You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN- IKAPITONG BAITANG

IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 2 – Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
IKAANIM NA LINGGO – UNANG ARAW

Seksyon bawat araw/ Pebrero 20, 2020


JLP 9:35-10:35
Oras ng Pagtuturo

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 Siglo)

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan
at Timog Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
*Naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at TimogSilangang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at
imperyalismong kanluranin - AP7KIS-IVb1.5
*Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya – AP7KIS-IVc- 1.6
*Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay –daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya - AP7KIS-IVc- 1.7
*Naipapaliwanag ang mga iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya - AP7KIS-IVc1.8
*Naihahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo - AP7KIS-IVd- 1.9
I. MGA LAYUNIN
1. Nasusuri at naipaliliwanag ang ginawang pagyakap ng Japan sa modernisasyon sa panahon ng
Meiji Restoration.
2. Naiisa-isa ang mga aspetong niyakap ng bansang Japan sa panahon ng modernisasyon upang
mapaunlad ang sarili nito.
3. Natatalakay ang mga paraan ng pamumuhay ng mga kanluranin na tinularan ng bansang Japan
upang makatulong sa pag-unlad nito.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA (Japan)
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Modyul, Batayang Aklat, Mga Larawan
C. Sanggunian: Modyul: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 353-354

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
- Maglahad ng mga pangyayari na nagpa-usbong ng nasyonalismo sa
China?
2. Pagganyak (Halo- Ayos- Salita)
Ayusin ang mga titik sa tiyak nitong pagkakasunod-sunod upang mabuo ang
mga salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad
- Isa-isahin ang mga hakbang na ginawa ng mga Hapones sa pangunguna ni
Mutsuhito.
2. Pagtatalakayan
2.1 Pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikitungo ng Japan at China sa mga
Kanluranin.
2.2 Modernisasyon o Meiji Restoration
2.3 Pangkatang Gawain (Ilarawan ang Ekonomiya, Edukasyon at Sandatahang
Lakas ng Japan noong Panahon ng Modernisasyon)

3. Paglalahat

- Ilahad kung anong uri ng pamumuhay ang tinularan ng mga Hapones sa mga
Kanluranin na nakatulong sa kanilang pamumuhay?

4. Pagpapahalaga
- Nakatulong ba sa Japan ang modernisasyon? Pangatwiranan.

5. Paglalapat

- Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba sa isinagawa ni Mutsuhito na


pagbubukas sa Japan sa mga pagbabagong hatid ng modernisasyon? Ipaliwanag.

6. Pagtataya
- Maikling Pagsusulit

IV. TAKDANG ARALIN

- Basahin ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya. Pahina 356-359

You might also like