You are on page 1of 16

Quarter 3

ARALING
PANLIPUNAN 7

Bb. Sarah Pauline M. Hernandez


AP Teacher
Araling Panlipunan 7
Week 3-4
Nasyonalismo sa Asya
Ang pananakop, pagsasailalim ng kapangyarihan, at pagsasamantala ay ilan lamang sa mga hindi
makatarungang ginawa ng mga kanluraning bansa sa Asya na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo dito.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay ang damdaming makabayan na maipakikita sa pamamagitan ng matinding pagmamahal
at pagpapahalaga sa Inang-bayan (Kabihasnang Asyano. Edisyong SEDP). Mayroong dalawang uri ng nasyonalismo sa
Asya, ang Defensive Nationalism o Mapagtanggol na Nasyonalismo tulad ng mga pangyayaring naganap sa Pilipinas
at Aggressive Nationalism o Mapusok na Nasyonalismo na naisakatuparan naman sa bansang Japan.
Mga Manipestasyon ng Nasyonalismo

✓ Pagkakaisa. Makikita ito sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan batay sa


kanilang kultura, saloobin, at hangarin.
✓ Pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bayan.
✓ Pagiging makatuwiran at makatarungan.
✓ Ang kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan ay maituturing na pinakamahalagang
manipestasyon ng nasyonalismo.

Ngayon, tunghayan na natin ang mga manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog Asya.

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya - Nasyonalismo sa India


Ang nagbigay-daan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansang India ay nangyari noong panahon ng pananakop
ng mga Ingles sa kanilang bansa. Sa kanilang pakikihamok na ginawa laban sa mga Ingles ay dumaan muna sila sa
pagaalsa, rebolusyon, at reporma bago nakilala sa kasaysayan ng India ang “Pag-aalsa ng Sepoy” noong 1857-1859.
Ang mga “Sepoy” ay ang mga sundalong Indian na tumutol dahil sa racial discrimination na kanilang naranasan mula
sa mga Ingles.
Ang pag-aalsang ginawa ng mga Indian laban sa mga Ingles ay dahil sa sumusunod:
1. Kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan;
2. Sapilitang pang-aagaw ng mga lupain ng mga awtoritadong Ingles; at
3. Kawalan ng respeto sa kanilang mga kinagisnang kaugalian at tradisyon.

Ang rebelyon ay pinagsanib na lakas at tapang ng mga Hindu at Muslim na Sepoy na pinangunahan nina Nana
Saheb, Tantia Tapi, at Rani Lakshmi ng Jhansi na kilala bilang Mandirigmang Prinsesa. Hindi nagtagumpay ang
Rebelyong Sepoy dahil tinulungan ng mga Hindu collaborator, Sikh, Gurkha at katutubong prinsipe ang mga sundalong
Ingles.
Bukod sa mga pag-aalsang ginamit ng mga nasyonalistikong Hindu, gumamit din sila ng mga peryodiko at
pahayagan upang maipahayag ang kanilang mga opinyon, damdamin, at mga adhikain ukol sa mga pananakop ng mga
Ingles. Kabilang sa mga babasahing ito ay ang Hindoo Patriot, Amrita Bazar Patrika, at Bengalee na nalathala noong
1870.
Batay sa isang repormistang Hindu na si Gopal Krishna Gokhale, nakikita nila na ang India ay isang
industriyalisadong bansa, malaya sa panlipunang aspeto, at may sariling pamahalaan na naging dahilan ng mga
repormistang mamamahayag upang isulong na magkaroon ng sariling pamahalaan para labanan ang pamamahala ng
mga Ingles. Samakatuwid, nakasalalay sa mga mamamahayag ang kalayaan ng India mula sa mga mananakop na Ingles
kung magkakaroon sila ng sariling pamahaalan para tuluyang makahiwalay sa pamamalakad ng mga Ingles.
Noong 1907, nakamit nila ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga repormang pampolitika.
Noong taong 1909, nagkaroon naman ng inderektong paghawak ng mga posisyon ang mga Hindu sa Kongreso sa
pamamagitan ng Indian Council Act. Subalit naging dahilan ito ng pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga Hindu
at Muslim dahil natakot ang mga Muslim para sa kanilang katutubo at panrelihiyong kalinangan.
Ang Ahimsa at Satyagraha sa India
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lidernasyonalista sa India para makamit ang kanilang kalayaan. Nakilala
siya bilang Mahatma, isang salitang Sanskrit na nangangahulugang “Dakilang Kaluluwa” dahil sa kaniyang mapayapang
pamamaraan ng paghingi ng kalayaan o nonviolent means mula sa mga mananakop na Ingles. Isa siya sa nanguna sa
pagsulong para tutulan ang pamamahala ng mga Ingles sa kanilang bansa.
Binatikos niya ang ilan sa mga patakarang ipinatupad ng mga Ingles na taliwas sa kanilang kultura tulad ng pag-
aalis sa iba't ibang uri ng diskriminasyon sa mga untouchables at sa sistema ng pagpapatiwakal ng mga babaeng biyuda
(suttee o sati). Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide o pagpatay sa mga bata o sanggol babae. Naging
dahilan ng pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Indian ang naranasan nilang di-pantay na pagtingin sa
kanilang lahi o racial discriminaton, na naging dahilan ng pag-aalsa ng mga sepoy na kilala sa katawagang Rebelyong
Sepoy.

Suttee o sati - pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
Female Infanticide - pagpatay sa mga bagong silang na sanggol na babae.
Racial Discrimination - hindi pantay na pagtingin sa lahi ng mga Indian o pagtatangi ng mga lahi.
Amritsar Massacre - Pamamaril ng mga sundalong Ingles sa mga sundalong Indian o mga Sepoy sa isang
selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919.

Naniniwala si Mahatma Gandhi sa Ahimsa o walang karahasan. Kilala ang pamamaraang ito bilang passive
resistance o non-violent, kung saan kailangang sabayan ng mapayapang paraan ng paghawak sa katotohanan o
satyagraha. Ang satyagraha ang paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal, meditasyon, at pag-aayuno. Ito’y
paniniwalang Hindu na kung sila'y sasaktan ng mga mananakop, ang mga ito ay hindi patutulugin ng kanilang mga
konsensya hanggang mapagtanto nila na ang kanilang mga ginawa ay mali at hindi mabuti.
Ang pagpepenitensiya at pag-aayuno ang ilan sa mga ginamit na paraan ni Mahatma Gandhi upang makatawag
pansin ng mga dayuhan. Hinimok din niya ang mga taga-India na huwag tangkilikin ang mga telang produkto ng mga
Ingles. Nanawagan din siya ukol sa civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan na isa ring paraan para
maparalisa ang maraming negosyo ng mga Ingles. Dahil sa mga pamamaraang ito ay napapayag nila ang Britanya sa
kanilang mga kahilingan katulad ng karapatan at kalayaan sa pamamahayag lalong-lalo na ang magkaroon ng higit na
partisipasyon sa pamahalaan.
Nagtagumpay man sa kalayaang minimithi mula sa mga mananakop na Ingles ay hindi pa rin napag-isa ang
mga Hindu at Muslim dahil nais ng mga Muslim na magkaroon ng isang estadong hiwalay sa India. Sa pamumuno ni
Mohammed Ali Jinnah, nakamit ng Pakistan noong Agosto 14, 1947 ang kalayaan mula sa India. Nakilala siya bilang
“Ama ng Pakistan” at siya rin ang naging Gobernador-Heneral ng bansa matapos makamit ang kalayaan mula sa mga
Ingles. Nakamit ng bansang India ang kanilang kalayaan noong Agosto 15, 1947 ng ideklara ng mga Ingles ang
Republika ng India o Indian Republic. Lumaya sila sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru, matalik na kaibigan at kapanalig
ni Mohandas Gandhi. Siya rin ang unang naging Punong Ministro ng India.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya


Ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad nang ipinakita ng mga taga-
Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang kanilang damdaming nasyonalismo sa
kadahilanang karamihan sa kanilang mga bansa ay sakop pa ng Imperyong Ottoman na pinamumunuan ni Osman na
naghari mula taong 1350-1683. Bago pa man sakupin ng mga Kanluraning bansa ang Kanlurang Asya ay naipatupad na
dito ang sistemang mandato. Unti-unting nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na makamit ang kalayaan mula
sa Imperyong Ottoman at mga Kanluraning bansa.
Bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan na ng
mga Arabo, Iranian, at mga Turko.
Ang unang bansa sa Kanlurang Asya na nakalaya mula sa mga mananakop ay ang bansang Kuwait noong 1759.
Natamo naman ng bansang Lebanon ang kanilang kalayaan noong 1770 mula sa Imperyong Ottoman at naging ganap
na republika sa ilalim ng mandato ng bansang France noong 1926.
Isa si Mustafa Kemal na hindi pumayag sa kasunduang hatiin ang Imperyong Ottoman sa pagitan ng Italy at
France matapos ang kanilang digmaan noong 1911-1912. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong
Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000
Italyanong naitaboy, at 200 ang nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga Italyano. Si Mustafa ang
nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga kanluraning bansa
tulad ng France, Britain, Greece, at Armenia. Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parliamento na
siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand National Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay daan upang
ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey. Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand
National Assembly kasama ang mga Kanluranin ay lumagda sa isang kasunduan na tinawag na Treaty of Luasanne
na kumikilala ng kalayaan ng Turkey. Si Mustafa Kemal ang unang nahalal na pinuno ng Bagong Republika at tinawag
siyang Ataturk na nangangahulugang Ama ng mga Turko.
Pinamunuan ni Ayatollah Ruhollah Khomeini ang bansang Iran at ibinalik niya ang mga paniniwala at
tradisyong Islam na naisantabi dahil sa modernisasyon sa panahon ng pamumuno ni Mohammed Reza Pahlavi. Kasama
siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at ang
tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos. Si Ayatollah rin ay gumawa
ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga
makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si
Ayalollah na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa.
Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa
pamunuang mayroon ang kaniyang bansa. Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng
Rebolusyong Islamic noong 1979 at mapatalsik ang Shah ay muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggap
ng mga mamamayan.
Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sinikap ng
mga Ingles na mapalapit sa kaniya, ngunit hindi nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali na si
Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si Husayn at idineklara ang kaniyang sarili bilang
hari ng Hejaz at Nejd. Pagkatapos matipon ang halos kabuoan ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn Saud ang
kaniyang kaharian ng bagong pangalan, naging Saudi Arabia, mula sa pangalan ng kaniyang angkan. Nagtagumpay
siyang mahimok ang mga Nomadikong tribo o pangkat-etniko na maisaayos ang kanilang pamumuhay at iwasan ang
gawaing panggugulo at paghihiganti. Sa kaniyang pamumuno nawala ang nakawan at pangingikil na nangyayari sa
dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina.
Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos noong 1936 at 1939
upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia. Pinatunayan ng bansa na ang mina ng langis ang pinakamayaman
sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-unlad.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay nanatiling neutral ngunit di rin naiwasan na siya
ay minsang pumabor sa mga Allies. Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab Israel noong 1948. Pinalitan siya
ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud.
Tunay na maraming lider Asyano sa Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging makabayan, nagpunyagi, at
nagtagumpay na matamo ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.

Sistemang Mandato. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at
isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang europeo. (Mateo et.al., Asya: Pag-usbong
ng Kabihasnan)

Gawain 1: Kilalanin ang nasyonalistang lider na nilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang pangalan ng lider sa sagutang
papel.

1. Hindi siya pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong 1911-1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman.
2. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia at nagbigay pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos na magkaroon ng
oil concession sa Saudi Arabia.
3. Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa Shah ng Iran sa pagsuporta nito sa Israel.
4. Ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey.
5. Sa kaniya ring pamumuno nawala ang mga nakawan at pangingikil na nangyayari sa pilgrimage sa Mecca at Medina.

Gawain 2: Ipaliwanag ang salitang Nasyonalismo. Sumulat ng isa o higit pang pangungusap upang ipaliwanag ang
salita.

NASYONALISMO ______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.
Gawain 3: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang ginamit ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kaniyang pagtutol
sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido-politikal o samahang Makabayan
2. Nagpatupad ng mga pagbabago ang mga Ingles sa lipunan at pamahalaan ng India. Alin sa sumusunod ang
pagbabagong HINDI katanggap-tanggap para sa mga Indian?
A. Pagsasaayos ng transportasyon at komunikasyon.
B. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles.
C. Paglipat ng sentro ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying dagat.
D. Pag-iral ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
3. Ano ang naging dahilan ng ginawang pag-aalsa ng mga sundalong Sepoy laban sa mga Ingles noong 1857?
A. Pagnanais na mapalaya ang kanilang bansa sa ilalim ng England.
B. Kawalan ng respeto ng mga Ingles sa kinagisnang kaugalian at tradisyon ng India.
C. Makatarungan ang ginawang pakikialam ng England sa kanilang paniniwala.
D. Panghihimasok ng mga Ingles sa pamamahala ng kanilang bansa at maging sa kanilang pamumuhay.
4. Nakilala bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”. Naging inspirasyon siya ng marami dahil sa tahimik at
katangi-tanging pamamaraan upang matamo ng India ang kalayaan mula sa mga Ingles. Sino ang tinutukoy sa
pahayag?
A. Ali Jinnah C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal
5. Paano isinasagawa ang Satyagraha?
A. Pagdarasal C. Meditasyon
B. Pag-aayuno D. Lahat ng nabanggit
6. Ano ang dahilan kung bakit buong pusong isinasagawa ang sati sa India?
A. Paniniwala na ito ay naglilinis ng kasalanan ng lalaki maging ang kanyang biyuda
B. Makakamit ng mag-asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.
C. Tradisyon at bahagi ng kanilang kultura
D. Lahat ng nabanggit
7. Anong tawag sa puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang pwersa ng armas?
A. Ahimsa C. Samsara
B. Karma D. Sudra
8. Ano ang kasunduang kumilala sa Kalayaan ng Turkey sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Mandate C. Treaty of Paris
B. Treaty of Lausanne D. Treaty of Versailles
9. Sino ang nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila ng kagustuhan ng mga Kanluraning
bansa na ito ay paghati-hatian?
A. Ayatollah Ruhollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Sau D. Mustafa Kemal
10. Nangangahulugan ito na ang isang bansa ay naghahanda na maging malaya at isang nagsasariling bansa na
mapapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo. Ano ang tawag sa sistemang ito?
A. Commonwealth C. Treaty
B. Mandate D. Truce

Gawain 4: Lagyan ng tamang impormasyon ang bawat kahon. Magbigay lamang ng tig-isang impormasyon sa
bawat hinihinging impormasyon.
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Rehiyon Bansa Dahilan ng pagpapakita ng Pamamaraang Ginamit upang
Nasyonalismo matamo ang Kalayaan
Timog Asya
Kanlurang Asya
Araling Panlipunan 7
Week 5-6
Ang Pagwawakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
NASYONALISMO
Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi, kasaysayan, kultura,
wika, at pagpapahalaga. Sa Asya, ang nasyonalismo ay nagsilbing isang matibay na reaksiyon laban sa imperyalismo at
kolonyalismong dumating sa iba’t ibang panig ng rehiyon nito.Ang Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa ay
tinatawag na nasyonalismo. Ang nasyonalismo din ay isang damdamin na naghahangad ng pambansang kaunlaran at kasarinlan.
Isinaalang-alang nito ang kapakanan ng bansa. Sa pampulitikang pananaw, nangangahulugan ito ng kusang pagkilos laban sa
anumang banta ng pananakop maging sa pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura. Mahalaga ang damdaming ito sa
pagpapanatili ng katatagan ng isang bansa o estado. Ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng kanluraning daigdig noong ika-
19 na dantaon. Ang damdaming ito ay nakalikha ng pambansang pagkakaisa, kalayaan, at pagsulong. Ang damdamin ding ito ang
naging pangunahing dahilan ng mga pandaigdigang himagsikan – ang Una at Ikalawang Digmaan.
Kung tutuusin, nailalahad ito sa mga karanasan nina Gandhi, Sun Yat-Sen, Dr. Jose Rizal at maging ni Andres Bonifacio.
Bukod sa kanila, sina Kemal Ataturk ng Turkey, Reza Pahlavi ng Iran, at Chulalongkorn ng Thailand ay nagsulong din ng
nasyonalismo sa kanilang mga bansa sa panahon na may matindi banta sa kanilang mga lugar. Ang mga ito ay halimbawa ng
nasyonalismo na lumitaw bunga ng kolonyalismo at imperyalismo bilang tugon nating mga Asyano. Maraming anyo ang
nasyonalismo. Bawat bansa ay may pamamaraan upang maipakita ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga taong
naaapi.
Timog Asya
Nang matagumpay na masakop ng mga English ang India, ito na rin ang dahilan upang unti-unti ay magkaroon ng
kamulatan at kaisahan ang mga Indian. Sa kabila ng maraming wika at iba’t ibang pananampalataya, nagkaisa sila laban sa mga
English na naging sagabal sa kanilang pag-unlad at pagbubuo ng isang malayang bansa.
India
Sepoy Mutiny. Naganap noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng:
a. abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay ng mga batang babae.
b. malalim ang pagkakaiba ng mg Ingles sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon sanhi
ng hindi pagkakaunawaan.

Ito ang unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban
sa mga English. Ang mga Sepoy ay mga sundalong Hindu mula sa hukbong
kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857. Mga sundalo na
lumaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at
makabubuti sa marami.
Amritsar Massacre. Isang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng Ingles at Indian. Ang pamamaril ng mga sundalong
Ingles sa grupo ng mga Indian sa isang selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919 na kung saan 400 Indian ang namatay at 1200
Indian ang nasugatan. Kapwa bumuo ng sariling samahan ang Hindu at Muslim.

Hindu
Indian National Congress. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya.
Ito ay sa pangunguna at paggabay ng Ingles na si Allan Octavian Hume noong 1884-1885. Binuo ng mga propesyonal na Hindu
na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India.

Allan Octavian Hume - isang Ingles na nanguna sa pagtatag ng Indian National Congress noong 1884-1885.
Muslim League - Itinatag noong 1905 sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah kung saan ang interes ng mga Muslim ang
binigyang pansin. Layunin nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
Mohandas Ghandi - isa siyang Hindu na nakapag- aral sa isang Unibersidad sa Inglatera at
nagtrabaho sa South Africa. Ipinaglaban niya ang hinaing ng mga Indian. Ang pakikibaka niya
para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng mapayapang paraan o non-violent means na
sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa-hango sa relihiyong Jainism, ito ay nangangahulugang
“hindi paggamit ng dahas” o “non-violence”.
Siya ang nagbigay ng gabay at inspirasyon sa mga mamamayan. Tiningala siya ng mga Indian
at tinawag siyang Mahatma o Great Soul.
Enero 30, 1948 - binaril si Mohandas Ghandi ng isang panatikong Hindu na tumutol sa
hangarin na mapag-isa ang mga Hindu at Muslim sa isang bansa.

Si Jawaharlal Nehru ay ang unang Punong Ministro ng India at isang sentral na pigura sa pulitika ng India bago at pagkatapos ng
kalayaan.
Agosto 15, 1947 natamo ng Indian ang kalayaan nang ideklara ng mga Ingles ang Republika ng India (Indian Republic) sa
pamumuno ni Jawaharlal Nehru.

Kanlurang Asya
(bago dumating ang ika-20 na siglo)
Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
Naitatag ang pamahalaan ng Kuwait noong 1759. Ang Lebanon at Egypt ay mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa
Imperyong Ottoman noong 1770.
Mula 1894-1897, ang mga Armenian ay nagtangkang magtatag ng isang malayang estado sa kabila ng katotohanang pinipigilan
sila ng mga Turk na sumakop sa kanila.

Kanlurang Asya
(pagdating ng ika-20 na siglo)
Nagtagumpay ang Lebanon na makahiwalay sa Syria at tuluyang naging isang Republika noong 1926. Subalit nanatili itong nasa
mandato ng France. Noong 1932, ang Iraq na dating hawak ng England bilang isang protektorado, ay naging isang monarkiya.
Nagkaisa ang mga Arabo at bumuo ng sariling pamahalaan na nagbigay-daan sa paglaya ng mga dating kolonya ng mga Europeo
sa rehiyong ito.

“Ang mga Jew o Israellite ay sumailalim sa nakasisindak na holocaust sa Europa-malawakang pagpatay ng mga Nazi
German sa mga Jew o Israelites.”

Zionism - tumutukoy sa pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jews mula sa iba't ibang
panig ng daigdig.
Muli nilang pinag-aralan ang kanilang wika at binuhay ang kultura upang subukang
talikdan ang mga impluwensiya ng kolonyalismo na natutunan nila noong sila ay
nasa iba't ibang panig ng Europa.

Gawain 1: Titik-punan Mo
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang maibigay ang tamang sagot.
1. ___ I ___ NI __ M
Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa iba't ibang panig ng daigdig.

2. ___ H ___ MS ___


Ito ay nangangahulugang "hindi paggamit ng dahas" o "non-violence".

3. N __ SY ___ NA __ IS ___ O
Nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan

4. M __ S __ I M L __ AG __ __
Layunin nito na mgakaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim

5. A __ RI __ S__R MA __ S __ C__ E
Pangyayari na nagpatindi sa alitan ng English at Indian noong Abril 13, 1919.

Gawain 2: Data Retrieval Chart


Panuto: Lagyan ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng data retrieval chart. Gawin ito sa isang buong papel.

Gawain 3: Tama o Mali


Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman
kung ito ay walang katotohanan.
________ 1. Si Mohandas Ghandi ay nagsilbing gabay at inspirasyon sa mga mamamayan ng India, kinilala siya ng mga Indian at
tinawag na Mahatma o Great Soul.
________ 2. Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian at mga Turko bago pa man magkaroon
ng Unang Digmaang Pandaigdig.
________ 3. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya sa pangunguna
at paggabay ni Jawaharlal Nehru.
________ 4. Ang Sepoy Mutiny ang unang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga English.
________ 5. Hindi nagtagumpay ang Lebanon na makahiwalay sa Syria at tuluyang naging isang Republika noong 1926.

Gawain 4
Panuto: Unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew?
A. Zionism C. Sepoy mutiny
B. Holocaust D. Jew massacre

2. Sila ang mga sundalong Hindu sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857; mga sundalo na
lumalaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at makakabuti sa marami.
A. Sepoy C. Militar
B. Mandirigma D. Kawal

3. Ito ay hango sa relihiyong Jainism na nangangahulugang "hindi paggamit ng dahas" o "non-violence", ano ang tawag dito?
A. Pilgrimage C. Ahimsa
B. Sati D. Hunger Strike

4. Anong mga bansa sa Kanlurang Asya ang mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong
1770?
A. Armenia at Saudi Arabia C. India at Syria
B. Lebanon at Egypt D. Egypt at Pakistan

5. Sino ang kauna-unahang punong ministro ng India nang matamo nito ang kalayaan mula sa mga Ingles?
A. Ali Jinnah C. Jawaharlal Nehru
B. Allan Hume D. Mahatma Gandhi
6. Sino ang nanguna sa pagtatag ng Muslim League noong 1905 na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang pansin?
A. Mohamed Ali Jinnah C. Allan Hume
B. Mohandas Gandhi D. Jawaharlal Nehru

7. Naganap ito noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay
ng mga batang babae, ito ang unang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa mga Ingles, ano ang tawag dito?
A. Sepoy mutiny C. Amritsar massacre
B. Muslim league D. Zionism

8. Ang layunin ng samahan na ito ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Ano ang samahang ito na
pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah?
A. State League C. Jinnah League
B. Muslim League D. System League

9. Siya ay isang Ingles na nanguna at gumabay sa pagtatag ng Indian National Congress upang makalaya ang India sa mga Ingles
noong 1884-1885?
A. Allan Hume C. Mustafa Kemal Ataturk
B. Salman Rushdie D. Ibn Saud

10. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Ano ang binuo ng mga
propesyunal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India?
A. Zionism C. Indian National Congress
B. Muslim League D. Amritsar massacre
Q3: Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Alin sa mga sumusunod ay dahilan na nagbunsod sa
mga Kanluranin na magtungo sa Asya maliban sa isa;
a. Paglalakbay ni Marco Polo b. Ang mga Krusada
c. Ang Reinkarnasyon d. Ang Renaissance
_____2. Ito ay nangangahulugang, “muling pagsilang.”
a. Krusada b. Renaissance c. Merkantilismo d. Paglalakbay
_____3. Ito ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe.
a. Constantinople b. Espanya c. Jerusalem d. Portugal
_____4. Sino ang naglakbay at nakapaglibot sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa?
a. Christopher Columbus b. Ferdinand Magellan c. Marco Polo d. Vasco de Gama
_____5. Aling bansa ang nasakop ng France?
a. Laos b. Malaysia c. Pakistan d. Thailand
_____6. Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na nagpakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga
sa Inang-bayan.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo
_____7. Ang mga sumusunod ay ang manipestasyon ng nasyonalismo maliban sa;
A. Pagkakaisa at kahandaang magtanggol at mamatay para bayan
B. Pagmamahal at pagtangkilik sa sariling bayan
C. Pagtangkilik sa mga dayuhang produkto D. Makatuwiran at makatarungan
_____8. Ito ay mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas.
A. Passive (Defensive) nationalism B. Active (Aggressive) nationalism
C. Ethnic nationalism D. Civic nationalism
_____9. Ano ang tawag sa pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng mga Indian sa isang selebrasyong Hindu.
A. Amritsar massacre B. Balangiga massacre
C. Maguindanao massacre D. Mamasapanomassacre
_____10. Siya ang nangunang nasyonalista lider sa India.
A. Ibn Saud B. Mohamed Ali Jinnah
C. Mohandas Karamchad Ghandi D. Mustafa Kemal Ataturk
_____11. Alin sa mga sumusunod na bansa ang bumubuo sa Central Powers?
A. Austria-Hungary, Great Britain B. France, Germany
C. Germany, Austria-Hungary D. Russia, England
_____12. Ano-anong mga bansa ang bumubuo sa Allies?
A. England, Austria-Hungary, Germany B. Germany, Austria-Hungary, Great Britain
C. France, Germany, Russia D. Russia, England, France
_____13. Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Agosto 1914 B. Agosto 1915 C. Agosto 1916 D. Agosto 1917
_____14. Sinong lider ang namatay na nag-udyok upang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Archduke France Ferdinand B. Archduke Franco Ferdinand
C. Archduke Francis Ferdinand D. Archduke Francisco Ferdinand
_____15. Sino ang lider na namuno sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan ayon sa satyagraha?
A. Ayatollah Khomeini B. Gandhi C. Ibn Saud D. Mohamed Ali
_____16. Sino ang Hindu na namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na
Ingles?
A. Mohandas Gandhi B. Mohamed Ali C. Mustafa Kemal D. Ibn Saud
_____17. Ano ang ibang katawagan kay Gandhi?
A. Lakas ng Kaluluwa B. Anak ng Kaluluwa C. Dakilang kaluluwa D. Likas na Kaluluwa
_____18. Ano ang salitang Hindu na nangangahulugang “lakas ng kaluluwa”?
A. Satyagraha B. Ahimsa C. Gandhi D. Sati
_____19. Saang salita nagmula ang relihiyon? a. Filipino b. Latin c. Dzongkha d. Mandarin
_____20. Qur ‘an, ang tawag sa banal na aklat ng aling relihiyon?
a. Hinduismo b. Zoroastrianismo c. Islam d. Kristiyanismo
_____21. Sino ang isa sa tatlong pangunahing diyos ng mga Hindu na tinaguriang tagapangalaga?
a. Vishnu b. Nirankar c. Shiva d. Brahma
_____22. Anong relihiyon sa Asya na Hindu ang tawag sa mga tagasunod?
a. Hinduismo b. Zoroastrianismo c. Sikhismo d. Jainismo
_____23. Sino ang tinaguriang Buddha o ang naliwanagan na nagtatag ng Buddhismo?
a. Confucius b. Zoroaster c. Moses d. Sidharta Gautama
_____24. Ano ang tawag sa banal na aklat ng Hinduismo?
a. Torah b. Veda c. Qur’an d. Bibliya
_____25. Ano ang tawag sa pagdarasal ng Muslim ng limang beses sa isang araw?
a. Salah b. Zakah c. Sawmd. Hajj

You might also like