You are on page 1of 5

dkaugnayan ng Iba't ibang ideolohiya sa mga

malawakang kilusang nasyonalista


Ideolohiya
-isang sistema ng mga ideya at mithiin, lalo na ang isa na nagiging
batayan ng teorya at patakarang pang-ekonomiya o pampulitika.

-ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin


at pangangailangan ng mga mamayan ang ipinahahayag nito.

-Dalwang uri ng ideolohiya; IDEOLOHIYANG PANG-EKONOMIYA at


IDEOLOHIYANG PAMPOLITIKA

IDEOLOHIYANG PANG-EKONOMIYA
-Ito ay nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa. nakatuon
rin ito sa mga paraan ng paghahati ng kayamanan sa mamamayan.

IDEOLOHIYANG PAMPOLITIKA
-ito ay nakapokus sa paraan ng pamumuno sa bansa at paraan ng
pagpapatupad ng mamamayan.

INFO
-Iba't ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya. Ito ay ang Demokrasya
(democracy), Sosyalismo (socialism), Komunismo (communism) at
Pasismo (fascism).

DEMOKRASYA
-Ang demokrasya, nangangahulugan na pamumuno ng mga tao. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego na “demokratia”, na pinagsamang salita ng
“demos” (tao) at “kratos” (estado).

-Ito ay isang sistema ng pamahalaan na kung saan ang mga mamamayan


ng estado ay may awtoridad na pumili ng mga tao na maging mambabatas
na susulat ng mga batas, o ang mga tao na mamumuno sa bansa.
SOSYALISMO
Ang sosyalismo (socialism) ay isang panlipunan at pang-ekonomiyang
doktrina kung saan ang salik ng produksyon ay nasa ilalim ng
pangangalaga ng estado o ng pamahalaan.

Sa modernong anyo ng sosyalismo, ito ay isang kilusan na nagnanais na


mas mapahusay ang economic efficiency.

KOMUNISMO
Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal
na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng
produksyon

. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao ,walang mayaman o


mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.

PASISMO
Sa pasismo, ang isang karismatiko at diktador na pinuno ang karaniwang
namumuno sa partido at estado. Ang ano mang uri ng oposisyon ay
tinututulan ng pasimo, at gumagamit ng propaganda upang isulong ang
interes ng partido at namumuno at kontrolado ang lahat ng uri ng mass
media.

Ang pasismo ay sinasabi rin na tradisyunal o lumang pamamaraan ng


pamahalaan. Ang mga kilalang lider ng pasismo ay sina Adolf Hitler at
Benito Mussolini.

TIMOG ASYA
India

Pakistan

Sri Lanka

maliit na estado sa timog Asya


TIMOG ASYA
Higit na malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang
nasyonalista, sa Timog at Kanlurang Asya.

INDIA AT PAKISTAN

S a India, sa ilalim ng pananakop sa bansang Great Britain, maraming


Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at tradisyong
Hindu. Hindi tinanggap ng mga Indian ang pagbalewala at pag-alis sa
kanilang kultura.

-Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, isang nasyonalista, ang muling


pagbasa ng mga veda upang maging batayan ng pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Indian.

Hinangad din ng mga Indian ang pagkakaroon ng konstitusyon na


magbibigay sa kanila ng mas malaki at malawak na pagkakataong
makalahok sa pamamahala ng kanilang bansa.

Ang naging mabagal na pagkakaloob ng mga British sa mga hinihinging


pagbabago ang nagtulak sa mga Indian upang magplunsad at
magpalaganap ng isang kilusang rebolusyon.

S a bahagi ng ika-19 na siglo, ang militanteng nasyonalismo ay lumitaw


sa Europa. Nangangahulugan ito ng tuwirang mga digmaan ng mga
bansang Europa upang makamit ang kanilang mga layunin.

Pinangunahan ni Bal Ganghar Tilak ang tinawag na militanteng


nasyonalismo.

Ngunit, may mga Indian naman na nagpamalas ng moderatong


nasyonalismo sa pamumuno no Mohandas Gandhi.

Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong


konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral at pederal.
Ngunit, tinanggihan ito ng mga Muslim at Indian.Upang mabigyang
proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang
Muslim League noong 1906.
Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa
kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay na
bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na
naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.

SRI LANKA AT MALIIT NA ESTADO NG TIMOG ASYA


Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente
ng India sa loob ng isa't kalahating dantaon (1796-1947). Noong 1915,
itinatag nila ang Ceylon National Congress na unang partidong politikal.
Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. pinamunuan ni Don Stephen
Senanayake, ang itinuturing na "Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka," ang
pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng
pangkat-etniko.

KANLURANG ASYA

ISRAEL
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa pamamagitan
ng United States. Naging instrumental ang pamahalaan ng US sa
pagtulong sa mga Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad
sa pamamagitan ng Hudyo.

Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang


ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang
Zionismo sa Basel, Switzerland noong 1897 ni Theodor Herzl (1860-
1904), isang Austro- Hungarian.

Nagsimula ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang "lupaing


pangako." Libo-libong migranteng Hudyo ang pumunta sa Palestine at
doon ay muling nanirahan. Ikinagalit ito ng mga Palestiniang Arab.

Ang panahon ng partisyong ito (1920-1948) ay naging puno. ng


madudugong labanan sa pagitan ng mga Hudyo at Arab.

Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay ang ginawang


pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo na nasa Europe noong panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1944). Isinagawa ito ng Nazi
Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler. Ang pangyayaring ito ay tinawag
na holocaust, ito naging rallying point ng mga Hudyo at ng kanilang mga
tagasuporta.
Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14,
1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong
Ministro ay si David Ben-Gurion.

IRAQ
Naipasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na
pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang
makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.

Sumiklab ang mga nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang


mga hukbong British sa paggapi sa mga ito.

Ang kahilingang ito ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag


nila ang Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.

SAUDI ARABIA
Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz
Ibn Saud o mas kilala bilang Ibn Saud.

Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng
kilusang makabayan ng mga Arab.

Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia

Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong


monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol. Kontrolado ang pamahalaan ng
isang pamilya ng mga Saud.

Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan, at ugnayang internasional,


nagagawa rin ng mga taga-Saudi ang makipag powerplay sa politika.

You might also like