Professional Documents
Culture Documents
Isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at
pagbabago nito
Nagsisilbi rin itong kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pangekonomiya at halal, o
kilusan
Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao
Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham
ng mgakaisipan o ideya
Kategorya ng Ideolohiya:
Tunggalian ng Ideolohiya
Maraming pagkakataon na ang ideolohiya ang nagiging sanhi ng mga tunggalian sa pagitan ng
mga bansa o sa mga pwersa ng mga bansa.
Halimbawa sa Asya, maituturing na proxy war ang digmaan na naganap sa pagitan ng North
Korea at South Korea noong kasagsagan ng Cold War. Sa huli, walang nagwagi.
- Ang Cold War ay ang digmaan ng nagtutungaliang ideolohiya ng kapitalismo at sosyalismo
na nagtagal mula 1946 hanggang 1991
- Ang proxy war ay isang digmaan kung saan hindi ang dalawang malaking bansa ang
naglalaban kundi ang maliliit na bansa na rumerepresenta sa kanila. (Ang USSR at USA)
Nagkaroon din ng proxy war sa pagitan ng North Vietnam at South Vietnam. Napag-isa ang
dalawang bansa sa ilalim ng Sosyalismo.
MGA POLITIKAL NA IDEOLOHIYA AT UGNAYAN NG MGA ITO SA SISTEMANG EKONOMIYA
1. TRADISYONAL NA EKONOMIYA
isang sistema ng ekonomiya kung saan ang mga tradisyon, kaugalian, at paniniwala ay
tumutulong sa paghubog ng mga kalakal at serbisyo na inilalabas ng ekonomiya, pati
na rin ang mga patakaran at paraan ng kanilang pamamahagi. Ang mga bansang
gumagamit ng ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya ay madalas na rural at farm-
based.
Isang sa mga bansa na pang-tradisyunal pa rin ang sistema ng ekonomiya ay ang Haiti. Naka-
depende pa rin ang Haiti sa agrikultura para sa ekonomiya nito. Wala halos nagiging pag-unlad
ang Haiti dahil sa paibaiba ng mga namununo dito. Maituturing na hindi matatag ang gobyerno
ng Haiti dahil sa naka-ilang kudeta at military junta sa kanyang kasaysayan.
Ang Bhutan ay may politikal na ideolohiya naka sentro sa Buddhism at sa pamumuno ng hari.
Tradisyunal din ang ekonomiya naka depende din sa makalumang sistema ng agrikultura. Subalit
dahil sa simple lamang ang ekonomiya ng Bhutan, mataas ang pwesto ng Bhutan sa mundo
pagdating sa economic freedom, ease of doing business at sa kapayapaan.
2. SENTRALISADONG EKONOMIYA
Ang pang-ekonomiyang sistema na ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang nangingibabaw na
sentralisadong kapangyarihan (kadalasan ang pamahalaan) na kumokontrol sa isang malaking bahagi ng
lahat ng pang-ekonomiyang aktibidad. Ang ganitong uri ng ekonomiya ay karaniwang matatagpuan sa mga
komunistang bansa. Minsan ito ay tinutukoy bilang isang nakaplanong sistema ng ekonomiya, dahil ang
karamihan sa mga desisyon ng produksyon ay ginawa ng pamahalaan (ibig sabihin ay pinlano) at walang
libreng merkado.
Sa ilalim ng mga komunistang pinuno, ang ekonomiya ng dating USSR ay isang naka-planong ekonomiya
kung saan pag-aari ng estado ang mga gumagawa ng mga produkto, kolektibo ang pagsasaka, may isang
ahensya lamang ang nag-pa-plano sa ekonomiya. Dahil dito, matatag ang ekonomiya ng USSR at mababa
ang bilang ng mga walang trabaho.
Ang market system sa ekonomiya ay umaasa sa mga libreng merkado at hindi pinapayagan ang anumang
uri ng paglahok ng pamahalaan sa ekonomiya. Sa sistemang ito, hindi kontrolado ng gobyerno ang
anumang mga mapagkukunan o iba pang kaugnay na mga pang-ekonomiyang segment. Sa halip, ang
buong sistema ay kinokontrol ng mga tao at ang batas ng supply at demand.
Ang Britanya ay ang pangunahing bansa noong ika-18 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-20
na siglo. Ito ay sa dahilang nanguna ang Britanya sa pagkakaroon ng mga merkado na hindi
kinontrol ng gobyerno. Sa Britanya din nagsimula ang mga pabrika kaya naging sentro ito ng
Industrial Revolution.
4. MAGKAHALONG EKONOMIYA
Sa sistemang ganito magkasama ang ekonomiyang pang-merkado at ang sentralisadong
ekonomiya, ang free market at ang pang-hihimasok ng gobyerno sa takbo ng ekonomiya, at ang
pagkakaroon ng mga pribadong kumpanya at mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno.
Ang Estados Unidos at China ay mga halimbawa ng mga bansang may magkahalong ekonomiya.
Ang Estados Unidos na isang demokratikong bansa ay tinatangkilik ang isang ekonomiya na
pinapatakbo ng mga pribadong sector subalit may mga batas na di pinapayagan ang
pananamantala ng mga negosyante. Sa China naman, kahit na komunista ang sistema ng
politika ay magkasamang namamayagpag ang mga pribadong kumpanya at negosyante sa
merkado kasama ang mga kumpanyang pag-aari ng gobyerno.
Komunismo (Communism) -> isang kaisipang sosyo-ekonomiko-pulitiko -> isang lipunang pantay-pantay
ang lahat ng tao, walang mayaman o mahirap, may kapangyarihan o taga-sunod -> Tinatag ni Karl Marx
at Friedrich bilang reaksyon sa maling pamamalakad ng kapitalismo -> 3 uri ng komunismo: Leninismo,
Stalinismo, Maoismo.
Kapitalismo – binigyang-diin ng ideolohiyang ito ang pag-iipon ng kapital upang higit na mapalago ang
negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan. Ayon sa ideolohiyang ito, inaasahan na sa
pamamagitan ng kompetisyon ay makikinabang nang husto ang mamimili. Kinikilala rin ng ideolohiyang
ito ang pagkamalikhain ng mga namumuhunan. Naniniwala rin ang kapitalismo sa konsepto ng
pribadong pagmamy-ari o private ownership.