You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan del Sur
TRENTO NATIONAL HIGH SCHOOL
Trento, Agusan del Sur

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


KWARTER 2 - Yunit 4, Aralin 1
Inihanda ni: Irine C. Migue
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga
hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan
at Timog- Silangang Asya sa Transisyonal at makabagong Panahon (Ika-16
hanggang Ika-20 Siglo)

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya
saTransisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang Ika-20 Siglo)

Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng pagpasok ng mga Kanlurang
bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang kolonya o kapangyarihan sa
Silangan at Timog- Silangang Asya.

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga bansang nagkaroon ng sphere of influence sa China;
b. naisasalaysay ang mga pangyayaring nag-udyok sa mga Kanluranin sa
pagpapatupad ng sphere of influence at open door policy sa China.
c. nasusuri ang mga epekto ng patakarang sphere of influence at open door policy na
ipinatupad ng mga Kanluranin sa China.

II. Mga Nilalaman:


Paksa: Imperyalismo sa China

Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,


pahina 330 - 333

Mga Kagamitan: Visual Aids, Map, Flaglets, Pictures

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

Pagganyak (Simon Says)


 Bago sisimulan ang aralin, gaganyakin ng guro ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
isang laro na tinatawag na “Simon Says!”

Alituntunin ng Laro:
 Sa larong ito, gagampanan ng guro ang papel bilang Simon na tagapag-utos. Ang mga mag-
aaral naman ay gaganap bilang mga alipin ni Simon na tagagawa ng lahat ng kanyang utos.
Lahat ng utos ni Simon ay tila batas na kinakailangang sundin.
 Si Simon ay magbibigay ng utos sa kanyang mga alipin sa pamamagitan ng pagbigkas ng
katagang “Simon Says”. Kapag ang katagang “Simon Says” ay hindi binigkas ni Simon sa
pagbibigay ng kanyang utos, ang mga alipin ay hindi pahihintulutang gumalaw o gumawa ng
kahit ano mang kilos.

Presentasyon ng Aralin
 Iuugnay ang kabuluhan ng laro sa paksang tatalakayin at ilalahad sa mga mag-aaral ang mga
layuning kinakailangang matamo.

Paghahawan ng mga Balakid


 Ipapaliwanag ng guro ang talasalitaan ng mga salitang mahirap maunawaan sa paksang tatalakayin.

Talasalitaan
 Kowtow - Ang paggalang ng mga Tsino sa kanilang emperador sa pamamagitan ng pagyuko ng
tatlong beses na humahalik sa sahig gamit ang noo.
 Isolationism - Ang patakaran ng isang bansa na hindi makisali o sadyang humiwalay sa mga
kaganapan sa ibang bansa lalo na sa mga usaping politikal.
 Opyo - Isang halamang gamot na kapag inabuso ay magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
(Integration to Health)
 Extraterritoriality - Isang batas na nagsasaad na kapag ang isang British ay nagkasala sa China, sila
ay maaaring litisin lamang sa korte ng British.
 Sphere of Influence - Ang pagkontrol ng mga Kanluraning bansa sa ekonomiya at pamumuhay ng mga
mamamayan sa iilang lugar sa China.
 Open Door Policy - Ang pagbukas ng isang bansa sa malayang pakikipagkalakalan sa ibang
bansa.

B. Gawain (Activity)

Unang Gawain: Mapa - Nakop! (Map Analysis)


 Ipapaskil ng guro sa pisara ang mapa ng sphere of influence sa China taong 1910.
Tutuklasin ng mga mag-aaral kung ano-anong mga bansang kanluranin ang naghati-hati sa
China sa iba’t ibang sphere of influence sa pamamagitan ng pagsuri sa mapa.
 Tutukuyin din ng mga mag-aaral ang mga lugar sa China na kinontrol ng iba’t ibang
kanluraning bansa sa pamamagitan ng mga flaglets na ididikit sa mapa.

Gabay na mga tanong:


1. Ano-anong mga kanluraning bansa ang nagkaroon ng sphere of
influence sa China?
2. Ano-anong mga lugar sa China ang kinontrol ng mga kanluraning bansa
bilang bahagi ng kanilang sphere of influence?
3. Batay sa mapa, anong kanluraning bansa ang mayroong pinakamalawak at
pinakamaliit na sphere of influence sa China?
4. Ilang porsyento sa lupain ng China ang kinontrol ng mga Kanluranin?
(Integration to Mathematics)

Ikalawang Gawain: #KWENTOhanTayo! (Story Making)


 Layunin ng gawaing ito na malinang ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa
pagsusuri ng mga pangyayari at pagpapalawak ng kanilang mga imahinasyon. Ito ay
maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga larawan at pagbuo ng isang
kwento.
 Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang haka-haka sa pamamagitan ng paglikha ng isang
maikling kwento hinggil sa mga dahilan at mga pangyayaring nag-udyok sa mga
kanluranin sa pagpapatupad ng sphere of influence at open door policy sa China.
 Sa pagsasagawa nito, hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng mga larawan upang sila ay magabayan sa pagbuo ng kanilang kwento.
 Ang lilikhaing kwento ay nakabatay lamang sa kanilang pag-unawa o interpretasyon sa
mga larawan.
 Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang tagapagsalayay ng kwento o storyteller upang
ibahagi sa klase ang kwento na kanilang nabuo.
 Matapos ang pagbabahagi ng bawat pangkat, isasalaysay ng guro ang tunay na kuwento sa
pagpapatupad ng sphere of influence at open door policy sa China
C. Pagsusuri (Analysis)
Gabay na mga tanong:
1. Bakit naganap ang digmaang opyo?
2. Bakit nahati-hati ang China sa iba’t ibang sphere of influence?
3. Bakit ipinilit ng United States na maipatupad sa China ang open door policy?
4. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Tsino ang pagkontrol sa mga
Kanluranin sa China?

D.Paghahalaw (Abstraction)

 Magkakaroon ng pagbubuod sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng pagpupuno sa patlang upang


mabuo ang diwa ng paksa.

Sa loob ng mahabang panahon, ipinatupad ng China ang _________. Ito ay ang


paghihiwalay ng kaniyang bansa mula sa daigdig. Subalit ng matalo ang China sa mga digmaang
___________, unti-unting humina ang katatagan ng China. Sinamantala ito ng mga
_______________ at tuluyang sinakop ang bansa. Upang maiwasan ang ____________ , hinati ng
mga Kanluranin ang China sa iba’t ibang _____________ of _______________. Nangamba ang
United States sa posilidad na isara ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang
sphere of influence kaya iminungkahi nito ang ______________ _______________ policy. Dahil sa
patakarang sphere of influence at open door policy, napanatili ng China ang kaniyang kalayaan
subalit nanatiling kontrol ng mga mananakop ang kanilang ekonomiya.

E.Paglalapat (Application)

COLOR CODING
 Ang guro ay magbibigay sa mga mag-aaral ng mga pagpipiliang kulay. Ang bawat kulay ay may
kahulugan batay sa mga pagpapahalaga na maaari nilang maisabuhay. Ito din ay may mga tanong
hinggil sa paksang tinalakay. Ang mga tanong na sasagutan ng mga mag-aaral ay nakabatay sa kulay
na kanyang pinili.

WHITE - Kabutihan
Isinasagawa ng mga Tsino ang ritwal na kowtow bilang paggalang nila sa kanilang emperador.
Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa Pangulo ng ating
bansa?

GREEN - Kaunlaran
Sa loob ng mahabang panahon ay ipinatupad ng China ang isolationism, ang paghihiwalay
ng isang bansa mula sa daigdig. Sa iyong palagay, makakatulong ba sa kaunlaran ng isang bansa ang
hindi pakikisali sa kaganapan ng mundo?

YELLOW - Kadakilaan
Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa
kalusugan. Halimbawa, nalaman mo na ang iyong matalik na kaibigan ay gumagamit ng ipinagbabawal
na gamot. Ano ang iyong gagawin upang siya ay matulungan?

BLUE - Kapayapaan
Humina ang katatagan ng China noong sila ay matalo sa Digmaang Opyo. Sa kasalukuyan,
ang ating bansa ay nahaharap sa sigalot laban sa China dahil sa agawan sa teritoryo. Sa iyong
pananaw, ano ang nararapat gawin ng pamahalaan upang mangibabaw ang kapayapaan?

RED - Katarungan
Ipinagkaloob noon sa England ang karapatang extraterritoriality sa China. Sakaling ito ay
ipapatupad sa ating bansa, papayag ka ba o hindi? Bakit?

ORANGE - Katatagan
Sa kasalukuyan ang China ay isang matatag na bansa sa kabila ng hirap na kanilang pinagdaanan.
Kung ikaw ay makakaranas ng hirap at kabiguan, ano ang iyong gagawin upang maging matatag?

IV. Pagtataya

I. Sequencing of Events

Panuto:
Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan batay sa mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng mga
Kanluranin sa China. Isulat ang bilang 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10 ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod.

________1. Natalo ang China sa mga digmaan at humina ang katatagan nito.
________2. Naganap ang digmaang mga opyo.
________3. Sa loob ng mahabang panahon ipinatupad ng China ang isolationism.
________4. Ipinagbawal ng emperador ng China ang pagpasok ng opyo sa kanilang bansa.
________5. Sinamantala ng mga Kanluranin ang paghina ng China at tuluyan itong kinontrol.
________6. Nagalit ang England sa pagbabawal ng China sa Opyo kaya nagdeklara ito ng digmaan.
________7. Nangamba ang United States sa posilidad na isara ang China sa pakikipagkalakalan sa
ibang bansa na walang sphere of influence.
________8. Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga Kanluranin, hinati ang China sa iba’t
ibang Sphere of Influence.
________9. Iminungkahi ng United States ang open door policy.
________10. Dahil sa patakarang sphere of influence at open door policy, napanatili ng China ang
kaniyang kalayaan subalit nanatiling kontrol ng mga mananakop ang kanilang ekonomiya.

V.Takdang Aralin

Punan ng impormasyon ang Data Retrieval Chart.

Bansang Bansang Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto ng


Nasakop Nakasakop Pananakop Pananakop Ipinatupad Pananakop
JAPAN

RUBRIK SA PAGGAWA NG KWENTO

You might also like