You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kalagayan at Bahaging
Ginampanan ng Kababaihan
mula sa Sinaunang Kabihasnan
at Ikalabing-anim na Siglo
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kalagayan at Bahaging Ginampanan ng Kababaihan
mula sa Sinaunang Kabihasnan at Ikalabing-anim na Siglo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Bernadeth P. Astrero
Editor: Dr. Cid V. Alcaraz, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Jun S. Nicolas, Vernida G. Pitos
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon Kagawaran ng


Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Kalagayan at Bahaging
Ginampanan ng Kababaihan
mula sa Sinaunang Kabihasnan
at Ikalabing-anim na Siglo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalagayan at Bahaging Ginampanan
ng Kababaihan mula sa Sinaunang Kabihasnan at Ikalabing-anim na Siglo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-a

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Kalagayan at Bahaging Ginampanan ng Kababaihan mula sa
Sinaunang Kabihasnan at Ikalabing-anim na Siglo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)


 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)


 Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga mga kaisipang
Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
 Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan at ikalabing- anim na siglo. (AP7KSA-IIc-1.4)
D. MGA TIYAK NA LAYUNIN
 Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga konsepto at pagsasagawa ng mga
inihandang gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong may kaugnayan sa paksa


2. Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan
sa pampulitika, panlipunan, kabuhayan at pangkulturang pamumuhay
sa sinaunang kabihasnan at ika-16 na siglo.
3. Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng kababaihan
sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Asyano.
E. PAKSANG ARALIN
1. Kalagayan at Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihang Asyano sa
Sinauna at Ika-16 na Siglo
 Timog Asya
 Kanlurang Asya
 Hilaga at Silangang Asya
 Timog Silangang Asya
2. Kababaihang Asyano sa Larangan ng Pamumuno at Pakikidigma
3. Tradisyunal na Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan sa Asya

Subukin
=Panimulang Pagtataya=
A. TAMA O MALI:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Ang relihiyong Budhismo at Hinduismo sa Timog Asya ang naging gabay sa bahaging
ginampanan ng mga kababaihan sa lipunan.
2. Itinuturing na mapalad sa bansang Tsina ang pagkakaroon ng anak na babae kung kaya
maaari siyang mamili ng kanyang mapapangasawa.

1
3. Sa relihiyong Islam, pinapayagan ang polygamy o ang pagkakaroon ng maraming asawa ng
mga kalalakihan.
4. Ang mga kababaihan sa sinaunang panahon ay nakilala sa larangan ng pamumuno
at pakikidigma.
5. Ayon sa pilosopiyang Confucianismo ang mga lalaki lamang ang maaaring mamuno
at isinantabi lamang ang mga kababaihan.

B. Panuto: Basahin, unawain, at sagutin ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
6. Ang mga kababaihang Asyano sa sinaunang panahon ay sumunod sa mga tradisyon at
paniniwala sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang tradisyon sa Tsina?
a. paninilbihan b. fixed marriage c. foot binding d. suttee
7. Isa sa mga tradisyon ng mga Hindu ang pagtalon ng babae sa bangkay ng asawa nito o
ang tinatawag na suttee. Ano ang paniniwala sa pagsasagawa ng tradisyong ito?
a. mabubuhay muli ang mag-asawa c. magbibigay ito ng magandang kapalaran
b. magiging pinuno ang mga naiwan na anak d. ituturing silang mga bayani sa bansa
8. Ang pagsusuot ng purdah ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya ay upang .
a. maging ligtas sila sa mga lalaki c. takpan ang kanilang balat at porma
b. makakuha sila ng mapapangasawa d. maging sikat sila sa lipunan
9. Hindi ipinapakita sa relihiyong Islam ang mukha ng mga babae. Ano ang paniniwala nila sa
katawan ng mga kababaihan?
a. yaman b. awrah c. lakas d. kagandahan
10. Ang pagbebenda ng paa sa mga kababaihan o foot binding sa Tsina ay simbolo ng
a. pagkamaharlika ng babae c. pagmomoda ng bansa
b. nakakaakit ito sa mga kalalakihan d. swerte ito sa pamilya
11. May mga kababaihang Asyano na nakilala din sa pamumuno. Sinong empress ang tumulong
sa Rebelyong Boxer sa Tsina?
a. Lady Min b. Fu Hao c. Ci Xi d. Sujun
12. Ang mga kababaihan sa Asya ay nagkaroon ng iba’t ibang gampanin sa lipunan. Nakabatay ito sa
mga sumusunod na aspekto maliban sa .
a. relihiyon b. tradisyon c. paniniwala d. pangangailangan
13. Pantahanan lamang kung ituring ang mga sinaunang kababaihan. Nakatulong ba ito
sa pagpapanitili ng pagpapahalagang Asyano sa lipunan? Bakit?
a. Hindi, dahil di lamang sila pambahay
b. Oo, nararapat lang ito sa mga babae
c. Hindi, dahil natatanggalan sila ng karapatan sa lipunan
d. Oo, dahil nagiging buo ang pamilya at naaalagaan nila ang kanilang mga anak
14. Bumaba ang katayuan ng mga kababaihan sa Pilipinas ng dumating ang mga mananakop. Sino sa
mga sumusunod ang nakilala sa pakikipaglaban sa mga Kastila nang mamatay ang kanyang
asawa?
a. Gabriela Silang b. Melchora Aquino c. Maria Paz Quezon d. Leonor Rivera
15. Sa Hilagang Asya, ang mga kababaihan ay makikita lamang sa kanilang mga bahay. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa kanilang gampanin sa lipunan?
a. paghahanda ng pagkain sa pamilya b. pamumuno sa lipunan
c. pag-aalaga sa mga anak d. paghahabi at paggawa ng palayok

2
Aralin Kalagayan at Bahaging Ginampanan
ng Kababaihan mula sa Sinaunang
5 Kabihasnan at Ikalabing-anim na
Siglo
Ang karanasan ng mga Kababaihang Asyano sa sinaunang panahon ay dumaan sa iba’t ibang
bahagi upang maitaas ang kanilang antas sa lipunan. Ito ang naging daan kung bakit halos kapantay na
ng mga kababaihan ang mga kalalakihan ngayon. Bagama’t noong una sila ay nasa tahanan lamang at
mababa ang posisyon sa lipunan, malaki naman ang papel na kanilang ginampanan sa pag-unlad
Kabihasnang Asyano.

Balikan

Bago mo simulan ang pagbabasa at pagsusuri ng mga tekstong may kinalaman sa paksang
aralin, magbalik-aral muna tayo sa inyong mga kaalaman at natutunan tungkol sa mga relihiyon
at pilosopiya sa Asya. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot.

Suriin ang
1. Ayon sa relihiyong Hinduismo, may karma ang bawat tao ayon sa
mga
kaniyang mga ginawa. Gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at
pahayag.
Lagyan ng
pagdurusa naman kung hindi.
tsek (/)
2. Ang buhay at pagdurusa ay mapaghihiwalay ayon sa 4 Noble Truths ng
kung tama Budhismo.
ang 3. Si Allah ang Diyos ng mga Muslim at si Muhammad ang kanilang
pahayag at Propeta.
ekis (X) 4. Sumasamba sa Diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan tulad ni
naman Amaterasu Omikami ang mga Hapones.
kung hindi. 5. Naniniwala ang mga Kristiyano na si Hesukristo ang Tagapagligtas at
ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
Larawan mula sa 6. Ayon kay Lao Tzu, ang mabuting pamamaraan ng pamumuhay ng isang
tathagatgyansthli.com
tao ay magdadala ng kapayapaan.

Tukuyin naman natin


ISLAM ang kung sino ang
BUDHISMO
Nagtatag Bansang Sinilangan
Nagtatag Bansang Sinilangan nagtatag at bansang
sinilangan ng mga
sumusunod na
relihiyon. Ilagay ang
sagot sa sagutang
HINDUISMO KRISTIYANISMO papel. Simulan na
Nagtatag Bansang Sinilangan Nagtatag Bansang Sinilangan natin!

3
Tuklasin

Narito ang iba’t ibang larawan ng mga kababaihan. Bigyan ng angkop na pamagat ang sumusunod ayon sa ipinapakita
Simulan mo na!

larawan mula sa lrmds.depedldn.com larawan mula sa wikiwand.com

larawan mula sa 123RF.com larawan mula sa tl.wikipedia.org

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihang Asyano sa


sinaunang panahon?
2. Sa iyong palagay, ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang panahon?

4
Suriin

Sa bahaging ito, basahin at susuriin mo ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kababaihang Asyan

S u r ii n
Inaasahang map au un lad m o ang iyong pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga konsepto at pagsagot sa mga inihandang gawain.

KALAGAYAN AT BAHAGING GINAMPANAN NG MGA KABABAIHANG


ASYANO: SINAUNA at IKA-16 NA SIGLO
Ang kababaihang Asyano sa kasalukuyan ay makikita na aktibo sa iba’t ibang propesyon,
larangan at mga gawain sa lipunan. Hindi naging madali sa mga kababaihan ang pag-angat nito sa
lipunan. Sa sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay nasa loob lamang ng tahanan at itinuturing na
mahina batay sa mga nakagawaiang kaugalian, relihiyon, mga tradisyon ng lipunan o impluwensiya
ng mga mananakop.
Sa pag-aaral ng ating kasaysayan at sibilisasyon, tayo ay namulat sa patriyarkal na kalagayan o
ang higit na pagpapahalagang ibinibigay sa mga kalalakihan sa pamilya man o sa lipunan. Sa Asya o
sa ibang panig ng mundo, ang mga kababaihan sa sinaunang lipunan ay itinuturing na nasa mababang
antas na may pangunahing tungkulin na maging asawa at maging ina lamang.
May mga kababaihan din naman sa sinaunang panahon na nagpakita ng kanilang talino, husay
at galing ngunit hindi ito naging sapat upang pumantay sila sa pagtingin sa mga kalalakihan. Sa
madaling salita, ang mga kababaihan ay hindi binigyan ng mataas na pagpapahalaga sa sinaunang
lipunan.

Timog Asya
Ang epiko ng Ramayana na nakilala sa sibilisasyong Aryan ay isang kuwentong nagtatampok
ng kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang Timog Asya. Ipinapakita dito na ang babae ay
kailangang magpasailalim sa kanyang asawa, maging tapat at dalisay. Ang relihiyong Budhismo at
Hinduismo ay naging daan din ng mga kababaihan sa naging kalagayan nila sa pamilya at lipunan.
Ilan sa mga ito ay ang pagiging tapat at pagsuko sa lalaki sa lahat ng pagkakataon . Ipinagkait din sa
mga kababaihan ang pagtatamasa ng nirvana o tunay na
kaligayahan sapagkat makakamit lamang nila ito kung
sila ay magiging lalaki sa kanilang susunod na buhay o
reincarnation.
Sa India, pinairal ng mga Hindu ang Sati o
Suttee. Isa itong tradisyon kung saan boluntaryong
tatalon ang biyudang asawa sa nasusunog na bangkay ng
asawang lalaki. Naniniwala ang mga Hindu na ang
magbibigay ng magandang kapalaran sa pamilya kapag
sumama siya sa namatay na asawa.

5
Ipinatupad din ang pagsusuot ng purdah sa mga kababaihan. Ito ang tawag sa pagtatakip sa
buong katawan upang mga mata lamang ang makikita. Ayon sa tradisyon, hindi maaaring ipakita ang
kanilang mga mukha, makihalubilo at lumabas ng tahanan. Isinisisi din sa babae ang pagkamatay ng
asawa.
Sa pagpapakasal, nakagawian ng sinaunang lipunang Indian ang pagbibigay ng dote o dowry sa
babaeng kaniyang mapapangasawa. Maaari din itong ipasa sa kanyang magiging anak na babae. Ito ay
sa paniniwalang magiging dalisay ang babae sa kanyang asawa. Ang pagsuko at pagsunod sa asawang
lalaki ay kinakailangan dahil kapag hindi niya ito magampanan ay hindi siya makararating sa langit.
Samantala, ang mga babaeng hindi nag-asawa ay itinuturing na kasumpa-sumpa. Itinuturing din na
malaking kahihiyan ang pagkakaroon ng babaeng anak kung kaya’t nagsasagawa din sila ng female
infanticide o pagkitil sa buhay ng sanggol na babae.

ANG
KODIGO NI Ito ay nagtatakda ng batas sa mga kababaihan kung
MANU saan hindi pinapayagan ang Brahmin o pari na
makipagtalik sa isang mababang uri ng babae sa lipunan.
Hindi makakapunta sa langit ang sumuway dito. Ang dote
ay ipagkakaloob sa babae at ang mga ritwal na may
kinalaman sa kababaihan ay hindi kinikilala. Nakasulat sa
kodigong ito na tatlong beses ang tanda ng agwat ng edad
ng lalaki sa babae. Ang pagtutol ng ama ng babae sa
pagpapakasal ay isa ding malaking paglabag.

Mga Pamprosesong Tanong:

1.
Paano nakaimpluwensiya ang Hinduismo at Budhismo sa mga gampanin ng mga
kababaihan sa Timog Asya?
2. Sa paanong paraan bumaba ang pagtingin sa mga kababaihan sa India? Magbigay ng
isang sitwasyon na kanilang isinagawa.

Kanlurang Asya
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya ay mababa sapagkat ito ay itinatakda ng
relihiyong Islam. Kinikilala ang pagkakaroon ng maraming asawa o polygamy.
Isinasagawa din ng mga Muslim ang
kaugaliang purdah sa pamamagitan ng pagsuot ng
isang maluwag at mahabang damit na may kasamang
belo na tumatakip sa buong katawan o burka. Ito ay
tanda na sa lalaki lamang ang kanyang asawang
babae at pagmamayari niya ito.
Nakabatay ang papel ng mga babae at lalaki
sa Saudi Arabia sa Sharia (batas Islamiko) at
nakabatay ang batas sa Koran at hadith (mga turo ni
Muhammad). Sa bansang ito, kailangan ng isang
babae ng mag-aalagang lalaki na kadalasan ay ama,
kapatid o asawa nito. Isang tradisyon din ang Hijab o
paghihiwalay sa mga babae. Maaaring kasuhan ng prostitusyon ang babaeng nakikisalamuha sa
lalaking hindi niya kamag-anak.

6
Sa Islam, itinuturing na awrah (hindi dapat ihantad) ang mukha ng babae, ngunit sa Saudi
Arabia, maliban sa mata at kamay, ang buong katawan ang itinuturing na awrah. Hindi maaaring
makipag-ugnayan maging sa mga pagdiriwang ang mga babae sa mga lalaki. Marami silang
pamamaraan upang maihiwalay ang mga lalaki sa mga babae sapagkat pinoprotektahan nila ang
kadalisayan at karangalan ng babae sa pamilya.
ANG
KODIGO NI
Sa kodigong ito, itinaguyod ang maayos na kaugalian HAMMURABI
sa lipunan. Kabilang sa batas nito ang mababang pagtingin sa
mga kababaihan. Itinuturing ang mga babae na isang produkto
na maaaring ibenta at bilhin sa kalakalan. Ipinagkakasundo din
ang mga batang babae hanggang sumapit siya sa tamang
gulang kapalit ng pera at dote. Ang babaeng hindi tapat sa
asawa ay parurusahan ng kamatayan. Kung ang babae ay may
ibang lalaki, silang dalawa ay itatapon sa dagat. Hindi
pinapalahok ang mga babae sa kalakalan at maaari siyang
ibenta ng kaniyang asawa kasama ang kanyang mga anak.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Bakit isinasagawa ang pagsusuot ng purdah sa mga kababaihan? Ipaliwanag.


2. Ano sa palagay mo ang pagtingin sa mga kababaihan sa Kanlurang Asya? Bakit?

GAWAIN: Kopyahin ang Venn Diagram at punan ito ng impormasyon tungkol


pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon ng mga sinaunang kababaihan ayon sa
dalawang kodigo na iyong nabasa sa Timog at Kanlurang Asya. Isulat sa bilog na nasa
gitna ang pagkakatulad ng mga kodigo at sa pagkakaiba naman sa mga bilog na nasa
gilid. Gawin ito sa bukod na sagutang papel.

7
Hilaga at Silangang Asya
Sa Hilagang Asya, naniniwala sila sa mga diyosang teriomorphic o may anyong hayop na
pinatunayan ng mga petroglyph. Ito ay tumutukoy sa mga hayop at mga babaeng shaman na may
sungay. May mga ritwal din silang isinasagawa sa pangangaso na ginagawa ng mga babaeng walang
anak. Nakaatas sa mga kababaihan ang pagtitipon at paghahanda ng pagkain, pagpapalaki ng anak,
paghahabi at pagpapalayok.
Makikita naman sa Silangang Asya ang higit
na pagpapahalaga sa mga kalalakihan ayon sa
isinasaad ng pilosopiyang Confucianismo. Ang mga
lalaki lamang ang dapat na mamuno, mag-aral at ang
mga anak na babae ay isinasantabi lamang. Kailangang
magpasakop sa mga lalaki ang mga asawang babae.
Ang mga babae ay nasa tahanan lamang bilang asawa,
ina, at anak.
Sa Tsina, isinasagawa ang tradisyong foot
binding o pagbebenda sa paa ng mga batang babae ng
seda, bulak o paggamit ng bakal upang mapigilan ang
paglaki nito. Pinaniniwalaan nila na ito ay maganda at Larawan mula sa openendedsocialstudies.org
simbolo ng pagkamaharlika ng mga kababaihan. Dahil
dito, nababali at nag-iiba ang arko ng paa ng mga
babae.
Ang ganitong uri ng paa ay tinatawag na lotus feet at nangangahulugang ganap na pagsuko ng babae.
Sa pag-aasawa, ang pamilya ng babae ang magbibigay ng dote (dowry) sa kanyang mapapangasawang
lalaki. Nakaugalian din ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa o concubine at ang pagkakaroon ng
kontrata sa pag-aasawa sa pagitan ng pamilya o fixed marriage. Makikita ang ganitong sitwasyon sa
lipunang Tsino.
Sa Japan, kaugalian ng mga babae ang ganap na pagsuko, pagsilbihan ang kaniyang asawa at
alagaan ang kaniyang mga anak. Makikita ang pagiging mababa ng babae sapagkat kailangan niyang
ipaghain ang kaniyang asawa. Hindi niya ito maaring sabayan sa pagkain. Kakain lamang siya
pagkatapos ng kaniyang asawa. Ang babeng mahina ay may limang katangian gaya ng sumusunod:
mapagsuway, magagalitin, madaldal, madaling magselos at mapurol ang pag-iisip.
Sa Korea, nakilala ang mga kisaeng o mga babaeng nagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan.
Sila ay nagsasayaw, umaawit, at tumutugtog sa mga mahahalagang pagdiriwang upang aliwin ang
mga mamamayan at ang hari. Halos maihahalintulad din sa pamilya at lipunan ng mga tradisyunal na
kababaihang Tsino ang mga kababaihang Korean.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit higit na pinahahalagahan ng mga Tsino ang mga kalalakihan kaysa sa mga
kababaihan?
2. Paano itinuring ang kalagayan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Hilaga
at Silangang Asya sa sinaunang panahon?

Timog- Silangang Asya


Ang mga kababaihan ay pinaniniwalaang may kakayahan na makipag-ugnayan sa mga
espiritu. Iginagalang ang ganitong kakayahan ngunit kinatatakutan din sapagkat naniniwala sila na
maaaring magamit ito sa kasamaan at pananakit ng kapwa. Kaugalian din sa ibang bahagi ng rehiyon

8
ang pagbabayad ng bride price ng lalaki para sa kaniyang mapapangasawa.

9
Ang paninilbihan sa loob ng dalawa hanggang
tatlong taon upang “mabili ang babae” ay nakagawian
din na nagpapakita ng pagbibigay halaga sa
kababaihan. Sa ibang bahagi din ng rehiyon
isinasagawa ang matrilocal na pananahanan kung saan
ang lalaking ikinasal ay nakikipanirahan sa angkan ng
babae.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas, walang oportunidad ang mga kababaihan sa
edukasyon at pulitika. Sila ay sinasabing pantahanan
Larawan mula sa malyaritribe.wixsite.com
lamang. Ang mga babae ay tinuturuang magdasal, mag-
aalaga ng anak, magsilbi at gumawa ng iba pang
ng dote na maaaring pera, hayop, o gawaing bahay. Nauso din sa mga Pilipino ang pagbibigay
lupain.

Pamprosesong Tanong:

1. Sa paanong paraan isinagawa ang “paninilbihan” ng mga kalalakihan sa mga


kababaihan sa Timog Silangang Asya?
2. Paano ginampanan ng mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang mga tungkulin
sa lipunan sa sinaunang panahon?

GAWAIN: Kopyahin ang mga kahon at ibigay ang iyong mga pahayag sa mga
sumusunod na mga legal na kalagayan at tradisyon ng mga kababaihan sa sinaunang
Asya. Sang-ayon ka ba o hindi sa mga ito? Bakit? Ilagay ang iyong sagot sa papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong palagay naging makatarungan ba sa mga kakabaihan ang naging pagtingin


sa kanila noong sinaunang panahon. Ipaliwanag.
2. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang kalagayang legal at tradisyon
ng kababaihan?
10
Kababaihang Asyano sa Larangan ng Pamumuno at Pakikidigma
Mababa man ang pagtingin sa mga sinaunang kababaihan, may mga kakabaihang Asyano pa
rin ang matatapang na ipinakita ang kanilang kakayahan. Ilan sa mga ito ay sina Tz’u-his na mas
kilala
bilang Cixi. Tumulong siya sa naganap na Rebelyong Boxer sa
China at naging Empress Dowager. Si Fu Hao ay nakilala sa
pamumuno sa mga ekspedisyon at nagsimula bilang konsorte ni
Emperador Wu Ding. Namuno naman sa Japan si Emperadora
Sujun at ipinalaganap ang Budismo sa Hapon bilang pangunahing
relihiyon ng bansa.
Sa Pilipinas, bago
dumating ang mga Kastila,
mataas ang antas ng mga
kakabaihan. Maaari silang
maging pinuno ng mga barangay kung walang tagapagmanang
lalaki, manggagamot, pari, at astrologo. Ipinaglaban din nila
ang kanilang kahalagahan at nagkaroon ng mahalagang papel sa
pag- aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Ilan sa mga ito
ay sina
Larawan Melchora
mula Aquino
sa en.wikipedia.org at Gabriela Silang.
(Ci Xi)

Mataas man ang pagtingin sa mga kalalakihan sa sinaunang panahon, patuloy pa din
ipinapakita ng mga kababaihan ang kanilang lakas at talino sa maraming bagay. May iba ding
kababaihan ang nakilala sa larangan ng pagsusulat at pagpipinta.
Tradisyunal na Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan saLarawan
Asyamula sa commons.wikimedia.org (Melchora Aquino)
Limitado ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa sinaunang Asya. Itinuturing ang
mga kababaihan bilang mga “mabuting asawa” na isusuko ang sarili sa asawa at “mabuting ina” na
magsisilang ng anak. Sila ang nag-aalaga sa mga anak, nagsisilbi sa mga asawa, nagbabadyet,
gumagawa ng mga desisyon at istilo ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Makikita din na ang
pangunahing papel ng mga kakabaihan ay nakabatay sa konsepto ng relihiyon, pilosopiya, tradisyon at
paniniwala ng lipunan. Ito ang nagtakda sa papel at tungkulin ng mga kababaihan sa lipunan.
Sa pangkalahatan, malaki ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa sinaunang Asya.
Ang pananatili nila sa loob ng tahanan ay nagbigay daan sa pagpapanatili ng pagpapahalagang
Asyano at pagiging buo ng isang pamilya. Ang pagtupad ng mga kababaihan sa mahahalagang
tungkulin sa loob at labas ng tahanan ay naging daan din upang mapangalagaan ang kaayusan ng
lipunan at maisulong ang pag-unlad ng sinaunang kabihasnan. Masasabi rin na napakahalaga ng papel
na ginampanan ng kakabaihan sa tagumpay ng mga kalalakihan at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano ipinakita ng mga kababaihang Asyano sa sinaunang panahon ang kanilang


kakayahan?
2. Itinuring na “mabuting asawa” at “mabuting ina” ang mga kababaihan? Patunayan ito.

11
Pagyamanin

Sa pamamagitan ng Crossword Puzzle, hanapin at sagutin ang mga salitang tinutukoy sa mga pahayag sa ibaba.

Pababa (Down)
Pahalang (Across)

12
Isaisip

Narito ang mahahalagang pag-unawang nararapat mong tandaan tungkol sa aralin.

Panuto: Piliin at punan ang bawat patlang ng wastong salita upang mabuo ang pahayag. Isulat
ang sagot sa papel.
foot binding pamumuno kabihasnan relihiyon asawa lipunan

 Ang mga bahaging ginampanan ng mga sinaunang


kababaihang Asyano ay nakabatay sa konsepto ng ,
pilosopiya, paniniwala at mga tradisyon ng lipunan.
 Pantahanan lamang kung ituring ang mga sinaunang kababaihan
at may mababang antas sa .
 Ang pagsilbihan ang at alagaan ang mga anak ang ilan
lamang sa mga gampanin ng mga sinaunang kababaihan sa
Asya
 Ilan sa mga kalagayan ng mga kababaihan ay ang pagsasagawa
ng suttee, purdah, at .
 Mababa man kung ituring sa lipunan, may mga kababaihan na
nagpakita ng kanilang kakayahan sa larangan ng at
pakikipagdigma tulad nina Ci Xi at Gabriela Silang.
 Ang pagganap ng tungkulin ng mga kababaihan sa lipunan ang
nagbigay ng magandang epekto sapagkat napanatili ang mga
pagapapahalagang Asyano at napaunlad ang .

13
Isagawa

Layunin ng bahaging ito na mailapat ang mga pag-unawang iyong natutunan sa


aralin. Iugnay mo ito sa iyong personal na pananaw kakayahan, at kaisipan.

Paggawa ng Tula • Sa isang buong bond paper, gumawa ng isang malaya o may
tugmang tula na may tatlo hanggang apat na taludtod tungkol sa kahalagahan ng mga kababaihan.
Ipaliwanag ang nabuong output sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong tanong. Ibatay
ang pagbuo ng output sa pamantayan sa pagbibigay ng iskor.

Mga Pamprosesong Tanong:


Ano ang kaisipang nais mong ipahiwatig sa iyong nabuong tula?
Bilang isang Asyano, paano mo mapapahalagahan ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod n
Halimbawa: Ang iyong ina sa pagtataguyod ng inyong pamilya.

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor:

1. Pagkamalikhain at orihinalidad, 20
2. Kaangkupan ng mga salitang ginamit 20
3. Kalinisan at kabuuang dating ng output 10
Kabuuan 50

Tayahin

Bilang pagtataya sa antas ng iyong pag-unawa sa buong aralin, sagutin at isagawa ang sumusunod na mga gawain. Tand

A. TAMA O MALI:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ang relihiyong Budismo at Hinduismo ang naging gabay sa bahaging ginampanan ng
mga kababaihan sa lipunan sa Timog Asya.
2. Ang pagkakaroon ng anak na babae ng mga Tsino ay pinaniniwalaang hindi maganda at hindi
magbibigay ng karangalan at kayaman sa pamilya.

14
3. Sa relihiyong Islam sa Kanlurang Asya, hindi pinapayagan ang polygamy o ang pagkakaroon
ng maraming asawa ang mga kalalakihan.
4. Mababa ang antas sa lipunan ng mga kababaihan kaya walang nakilala sa larangan ng
pamumuno at pakikidigma.
5. Isinasaad ng Confucianismo na maaaring mamuno ang lalaki at babae sa lipunang Tsino
noong sinaunang panahon.

B. Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.
6. Ang mga kababaihang Asyano sa sinaunang panahon ay sumunod sa mga tradisyon at
paniniwala sa lipunan. Alin sa sumusunod ang isinasagawa ng mga kababaihan noon sa India?
a. paninilbihan b. fixed marriage c. foot binding d. suttee
7. Isa sa mga tradisyon ng mga Hindu ay ang pagtalon ng babae sa bangkay ng asawa nito. Ang
sumusunod ay mga paniniwala kung bakit ito isinasagawa maliban sa ?
a. maganda ang kapalaran sa pamilya c. sila ulit ang magkakatuluyan hanggang huli
b. mawawala ang mga kanilang kasalanan d. sila ay makakaakyat sa langit
8. Bakit ipinapagawa ang pagtakip sa katawan ng mga kababaihan sa Timog at Kanlurang Asya?
a. upang mas mahalin sila ng mga lalaki c. upang makakuha sila ng kanilang asawa
b. upang hindi makita ang kanilang balat d. upang maging artista sa bansa
9. Hindi inilalantad ang mukha ng mga babae sa relihiyong Islam. Bakit kaya hindi ito ipinapakita?
a. itinuturing itong lakas c. itinuturing itong awrah
b. itinuturing itong yaman d. itinuturing itong kagandahan
10. Ang pagbebenda ng paa sa mga kababaihan sa bansang China ay isa sa kanilang mga
tradisyon? Bakit kaya ito isinasagawa?
a. kailangan ito sa pamilya c. uso ito sa kanilang bansa
b. pang-akit ito ng mga kalalakihan d. simbolo ito ng pagkamaharlika ng babae
11. May mga kababaihang Asyano na nakilala din sa pamumuno. Sino ang namuno sa ekspedisyon na
nagsimula bilang isang konsorte sa Tsina?
a. Lady Min b. Fu Hao c. Ci Xi d. Sujun
12. Iba iba ang bahaging ginamapanan ng mga kababaihan sa Asya. Nakabatay ang mga
gampaning ito sa mga sumusunod na aspeto maliban sa .
a. relihiyon b. tradisyon c. paniniwala d. kagustuhan ng tao
13. Pantahanan lamang kung ituring ang mga sinaunang kababaihan. Nakatulong ba ito sa
pagpapanitili ng pagpapahalagang Asyano sa lipunan? Bakit?
a. Hindi, dahil hindi madami silang alam na kakayahan
b. Oo, dahil nagagampanan nila ang pag-aalaga sa anak at pagiging buo ng pamilya.
c. Hindi, dahil nawalan sila ng karapatan
d. Oo, ito ay angkop lamang sa kababaihan
14. Bumaba ang katayuan ng mga kababaihan sa Pilipinas ng dumating ang mga mananakop subalit
hindi ito naging hadlang upang gawin nila ang kanilang makakaya para sa bansa. Sino sa mga
sumusunod ang nagsilbing manggagamot sa panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
Kastila?
a. Gabriela Silang b. Melchora Aquino c. Maria Paz Quezon d. Leonor Rivera
15. Sa Hilagang Asya, ang mga kababaihan ay makikita lamang sa kanilang mga bahay. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa kanilang gampanin sa lipunan?
a. pamumuno sa pakikidigma c. pagsisilbi sa asawa at mga anak
b. pag-aasikaso sa mga anak d. pagpapalayok at paghahabi

15
Karagdagang Gawain

Paggawa ng Batas
Sa isang short bond paper, ikaw ay gagawa ng iyong sariling batas o kampanya para sa kababaihan.

Sitwasyon: Ikaw ang presidente ng isang grupo ng mga kababaihan sa isang bayan. Sa pagbubukas ng sesyon ay magh

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor:


1. Pagkamalikhain ng konsepto 15
2. Kalidad ng Impormasyon 15
3. Organisayon 10
4. Presentasyon 10
Kabuuan 50

16
 Batang, J. (2020). ASYA., JO-ES Publishing House, Inc., pp.336-342.
 Blando, Rosemarie C., et.al. (2014)., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba., Eduresources Publishing Inc., pp. 164-165.
 Cacanindin, Rowena., et.al. (2010)., Buhay na ASYA., Educational Resources
Corporation., pp. 93-98.
 De Jesus, Ruby, et. Al. (2014)., Araling Asyano., Educational Resources Corporation., pp.
114-118.

Elektronikong sanggunian

 https://www.bookwidgets.com/a/widgets
 https://bit.ly/slideshareMgaSinaunangKababaihansaAsya
 https://bit.ly/slidesharemgakodigoniManuatHammurabi
 https://thatagatgyansthli.com
 https://lrmds.depedldn.com
 https://wikiwand.com
 https://123RF.com
 https://tl.wikipedia.org
 https://commons.wikimedia.org
 https://openendedsocialstudies.org
 https://malyaritribe.wixsite.com
 https://en.wikipedia.org

17
18

You might also like