You are on page 1of 11

Agusan del Sur College, Inc.

Bayugan city, Agusan del Sur

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 7

KALAKALAN,AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

ECLECTIC APPROACH

Ipinasa ni:

Ferlin Dynel B. Ortega

TCP student

Ipinasa kay:

Marchee M. Alolod

Cooperating Teacher
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nailalarawan ang kalakalan, kultura, at ekonomiya ng Timog at Kanlurang Asya;
b. natatalakay ang mga epekto ng kalakalan sa mga pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura ng
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya; at
c. naibabahagi ang kahalagahan ng kalakalan, kultura, at ekonomiya ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Kalakalan, Kultura, at Ekonomiya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Balangkas ng Aralin:
1. Epekto ng Kalakalan sa mga Pagbabagong Pang-ekonomiya at Pangkultura ng mga Bansa sa
Timog at Kanlurang Asya
2. Kahalagahan ng Kalakalan, Kultura, at Ekonomiya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
B. Kagamitan: manila paper, felt-tip pen, scotch tape, laptop, fact sheets, atbp.
C. Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 286-288

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtatala ng Atendans
c. Balik-Aral

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Kumusta naman kayo sa araw na ito? Mabuti naman po, Titser!

Mabuti naman! Tinalakay natin kahapon ang


Nasyonalismo sa Timog-silangang Asya. Ngayon, ay
magpapakita ako ng larawan tungkol sa ating paksa
kahapon.

Nasyonalismo. Isang kataga na tumutukoy sa isang


doktrina o kilusang pampolitika na pinanghahawakan na
Ano ang nasa larawan?
may karapatan ang isang bansa—kadalasang
binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura na magbuo
ng isang malaya o awtonomong pamayanang
pampolitika.
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Magaling!

Sa pangalawang larawan, Saan matatagpuan sa Asya


ang rehiyong ito?
Timog-silangang Asya? 

Bakit mahalaga ang Nasyonalismo sa mga bansa sa


Timog silangang Asya? Mahalaga ang Nasyonalismo sa Timog-silangang Asya
dahil naging Malaya ang mga bansa at nagkaroon sila
ng karapatan na pamahalaan ang kanilang sarili.

Mahusay! Naintindihan ninyo at nauunawaang lubusan


ang nakaraang aralin.

B. Pagganyak

Handa na ba kayo sa bagong aralin? Opo, Titser!

Sa araw na ito, mayroon tayong laro na tatawaging


“Your Name.” Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat.
Magbibigay ako ng mga larawan sa bawat pangkat. Ang
gagawin niyo lang ay ilagay ang mga larawan sa bawat
rehiyon kung saan ito napabilang. Kailangang matapos
ito sa loob ng dalawang minuto. Ang pangkat na may
maraming sagot ay makatatanggap ng gantimpala.
Nagkaintindihan ba tayo?
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Opo, Titser!

Ngayon, simulan na natin ang laro!

KANLURANG ASYA TIMOG ASYA

PETROLYO JUTE

BARLEY PALAY

LANGIS
TSAA

DATES
OPYO
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Ang nanalong pangkat ay ang Pangkat _____. Bigyan


ng masigabong palakpakan ang ating mga sarili. Ang
gantimpala ay maaaring kunin pagkatapos ng klase.

Batay sa ating gawain, ano-ano ang mga kalakal na Sa Kanlurang Asya, ang mga kalakal nila ay petrolyo,
binanggit sa pisara? barley, langis, at dates samantalang sa Timog Asya
naman ay jute, palay, tsaa, at opyo ang kanilang kalakal

Magaling!

Batay sa ating gawain, ano sa palagay ninyo ang ating


paksa sa hapong ito?

C. Panlinang na Gawain

Ngayon, ang araling tatalakayin ay tungkol sa kalakalan,


kultura, at ekonomiya ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Aalamin natin ang epekto ng kalakalan
sa mga pagbabagong pang-ekonomiya at ang
kahalagahan nito sa Timog at Kanlurang Asya.

a. Pamantayan

Bago pa tayo magsimula, ano ang dapat ginagawa ng Pamantayan: HANDA


isang mabuting mag-aaral?

Magaling! Maaasahan ko pa ba yan sa inyo? Opo, Titser!

b. Pangkatang Gawain

Sa puntong ito magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain upang maintindihang lubusan ang paksa.
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang unang
pangkat ay ang Pangkat “ALPHA”, pangalawa ay ang
Pangkat “BRAVO”, at panghuli ay ang pangkat
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

“CHARLIE” Bawat pangkat ay bibigyan ng envelope.


Nakapaloob sa envelope ang mga panuto sa gawaing
dapat tapusin sa loob ng sampung minuto. Mayroon
kriterya na ipinaskil bilang batayan sa pagpepresenta ng
gawain. Pagkatapos, ilalahad ng bawat pangkat ang
nabuong presentasyon sa klase.

Bibigyan ko lamang kayo ng pi-tong minuto para sa


paggawa ng Gawain at tatlong minuto naman para sa
presentasyon. Maliwanag ba?

Opo, Titser!

KRITERYA SA PANGKATANG GAWAIN

Nilalaman 40%

Pagpepresenta 30%

Kooperasyon 30%

KABUUAN 100%

PANGKAT ALPHA (HIERARCHY CHART) GABAY NA TANONG

KALAKALAN NG TIMOG AT KANLURANG ASYA

Bumuo ng isang hierarchy chart tungkol sa paksang


ibinigay. Buuhin ang mga bahagi ng tsart at isulat sa
1. Ano ang pangunahing kalakalan ng Kanlurang Asya?
blangkong papel ang mga sagot saka idikit sa manila
paper alinsunod sa pagkakaayos. Pagkatapos ng 2. Ano ang pangunahing kalakalan ng Timog Asya?
sampung minuto, ipaliwanag sa klase ang nagawang
gawain at pumili ng dalawang kinatawan upang ilahad.
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

KALAKALAN

TIMOG KANLURANG
ASYA ASYA

PANGKAT BRAVO (CHIKKA MO, CHIKKA KO) GABAY NA TANONG

KALAKALAN SA PANG-EKONOMIYANG

KALAKALANG PANLABAS

Gumawa ng isang talk show tungkol sa paksang 3. Anong kahalagahan ng kalakalan sa


ibinigay batay sa programang “Chikka Mo, Chikka Ko” Timog at Kanlurang Asya?

ng UNTV. Pumili ng mga mag-aaral na siyang gaganap


bilang host at mga panauhin sa programang ito at ang
kanilang kasagutan ay dapat nauugnay sa gabay na
tanong. Pagkatapos ng sampung minuto ay ipresenta sa
klase ang nagawang gawain.

PANGKAT CHARLIE (BALITAAN) GABAY NA TANONG

EPEKTO NG KALAKALAN SA PANGKULTURANG


KALAGAYAN NG TIMOG AT KANLURANG ASYA

Gumawa ng isang news broadcasting tungkol sa


4. Ano ang Silkroute?
paksang ibinigay batay sa programang “Balitaan” ng 5. Ano ang iniluluwas sa mga produkto?
CNN Philippines. Pumili ng mga mag-aaral na gaganap 6. Paano nakilala ang China at Persia
bilang news anchor, reporter, at interviewee sa bilang sikat na mga mangangalakal?
programang ito at ang ibabalita ay sumusunod sa mga
gabay na tanong. Pagkatapos ng sampung minuto ay
ipresenta sa klase ang nagawang gawain.

c. Pamprosesong Tanong

Base sa presentasyong ating nasaksihan kani-kanina Kalakalan ang nagbigay-daan sa pagyabong ng kultura
lang, paano nakaaapekto ang kalakalan sa ekonomiya
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

at kultura ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya? at ekonomiya ng mga Asyano.

Sinu-sino ang mga pangunahing mangangalakal sa Ang mga pangunahing mangangalakal ay ang mga
Asya? Arabo, Indian, Tsino, at Malay.

Ano ang pangunahing kalakalan ng Kanlurang Asya? Hawak ng Kanlurang Asya ang kalakalan sa industriya
ng langis at petrolyo.

Ano ang epekto ng paglakas ng ekonomiya sa Dumami ang mga dayuhang manggagawa mula sa
Kanlurang Asya? Pilipinas, Thailand, India, Pakistan, Sri Lanka, at
Indonesia.

Ito ay sa pamamagitan ng South Asian Association for


Regional Cooperation. (SAARC)

Paano lumakas ang ugnayan ng mga bansa sa Asya? Ang kanilang kontribusyon ay makikita sa kultura dahil
sila ang nagdala ng mga panitikan at relihiyon na
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

D. Paglalahat

Ating balikan ang paksang pinag-aralan. Sa Ang ekonomiya ng Timog Asya ay nakatuon sa
pangkalahatan, ano ang mga kalakalan at ekonomiya industriya ng bigas at tsaa at ang kanilang kultura ay
ng Timog Asya at Kanlurang Asya? nakaimpluwensya sa relihiyong Hinduismo samantalang
ang ekonomiya ng Kanlurang Asya ay nakatuon sa
industriya ng langis at petrolyo habang ang kanilang
kultura ay naimpluwensyahan ng Islam.

Anu-ano ang mga epekto ng kalakalan sa mga Nakilala ang relihiyong Budismo at Islam, umunlad ang
pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura ng Timog kanilang ekonomiya sa kalakalan ng seda, at nagkaroon
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Asya at Kanlurang Asya? ng magandang ugnayan ang mga mangangalakal mula


sa ibang lupain dala ang mga bagong ideya,
teknolohiya, at paniniwala.

E. Pagpapahalaga

Kilala nyo ba sila? Ang kanilang kontribusyon ay makikita sa kultura dahil


sila ang nagdala ng mga panitikan at relihiyon na
nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Ano ang mga naitulong ng OFW sa ating bansa?

IV. PAGKIKILATIS

Dahil naunawaan nyo na ang aralin, magkakaroon tayo


ng maikling pasulit upang subukin ang inyong
kaalaman. Kumuha ng sangkapat na papel at sundin
ang panutong ibinigay.

PANUTO: Sagutan ng TAMA kung wasto ang sinalungguhitang salita sa pahayag at MALI kung hindi wasto ang
sinalungguhitang salita sa pahayag.

____________ 1. Kalakalan ang nagbigay-daan sa pagyabong ng kultura at ekonomiya ng mga European.

____________ 2. Ang mga pangunahing mangangalakal sa Asya ay ang mga Arabo, Indian, Tsino, at Malay.
KALAKALAN AT EKONOMIYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

____________ 3. Hawak ng Kanlurang Asya ang kalakalan sa industriya ng langis at petrolyo.

____________ 4. Dumami ang mga dayuhang manggagawa mula sa Pilipinas, Thailand, at Indonesia.

____________ 5. Ang pangunahing kalakalan ng Kanlurang Asya ay ang industriya ng bigas at tsaa.

____________ 6. Ang Bombay ay kilala bilang Sentro ng Information Technology sa Timog Asya.

____________ 7. Lumakas ang ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng ASEAN.

____________ 8. Lumakas ang ugnayan ng mga mangangalakal at misyonaryo sa kalakalang silk road.

____________ 9. Ang mga Mongol ang nagpakilala ng relihiyong Hinduismo sa China mula sa India.

____________ 10. Ang paniniwalang Iranian ay napasama at kumalat sa relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo.

V. TAKDANG-ARALIN

Basahin ang aralin tungkol sa Arkitekturang Asyano sa pahina 290-291 at sagutin ang mga tanong sa kalahating
piraso ng papel.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang humanidades?

2. Anu-ano ang mga arkitektura ng Timog Asya?

3. Anu-ano ang mga arkitektura ng Kanlurang Asya?

4. Ano ang importansya ng arkitektura sa pagbuo ng kabihasnang Asyano?

You might also like