You are on page 1of 4

7

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 5
ANG MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA
ANO ANG BIODIVERSITY???
Ano ang biodiversity? Ang bio(buhay) diversity(pagkakaiba -iba) – ay tumutukoy
sa pagkakaiba- iba at katangi -tangi ng bawat organismong matatagpuan sa ating
daigdig. Kinakatawan nito ang lahat ng may buhay gaya ng hayop, halaman , fungi at
mga microorganism . Saklaw din ng biodiversity ang tinatawag na ecosystem gaya ng
kagubatan, kabundukan, ilog, karagatan at maging ang mga kapaligirang gawa ng
tao tulad ng mga bukirin o sakahan. Ang ecosystem ay binubuo ng kombinasyon at
ugnayan ng mga buhay na organism at mga di -buhay na bagay sa paligid tulad ng
lupa, tubig, sikat ng araw, klima at iba pa. Susing usapin ang kombinasyon at ugnyan
nito sa pananatili ng biodiversity . Ibig sabihin ang pagkawala o pagkasira ng isang
bahagi ay maaaring magdulot ng pagkawala o pagkasira ng isa o higit pang bahagi.
Ito din ay tinatawag na web of life o sapot ng buhay kung saan nakasalalay ang
timbangan ng kalikasan. Mahalaga ang pangangalaga sa biodiversity. Ito ang
nagtitiyak na meron tayong mapagkukunan ng pagkain, panggatong, tela, hilaw na
materyales para sa gamot, masisilungan at marami pang batayang pangangailangan.
Ang biodiversity ang nagtatanggol sa atin laban sa baha, tagtuyot at pagguho ng
lupa. At nagtityak na meron tayong sariwang hangin na malalanghap. Sa biodiversity
nakasalalay ang seguridad at kabuhayan natin bilang tao.
*https://www.youtube.com/watch?v=Z5clNWbRp6I&list=PLrWTcF7RUPf73icNohutfRmoSdFKVRkXM&index=2

KARAGDAGANG KALAMAN
Ang Biodiversity ng Asya at ang Pagkawala Nito
Habang ang mga bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa
kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at
pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag -unlad ng ekonomiya at
ang patuloy na pagl aki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano ay
humaharap sa masalimuot na interaksyon ng mga isyung panlipunan,
politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan ay ang
pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa, at sa pagitan ng
bawat bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at
makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.
Ang Asya bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo at
itinuturing ng pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit salungat nito,
ang Asya mismo ang pinakamabilis na nakapagtala ng pagkawala ng
biodiversity.
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Biodiversity sa Asya
1. POLUSYON – ang pagiging kontaminado ng kapaligiran. Halimbawa
ay ang radioactive waste ang pagkalat nito ay maaaring magdulot
ng malaking pinsala sa biodiversity ng isang lugar.
2. INDUSTRIAL WASTE – ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran na mula sa
iba’t ibang pabrika at mga pagmimina ay nakakapagdulot din ng
pagkasira sa natural na kapaligiran.
3. OIL SPILLS – pagtaas ng mga deposito ng langis sa karagatan na
maaaring sanhi ng aksidente sa tankers o paglubog ng malalaking
barko na may dala ng mga langis na inaangkat sa ibang bansa. Dahil
higit na magaan ang l angis kumpara sa tubig, karamihan sa mga ito
ay palutang -lutang lang sa dagat na itinutulak naman ng hangin
papuntang baybayin. At ang pangyayaring ito ay maaaring
magdulot ng pagkamatay ng mga isda sa dagat.
4. BASURA – pagtapon ng basura kung saan -saan.
5. LAND CONVERSION – pagpapatag ng mga mabundok o maburol
na lugar upang mabigyan -daan sa mga proyektong
pangkabahayan.
6. PAGKASIRA NG KAGUBATAN O DEFORESTATION – pagkawala o
pagkaubos ng mga punongkahoy sa kagubatan.
7. GLOBAL CLIMATE CHANGE – pagbabago ng pandaigdigang klima
na maaaring dulot ng likas na pagbabago o ng mga gawain ng
tao.

TALASALITAAN:
a. Desertification – pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang
tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa
permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito
tulad ng il ang bahagi ng China, Jordan, Iraq, Syria, Lebanon, Yeman,
India at Pakistan.
b. Salinization – lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay
inaanod ng tubig papunta sa lupa. Nagaganap ito kapag mali ang
proseso ng irigasyon, sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga
lugar na mababa ang balon ng tubig. Unti -unting nanunuot ang
tubig -alat kapag bumababa ang water level gaya ng nararanasan
sa bansang Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig -alat sa
kanilang mga ilog.
c. Habitat – tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang
unang apektado ng land conversion .
d. Hinterlands – malalayo sa mga urbanisadong lugar na pinagkukunan
ng mga hilaw na materyales ng mga lung sod na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman nito.
e. Ec ologic al Balance – balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay
na may buhay at ng kanilang kapaligiran.
f. Deforestation – walang habas na pagputol ng mga puno na
humahantong sa pagkaubos at pagkawala ng mga kagubatan. Isa
sa mga problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan.
g. Siltation – parami at padagdag na deposito ng banlik na umaagos sa
tubig sa isang lugar.
h. Red Tide – sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng
dagat.
i. Ozone Layer – isang su son sa stratosphere na naglalaman ng
maraming konsentrasyon ng ozone. Ito ang nagpoprotekta sa mga
tao, halaman at hayop mula sa epekto ng radiation na dulot ng
ultraviolet rays.
KARAGDAGANG IMPORMASYON
ANG PILIPINAS BILANG ISA SA PINAKAMAYAMANG BIODIVERSITY SA ASYA
Matatagpuan sa Pilipinas ang 2/3 ng biodiversity o humigit kumulang na 70% -80%
ng lahat ng uri ng hayop at halaman sa buong daigdig. Kumpara sa ibang lugar na
nakakaranas ng matinding init o lamig, ang klimang tropikal ng bansa ay mainam para
sa pagyabong ng iba’t ibang organismo. Humigit kumulang na dalawampung libong
uri ng hayop at halaman na sa Pilipinas lang matatagpuan. Mga endemic o
katutubong species sa Pilipinas:
• Mahigit 100 species ng mammal
• Mahigit 180 species ng ibon
• Mahigit 111 species ng amphibians
• Mahigit 270 species ng reptiles
• 70% ng nakatalang insekto sa buong mundo
Kaya kabilang ang Pilipinas sa 17 Mega- Biodiversity Country. Ang karagatang
pumapalibot sa Pilipinas ay may pinakasaganang yaman dagat sa buong mundo dahil
bahagi ito ng tinatawag na CORAL TRIANGLE, ito ang sentro ng marine biodiversity sa
daigdig. Kabilang sa yamang dagat ng Pilipinas ang mga coral reefs, sea grass bed,
sea weeds, bakawan, beach forest, pangisdaan at marine mammals.
Sentro din ang Pilipinas bilang Agricult ural Biodiversity , matatagpuan dito ang
iba’t ibang uri ng bigas, niyog, munggo at gabi. Ito din ang pinagmulan ng iba’t ibang
uri ng saging sa rehiyong Timog- Silangang Asya.
Samantala, ang kagubatan o “forest ecosystem” ng bansa ay gumaganap ng
mahalag ang papel sa konserbasyon ng lupa, tubig at iba pang pangunahing
ecological services . Ang kahalagahan ng “Forest Ecosystem” sa bansa ay ang mga
sumusunod:
• Pinagmumulan ng malinis na hangin, tubig at pagkain
• Proteksyon laban sa baha
• Buffer zone laban sa bagyo at soil erosion.
Direktang sinusuportahan nito ang mahigit 30% ng populasyon. Dito din nakasandig
ang pamumuhay at kultura ng 10 -15 milyong mga katutubong mamamayan.
Subalit sa kabila ng lahat ng yamang ito, itinuturing din ang Pilipinas na global
biodiversity hot spot o lugar kung saan mataas ang probablilidad ng species extinction
o pagkawala ng buhay. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 1,000 hanggang 10,000 beses
ang bilis ng species extinction kumpara sa tinatawag na natural extinction rate sa

buong mundo. Sa Pilipinas nasa 640 species ang nanganganib na mawala ng tuluyan.
Mahigit kalahati ng matatandang kagubatanang nagl aho na. Sa nagdaang siglo
aabot sa 300,000 hektarya ng bakawan sa buong bansa ang nasira habang tinatayang
5% nalang ng mga coral r eefs sa bansa ang buhay.
Ang patuloy na pagsasamantala ng tao sa likas na yaman ang sanhi ng unti -
unting pagkawala ng biodiversity, pinapalala pa ito ng patuloy na pagdami ng
populasyon at climate change. Kapag hindi natin pinigilan ang pagkawala ng
biodiversity baka wala na pagkuhanan ng pangangailangan ang mga sumusunod na
henerasyon.
Tungkulin ng lahat na pangalagaan ang biodiversity at bilang mamamayan ay
may maiaambag tayo kung atin isasabuhay ang tinatawag na “sustainable lifestyle ”
• Isagawa ang 3R’s (reduce, reuse, recycle)
• Ingatan at muling payabungin ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng
hindi paggamit ng mapanirang paraan ng pangingisda at pag -iwas sa
paggamit ng nakakalason na kemikal sa pagsasaka.
• Pagtatanim ng mga puno
• Paglilinis ng k apaligiran
• Pagpapalaganap ng mga katutubong halaman at hayop
Pagtulungan natin ang conservation ng biodiversity sa ating mga lugar. Sa ating mga
kamay nakasalalay ang kinabukasan ng ating daigdig. Sa pamamagitan nito hindi
lang natin naililigtas ang inang kalikasan kundi tinitiyak din natin na may masaganang
kinabukasan ang susunod na henerasyon.

You might also like