You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REPUBLIC COLLEGES OF GUINOBATAN, INC.
G. Alban Street, Iraya, Guinobatan, Albay
E-mail Address: republiccolleges@yahoo.com
CP No.:0946-419-3153

AP-Ekonomiks

ARALIN : Ang Likas na Yaman


Ang likas na yaman ay binubuo ng mga biyaya ng mga biyaya ng lupa, karagatan, ilog,
kagubatan at kapaligiran na ginagamit sa produksiyon at tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga tao. Ito ay tinatawag na biyaya ng kalikasan. Kadalasan, ang mga ito ay nasa anyong hilaw
na material at kinakailangang dumaan sa proseso para mapakinabangan.

2 Uri ng Likas na Yaman


 Yamang Napapalitan
Tumutukoy ito sa mga yamang likas na agad napapalitan sa madaling panahon matapos
gamitin.
 Yamang Di-Napapalitan
Tumutukoy ito sa mga yamang likas na matapos magamit ay hindi agad mapapalitan sa madaling panahon.

Mga Uri ng Likas na Yaman


1. Yamang Lupa
Ang Pilipinas ay may kabuuang sukat na humigit-kumulang 300 000 kilometro kwadrado. Isa ito sa
pinakamalawak na kapuluan sa buong daigdig. Binubuo ito ng mahigit na 7 100 maliliit at malalaking isla.
Sa kabuuang sukat ng lupa ng bansa noong 2006, mahigit sa kalahati ni ng lupain ay itinuturing na
kagubatan o timberland at ang natitirang bahagi na may klasipikasyong alienable at disposable land o
lupang maaaring ipagbili o ilipat maging pansariling pag-aari. Sa mga kakahuyan, ang klasipikasyon ay
nababatay sa taas o elebasyon ng kapaligiran. Ang mga lupaing may dalisdis na 18 ̊ (digri) ay may
klasipikasyon na forest-land . Mahalaga ang pagkakaroon ng dalisdis upang maiwasan ang malaganap na
erosion.

Ang palay ang pinakamalaganap na pananim sa kapuluan kaya hindi nakapagtatakang ang bigas ang
pangunahing pagkain ng mga mamamayan. Ang kapatagan ng Luzon ang may pinakamalaking
produksyon ng palay. Samantala, ang mga produktong komersiyal gaya ng tabako, abaka at goma ay
itinanim bilang materyal sa mga produktong pangkomersiyo. Ang lupa ay mahalaga sa agrikultura ngunit
ang itinatanim ay iniaayon sa uri ng lupa.

2. Yamang Mineral
Ang mga deposito ng iba’t ibang mineral ay nakakalat sa buong kapuluan. Ang mga pangunahing mineral
na matatagpuan sa bansa ay nahahati sa tatlong kategorya ang metal, di-metal, at mineral fuel o
panggatong. Ang mga mineral ay isang uri ng yamang matatagpuan sa ilalim ng lupa. Ang mahahalagang
metal na mineral ng ating bansa ay ang ginto, pilak, kromiko, nikel, tanso, tingga at manganese.

Ang deposito ng mga mineral ay matatagpuan sa mga bulubunduking rehiyon sa bansa. Sa pagmimina
ng mamahaling metal, ang ginto ang may pinakamalawak na produksyon kaya isa ang Pilipinas sa may
mga bansang nangunguna sa produksyo ng ginto sa buong mundo. Ang malalaking deposito ng ginto ay
matatagpuan sa Mountain Province, Paracale, Masbate at Surigao. Ang lalawigan ng Masbate ang may
pinakamayamang deposito ng ginto sa bansa. Dito nagmumula ang higit kumulang 75% produksiyon ng
bansa.

3. Yamang Gubat
Sa kabuuang sukat ng lupain ng bansa, ang kagubatan ang may pinakamalaking bahagdan. Tinatayang
may 15 854 922 ektarya o 52.9% ang nasasakupan ng mga kagubatan. Ang Timog Katagalugan ang may
pinakamalawak na kagubatan sa bansa. Ito ay may tinatayang 2.52 milyong ektarya o 15.9% ng kabuuang
sukat ng kagubatan. Ang National capital Region (NCR) ang may pinakamaliit na sukat na umaabot lamang
sa 15 368 ektarya o 0.1% ng kabuuang sukat. Mahalaga ang kagubatan bilang lagarian ng table, pastulan,
o tahanan ng mga hayop at ligaw na halaman. Nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga watershed at
isinasaayos ang daloy ng tubig sa iba’t ibang lugar.

Ang Pilipinas ay naging tanyag dahil sa mayamang gubat nito. Sa kagubatan din nagmumula ang mga
produktong iniluluwas sa ibang bansa. Ito ay ang mga tabla, plywood, at veneer. Kapakipakinabang din
ang kagubatan bilang pastulan o tirahan ng maiilap na mga hayop. Ang pastulan ay ang bahagi ng gubat
na walang mga puno. Tinatawag itong logged-over. Pinalalaka nito ang turismo ng bansa. Batay sa
talahanayan ng produksiyon ng mga uri ng kahoy, unti-unting lumiliit ang produksiyon nito sa paglipas ng
panahon. Nangangahulugan ito ng pagkaubos ng mga puno na ginagamit para sa iba’t ibang produkto.

4. Yamang-Tubig
Ang Pilipinas ay isang kapuluang napaliligiran ng anyong-tubig, kaya’t bukod sa pagsasaka, ang
pangingisda ay ikalawa sa ikinabubuhay ng mamamayang Pilipino. Higit na malawak ang ating yamang-
tubig kaysa sa ating yamang-lupa. Ito ay binubuo ng mga dagat, ilog, at lawa na nagagamit na pangisdaan,
look na daungan ng mga bapor at Bangka, at talon na pinagkukunan ng enerhiya.

Isang likas na pangisdaan ang ating bansa dahil ang coastline nito ay nagtataglay ng sukat na 17 460
kilometro at humigit kumulang na 26.6 milyong ektarya ng coastal water at 193.4 milyong ektarya ng
oceanic water. Ang pangisdaang panloob na nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa kapuluan ay may
sukat na 176 032 ektarya. Ang bansa ay may kabuuang 338 393 lawak ng mga swampland, 253 854
ektarya ng mga fresh at brackish water fishpond, at 250 000 na resorses mula sa mga ilog, lawa, at
reservoir. Malawak din ang mga coral reef na pinamamahayan ng maliliit na mga isda at halamang-dagat.

5. Yamang - Hayop
Masasabing hindi gaanong marami ang mga uri ng hayop sa bansa. Ang ilan sa mga hayop ay napadpad
noong panahon ng Pleistocene anim na milyong taon na ang nakakaraan . Ang ilan sa mga hayop na
napadpad sa bansa ay ang mga usa, mababangis na baboy-ramo, mga pusa, at mga unggoy. Ang mga
mammal gaya ng tamaraw, mouse deer, tarsier, at pangolin ay nakarating din sa bansa. Halimbawa ng
mga ito ay ang kingfisher, quila, cuckoo, kalapati at parrot. Ang mga paruparo ang nagbibigay ng
magandang buhay sa paligid. May 700 uri ng paruparo sa bansa. Maraming mahahalagang hayop na
tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan. Ang ilan sa mga ito ay ang tamaraw na makikita sa Mindoro,
tarsier sa Bohol, ang pinakamaliit na mouse deer o pilandok na matatagpuan sa Balabac, Palawan.

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Tao


 Agrikultura
 Ang pagkain ng mga tao s aisang bansa, maging ang mga produktong panluwas nito ay
nagmumula sa pagsasaka
 Ang malawak na lupain ay makatutulong upang makapagluwas ng mas maraming produkto na
magbubunga ng malaking produksiyon para sa bansa.
 Sambahanayan
 Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan din ng paglaki ng mga pangangailangan ng
tao. Hindi nakasasapat ang mga likas na yaman dahil sa pagkaubos nito.
 Ang landconversion ay nakasisira sa katangian ng lupa at kawalan ng tirahan ng mga hayop.
 Ekonomiya
 Ang bansa ay uunlad bunsod ng kasaganahan ng ating mga likas na yaman. Pinagkukunan ang
mga ito ng mga hilaw na material na ginagamit na panustos sa mga pagawaan.
 Ang magkasabay na paggamit ng mga tradisyonal at makabagong teknolohiya ay nakatutulong
sa pag-angat ng pambansang kita ng bansa.

Mga Suliraning Kinakaharap ng Pilipinas sa mga Likas na Yaman

 Unti-unting pagkaubos ng yamang-gubat dahil sa labis na pagkuha ng mga produkto nito.


 Ang forest fire na nakapagpapakalbo ng ating mga gubat. Bunga nito, ang mga maiilap na hayop o
endangered species ay nauubos din. Maging ang pagbaba ng lebel ng tubig sa mga sapa ay sanhi ng
pagkaubos ng mga puno sa kagubatan.
 Paggamit ng mga mapaminsalang paraan ng pangingisda tulad ng dinamita, cyanide, at muro-ami;
 Ipinagbabawal na pangingisda sa karagatan ng bansa;
 Siltation na nagbubunga ng pagkamatay ng mga isda;

 Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat; at


 Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat; at

Mga Mungkahing Solusyon

 Ang pamahalaan ay naglalabas ng mga batas ukol sa pagtotroso.


 Pagpapatupad at pakikiisa sa proyekto ng reforestation.
 Ang pamahalaan ay kailangan ding maging metatag sa pagpapatupad ng total log ban at sa
pagpapataw ng kaparusahan sa sinumang lumalabag sa batas.
 Ang pamahalaan ay lumikha ng ahensiyang mangangalaga sa Yamang-Tubig (Bureau of Fisheries
and Aquatic Resources) ang paglulunsad ng mga programa at proyekto tulad ng Biyayang-Dagat,
Piso Para sa Pasig, at Sagip-Ilog na nakatuon sa pangangalaga, pagpapaulad, at wastong paggamit
ng yamang-tubig.
 Nagpalabas din ng mga batas ang pamahalaan upang hulihin ang mga gumagamit ng illegal na
pamamaraan sa pangingisda.
 Nagpalabas din ng mga batas ang pamahalaan upang hulihin ang mga gumagamit ng illegal na
pamamaraan sa pangingisda. Ang pagsasara o closed season ay ipinapatupad din upang
maprotektahan ang mga species ng isda at ibang produktong pandagat.

6. Yamang- Tao

Ang tao at ang kalipunan nito ang itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang-yaman
ng isang bansa. Ang tao ay nagtataglay ng kakayahan, talino, kasanayan, lakas, at pagkamalikhain na
ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo sa lipunan. Ang yamang-tao ang naglilinang ng mga
likas na yaman upang magamit ang kapa-kinabangan nito.

Ang dunong, abilidad at malikhaing kaisipan ng mga tao ang nagbibigay kaganapan sa pagkakaroon ng
mga makabagong kagamitang magbibigay-sigla sa iba’t ibang industriya. Nagagamit din ang mga ito ayon
sa pangangailangan ng ekonomiya. Ito ang nagbibigay-daan sa paghahangad ng bansa na makamit ang
mga makabagong makinarya at teknolohiya na siyang gagamitin sa paglikha ng mga kapakinabangan.
Kaakibat ng yamang-tao ay ang usapin sa populasyon.

Ayon kay Adam Smith, ang populasyon o dami ng tao ang pinakamahalagang yaman ng bansa hindi
lamang sa pisikal na katangian, kundi sa kakayahan nitong mag-isip , lumikha, at lumutas ng iba’t ibang
mga sulranin.

 Populasyon
Ito ay tumutukoy sa dami ng tao o bilang ng tao na naninirahan sa isang lugar sa isang takdang
panahon. Ang pag-aaral ng populasyon ay tinatawag na demograpiya. Ito ay tumatalakay sa mga
estruktura ng populasyon tulad ng sinsin, edad, kasarian, edukasyon at empleyo. Sa pamamagitan ng
pag-aaral sa mga estruktura ng populasyon maiaayos ang pagpaplanong png-ekonomiya.
Ang sinsin ay isang katangian ng estruktura ng populasyon. Ito ay tumutukoy sa laki ng populasyon
sa bawat kilometro kwadrado. Nagpapahiwatig ito ng pagsisiksikan ng mga tao sa isang lugar o ng
maliit na populasyon kung kaya kaunti ang naninirahan sa isang bayan. Noong 2010, naitala na ang
mga Pilipino ay lubhang nagsisiksikan sa Metro Manila, sapagkat ito ay may pinakamasinsing
populasyon na umabot sa 19 137 tao bawat kilometro kwadrado. Samantala, ang Cordillera
Administrative Region (CAR) ang may pinakamababang sinsin bawat kilometro kwadrado. Malaking
bahagi ng porsiyento ng populasyon ay nasa edad na 15 taon hanggang 60 taong gulang. Ito ay may
6.1 porsiyento. Ang mga taong nasa 65 pataas ay bumubuo lamang ng maliit na porsiyento.

Distribusyon ng Populasyon
Ang Luzon ang nagtataglay ng pinakamalaking populasyon na may 56% at ikatlo ang Visayas na
may 20%. Mabilis ang paglaki ng populasyon simula sa taong 1990 hanggang 2000. Ang malaking
bilang ng mamamayan ay nakasentro sa Calabarzon (Rehiyon IV-A) at sinusundan ito ng National
Capital Region. Ang Cordillera Administration nang may pinakamaliit na bilang ng mga mamamayan.
Ang pagkakaroon ng maraming tao sa Metro Manilaay nagdudulot ng mga suliraning tulad ng
kawalan ng tirahan, polusyon, trapiko, pagkagutom, krimen, basura, at mga suliraning pangkalusugan.
Ang teoryang Democratic Transition ay tumutukoy sa kaugnayan ng dami ng ipinanganganak at
dami ng namamatay. Isinasaad ng teorya na kailangang matukoy ang proporsiyon ng namamatay at
isinsilang.

Densidad ng Populasyon
Ang densidad o sinsin ay tumutukoy sa dami ng taong nakatira sa isang tiyak na lugar sa sukat na
isang kilometro kwadrado. Sa kabuuang sukat ng lupa ng ating bnsa, tinatayang may 388.3 katao sa
bawat kilometro kwadrado sa taong 2016. Ipinahihiwatig nito na ang mga tao ay nagsisiksikan na sa
isang maliit na lupain.
Ang densidad ng populasyon ay makukuha sa pamamagitan ng pormulang ito:

Populasyon
Kabuuang sukat ng lupa

Ang Paglaki ng Populasyon


Ang populasyon ng isang bansa ay isang mahalagang konsepto na nakapaloob sa yamang-tao. Sa
pagdaan ng panahon, naging isang malaking suliranin ang malaking pamilya dahil maraming tao ang
kailangan bigyan ng pagkain, damit, edukasyon at tirahan. Ang mabilis na pagsulong ng agham,
medisna at pagpapatayo ng maraming ospital, senter at mga klinika ang nakapagpapababa ng dami
ng namamatay. Ngunit ang mabilis na pagdami ng ipinanganganak ay nanatiling mataas. Ang maagang
pag-aasawa ng kabatan ay isa sa mga dahilan ng paglaki ng populasyon.
Pag-aralan ang relasyon ng birth rate at death rate sa sumusunod na tsart.

Ang mataas na birth rate at mababa na death rate ang pangunahing sanhi ng iba’t ibang suliraning
panlipunan.

Epekto ng Populasyon

Ang bilis ng paglaki ng populasyon sa ating bansa ay hindi biro. Kung magpapatuloy ito, mga
sumusunod ang magiging epekto sa ating ekonomiya.

 Ito ay magiging salik sa pagsulong ng ekonomiya.


 Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan din ng kakulangan sa hanap-buhay.
 Magpapatuloy din ang implasyon dahil kapag marami ang tao, ang pangangailangan ay mataas din.
Mahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang lahat ng pangangailangan
 Ang malaking pagtaas ng populasyon ay nagiging banta rin sa pagkaubos ng mga likas na yaman.
 Nagbubunga rin ito ng paghihikahos, mababang antas ng pamumuhay , suliranin sa kalusugan, at
pagkasira ng kapaligiran.

Mga Teorya Ukol Sa Populasyon

 Malthusian Theory
Ayon kay Thomas Malthus, isang Ingles na sumulat ng “An Essay on the Principle of
Population,” higit na mabilis ang paglaki ng populasyon kaysa sa suplay ng pagkain. Ang
populasyon ay nadaragdagan sa paraang geometrical at nagdodoble tuwing ika-25 na taon
samantalang ang suplay ng pagkain ay nadaragdagan lamang sa paraang arithmetical. Sa ganitong
pangyayari, kapag hindi napigil ang mabilis napaglago ng populasyon, darating ang panahon na
magugutom at mamamatay ang maraming mamamayan. Ang teoryang ito ay sinalungat ng
marami sapagkat nang ipinanukala ito, hindi nakita ni Malthus ang pagsulong ng agham at
teknolohiya na nagdudulot ng pagsulong sa agrikultura at iba pang produksiyon ng pagkain at
pangkabuhayang katayuan ng bansa.

Iminungkahi ni Malthus ang dalawang paraan upang mapigil ang mabilis na paglaki ng
populasyon. Ang negatibong paraan ay tumutukoy sa pagbabawas ng populasyon sa
pamamagitan ng pagkakasakit, gutom, epidemya, digmaan, kalamidad, at mataas na porsiyento ng
namamatay kaysa ipinapanganak. Samantala, ang positibong paraan, nakapaloob dito ang di pag-
aasawa ng maaga, pagpaplano ng pamilya, at pagkontrol sa pagdami ng anak. Isang mahalagang
kontribusyon ang teoryang ito ni Malthus sapagkat ito ang nagsisilbing daan upang ang mga bansa
ay tumuklas ng mga paraan upang mapaunlad ang medisina, teknolohiya at industriya.

 Microeconomics Theory of Fertility


Isinasaad sa teoryang ito na ang gawi at ugali ng tao ay may malaking bahagi sa fertility ng isang
babae. Ang pagpili ng mga gamit sa personal na pagkonsumo ay kasinghalaga rin ng pagpapasiya
sa magiging bilang ng anak. Ang usapan sa pagdaragdag ng anak ang pangunahing itinuturo ng
teoryang ito. Sinasabi nito na ang pagdaragdag ng anak ay kinakailangang pinag-uusapan ng mga
magulang. Dapat pag-aralan at timabangin ng mga magulang ang magiging epekto ng pagdaragdag
ng anak. Ang teoryang ito ay katulad ng consumer behavior na nagsasabing ang pagkakaroon ng
maraming anak ay nangangahulugan ng pagtaas ng gastos.

 Democratic Transition
Ang teoryang ito ay tumatalakay sa kaugnayan ng dami ng ipinapanganak at dami ng namamatay.
Isinasaad ng teorya na kailangang matukoy ang proporsiyon ng namamatay at isinisilang. Ang lahat
ng mga bansa sa daigdig ay kailangang dumaan sa apat na yugto ng democratic transition.

Mga Suliranin Kaugnay ng Populasyon

 Pabahay
Kakulangan sa pabahay lalo na sa mga lungsod ng bansa dahil sa mabilis na paglaki ng
populasyon. Hindi matugunan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga libreng pabahay dahil sa
kakulangan sa pondo at pagbaba ng halaga ng piso. Pagdami ng mga iskwater o informal settler
kaya nagiging malubha ang suliranin.

 Pagkain
Ang lupaing sakahan ay ginagawa na lamang mga subdibisyon upang may matirahan ang mga
tao dahil sa paglipat ng mga taglalawigan sa Kamaynilaan na nagbubunga ng pagsisikip ng lungsod
kung kaya’t ang ilan ay nagpunta na lamang sa karatig-bayan.

 Edukasyon
Kadalasan, hindi na nakapag-aaral ang mga batang kabilang sa malalaking pamilya dahil hindi
kayang tugunan ng mga magulang ang pangangailangan sa edukasyon ng kanilang mga anak.

 Kalusugan
Ang kakulangan sa pagkain ay nagdudulot ng karamdaman sa tao. Kapag nangyari ito, ang
pagpapagamot ay nagiging isang mabigat na pasanin.

 Hanapbuhay
Dahil mabilis ang paglaki ng populasyon, ang mga taong gustong magtrabaho ay hindi
nakahahanap ng mapapasukan. Kulang ang mga tanggapan at pabrika upang sila ay mabigyan ng
trabaho.

Lakas - Paggawa
Ito ay tumutukoy sa mga taong may mga kasanayan, lakas, at kakayahan upang makibahagi sa mga
produktibong gawaing pang-ekonomiya.

Labor Force Participation = Labor Force


Rate Working age population X 100

Antas ng May Trabaho = Kabuuang bilang ng may trabaho


X 100
(Employment Rate) Kabuuang bilang ng lakas-paggawa

Antas ng Walang = Kabuuang bilang ng walang trabaho


Trabaho Kabuuang bilang ng lakas-paggawa
X 100
(Unemployment Rate)
Ang lakas-paggawa ay binubuo ng mga taong may edad na 15 pataas na may sapat nang kakayahan
upang lumahok sa gawaing pang-ekonomiya. Bagama’t may 54.6 na bahagdan ang nasa edad na 15 taong
gulang hanggang 64, sa kabuuang ito, hindi maituturing na ang lahat ay produktibo. Ang ilan sa mga ito
ay mga mag-aaral, may mga kapansanan bunga ng aksidemte o sakit, o kaya ay ina ng tahananna pinili
ang gawaing-bahay.
Ang bilang ng may trabaho at ng walang trabaho ay mahalaga dahil sa pamamagitan ng mga ito
matatantiyang mabuti ang kalagayan ng paggawa sa ating bansa. May iba’t ibang paraan ng pagtantiya ng
kalagayan ng lakas-paggawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagkuha sa kalagayan gamit ang ibinigay na
pormula.
Ang kasalukuyang industriya ng call center at business process outsourcing (BPO) ay tinatawag na
sunshine industry dahil sa patuloy na pagpapakita ng magandang pangako ng mga ito sa paglago ng
ekonomiya ng bansa. Ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa o Overseas Filipino Workers (OFW)
ay umabot naman sa 650 350 ang nakabase sa lupa at 214 694 ang nakabase sa dagat noong 2004. Sila
ay nakapagpadala ng mahigit kumulang 7.6 bilyong dolyar sa bansa. Dahil sa malaking tulong na naiambag
ng mga OFW, tinagurian silang mga makabagong bayani ng bansa.

7. Ang Yamang - Pisikal


Ang yaman ng isang bansa ay hindi lamang nakatuon sa mga likas na yaman at yamang-tao. Ang yamang-
pisikal ay ginagamit sa paglikha ng mga produkto at sebisyo. Ito ay binubuo ng mga estruktura, kagamitan,
kasangkapan, at kasanggapang gawa ng tao na nakatutulong sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kadalasan, ito ay tinatawag na yamang-kapital. Ang yamang-pisikal ay isang mahalagang salik ng
produksiyon. Ito ay nangangahulugan ng potensiyal na kakayahan ng isang ekonomiyang makalikha ng
mga produkto at serbisyo.

 Mga Uri ng Yamang - Pisikal


 Public Works and Highways – Ang mga kalsada ay nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
Napapabilis at napapagaan ng mga ito ang transportasyon ng mga tao at produkto. Batay sa
estadistika, nakapagtala ng kabuuang 10 138 009 kilometro o 31.46% ang mga nagawang kalsada
sa bansa sa taong 2014. Ito ay ang mga sumusunod:
o C5/Ortigas Avenue Extension Interchange
o C5/Boni Serrano/Katipunan Avenue Interchange at Ortigas Avenue Extension
o North Luzon Expressway
o South Luzon Expressway Extension
o Diosdado Macapagal Boulevard
o Bohol Airport
 Transportasyon at Komunikasyon - Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang transportasyong
pandagat ay napakahalaga. Kinakailangan dito ang maraming daungan at maayos na piyer.
Halos lahat ng mga isla sa bansa ay may pangunahing piyer. Ang ilan sa mga nagawang
proyekto para sa transportasyon ay ang mga sumusunod:
o MRT, LRT 1, at LRT 2
o Roll On-Roll-OFF (RORO) Terminal System

Mga Gamit ng Yamang Pisikal

 Ang mga gusaling pambahay ay ginagamit upang may matuluyan at matulugan ang mamamayan.
 Ang mga gusaling pangkomersiyo ay ginagamit bilang tindahan, opisina, at bangko samantalang
ang mga gusaling pang-industriya ay ginagamit bilang planta.
 Ang mga daan at tulay ang nagpapagaan ng transportasyon.
 Ang sistemang pantubig ay nakatutulong upang maging sagana at patuloy ang suplay ng tubig sa
mga sakahan.
 Ang mga planta ng elektrisidad ang nagsusuplay ng kuryente na kinakailangan sa pamumuhay at
produksyon.

You might also like