You are on page 1of 12

Paaralan: Agusan Del Sur College Paaralan/Antas: Grade 7

Tagapagpakitang Turo: Rutchelle G. Lagata Asignatura: Araling Panlipunan


Petsa/Oras: Markahan:

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kalagayan at bahaging
Pangnilalaman ginampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kabihasnan.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakakagawa ng pagpapahalaga sa mga
ginampanan ng mga kababaihan.
C. Mga kasanayang Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na :
Pagkatuto
1. Nailalarawan ang mga kababaihan sa Sinaunang kabihasnan.
2. Natutukoy ang mga iba’t-ibang ginampanan ng mga kababaihan
sa Sinaunang kabihasnan hanggang ika-16 na siglo.
3. Naipaliwanag ang ginampanan ng mga kababaihan sa Sinaunang
kabihasnan hanggang ika-16 na siglo.

II. NILALAMAN Ang Mga Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan


KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay Yunit 2: Learning Packet 6
ng Guro
2. Mga pahina sa
kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
teksbuk
4. Karagdagang Laptop, Manila Paper, pansulat, at pandikit
kagamitan mula sa
portal ng learning
resources
B. Iba pang kagamitang
panturo

III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik aral sa nakaraang


aralin at pagsisimula ng bagong
aralin
 Panimulang Gawain
“Magsitayo ang lahat upang (Ang lahat ay nagsitayo
 Pagdadasal manalangin, _____pamunuan mo upang manalangin.)
ang panalangin.”

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po


Ma’am.
 Pagbati

Kumusta naman kayo sa hapong Mabuti naman po!


ito,klas?

Masaya akung marinig iyan,Klas.

 Pagtatala ng liban sa (Ang guro ay nagsisiyasat kung may


klase lumiban sa klase gamit ang seat
plan)

Ngayon handa na ba kayo sa bagong Opo


 Pamantayan paksa na ating tatalakayin?

Bago ang lahat Klas ay nais kong


ipakilala ang aking mga alitutunin.

1. Makinig ng mabuti
2. Iwasan ang makipagdaldalan sa
katabi.
3. Marunong rumespeto.

Maliwanag ba Klas? Opo!


 Balitaan Klas ano kaya ang napapanahong balita ( Mga posibilidad na sagot ng
ngayon na may kinalaman sa mga mag-aaral)
kababaihan?

 Pagbabalik-Aral Klas, noong nakaraang tagpo ay Sistema ng paniniwala ang


tinalakay ninyo ang relihiyon at relihiyon at ang pilosopiya
pilosopiya? Ano nga ulit ang naman ay paraan na pag-iisip
relihiyon at pilosopiya? at pagtingin sa mga bagay-
bagay sa buhay.

“Tama! Maraming Salamat.”

Ngayon upang matukoy ko kung


talagang naunawaan niyo nga ang
ating tinalakay noong nakaraan,
tatawag ako ng mga pangalan at
basahin niyo ang inyong sagot sa
binigay kung takdang aralin.

(Tumawag ang guro ng ilang (Sinagot ng mga estudyante


estudyante ) ang mga katanungan)

“Mahusay! Maraming salamat.’’


B. Paghahabi sa layunin ng Babasahin ko sa inyo ang layunin
aralin ng ating leksyon ngayong umaga.

Sa pagtatapos ng aralin, kayo ay


inaasahan na :

1. Nailalarawan ang mga


kababaihan sa Sinaunang
kabihasnan.
2. Natutukoy ang mga iba’t-ibang
ginampanan ng mga kababaihan sa
Sinaunang kabihasnan hanggang
ika-16 na siglo.
3. Naipaliwanag ang ginampanan
ng mga kababaihan sa Sinaunang
kabihasnan hanggang ika-16 na
siglo.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Ngayon ay dadako na tayo sa
aralin panibagong aralin.

Handa na ba kayo? Opo Ma’am

Ihanda ang sarili para sa talakayan


ngayong araw na ito. Pero bago ang
lahat may ipapanood ako sa inyo na
video, tignan niyo ito ng mabuti dahil
me itatanong ako sa inyo pagkatapos
niyo itong mapanood.

( Ang video ay tungkol sa Mga


kababaihan ng sinaunang kabihasnan.)

Ano ang inyong napapansin sa inyong Ito ay tungkol sa mga


pinapanood na video? kababaihan.

Tama! Ano pa ang inyong mga ideya? Ito ay ang mga kababaihan sa
sinaunang kabihasnan.

Tama. Magaling!

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad Mayroon na ba kayong ideya kung ano Opo Ma’am,
ng bagong kasanayan # 1 ang ating aralin sa araw na ito? Ang aralin natin ngayong
umaga ay tungkol sa Mga
kababaihan sa sinaunang
kabihasnan.

Magaling! Ang ating tatalakayin sa


araw na ito ay patungkol sa Mga
kababaihan sa sinaunang kabihasnan.

Iba’t-iba ang pagpapahalaga sa mga


kababaihan sa sinaunang panahon.

Ngayon ay susuriin natin ang


kalagayana at bahaging ginagampanan
ng kababaihan mula sa sinaunang
kabihasnan hanggang sa ika-16 ng
siglo.

E. Pagtalakay ng bagong Simulan natin ang ating aralin sa


konsepto at paglalahad pagkatang Gawain. Hahatiin ko kayo sa
ng bagong kasanayan # 2 apat na pangkat.
Ngunit bago ang lahat ay ipapaliwanag ko
muna sa inyo ang mga pamantayan kung
sa paanong paraan ko mamarkahan ang
presentasyon ng bawat grupo.
Ang bawat pangkat ay bubunot ng paksa
at bibigyan ko kayo ng sampung minuto
para sa presentasyon.

Unang pangkat
ROLE PLAY
(Magtatanghal ng isang dula na
nagpapakita ng kalagayan ng mga
kababaihan sa Kabihasnang Sumer.)

Ikalawang pangkat
POSTER MAKING
( Sa pamamagitan ng pagguhit ay ipapakita
nila ang kalagayan ng mga kababaihan sa
Sinaunang Babylonia)

Ikatlong pangkat
TULA
(Bubuo ng isang tula na naglalaman ng
kalagayan ng mga kababaihan sa
Sinaunang Indus.)

Ika-apat na pangkat
LIKHAWIT
(Lalapatan ang musika ng paggalaw ng
katawan sa pamamagitan ng pagsayaw. Ito
ay patungkol sa mga kababaihan sa
Sinaunang China.

F. Paglinang sa kabihasaan Ngayon ay tignan natin ang inyung mga


(Tungo sa formative nagawa, simulan natin sa unang
assessment) pangkat, susunod ang ikalawa,ikatlong
at ika-apat na pangkat
Handa naba kayo? Opo Ma’am!

Unang pangkat
ROLE PLAY
( Nagtanghal sila ng tungkol
sa kababaihan ng
Sinaunang Sumer.) Sa
panahong Sumer bagaman
Patriyarkal ang lipunan ay
nagpapakita na may
pagpapahalaga sila sa mga
kababaihan. Ang mga
kababaihan ay maaarung
mangangalakal,magsasaka,
babaeng pari o
altersano.Ang mga babae
sa mataas na lipunan ay
maaring matutong
magbasa at magsulat. Kung
ikakasal ang babae ay
ikakasal siya sa buong
pamilya ng lalaking maging
kabiyak.)

Ikalawang pangkat
POSTER MAKING
(Sa pamamagitan ng
pagguhit ay ipapakita nila
ang kalagayan ng mga
kababaihan sa Sinaunang
Babylonia.)
Ang mga taga Babylonia
ang mga bata at babae ay
tila mga gamit na maaring
ipagbili .Nakasaad din ditto
na maaring ipagbili ang
batang babae.

Ikatlong pangkat
TULA
(Bubuo ng isang tula na
naglalaman ng kalagayan
ng mga kababaihan sa
Sinaunang
Indus.)Inihahanda ang mga
babae sa buhay-
pagpapamilya ng kanilang
mga magulang.Inaasahan
naman ng pamilya babae
na makakatanggap ng dote
mula sa pamilya ng
mapapangasawa niya.Ang
mga galling sa uring
Ksatriya ang makakapili ng
mapapangasawa niya. Ang
isang babae ay inaasahan
lamang na nasa
tahanan.Itinuturing din na
pagkakasala kapag ang ama
ng isang babae ay hindi siya
ipinakasal sa pagsapit sa
tamang edad.

Ika-apat na pangkat
LIKHAWIT
(Lalapatan ang musika ng
paggalaw ng katawan sa
pamamagitan ng pagsayaw.
Ito ay patungkol sa mga
kababaihan sa Sinaunang
China.Ang tungkulin ng
isang babae ay kasama sa
konsepto ng filial piety o
pagpaparangal sa mga
ninuno.Ang mga babae sa
inanaasahang makapag-
asawa ng maayos at
magampanan ang tungkulin
bilang ina at anak sa mga
asawa.Maari namang
maghanap buhay ang mga
babae tulad ng pagsasaka
at pangangalakal. Hindi rin
sila pinahihintulutang
maging opisyal sa
pamahalaan o makapag-
aral man lang. Ang halaga
ng babae ay nakabatay rin
sa kanyang kapasidad
manganak.Sa ideya ng
Budismo ay ang ga
kababaihan ay hindi
makatamasa ng Nirvana.
Hindi rin pantay ang
pagtingin sa mga babae at
lalaki sa pilosopiyang ito.

Ako ay humahanga sa ipinakita


ninyong galing. Palakpakan ninyo ang
inyung mga sarili.

G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw araw na Ano ang nararamdaman ninyo habang ( Mga posibilidad na
buhay isinagawa ang inyong Gawain? sagot ng mag-aaral.)

Ano ang kahalagahan ng mga


kababaihan sa ating lipunan?

H. Paglalahat ng Aralin
Ang mga kababaihan sa Sinaunang
kabihasnan ay iba’t-iba ang
pagpapahalaga sa kanila.

Ang kabihasnang Sumer marami sa


mga lungsod nila ang naniniwala sa
diyosa tulad ni Ishtar.Kilala rin si
Ishatar bilang si Inanna na diyosa sa
pag-ibig at kaligayayahan.Isang
mahalagang diyosa rin sa Mesopotamia
si Nammu na diyosa ng tubig na isa sa
pangunahing kailangan ng tao. Sa
Sinaunang Japan mahalaga rin ang
diyosa ng araw na si Amaterasu-o-mi-
kami.

Sa Babylonia naniwala na ang kanilang


diyos na si Marduk ay nagmula sa
diyosang si Tiamat.Ang mga labi ni
Tiamat ang sinasabing naging kalupaan
at kalangitan ng mapatay siya ni
Marduk.

Sa kabihasnang Indus isa sa


pangunahing diyos ng mga hindu ay si
Indra siya ay itinuturing na diyosa ng
panahon.

Sa kabihasnang China Itinuturing ng


mga Tsino na suwerte ang
pagkakaroon ng lalaking
panganay.Hindi pantay ang pagtingin
ng babae at lalaki sa pilosopiyang
Budismo.

I. Pagtataya ng Aralin
Ngayon ay may ibibigay ako sa inyung
pagsasanay na kailangan ninyung
sagutin. Kumuha kayo ng kalahating
papel.

Isulat kung positibo o negatibo ang


sumusunod na pagtingin o gampanin
ng kababaihan sa sinaunang
kabihasnan.

1. Ang mga kababaihan ay


itinuturing na mga gamit na
maaring ipagbili.
2. Mataas na pagtingin ng Japan
sa diyosa ng araw na si
Amaterasu-o-mi-kami.
3. Maaring maging
mangangalakal,magsasaka,bab
aeng pari o artesano ang mga
kababaihan.
4. Pagpapakasal ng mga batang
babae.
5. Isa sa pangunahing diyos ng
mga Hindu si Indra na isang
diyosa ng panahon.
6. Galing lamang sa uring
Kshatriya ang maaring makapili
ng kanyang mapapangasawa.
7. Ang isang babae ay inaasahan
lamang sa tahanan.
8. Ang mga ritwal na walang
pagrespeto sa mga kababaihan
ay hindi epektibo.
9. Hindi pinapayagan ang mga
kababaihan na maging mga
opisyal ng pamahalaan o
makapag-aral man lang.
10. Hindi pantay na pagtingin sa
mga babae at lalaki.

J. Karagdagan Gawain para Para sa inyung takdang aralin humanap


sa takdang-aralin at kayo ng mga larawan tungkol sa mga
remediation kababaihan,idikit niyo ito sa papel at
isulat ninyo ang kahalagahan nila sa
lipunan.

Meron pa ba kayong katanungan?


Kung wala na paalam Klas!

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral


sa magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

You might also like