You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02(Cagayan Valley)
Schools Division Office of Isabela
300508-CAGASAT NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN
Gayong, Cordon, Isabela 3312
 cagasatnational@gmail.com

ARALING PANLIPUNAN 7

NAME:____________________________________________ Section:___________________

Module 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya


Ang Ecosystem ng Asya

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog
ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay malaim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at
tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng
rehiyon.
(AP7HAS-Ig-1.7)

Pagkatapos ng modyul na ito , inaaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na kasanayan.


 Nailalarawan at natatalakay ang ilang mga suliranin at isyung pangkapaligiran sa Asya.
 Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano malulutas ang mga isyung pangkapaligiran sa
Asya.
 Naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya.

Binabati kita sa matagumpay mong pagkamit ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga


taglay na yamang likas ng Asya. Ngayon ay mas mapapaunlad mo pa ang iyong pag-unawa hinggil sa
ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran sa pamamagitan ng paglinang nito tungo sa pagtugon sa
kaniyang pangangailangan.
Sa pagpapatuloy ng ating aralin hinggil sa Ecosystem ng Asya ay maaaring maitanong mo
kung bakit humaharap ang Asya sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa ngayon? Ano ang
kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon? Paano
mapangangalagaan ng tao ang kanyang kapaligiran sa kabila ng paghangad nito na mapaunlad ang
kanyang kabuhayan?
Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin upang ganap na
maunawaan ang paksang tatalakayin sa bagong araling ito. Maaari ka nang magsimula.
1

Gawain 1: Larawan-Suri

1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.

2. Magbigay ng 5 halimbawa ng mga suliraning pangkapaligiran na iyong alam.


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Sa yong palagay, bakit kaya nagaganap o ano-ano ang mga sanhi ang mga suliraning pangkapaligiran
na iyong nabanggit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2

Binabati kita sa iyong pagsasagawa sa unang gawain . Ngayon ay iyong basahin at unawain ang
aralin.

Katangi-tangi ang Asya bilang isang kontinente, sapagkat naririto ang napakaraming uri ng mga
bagay na may buhay na patuloy na dumadaan sa isang uri ng ugnayan at bumubuo ng kapaligiran at
kalikasang siyang nililinang ng tao para sa kaniyang pamumuhay. Ngunit sa paghahangad ng tao na
mas mapaunlad ang kaniyang gawaing pangkabuhayan ay ginagamit niya ang teknolohiya, mga
imbensyon, at inobasyon na nagbubunsod sa industriyalisasyon. Ano kaya ang naging epekto nito sa
kalikasan? Ang susunod na gawain ay magbibigay sa iyo ng paliwanag ukol dito.

Gawain 2: Suri-Teksto

Ang Biodiversity ng Asya

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na


kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo ay
itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global diversity. Ngunit, habang ang mga bansa sa Asya
ay patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ay ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at
pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng
populasyon. Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksyon ng mga
isyung panlipunan, political, ekonomiya, at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan ng
bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang makpabalangkas at
makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.

Sa pagtalakay mo sa mga suliranin at isyung pangkapaligiran, makatutulong sa iyo ang mga


sumusunod upang higit na maunawaan ang aralin.

1. Ecosystem – tumutukoy sa nagaganap na ugnayan sa pagitan ng mga may buhay at walang buhay na
mga organism.

2. Desertification- tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na
kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito
tulad ng nararanasan sa ilang bahagi ng China, Jordan, Iraq, Lebanon, Syria, Yemen., India at
Pakistan.

3. Salinization – sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng
tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon, sa paligid
ng mga estuary at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-
unting nanunuot ang tubig-alat o salt-water kapag bumababa ang water level gaya ng
nararanasan ng bansang Bangladesh.

4. Habitat – tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land
conversion o ang paghahawan ng kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar
upang magbigay-daan sa mga proyektong pangkabahayan.
3

5. Hinterlands – malayong lugar, malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga pangyayari
sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod ay nangangailangan ng pagkain, paggatong, at
troso para sa konstruksiyon na itinutustos ng hinterlands na humahantong sa pagkasaid ng likas na
yaman nito.

6. Ecological Balance – balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang
kapaligiran.
7. Deforestation – pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat. Isa ito sa mga
problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan . Ayon sa Asian Development Bank (ADB),
nangunguna ang Bangladesh , Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis
na antas o rate ng deforestation.

8. Siltation – parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang luagr. Ito
ay isa rin sa mga problemeng kinakaharap ng mga bansa sa Asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng
kagubatan at erosion ng lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Combodia.

9. Red Tide – ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.

10. Global Climate Change – Pagbabago ng pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas
na pagbabago sa daigdig o ng mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ay
ang pagtaas ng katamtamang temperature o global warming.

11. Ozone layer – isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone.
Mahalagang pangalagaan ang ozone layer sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman,
at hayop ,ula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays.

Hindi naiiba ang karanasan ng Asya sa pagkakaroon ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran ng mundo
na ang pangunahing sanhi ay ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ano nga ba ang epekto ng kalagayang ito
ng daigdig at ng Asya sa kalikasan? Basahin at unawain ang konseptong nasa ibaba.

EPEKTO NG MALAKING POPULASYON SA


KALIKASAN

Habang patuloy na Sa patuloy na pagdami Hindi maiiwasan na


tumataas ang bilang ng ng tao, nangangailangan nadaragdagannang
mga tao, lalong ng sapat na espasyo produksiyon ng mga
nagiging mataas ang upang gawing tirahan . basura dahil sa
pangangailangan para Ang mga dating pagdami ng mga tao.
sa likas na yaman. mabubundok na lugar o Ang mga basurang ito,
Kinakailangan na nang mga dating sakahan ay na kapag hindi maayos
malaking lupain na ginagawang subdibisyon na napamahalaan, ay
mapagtataniman upang o tirahan, na nagbubunsod ng
makasapat sa pagtugon nagreresulta naman sa polusyon at
sa pangangailangan o unti-untng pagkawasak kontaminasyon sa
demand para sa ng mga tirahan ng iba't hangin, lupa at tubig.
pagkain ibang species ng hayop.
4

Marahil ay madalas mong napapanood sa telebisyon, naririnig sa radio, o kaya’y nababasa sa


mga pahayagan ang mga balitang nagaganap sa ating kapaligiran tulad ng matiinding pagbaha
at landslide dulot ng malakas na pag-ulan at ng bagyo. Maaaring naitanong mo na kung ano-
ano ang kadahilanan ng mga suliraning pangkapaligirang ito? Bakit ito nangyayari?
Makatutulong sa iyong pag-unawa at pagsagot sa iyong mga tanong sa teksto.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

1. Pagkasira ng Lupa
Tunay na Malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa upang patuloy na mabuhay
ang mga tao. Sa kapakinabangan o roductivity nito nakaasa ang mga produktong agricultural na
tumutustos sa kabuhayab ng mamamayan. Gayunpaman, ang pag-abuso sa lupa ay nagbubunsod ng
malalang mga suliranin gaya ng salinization, at alkalinization na nagaganap kapag mali ang isinagawang
proseso ng irigasyon, gayundin ang desertification na gaya ng nararanasa sa ilang bahagi ng China Ang
pagkasira o pagkatuyo ng lupa ay maaaring magdulot ng matinding suliranin gaya ng kakulangan sa
pagkain at panganib sa kalusugan.
Isa pang pinagmulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang kapasidad ng
damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halaman o vegetation ng isang
lugar. Ang ganitong sitwasyon ay nararanasan ng Hilagang Iraq, Saudi Arabia, at Oman.

2. Urbanisasyon
Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naaapektuhan ang kapaligiran nito. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas at
may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan.
Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ang may ganitong sitwasyon. Ang kalusugan ng mga
mamamayan sa mga lungsod ay direktang naaapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga
industriya ng kanilang wastewater sa tubig o sa lupa. Dahil sa urbanisasyon, nagkakaroon din ng noise
pollution at ayon sa mga ekksperto sa kalusugan, ang labis na ingay ay nagdudulot ng stress at
nakadaragdag sa pagod.

3. Pagkawala ng biodiversity
Ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong
mundo. Ngunit sa kabila nito, ang Asya rin mismo ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng
biodiversity bunsod ng :
a. patuloy na pagtaas ng populasyon
b. walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
c. pag-aabuso sa lupa
d. pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan(deforestation)
e. polusyon sa kapaligiran
f. intoduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang particular na rehiyon

4. Pagkasira ng Kagubatan
Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na problemang
pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural na ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng halaman at hayop
ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat.
5

Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagbibigay daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng
pagbaha, erosion ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon at sedimentation. Pangunahing sanhi ng
problemang ito ay ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng puno, upang gawing
panggatong, at ang pagkasunog ng gubat.

Matapos mong basahin , unawain, at suriin ang teksto ay ibahagi mo ang iyong naging kaisipan at saloobin
kaugnay sa lawak ng likas na yaman ng Asya at kung paano ito humaharap sa ilang mga suliraning
pangkapaligiran sa kasalukuyan.

Gawain 3: Pagpupuno sa Diagram

Mga Suliraning Pangkapaligiran na Mga Dahilan ng Suliranin


Nakikita mo sa Iyong Komunidad

Mga Mungkahing Solusyon ( Note: Iyong Kaya Mo Lang Gawin Bilang Grade 7 na Mag-aaral )

Gawain 4: Photo Essay: ( Isulat mo ang iyong sagot sa isang malinis na papel o bond paper )
6
Gawain 4: Photo Essay: Sumulat ng isang sanaysay ukol sa nais ipahayag ng larawang nasa ibaba na
iinog sa paksang “ Ano ang Kontribusyon ng likas na kapaligiran sa gawaing pangkabuhayan ng tao? “

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PHOTO ESSAY


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kawastuhan Ang paliwanag ay tumutugma sa konseptong nais ipakita ng larawan. 7
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May pinagbabatayang 6
pag-aaral o artikulo o pagsasaliksik ang ginamit na datos
Organisasyon Komprehensibo at malinaw ang daloy. Maayos na naipahayag ang 4
konsepto ng larawan.
Pagkamalikhain May sariling istilo ng pagsasaayos upang ito ay maging kaaya-aya. 3
Kabuuan 20
7
Tayahin:
Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutan
papel.

1. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawain upang masolusyonan ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa
mga programa na sinsagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga illegal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

2. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at pagkasunog ng gubat ay


isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban, ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang
magawa ganito gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.
D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita.

3.Alin sa sumusunod ang nagiging dahil sa pagkasira ng lupa?


A. Ang pagkatuyo ng mga lupa B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy D. Pagtaba ng lupa

4. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
A. Maaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
B. maaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaring magdulot kawalan ng hanap-buhay ang mga mamamayan
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna

5. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?


A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang
kanilang pangangailangan.
B. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin.
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay

Ganap mo nang napaunlad sa bahaging ito ng yunit ang iyong pagkatuto tungkol sa likas na
yaman ng Asya at ang kahalagahan ng balanseng ekolohikal nito. Anong mga bahagi ng aralin ang
napagnilayan mo at napagtanto ng lubhang napakahalaga? May epekto ba ito sa iyo? Paano mo
isasabuhay ang iyong mga natutuhan para mapakinabangan mo at ng nakararami?
Sa puntong ito ay napagtibay mo na ang kahalagahan ng interaksyon at paG-angkop ng tao sa
kaniyang kapaligiran upang makabuo at mapaunlad ang isang uri ng pamumuhay na naaayon sa
kaniyang kultura at kabihasnan. Handa ka nang dumako sa huling bahagi ng aralin.

You might also like