You are on page 1of 44

Our Lady of The Pillar College – San Manuel, Inc

District No. 3, San Manuel, Isabela

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


School Year 2022-2023
Ikalawang Markahan

ARALING PANLIPUNAN 7

ARNIE ROSE R. BALA, LPT


Guro sa Araling Panlipunan

Inihanda ni:
Katreen Felipe,LPT
Pangangalaga sa Timbang
na Kalagayang Ekolohiko ng Asya
Gawain: Problema Mo, Solusyonan Mo!
Panuto: Pumili ng isang larawan at ipaliwanag kung paano ka makatutulong sa pag-iwas sa ganitong
suliranin na nakakasira sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon.

Larawang Kuha ni: Abique, Myra A. Larawang Kuha ni: Abique, Myra A.
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong nabuong mga salita, pumili ng isang larawan at ipaliwanag. Ano ang kaugnayan
nito sa mga suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan?
2. Bakit kailangang pangalagaan ang tirahan ng mga hayop o mga bagay na may buhay?
3. Kung nakita mo ang iyong kabarangay na pumuputol ng mga punongkahoy o
nanghuhuli ng buhay-ilang, ano ang iyong reaksiyon? Magbigay ng mga
hakbang na iyong gagawin.
4. Batay sa larawang iyong ipinaliwanag, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng
ganitong suliranin?

Suriin
Gawain: Suri-Teksto!
ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na


kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo
ay itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit, habang ang mga bansa sa
Asya ay patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal
at pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng
populasyon. Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksiyon ng mga
isyung panlipunan, politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan ng bawat
isa sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at
makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.

Kahalagahan ng Balanseng Ekolohikal


Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya.
Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon, tiyak na makakaapekto ito nang lubos
sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Dapat nating isipin na bunga ng kalakihan ng
sakop na teritoryo ng Kontinente ng Asya, ang mga problemang ekolohikal na nararanasan ng mga Asyano
sa isang rehiyon ay posible ring maging suliranin ng mga tao sa karatig-rehiy o n maging ng mga
mamamayan ng buong daigdig.

 Ang malaki at patuloy na lumalaking populasyon sa Asya ay nakapagpapalala sa mga


suliraning pangkapaligiran at ekolohikal. Malaki ang kaugnayan ng paglaki ng poupulasyon
sa pagkasira ng lupain sa Asya.
 Ang urbanisasyon ng mga bansa sa Asya ay dahilan din ng mga suliraning
pangkapaligiran.

Alamin natin ngayon ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa
suliraning pangkapaligiran.

1. DESERTIFICATION - Tumutukoy
sa pagkasira ng lupain sa mga
rehiyong bahagyang tuyo o
lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong
sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity nito tulad ng
nararanasan sa ilang bahagi ng China,
Pakistan, Jordan, Iraq, Syria,
Yemen at Lebanon.
Larawang Kuha ni: Abique, Myra A.
2. SALINIZATION- Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o
di kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang
isinagawang proseso ng irigasyon sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga lugar na
mababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o saltwater
kapag bumababa ang water level gaya ng nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat
nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.

3. HABITAT- Ito ay tumutukoy sa


tirahan ng mga hayop at
iba pang mga bagay. Ito ang
pangunahing apektado ng land
conversion o ang paghahawan ng
kagubatan, pagpapatag ng mga
mabundok o maburol na lugar
upang mabigyang-
daan ang mga proyektong Larawang Kuha ni: Gonoz, Anwar Macmond P.
pangkabahayan.

4. HINTERLANDS- Ito ay isang malayong lugar, malayo sa urbanisadong lugar ngunit


apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod ay
nangangailangan ng pagkain, panggatong, at troso para sa mga konstruksiyon na
itinutustos ng hinterlands na humahantong sa pagkasaid ng mga likas na yaman nito.

5. ECOLOGICAL BALANCE- Kapag balanse ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay na


may buhay at ang kapaligiran, tinatawag itong ecological balance.
6. DEFORESTATION- Ang Pagkaubos at
pagkawala ng mga punongkahoy sa mga
gubat. Isa ito sa mga problemang
nararanasan ng Asya sa kasalukuyan.

Larawang Kuha ni: Edep, Yolando D.

7. SILTATION- Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa


isang lugar. Ito ay isa sa problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya na dulot o bunsod
ng pagkasira ng kagubatan at erosion ng lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa
Cambodia.

8. RED TIDE- Nagkakaroon ng red tide


dahil sa mga dinoflagellates na lumulutang
sa ibabaw ng dagat.

Larawang Kuha ni: Rodriguez, Merylren O.

9. GLOBAL CLIMATE CHANGE- Ang global warming ay ang pagbabago ng


pandaigdigan o rehiyonal na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o ng
mga gawain ng tao. Karaniwang tinutukoy nito sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng
katamtamang temperature o global warming.
10. OZONE LAYER- Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming
konsentrasyon ng ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer sapagkat ito
ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng
radiation dulot ng ultraviolet rays.
Gawain: Sanhi At Bunga
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na
salita. Suliraning Pangkapaligiran
SANH EPEKT SOLUSYON
I O
1. Pagtapon ng basura
1. Coastal Clean-Up
sa dagat
2. Pagputol ng
Erosion 2.
punongkahoy
3. Pagkakaingin Deforestation 3.
4. Pagsunog ng plastic 4. 5.
5. Pagdami ng sasakyan 6. 7.

Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto upang makakuha ng mga impormasyon na magagamit sa
susunod na gawain.

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Pagkasira ng lupa -Tunay na malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa


upang patuloy na mabuhay ang mga tao. Sa kapakinabangan o productivity nito nakaasa
ang mga produktong agrikultural na tumutustos sa kabuhayan ng mamamayan. Gayunpaman, ang
abuso sa lupa ay nagbubunsod ng malalang mga suliranin gaya ng salinization at alkalinization
na nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon. Malubhang problema ang salinization
sa Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig alat sa kanilang mga ilog na dumadaloy sa 38% ng
bansa. Nasa 33% na mga mamamayan nito ang nakikinabang sa ilog na ito. Samantala isang ring
malubhang problema sa lupa ay ang desertification gaya ng nararanasan ng ilang bahagi ng China na
nakapagtala na ng halos 358,000 km2 na desertified na lupain. Maging sa ibang bahagi ng Asya tulad
ng kanlurang Asya ay nakakaranas din ng tuyong lupain gaya ng Jordan, Iraq, Lebanon, Syria, at
Yemen sa kanlurang Asya, at ang India at Pakistan sa Timog Asya. Ang pagkasira at
pagkatuyo ng lupa ay maaring magdulot ng matinding suliranin gaya ng kakulangan sa pagkain at
panganib sa kalusugan.

Isa pinagmumulan ng pagkasira ng lupa ay ang overgrazing kung saan ang kapasidad ng damuhan
ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop. Ito ay nakasisira sa halamano o vegetation ng isang
lugar. Ang hilagang Iraq, Saudi Arabia, at Oman ay ilan lamang sa mga bansang nakararanas ng ganitong
sitwasyon. Urbanisasyon – Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis nang naapektuhan ang kapaligiran
nito. Ito ay nag bunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng pagdami ng mga mahihirap na lugar o depressed
areas at may mga pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan.
Mahigit sa 3,119 sa mga bayan at lungsod ng India ay may ganitong sitwasyon. Ang kalusugan ng
mamamayan sa mga lungsod ay direktang naapektuhan ng urbanisasyon gaya ng pagtatapon ng mga industriya
nhg kanilang wastewater sa tubig at sa lupa. Ang mga kalapit-bayan ng lungsod ay naapektuhan din ng
urbanisasyon sapagkat dito kinukuha ang ilang mga pangangailangan ng lungsod na nagiging sanhi ng
pagkasaid ng likas na yaman nito.
Kaugnay na problema rin ng urbanisasyon ay ang noise pollution mula sa mnga sasakyan, gayundin ang mga
ilang aparato at makinang gumagawa ng ingay. Ayon sa mga eksperto sa kalusugan ang labis na ingay
sapagkat nagdudulot ito ng stress at nakadaragdag sa pagod, sa ilang sitwasyon, ito ay nagiging sanhi ng
pagkabingi.

Pagkawala ng Biodiversity – ang kontinente ng Asya ay itinuturing na isa sa may


pinakamayamang biodiversity sa buong mundo. Ang China, India, Thailand, Indonesia, ay Malaysia
ay katatagpuan ng pinakamaraming species ng mga isda, amphibian, reptile, ibon, at mammal.
Ngunit sa kabila nito, ang Asya rin mismo ang nakapagtala ng pinakamabilis na pagkawala ng
biodiversity bunsod ng: patuloy na pagtaas ng populasyon, walang habas na pagkuha at paggamit ng
mga likas na yaman, pag-aabuso sa lupa, pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan (deforestation),
polusyon sa kapaligiran, at ang introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na
rehiyon.

Pagkasira ng Kagubatan – ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang


napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat
ang likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan. Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong
taon nang nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling
pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring mga species ng halaman at hayop ang
nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ang pangkapaligiran tulad ng
pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho ng lupa, sitasyon, at sedimentation. Ayon sa pag-aaral ng Asian
Development Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas sa mga bansang
may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahing sanhi ng problemang ito ay ang
komersyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng puno, upang gawing panggatong at ang
pagkasunog ng gubat.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya?
2. Ano ang mga pangunahing problemang kinakaharap sanhi ng mga sulirani ng
pangkapaliran?
3. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran?
4. Paano mo pahahalagahan ang kalagayang ekolohiko ng Asya?

5. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa pang-aabuso sa kalikasan, ano ang
magiging epekto nito sa pamumuhay ng mga tao?

Pagyamanin
Gawain: Suliranin Lutasin!
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran,
timbang na kalagayang ekolohiko at pagpapahalaga sa kalikasan na nabasa sa teksto. Ipahagay ang mga
mungkahing solusyon na hinahangad.

Upang magkaroon ng timbang na kalagayang ekolohiko sa rehiyon ako ay


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___.

Ang gagawing kong solusyon sa pagkaubos at pagkasira ng kagubatan ay


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pangunahing dahilan ng suliraning pang kapaligiran sa Asya?
2. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran? Magbigay ng iyong makakayang gawin.

Gawain: Reaksyon Mo, Sabihin Mo!


Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kuwardenong pang aktibiti.
1. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga problemang kinakaharap na may kinalaman sa suliraning
pangkapaligiran?
2. Bilang isang kabataan, sa papaanong paraan mo sisimulan ang pangangalaga sa iyong likas na yaman?
3. Ano-anong gawain ang iyong isasagawa upang mapahalagahan at mapanatili ang balanseng
ekolohikal?

Isaisip
Batay sa mga impormasyon na iyong nakalap sa mga teksto, hinihikayat kitang gawin ang susunod na gawain.

Gawain: Mabuti at Di Mabuti!


Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa suliraning pangkapaligiran,
ilagay ang sumusunod na simbolo kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mabuti at di mabuti sa
likas na yaman. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang aktibi.

Mabuti Di Mabuti

1. Tahasang pagkawasak ng kagubatan


2. Patuloy na pagtaas ng populasyon
3. Pangangalaga sa likas na yaman
4. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid
5. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
Gawain: Pag-Isipan Mo!
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na gawain sa pangangalaga ng iyong kapaligiran.
Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong pang aktibiti.

LUGAR KO, PANGANGALAGAAN KO

LUGAR PANGANGALAGANG GAGAWIN


1. Baybay Dagat (Beaches) 1.
2. Parke 2.
3. Pamilihan 3.
4. Opisina 4.
5. Simbahan 5.

Isagawa
Gawain: Liham Ko Para Sayo!
Panuto: Gumawa ng isang liham kung papaano maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinahaharap sa
kasalukuyan ng Asya.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos


Nilalaman Akma sa paksa at 20
malinaw na
paglalahad ng
impormasyon.
Istilo Nakakahikayat sa 10
mambabasa
Kabuoan 30

Gawain: Islogan!
Batay sa mga tekstong iyong nabasa, gumawa ng isang islogan na may kinalaman
sa pagpapahalaga sa likas na yaman.

Hal. Likas na yaman pahalagahan dahil siya ay ating kailangan.

Pamantayan sa Paggawa ng Islogan


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang puntos
Nilalaman Akma sa paksa at 20
malinaw na
paglalahad ng
impormasyon.
Istilo Nakakahikayat sa 10
mambabasa
Kabuohan 30
Pagsusuri sa Katangian at

Kahalagahan ng Kabihasnan
Alamin

Matapos mong mapag-aralan at matutunan ang tungkol sa Implikasyon na Likas na Yaman sa pamumuhay ng mga Asy

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malaim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng
rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7
Subukin

Paunang Pagtataya
Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan at pang-unawa tungkol sa pangang

Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwadernong pang aktibiti.

1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?


A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang
matugunan ang kanilang pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling
hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay

2. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?


A. Pilipinas
B. Japan
C. Bangladesh
D. Malaysia

3. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?


A. Ang pagkatuyo ng mga lupa
B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Pagtaba ng lupa

4. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay sa mga mamamayan.
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna.

5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?


A. Pagkasira ng lupa
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Urbanisasyon
D. Pangangalaga sa likas na yaman
6. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ng kabuhayan
upang malutas ang kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lungsod.
D. Patuloy na pagtaas ng populasyon.
7. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino ang lubos na deriktang
naaapektuhan?
I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III. Pagdami ng mga mahihirap
IV. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar
A. I & II
B. II & III
C. III & IV
D. I & IV
8. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit
9. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang
biodiversity sa buong mundo?
A. Europe
B. Asya
C. Africa
D. Antarctica
10. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa
Asya, ano ang maaring maging solusyon sa nasabing pahagay?
A. Kailangan na mabigay ng kaalaman ang mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng
populasyon.
B. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy na pagtaas ng
populasyon.
C. Kailangan magtulungan ang mga mamamayan
D. Kailangan maging aktibo sa mga gawain na ibinibigay ng pamahalaan
11. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran, alin
sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa
kagubatan.
II. Maraming mga species ng halaman ang manganganib at mga hayop.
III. Masamang dulot sa natural ecosystem
IV. Marami ang maaapektohang hayop
A. I, II & III
B. I, II, III & IV
C. I, II & IV
D. I, II & IV
12. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?
I. pagbaha
II.pagguho ng lupa
III.erosyon sa lupa
IV. siltasyon
a. II & III
b. I, III & IV
c. I, III & IV
d. I, II, III & IV

13. Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa deforestation?


A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
C. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia

14. Bilang isang kabataan, ano ang maaaring mong gawain upang
masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at
maging aktibo sa mga programa na sinasagawa ng pamahalaan para sa
pangangalaga sa likas na yaman.
B. Makikipagtulungan sa mga iligal na gawain
C. Patuloy na pagputol sa mga punongkahoy.
D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.

15. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punong kahoy at


pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagubatan. Ano ang
nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ang ganitong gawain?
A. Dahil sa sariling interes
B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga
mamamayan.
D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at Malaki ang kita.
Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko
ng Asya
Balikan

Gawain: Sulyap sa Nakaraan


Bago tayo ulit mag-lakbay, atin munang balikan ang alaala ng nakaraan.

Panuto: Sagutan ang sumusunod na pahayag: Isulat ang titik na katumbas ng tamang sagot.
Isulat sa iyong kwadernong pang aktibiti.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

1. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilang mga bansa ay gumagamit ng makabagong


makinarya.

2. Maraming mga bansa ang mayaman bunsod ng kasaganaan sa likas yaman.

3. Ang pagdami ng tao ay magdudulot ng kakulangan sa tirahan.

4. Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting


pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.

5. Ang pagkain ng tao ay kinukuha sa lupa.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo mapahahalagahan ang kinagisnang hanapbuhay ng iyong mga magulang?

Ipaliwanag.

2. Kung isa ka sa magiging punong bayan, paano mo mapapanatili ang kalinisan sa iyong

bayan? Ipaliwanag.

3. Kailangan bang palitan ng mga pabahay ang mga lupang sakahan?Pangatwiranan

ang iyong kasagutan.


Suriin

Gawain: Halika, Buoin Natin!

Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran.

1. LISAINZATION--- lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang


asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa.
Nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng
irigasyon;

2. AHIBTAT--- tirahan ng mga hayop at iba pang mga


bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land
conversion o paghahawan ng kagubatan;

3. COELOIGCAL ABLANCE--- balanseng ugnayan sa


pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang
kapaligiran;

4. EDORFESTIONTA--- pagkaubos at pagkawala ng


mga punongkahoy sa mga gubat;

5. LISATTION--- parami at padagdag na deposito ng


banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar;

6. DER EDIT--- sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa


ibabaw ng dagat;

7. ENOZO REYAL--- nagpoprotekta sa mga tao,


halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation
na dulot ng ultraviolet rays.
Pagsusuri sa Katangian at Kahalagahan
ng Kabihasnan

Ang pag-aaral ng iba’t ibang kabihasnan at sibilisasyon ay mahalagang bahagi ng


pagpapaunlad ng kamalayan mo sa kasaysayan ng tao sa mundo. Sa pag-aaral nito, ikaw ay
nagiging mulat sa mga mahahalagang pangyayari sa sankatauhan. Mas higit mong
mauunawaan kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan sa iyong lipunan.
Tatalakayin sa araling ito ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian napapaloob sa iba’t
ibang uri ng kabihasnan sa mundo. Kaugnay din nito ang pag aaral at pagtatalakay sa iba’t ibang
uri ng sibilisasyon.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang: a) natatalakay ang konsepto ng kabihasnan, b)
natutukoy ang mga katangian ng isang kabihasyan at c) nasusuri ang kahalagahan ng pagkaunawa sa
kabihasnan at sibilisasyon.

Konsepto at mga Katangian ng Kabihasnan


A. Konsepto ng Kabihasnan
Ang salitang kabihasnan ay orihinal na tumutukoy sa kahulugan ng “sibilisasyon” o
“paninirahan sa lungsod”. Mailalarawan ang isang kabihasnan bilang isang maunlad na
kalagayan ng mga tao sa isang lipunan na pinangangasiwaan ng isang sistematikong
pamamahala at may maunlad na ekonomiya or kalakalan.
Ayon sa tala ng kasaysayan, ang unang kabihasnan ay nalinang sa mga ilog-lambak. Sa
Asya, ang mga ilog-lambak ng Tigris, Euphrates, Huang He at Indus Basin ay ang mga lugar na
pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo.
Sa isang kabihasnan, makikita ang isang maunlad na uri ng pamumuhay ng mga tao na
may ugnayan sa iba’t ibang larangan ng panlipunang pamumuhay. Mayroon silang sistema ng
pamamahala, kultura, lalakalan, at relihiyon. Gayundin, ang sibilisasyon ay tumutukoy sa isang
lungsod, samantalang ang kabihasnan ay may kaugnayan sa pagiging bihasa o eksperto sa
pamumuhay ng mga tao.
Sinasabi na ang sibilisasyon at kabihasnan ay nagaganap kapag ang mga tao ay
nagsisimulang matuto ng kanilang pagsulat at pagbasa na nakapagpapatalas ng
kanilang talino at humuhubog sa kanilang kakayahang mamuhay bilang isang pamayanan.
Kaakibat ng pagyabong ng kanilang talino at kakayanan at pag unlad ng kanilang pagkatao.

B. Katangian ng Kabihasnan
Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng isang kabihasnan:

1. Matatag na Pamahalaang may Maunlad na Batas at Alituntunin


Masasabi nating ang isang kabihasnan ay nagtataglay ng isang matatag na pamahalaan.
Ang matatag na pamahalaan ay kakikitaan ng isang maunlad na batas at alituntunin. Ang ibig
sabihin nito, ang isang lipunang kabihasnan ay may sistematikong batas at alituntunin na
sinusunod ng mga mamamayan upang magkaroon nang maayos na pamamalakad sa bawat
paggawa at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa.

2. Dalubhasang Manggagawa
Ang isang kabihasnan ay nagtataglay ng mga mamamayang may kani-kanilang
natatanging kakayahan. May mga tao na tinatawag na eksperto sa larangan ng kanilang paggawa.
Mayroon silang mahuhusay sa sining, sa pagsulat, sa pangangalakal, sa pakikidigma o sa
pamamahala. Sila ang nagiging sandigan ng pag-unlad ng lipunan upang marating ang estado
ng pagiging kabihasnan.
3. Maunlad na Kaisipan

Habang umuunlad ang kanilang pamumuhay, yumayabong din ang kanilang


kaisipan. Dahil sa iba’t ibang bagay at pangyayari na kanilang nararanasan, ang mga tao sa
isang kabihasnan ay natutuhang maiangkop ang kanilang sarili at gawain na naayon sa hinihingi
ng pagkakataon o pangyayari. Dahil dito, nahahasa ang kanilang isip upang mabigyan ng
kasagutan at solusyon ang kanilang mga nakaraang karanasan, na siyang nagpapaunlad ng
kanilang kaisipan. Ang mga natutuhan nila sa kanilang panahon ay kanilang itinatala upang
maging batayan ng karunungan ng mga susunod nilang mga mamamayan o salinlahi.

4. May Sistema ng Pagtatala


Kaugnay ng pag-unlad ng kanilang kaisipan at nang maibahagi ito sa kanilang mga
mamamayan, lumikha sila ng pamamaraan upang mapanatili ang kanilang natutuhan sa paglipas
ng panahon. Ito ang sistema ng pagtatala o pagsusulat. Sa pamamagitan ng pagsulat ng
kanilang kaalaman, nananatiling bahagi ng kanilang kabihasnan ang kanilang natutunan,
kasaysayan at mga napagtagumpayan ng kanilang mamamayan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa pamamagitan ng mga larawan, pag-ugnay- ugnayin ang mga
salita na nasa ilalim ng mga ito upang makabuo ng isang makabuluhang kwento. Gawing 3
hanggang 5 pangungusap lamang ang iyong kwento. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

apoy kuweba punong kahoy

mga bato mga dahon balat ng hayop

.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Mula sa iyong natutuhan sa kabilang pahina, magbigay ng limang (5)
konseptong naglalarawan sa isang kabihasnan.

2.

1. 3.

Kabihasnan

4. 5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung anong katangian ang binibigyang kahulugan ng mga
pangungusap sa loob ng kahon:

Naisasalin ang kanilang karunungan at natutunan sa isa paglipas ng pa

1.

Natututunang maiangkop
ang kanilang sarili at gawain na n a
ayon sa hinihingi ng
pagkakataon.
2.

Nagkakaroon ng maayos na pamamalakad sa bawat paggawa at paki

3.

N ag ig ing s andig an ng pag-unlad ng lipunan upang marating ang estado ng pagiging kabihasnan.

4.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng katangian ng isang
kabihasnan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Base sa iyong mga karaniwang nararanasan sa kasalukuyan at sa


mga natutuhan mo tungkol sa konsepto at katangian ng kabihasnan, magbigay ng
pagpapakahulugan sa mga letrang bumubuo sa salitang kabihasnan. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Kaisipan ay yumayabong ayon sa nararanasan .

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sagutin ang mga sumusunod. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Tatlong (3) konsepto na natutuhan ko mula sa aralin:


1. .
2. .
3. .
Dalawang (2) mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa aralin:
1. .
2. .
Isang (1) impormasyon na gusto kong subukan mula sa aking natutuhan sa araling ito:
1. .
Sinaunang Kabihasnan sa Asya:
Sumer, Indus at Tsina
Ang mga sinunang kabihasnan sa Asya ang nagsilbing daluyan ng mga pag-unlad ng
pamumuhay, hanapbuhay, teknolohiya, kultura, politika edukasyon, at relihiyon sa mga sumunod
na henerasyon ng lipunan sa daigdig.

Tatalakayin sa araling ito, ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya tulad ng Sumer, Indus
at Shang. Paghahambingin din natin ang iba’t ibang kabihasnan na ito sa Asya. Kasama rin
dito ang mahahalagang ambag at kontribusyon na nasa kasalukuyan na ating ginagamit.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang mga
pagkakakilanlan ng bawat kabihasnang Sumer, Indus at Shang,
b) naipaliliwanag ang mga kontribusyon ng bawat kabihasnan at
c) naihahambing ang bawat kabihasnan sa isa’t-isa.

Kabihasnang Sumer (3500 BCE - 3000 BCE)


Lokasyon  Nabibilang ito sa tinatawag na Fertile Crescent.
 Matatagpuan sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq.
 Ang salitang “Mesopotamia” ay hango sa salitang Greek na “meso” at
“potamos” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “ilog”.

Katagiang  Lambak sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates, na kung saan ang mga ilog
Pisikal nito ang nagsisilbing hangganan ng kanilang nasasakupan. May bundok sa
Hilagang bahagi, tubig sa Silangan at Kanluran, at disyerto sa Timog.

Pamayanang  Mga bayan ng Kish, Ur, Larak, Nippur at Lagash ang pangunahing
Naitatag pamayanan ng kabihasnang Sumer.
Uri ng  Ang pamumuhay ay nakasentro sa agrikultura at kalakalan.
Pamumuhay  Sila ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa.
 Ang mga bayan ay may kani-kanilang pamumuno na hindi nakakaisa
kaya madalas ang digmaan sa pagitan ng mga bayan.

Sistema ng  Ang paraan ng kanilang pagsulat ay tinatawag na


Pagsulat “Cuneiform” na isinusulat sa clay tablet gamit ang pinatulis na tangkay
ng damo. Ang salitang cuneiform ay galing sa Latin na salitang cuneus na
ibig sabihin ay “sinsel” at porma na ibig sabihin ay “hugis”

Ambag at  Ang mga Sumerian ang sinasabing pinaka-unang gumamit ng gulong sa


Kontribusyon pagdadala ng mga kalakal nila sa ibang lugar.
 Paggamit ng “potter’s wheel” sa paggawa ng banga.
 Paggamit ng araro sa pagtatanim
 Paggamit ng arko o “arch” sa kanilang istruktura upang
mapanatili ang tibay nito.
 Ang sistema ng patubig o “irrigation” para sa kanilang pananim.
Mga Kaugnay
na
Larawan

Kabihasnang Indus (2500 BCE - 1600 BCE)


Lokasyon  Matatagpuan sa Timog na bahagi ng Asya.
 Tinatawag din “subcontinent of Asia”.

Katagiang  Lambak-ilog .ng Indus River o Indus Valley.


Pisikal  Hugis ng nakabaliktad na tatsulok.
 May nagtataasang bulubundukin ng Himalayas sa hilagang bahagi ng
rehiyon ng India.
Pamayanan g  Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay dalawang pamayanang naitatag sa
Naitatag kabihasnan ng Indus na tinatayang may naninirahan na simula pa noong
7000 BCE.
Uri ng Pa-  Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng kabihasnang
mumuhay Indus ay pagtatanim ng palay at gulay.
 Gayundin, ang pag-aalaga ng hayop tulad ng kambing, baka at tupa.
 Sila ay mahusay rin sa larangan ng kalakalan na ilan sa kanilang
produktong kalakal ay tela, palayok at
kasangkapang metal.

Sistema ng  Ayon sa mga eksperto, ang sinaunang mamamayan ng kabihasnang


Pagsulat Indus ay sistema ng pagsulat at wika na tinatawag ng Harappa
pictogram.
Ambag at  Sistema ng patubig o “irrigation”.
Kontribusyon  Sistema ng pagsulat at pagtimbang.
 Paghahabi ng tela at paggawa ng kasangkapang metal.
Mga Kaugnay
na
Larawan

Kabihasnang Shang (1700 BCE - 1200 BCE)


Lokasyon  Matatagpuan sa silangang na bahagi ng Asya.
 Ang Tsina ang pinakamalaging Bansa sa Asya.
Katagiang  Lambak-ilog Huang He o Yellow River.
Pisikal  May Gobi Desert sa Hilaga, sa Timog-kanluran ang
bulubundukin ng Himalayas, sa timog-silangan ang South China Sea at sa
silangan ang Yellow Sea.
 Dalawa ang pinakamahalang ilog sa China ang Chang Jiang
(Yangtze) at Yellow River (Huang He).
Pamayanan g  Sinasabing noong 2000 BCE ay may naninirahan ng mga tao sa lambak-
Naitatag ilog ng Huang He, hanggang sa may isang pamilya
- ang pamilyang Shang, ang naging makapangyarihan at silang
namuno sa lambak-ilog ng Huang He.
Uri ng  Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng kabihasnang
kabihasnang Shang ay pagtatanim.
Pamumuhay
 Napakahusay din nila sa larangan ng kalakalan.
 Ang istruktura ng kanilang lipunan ay isang piramide na kung saan
hari at ang kaniyang pamilya ang silang
namamahala sa lipunan. Ang ikalawang bahagi ng lipunan ay mga
Aristokrata na nagmamay-ari ng malalaking lupain. At ang panghuli ay
mga manggagawa.

Sistema ng  Ang sistema ng pagsulat sa panahon ng kabihasnan ay binubuo ng 3,000


Pagsulat simbolo o character. Ito ay tinatawag din Calligraphy.
Kabihasnang Shang (1700 BCE - 1200 BCE)
Ambag at  Sistema ng pagtatanim.
Kontribusyon  Sistema ng patubig o “irrigation”.
 Kasangkapang yari sa bronze, seda at porselana
Mga Kaugnay porselana.
na
Larawan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa naging
pagbabago at pag- unlad ng pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya. Gawin ito sa iyong
sa iyong sagutang papel.

Lugar na Kabihasnang Mga Unang Sistema ng


Pinagmulan ng Umusbong Pamayanang Pagsulat
Kabihasnan Umusbong

Mesopotamia

Indus Valley

China

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutan ang talahanayan sa naging pagbabago at pag-unlad sa


uri ng pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Kabihasnan Uri ng Pamumuhay

Sumer

Indus

Shang

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang mga uri ng pamumuhay sa bawat kabihasnan at ang
katumbas na kahalagahan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Kabihasnan Ambag/Kontribusyon Kahalagahan sa Kasalukuyan

Sumer

Indus

Shang
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Tukuyin ang mga pangunahing ilog sa mapa na may malaking
ambag sa paglago ng kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. 3.

2.

4. 5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Itala ang mga impormasyong pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
kabihasnan sa loob ng Venn Diagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sumer
Indus

Shang
Pagsusuri sa Kaisipang Asyano sa
Impluwensya nito sa Lipunan at Kultura

Sa paglipas ng panahon, ang mga mamamayan sa Asya ay nakabuo ng kani-kanilang


kaisipan na nakaiimpluwensiya sa paraan ng kanilang
pamumuhay. Ang mga kaisipang ito ang luminang sa kanilang pag-unlad bilang isang
kabihasnan.

Aalamin mo sa aralin na ito, ang mga kaisipang nabuo at nakaimpluwensiya sa


pamumuhay, pamamahala at kultura ng mga tao sa lipunan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) natutukoy mo ang mga katangian ng


bawat kaisipang Asyano; b) natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa lipunan
at kultura; at c) nasusuri ang mga epekto ng mga impluwensiya ng mga kaisipang Asyano.

Mga Kaisipang Asyano

Sinocentrism ng China

Ang kabihasnang Tsino ay isa sa mga pinagmulan ng mga kaisipang Asyano lalo na sa
larangan ng pilosopiya, pamamahala at imbensiyon. Itinuturing ng mga Tsino ang kanilang bansa
bilang “Gitnang Kaharian” o “Zongguo” na ang ibig ipakahulugan ay ang Tsina ang sentro ng
daigdig.

Naniniwala rin sila na ang kanilang kultura at lipunan ay namumukod- tangi sa lahat kung
kayat ang tingin nila sa ibang lahi sa daigdig ay mga barbaro. Dahil dito, hindi maaring palitan ang
lahi o pamilyang pinagmulan ng kanilang pinuno o Emperor. Hindi rin sila maaaring tanggalan ng
tungkulin sa pamumuno ng bansa dahil sa pinaniniwalaang Divine Origin ng kanilang pamilya.
Kung kaya ang kanilang Emperor ay may “mandate of heaven” na nagiging basehan ng pagpapalit
ng dinastiya sa Tsina. Ang ganitong pagtingin at kaisipan ay tinatawag na Sinocentrism.

Divine Origin ng Emperor sa Japan


Ayon sa tala sa Kojiki noong 712 CE, ang Japan ay nabuo sa pagtatalik ng diyos na si
Izanagi at diyosa na si Izanami. Samantalang sa pagbubukas ng kaliwang mata ni Izanami
nanggaling ang araw na kinilala ng mga Hapones na diyos na si Amaterasu Omikami. Si
Amaterasu ay may apo na nagngangalang Ninigi na nanirahan sa Kyushu. Ayon sa tradisyon,
itong si Ninigi- no-Mikoto ay may kaapu-apuhan na ang pangalan ay Jimmu Tenno
na naging kauna-unahang Emperor ng Japan. Magmula noon, sa lahi ng Tenno
nanggagaling ang mga susunod na emperor ng Japan.
Dahil dito, ang kanilang Emperor ay hindi maaaring palitan ang lahing pagmumulan ng
pinuno o kaya ay tanggalan ng tunkulin sa pamumuno ng bansa, sa pagkat naniniwala sila na may
Divine Origin ang kanilang pinuno. Bagamat sa kasalukuyan hindi na itinuturing ng mga Hapones
ang kanilang Emperor bilang diyos, nananatiling mataas ang pagtingin nila sa kanilang em- perador.

Devaraja at Cakravartin ng India at Timog Silangang Asya


Ang kaisipang devaraja ng India ay tumutukoy sa pagkilala na ang kanilang diyos ay
nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng diyos ng araw, buwan, apoy, tubig,
hangin, kayamanan at kamatayan. Dahil dito, kinikilala ng mga tao ang kanilang diyos bilang
pinakamataas at walang makapapantay sapagkat hindi lamang iisang diyos ang kaniyang tinataglay.
Kung kaya ang tawag nila sa diyos na ito ay devaraja.
Sa konteksto ng relihiyong Hinduism at Buddhism, ang isang hari ay kinikilala bilang
cakravartin o ang hari ng sansinukob o ng buong daigdig. Sinasabi na ang haring ito ay
mamumuno nang makatuwiran at makapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang relihiyon. Sa
ganitong kaisipan, itinuturing ng mga tao na ang isang hari na cakravartin ay isang buhay na
imahe ng diyos na namumuno sa kanilang lipunan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isiping mabuti kung ano ang pinakamalaking impluwensya ng
pamilya mo at ng iyong komunidad sa paraan ng iyong pag- isip tungkol sa iyong lipunan.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PAMILYA

AKO

KOMUNIDAD
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa loob ng kahon kung anong kaisipang Asyano ang
tinutukoy at batayan ng pinagmulan ng kaisipang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano

India /
China Japan Timog-Silangan

Gawain sa Pagkatuto Bilag 3: Tukuyin at isulat ang mga katangiang


pagkakakilanlan ng bawat kaisipang Asyano. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Katangian/Pagkakakilanlan


1.
2.
Sinocentrism 3.

1.
2.
Divine Origin
3.

1.
Devaraja 2.
3.

1.
2.
Cakravartin 3.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin at isulat ang mga impluwensya sa lipunan ng mga
kaisipang Asyano sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Epekto/Impluwensya sa Lipunan

Sino Sinocentrism

Divine Origin

Devaraja

Cakravartin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gamit ang cause and effect diagram sa ibaba, tukuyin ang epekto
sa pamamahala ng emperor o pinuno. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Anak ng langit

Angkan ng diyos

Pinagsama-samang
diyos

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ibigay ang hinihingi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa Aralin:


1. .
2. .
3. .
Dalawang (2) mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa Aralin:
1. .
2. .
Isang (1) impormasyon na gusto kong subukan mula sa aking natutunan sa Araling ito:
1. .
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang hinihingi
ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa kaisipang Tsino, ito ay ang salitang Tsino na ang ibig


ipagpakahulugan ay “Gitnang Kaharian”.

2. Sa kaisipang Hapon, siya ang itinuturing ng mga Hapones na diyos ng araw.

3-4. Sila ang diyos at diyosa na nagbigay bunga sa bansang Japan.

5. Ito ay ang kaisipang Asyano na sinasabing ang pinuno ay hindi maaaring palitan o
tanggalan ng tungkuling mamuno.

6. Ito ay nagsasabi na ang kanilang pinuno ay pinili o may pahintulot ng langit upang
mamuno.

7. Ito ay paniniwala na ang kanilang kultura at lipunan ay namumukod-tangi sa


lahat.

8. Ito ay tumutukoy sa pagsasama-sama ng diyos ng araw, buwan, apoy, tubig, hangin,


kayamanan at kamatayan.

9. Siya ang itinuturing na kauna-unahang emperor ng Japan.

10. Ito ang haring may pamumuno na makatuwiran at makapagkalinga sa mga


mamamayan at kanilang relihiyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Dugtungan ang mga pangungusap upang makabuo ng isang
makabuluhang pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang Mandate of Heaven ay .

Ang Divine Origin ay .

Ang Cakravartin ay .
Pagtataya at Pagpapahalaga sa Kaisipang
Asyano at Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Tinalakay sa nakaraang aralin, ang iba’t ibang kaisipang


nakaimpluwensiya sa mga mamamayan ng Asya.
Sa araling ito naman, mas palalalimin ang pagkaunawa mo sa kaisipang Asyano at ang halaga nito
sa paghubog ng lipunan sa sinaunang kabihasnan.

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natataya mo ang kaisipang Asyano sa konteksto ng


pamumuno sa sinaunang kabihasnan at napahahalagahan ang kaisipang Asyano bilang daan sa
paghubog ng lipunan ng sinaunang kabihasnan.

Halaga ng Kaisipang Asyano sa Paghubog sa


Sinaunang Kabihasnan
Matatandaan sa nakaraang aralin ang mga kaisipang naging batayan at pundasyon sa pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng Sinocentrism ng Tsina, Divine Origin ng Japan at ang devaraja at
cakravartin ng India at timog-silangang Asya.
Sa Sinocentrism ng mga Tsino, sinasibing ang kanilang emperor ay binibilang n “Anak ng
Langit” o Son of Heaven” kaya ang pamumuno ng emperor ay “mandate of heaven” o may pahintulot ng
langit. Siya ay may malaking responsibilidad ng panatilihin ang kaausan, kasaganahan at kapayapaan.
Kung hindi niya ito matupad, at naging masama at mapang-abuso ang kanyang pamumuno, babawiin ng
langit sa kanya ang pagiging emperor at papalitan ng iba. Ito ang dahilan kung bakit nagbabago ang
mga dynasty o ang pamilyang namumuno sa sinaunang kabihasnan sa Tsina.
Sa sinaunang kabihasnan naman ng Japan, ang kanilang emperor ay itinuturing ng may “divine
origin” o lahing nagmula sa diyos. Kung kaya hindi katulad ng emperor ng Tsino, ang emperor ng
Japan ay hindi maaaring alisan ng kapangyarihan sa pamumuno at tanging ang lahi lamang ng emperor
ang may tungkuling mamunno sa Japan. Sa kasalukuyan, ang emperor ng Japan ay nananatiling simbolo
ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong bansang Japan.

At sa huli, sa konteksto ng Hinduism at Buddhism, ang cakravartin ay tumutukoy sa hari ng


sansinukob. Sinasabi na ang haring ito ay nagtataglay ng pangakong pamumuno na may katuwiran at
pagkalinga sa mga mamamayan at sa kanilang relihiyon. Ang mga halimbawa nito ay sina: Haring
Asoka na dating mandirigma na tumalikod sa karahasan at sumuporta sa Buddhism at ang hari ng Khmer
na si Jayavarman II na nasa pagkalinga at pag-iingat ni Shiva, ang isa sa mga diyos sa Hinduism.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mula sa iyong nabasa sa kabilang pahina, ilarawan at isulat ang
katangian ng namumuno sa bawat kabihasnang Asyano. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kaisipang Asyano Katangian ng Sinaunang Namumuno

Sinocentrism

Divine Origin

Devaraja

Cakravartin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahing mabuti ang mga pahayag sa kahon. Isulat kung sino ang
tinutukoy na pinuno ng bawat pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Siya ay namumuno sa bisa ng Mandate of Heaven

Siya ay namumuno dahil siya ay galling sa lahi ng diyos

Siya ay namumuno bilang hari ng sansinukob

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang mga tungkuling nakaatas sa mga pinuno na nakasulat sa
kahon. Gamitin ang tsart sa ibaba sa pagsagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Uri ng Pinuno Tungkulin ng Sinaunang Namumuno

Emperor ng China

Emperor ng Japan

Cakravartin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ibigay ang epekto o impluwensya ng bawat kaisipang Asyano sa
paghubog ng lipunan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Epekto sa Paghubog ng Lipunan

Sinocentrism

Divine Origin

Cakravartin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gamit ang isang katawan ng tao, itala ang isang mabuting namumuno
na may kakayahang mahubog ang isang lipunan.

Ako bilang
pinuno
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pumili ka ng isang kaisipang Asyano at ipaliwanag kung
bakit ito ang napili mo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Paliwanag:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang TAMA kung
wasto ang tinatalakay na pangungusap at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ang Emperor ng Japan ay hindi maaaring alisan ng kapangyarihan sa pamumuno.

2. Ang Son of Heaven ay hindi rin maaring alisin sa kapangyarihan at


pamumuno.

3. Ang Devaraja is tumutukoy sa iisang diyos lamang subalit maraming


kapangyarihan.

4. Ang Cakravartin ay tumutukoy sa hari ng sansinukob.

5. Ang Emperor ng Tsina ay nanggaling sa lahi ng diyos.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sagutinang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa Aralin:


1. .
2. .
3. .
Dalawang (2) mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa Aralin:
1. .
2. .
Isang (1) impormasyong gusto kong subukan mula sa aking natutunan sa araling ito:
1. .
Pagtukoy at Pagsusuri ng Ginampanan ng
Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan
Ang kasaysayan ay nagpapatunay sa mahalagang gampanin ng mga kababaihan sa pag-
usbong at pag-unlad ng isang kabihasnan o lipunan.
Maaalala sa ilang mga aralin sa paaralan ang katangi-tanging ambag ng
kababaihan sa pagbuo ng tahanan at lipunan.
Tatalakayin sa araling ito ang ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan at noong ikalabing-anim na siglo.
Ilalatag din ang pag-aaral ng paniniwalang Asyano na may kinalaman sa kababaihan, posisyon at
tunkulin nila sa tahanan, at panlipunang gawain.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang a) natutukoy mo ang gampanin ng kababaihan sa
sinaunang kabihasnan; b) natataya ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang kanihasnan: at c)
nasusuri ang kalagayan at gamapaning ito ng mga kakaihan sa sinaunang kabihasnan.

Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan Sa Asya


Kababaihan sa Paniniwalang Asyano
Sa sinaunang kabihasnan sa Asya, ang mga tao ay may pinaniniwalaang mga diyosa.
Isa sa mgapatunay dito ay ang mga petroglyph sa hilagang Asya na naglalarawan ng mga
hayop at mga babaeng shaman na may sungay. Sa Mesopotamia, mayroon silang Inanna ng
diyosa ng pag-ibig at kaligayahan. Sa Japan ay may diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami.

Sa Timog-Silangang Asya, ang mga kababaihan ay pinaniniwalaang may kakayahang


makipag-ugnayan sa mga espiritu. Dahil dito ay iginagalang at ikinararangal ang mga babae,
subalit kinatatakutan rin sapagkat maaari nilang gamitin ang kapangyarihang ito upang
makapanakit ng ibang tao.
Posisyon at Tungkuling Pantahanan ng Kababaihan
Ang mga kababaihan ay isang mahalagang bahagi sa loob ng tahanan.
Sa sinaunang panahon sa Mesopotamia, ang babae ay ikinakasal hindi lamang sa lalaking
mapapangasawa kundi sa buong pamilya ng lalaki.
Samantalang sa lumang Vedic (1500BCE-800BCE) sa India, ang mga kakababaihan mula
sa Kshatriya lamang ang maaaring mamili ng
sariling mapapangasawa. Sa Timog-Silangang Asya, ang mga lalaki ay nagbabayad ng
bride price para sa kanilang mapapangasawa.

Sa sinaunang Tsina, ayon sa ideolohiya ang Confucianism, ang mga babae ay may
tungkulin sa bawat yugto ng kanilang buhay, kasama na rito ang pagsilbihan ang kanilang asawang
lalaki at ang pamilya nila.
Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, ang pangunahing tungkulin ng kababaihan ay
ang magsilang ng anak. Maari din silang maging concubine ng isang lalaking may mataas na
antas ng buhay sa lipunan.

Panlipunang Gawain ng Kababaihan


Sa mga kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa Asya, ang mga kababaihan ay may mga
gampanin lamang sa loob ng tahanan at limitado ang pagkakaroon ng mga tungkuling
Panlipunan.

Sa Hilagang Asya, sa mga kababaihan nakaatas ang pagtitipon at paghahanda ng


pagkain at mga gawaing may kinalamang sa pagpapalaki ng mga anak tulad ng paghahabi at
pagpapalayok. Samantalang ang kababaihang walang anak ay maaring mangaso. Sa Mesopotemia,
ang kababaihan ay maaaring makilahok sa kalakalan sa pahintulot ng asawa. Sa Babylonia ang
kababaihan ay maaaring maging high priestress. Sa Japan, hinihikayat ang kababaihang mamuno sa
paniniwalang sila ay makapagdadala ng kapayapaan.

Bagamat limitado ang gampanin ng mga kababaihan sa lipunan, makikita naman natin
na malaki ang kanilang gampaning pangrelihiyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pagnilayan ang isang kasabihan sa loob ng speech balloon.
Ipaliwanag ang iyong pananaw ukol sa kasabihang ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

“Sa likod ng tagumpay at kabiguan ng isang lalaki ay isang babae”


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Itala ang kalagayan ng mga kababaihan sa bawat kabihasnan. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Kabihasnan Kalagayan ng kababaihan

Mesopotamia

India

Tsina

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Itala ang mga gampanin at tungkulin ng mga kababaihan sa bawat
kategorya ng kabihasnan. Gawin ito sa iyong kuwadeno gamit ang tsart sa ibaba.

Kategorya Tungkulin ng kababaihan

Paniniwala

Posisyon sa tahanan

Panlipunang Gawain

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumuhit ng larawang nagpapakita ng kalagayan


ng kababaihan noon at ngayon. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.

Kababaihan Noon Kababaihan Ngayon


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magbigay ng tungkulin ng mga kababaihan na may kaugnayan sa
relihiyon sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel

Panrelihiyong

gampanin ng
mga kababaihan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magtanong sa iyong ina, kapatid na babae o tiyahin tungkol sa
karaniwang tungkulin o gampanin sa pamilya o lipunan. Itala ang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Lumikha ng isang tula na patungkol sa kalagayan at tungkulin


ng kababihan sa paniniwala, pamilya at lipunan sa kasalukuyang panahon. Isulat ito sa isang malinis
na papel.
Pagpapahalaga sa Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan sa Asya

Ang mga sinunang kabihasnan sa Asya ay may malalim na ambag sa kasalukuyang


panahon. Sila ang nagsilbing batayan at inspirasyon sa ugnayan ng iba’t ibang sibilisasiyon sa
daigdig. Babalikan sa huling araling ito ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
iba’t ibang salik ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mga natatanging kontribusyon ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at nabibigyang pagpapahalaga ang mga kontribusyon nito sa
kasalukuyang panahon.

Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan


Kanlurang Asya
Lipunan/
Natatanging Kontribusyon
Kabihasnan
 Cuneiform - isa sa pinakaunang sistema ng pagsusulat.
 Epic of Gilgamesh - kauna-unahang akdang pampanitikan
(2000 BCE).
 Sexagesimal - sistema ng pagbibilang batay sa numerong 60 na naging
Sumer batayan ng oras.
 12 buwan - ang dami ng buwan o month sa isang taon.
 Gulong o Wheel - paggamit ng gulong sa transportasyon.
 Araro - kagamitan sa pagsasaka.
 Layag - bahagi ng bangka na isang
transportasyong pantubig.

 Code of Hammurabi - katipunan ng 232 batas tungkol sa iba’t ibang


aspeto ng pamumuhay sa Mesopotamia.
Babylonia  Hanging Gardens of Babylon - ipinatayo ng haring Chaldean na si
Nebuchadnezzar II para sa asawang si Reyna Amytis. Itinuturing na isa sa
Seven Wonders of the Ancient World.

 Iron (metal) - natuklasan nila na mas matigas kaysa tanso o bronze.


Hittite

 Consonantal language - modernong sistema ng pagsulat na walang


Phoenician patinig. Ito ang pinagmulang sistema ng pagsulat ng Greek, Latin, Arabic
at ilang alpabetong Asyano.
Timog Asya
Lipunan/
Natatanging Kontribusyon
Kabihasan
 Sanskrit - ito ang pinag-ugatan ng maraming wikang
Indo-European.
 Vedas - katipunan ng sagradong teksto mula sa
sinaunang India.
 Mahabharata - itinuturing na pinakadakila at
India (Indus) pinakamahabang akdang pampanitikan sa mundo.
 Bhagavad Gita - isang dakilang tulang Hindu.
 Ramayana - naglalaman ng mahahalagang turo ng Hindu.
 Ayurveda - itinuturing na isa sa pinakamatandang
sistema o agham sa panggagamot.

Silangang Asya
Lipunan/
Natatanging Kontribusyon
Kabihasan
 Apat na Dakilang Imbensyong Tsino - papel, pulbura,
woodblock printing at magnetic compass.
 Civil Service Examination - nagpasimula sa pagkakaroon ng pagsusulit
sa mga nais manilbihan sa pamahalaan.
 Acupuncture - sistema ng panggagamot sa pamamagitan ng
pagtuturok ng karayom
Tsina  Great Wall of China - pinatayo ni Emperador Shi Huangdi noong Qin
Dynasty (220BCE) bilang pananggalang laban sa mga tribong lagalag mula sa
hilaga ng China.
 Mahahalagang pilosopiya at paniniwala - Confucianism,
Taoism, Legalism, feng shui.
 Mga kagamitan - wheelbarrow, water clock, chopsticks,
abacus, payong, saranggola.

 Haiku - isang uri ng maikling tula na may taludturang 5-7-5 na


naglalarawan ng isang pangyayari sa kalikasan
 Makura no sosbi - isang aklat ng mga anekdota, obserbasyon, saloobin at
tala ngtalaarawan ni Sei Shonagon.
Japan
 Genji Monogatari - pangunahing obra na fiction ng panahong Heian at
unang nobela sa daigdig.
 Bonsai - pagpapatubo ng binansot na punongkahoy.
Silangang Asya
Lipunan/
Natatanging Kontribusyon
Kabihasan
 Ikebana - masining na pag-aayos ng bulaklak, dahon at
tangkay.
Japan  Buljo jikji simche yojeol - pinamatandang nananatiling aklat na inilimbag
sa pamamagitan ng movable metal printing.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang sinaunang kabihasnan na mayroong


kontribusyong ipinakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang mga hinihinging detalye sa loob ng tsart ukol sa
mahahalaga at dakilang akda mula sa mga kabihasnan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Lipunan/
Pamagat ng Akda Nilalaman ng Akda
Kabihasan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto.


Gamitin ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kategorya Paliwanag

Ayurveda

Acupuncture
Code of Hammurabi

You might also like