You are on page 1of 4

MASUSING PAARALAN: MATAAS NA PAARALAN NG MAYON BAITANG: 7- HERA

BANGHAY ASIGNATUR ARALING


GURO: SHEENA M. MANGAMPO A: PANLIPUNAN 7
ARALIN
PETSA AT
ORAS NG PEBRERO 11, 2020 (3:00-4:00) MARKAHAN: IKAAPAT
PAGTUTURO:
MARTES
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad
PANGNILALAMA at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
N Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad
B. PAMANTAYAN
at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong
SA PAGGANAP
Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa
C. MGA pagbibigay wakas sa imperyalismo. (AP7KIS-IVf-1.15)
KASANAYAN SA Mga Tiyak na Layunin:
PAGKATUTO 1. Naiisa-isa ang mga paraan ng mga Asyano upang maitaguyod ang nasyonalismo;
(Isulat ang code ng 2. Naiuugnay ang kahalagahan ng epekto ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon; at
bawat kasanayan) 3. Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagsulong at pag-unlad ng isang
bansa sa pamamagitan ng “appreciation card”.
Pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa
II.NILALAMAN
imperyalismo
III. MGA KAGAMITAN
Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano
A. SANGGUNIAN Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Modyul para sa Mag-aaral
1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang pang pp. 364-376
Mag-aaral
1. EASE II Modyul 9
3. Mga Pahina sa
2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.308-319
Teksbuk
3. * Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.154-173
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
Laptop, projector, LCD, speaker, mga larawan
Learning resources o
nilalaman
5. Iba pang
Kagamitang Panturo
III. PAMAMARAAN AVERAGE LEARNER
1. Panalangin
2. Pagtsek ng attendance

Gawain 1: Pagbabalik-aral
Pagbabalik-aral sa nakalipas na aralin tungkol sa epekto ng mga samahang kababaihan at
ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan.

I’m a Strong Independent Woman


A. BALIK-ARAL AT/O
Batay sa paksa ng nakaraang aralin, tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung paano
PANIMULA
nabago ng mga samahang kababaihan ang kalagayan nila sa lipunan. (Bago magsalita ang
mag-aaral, maaring magbigay ang guro ng gamit tulad ng korona o kapa sa mag-aaral
habang siya ay nagsasalita).

Mga gabay na tanong:


1. Ano-anong samahang pangkakabaihan ang nabuo sa Asya?
2. Bakit nabuo ang mga samahang ito?
3. Paano sila nakatulong sa pagbabago ng kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan?
B. Paghahabi sa Ilahad sa mga mag-aaral ang mga layunin ng paksang tatalakayin.
Layunin ng Aralin
Gawain 2: Bayan Ko
Ipakita ang isang video presentation tungkol sa awiting “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar.
(Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=dcpXq2qRc4M).
Pagkatapos maipakita ang video presentation, tanungin ang mga mag-aaral sa damdaming
kanilang nararamdaman habang pinapanood at pinapakinggan ang video presentation.
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kaya lubos na pinaglaban ng mga Pilipino ang pagkamit ng tunay na kalayaan?
2. Paano kaya ang buhay natin ngayon kung tayo ay nananatiling sakop ng ibang bansa?

Maaari ding gawin ang mga sumusunod bilang alternatibong gawain sa video
C. Pag-uugnay ng mga
presentation:
halimbawa sa bagong
Maglagay ng mga larawan tungkol sa mga pangyayari o bagay na may kaugnayan sa
aralin
nasyonalismo tulad ng:

Bandila lupang hinirang bayani


pakikipaglaban mananakop kalayaan

Sumangguni sa Appendix para sa mga mungkahing larawan.

Pamprosesong tanong:
1. Alin sa mga mabubuong ideya mula sa mga salita ang may kaugnayan sa
nasyonalismo? Ipaliwanag.

Gawain 3: Data Retrieval Chart


Inaasahan na naibigay na ng guro bilang takdang-aralin ang pagbabasa ng teksto tungkol
sa paksa.
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sipi (pahina 368-
372). Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang data retrieval chart tungkol sa kung
paano lumaya ang bansa sa Asya na nakaatas sa kanila.
Maaring bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral sa paghahanda ng gawain at 3 minuto
bawat pangkat para sa kanilang pagtatanghal
D. Pagtatalakay ng Pangkat 1 – China
bagong konsepto at Pangkat 2 – Indonesia
paglalahad ng bagong Pangkat 3 – Korea
kasanayan #1 Pangkat 4 – Burma (Myanmar)
Pangkat 5 - Pilipinas
Sumangguni sa Appendix para sa format ng data retrieval chart.

Pagkatapos gumawa ng Data Retrieval Chart ay ipaulat ito sa klase.


Pamprosesong tanong:
1. Anong mga hakbang ang naipakita ng mga Asyano upang makamit ang kalayaan?
2. Nagkapareho ba o nagkaiba ang paraan ng mga Asyano upang lumaya? Ipaliwanag.
Gawain 4: Charrades
Muling hatiin ang klase sa dalawa.
Atasan ang mga mag-aaral na magbigay sila ng 5 sitwasyon kung saan natatamasa nila ang
kalayaan bilang resulta ng nasyonalismo. Huhulaan ito ng kabilang pangkat. Upang mas
maging interaktibo, maaring palitan sa paghuhula ang dalawang grupo.
E. Pagtatalakay ng Halimbawa: Paggamit ng cellphone, paglalaro, pagsasalita, pag-aaral, at iba pa.
bagong konsepto at Maaari ding magbigay ng mga sitwasyon sa lokal na komunidad na nagpapakita ng
paglalahad ng bagong nasyonalismo tulad ng bayanihan, damayan, pagkakaisa at iba pa.
kasanayan # 2
Pamprosesong Tanong:
1. Maituturing ba ang nasyonalismo bilang mahalagang salik sa pagtamasa ng personal at
pambansang kalayaan? Patunayan.
2. Ano ang iyong mararamdaman kung sakaling ang mga natatamasa nating kalayaan sa
kasalukuyan ay muling maalis sa atin? Ipaliwanag.
Gawain 5: Group Chat
F. Paglinang sa Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng pahayag na kanilang ise-send sa isang group chat
kasama ang mga Asyanong nakipaglaban upang makamit ang kalayaan. Tanungin kung
Kabihasaan (Tungo sa
paano nila maipapakita ang pagpapahalaga sa pagpapanatili ng diwang nasyonalismo sa
Formative Assessment)
pagkamit ng pagsulong at pag-unlad ng kanilang bansa.
Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang “appreciation card” kung saan iisa-isahin
G. Paglalapat ng aralin ang mga paraan upang maipakita ang nasyonalismo o pagmamahal sa bayan sa pang-araw-
sa pang-araw-araw na araw na gawain bilang isang mag-aaral at bilang isang mamamayan.
buhay
Gawain 6: Generalization
Bumuo ng isang pinag-ugnay-ugnay na ideya batay sa konsepto ng nasyonalismo na
natalakay.
Halimbawa: Naipakita ng mga Asyano ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng
H. Paglalahat ng Aralin
______________________. Dahil dito, malaking bagay ang pagkamit ng kalayaan
sapagkat sa kasalukuyang panahon natatamasa natin ang _________________________.
Upang lubos nating mabigyang-halaga ang diwa ng nasyonalismo kailangan nating
_____________________.
Tama o Mali. Tukuyin kung ang pahayag ay wasto o hindi wasto.
1. Umusbong ang diwang nasyonalismo sa China matapos itong matalo sa Digmaang
Opyo at pagkakaroon ng sphere of influence ng mga Europeo sa China. (Tama)
2. Ang nasyonalismo sa Indonesia ay nagsimula noong pinagkalooban sila ng simbolikong
kalayaan ng bansang China noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Mali)
Pagtataya ng Aralin
3. Ang Korea ay nahati sa dalawa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Tama)
4. Nakaranas ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya
nagtatag sila ng kilusan laban sa Japan. (Tama)
5. Nagdeklara si Emilio Aguinaldo ng kalayaan sa pag-aakalang ipauubaya na ng mga
Espanyol ang pamumuno sa Pilipinas sa mga Pilipino. (Tama)

J. Karagdagang gawain
Takdang-aralin: Magsaliksik ng mga pagbabagong naganap sa sistemang politikal sa mga
para sa takdang-aralin
bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya.
at remediation

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. BILANG NG MAG-
AARAL NA
NAKAKUHA NG
80% SA
PAGTATAYA.
B. BILANG NG MAG-
AARAL NA
NANGANGAILAN
GAN NG IBA
PANG GAWAIN
PARA SA
PAGPAPAHUSAY
(remedial)
C. NAKATULONG BA
ANG
PAGPAPAHUSAY
(remedial)?
BILANG NG MAG-
AARAL NA
NAUNAWAAN
ANG ARALIN.
D. BILANG NG MGA
MAG-AARAL NA
PATULOY NA
NANGANGAILAN
GAN NG
PAGPAPAHUSAY
(remediation)
E. ALIN SA AKING
PAGTUTURO ANG
NAGING
EPEKTIBO?
BAKIT?
F. ANO-ANO ANG
NAGING
SULIRANIN NA
MAAARING
MALUTAS SA
TULONG NG
AKING
PUNONGGURO AT
SUPERBISOR?
G. ANONG
INOBASYON O
LOKALISASYON
SA MGA
KAGAMITAN ANG
GINAMIT/NATUKL
ASAN KO NA NAIS
KONG IBAHAGI
SA IBANG GURO?

Inihanda ni:

SHEENA M. MANGAMPO
JHS/Teacher I Sinuri ni:

DIVINA GRACIA A. TORNO


SHS/Master Teacher II Noted by:

JOCELYN GRACE H. DOB


Secondary Principal I

You might also like