:
Lake Baikal
Huang Ho
Caspian Sea
Dead Sea
Aral Sea
Tigris
Euphrates
ANYONG LUPA:
Fertile Crescent
Banaue Rice Terraces
Khyber Pass
Mount Everest
Borneo Rainforest

d. Paglalapat
Guro Mag-aaral
Ano ang kahalagahan ng kalikasan sa pamumhay ng mga Mahalaga ang kalikasan sa pamumuhay ng mga tao dahil
taong naninirahan sa isang lugar? dito tayo kumukuha ng ating pang-araw-araw na
pangangailangan katulad ng pagkain.

IV. Pagtataya
a. MULTIPLE CHOICE (10 pts.)
Panuto: Isulat sa ¼ na papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang magandang tanawin na makikita sa Asya?
a. Niagara Falls c. Greenland b. Amazon River d. Lake Baikal (TAMANG SAGOT)
2. Alin sa mga sumusunod na magagandang tanawin ang anyong lupa? a. Caspian Sea c. Lake Baikal b. Mount Everest
(TAMANG SAGOT) d. Agusan Marsh
3. Bilang mag-aaral, alin ang pinakamabuting gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
a. Pagtapon ng basura sa mga magagandang tanawin.
b. Pagtanim ng mga punong kahoy at pangalagaan ito ng tama hanggang sa lumaki. (TAMANG SAGOT)
c. Pagbahagi ng litrato ng mga magagandang tanawin sa aking mga kapitbahay.
d. Pakikinig sa radyo.
4. Alin sa mga sumusunod ang magandang tanawin na matagtagpuan sa Pilipinas?

PARA SA BILANG 4 - 5. I. Caspian Sea II. Huang Ho III. Banaue Rice Terracas IV. Dead Sea

a. I, II at III c. III at IV b. III lamang (TAMANG SAGOT) d. I, II at IV

5. Alin sa mga sumusunod ang Anyong Tubig?


a. II at III b. IV lamang c. II, III at IV d. I, II at III (TAMANG SAGOT)

6. Sinasabing isa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong mundo.


a. Dead Sea (TAMANG SAGOT) b. Pacific Ocean c. Caspian Sea d. dagat

7. Ito ang pinakamalaking lawang tabang sa buong mundo.


a. Lake Baikal (TAMANG SAGOT) b. Caspian Sea c. Rio Grande d. Aral Sea

8. Ang Ilog Huang Ho na isa sa pinakamahabang ilog sa buong mundo ay matatagpuan sa anong bansa?
a. Mesopotamia b. Jupiter c. Siberia d. China (TAMANG SAGOT)
9. Ito ang pinakamataas na tuktok sa buong mundo.
a. Bundok Apo b. Banaue Rice Terraces c. Mount Everest (TAMANG SAGOT) d. burol

10. Sinasabing dinaanan ng mga kuta ng mga tanyag na mananakop sa kasaysayan ng mundo na sina Darius I, Alexander
the Great at Genghis Khan.
a. Khyber Pass (TAMANG SAGOT) b. Pacific Ocean c. Mount Eeverest d. disyerto

V. Kasunduan Panuto: Punan ng sagot ang cloud call-out ayon sa iyong sariling kaalaman.

Sa aking pagkakaalam, ang Asya ay ______


na may katangiang likas na ______ at
nakakaimpluwensya sa pamumuhay sa
pamamagitan ng ______.

Ipinasa ni:
Matric R. Rodelas
SOCSCI III

You might also like