You are on page 1of 18

(1-2 Linggo)

ARALIN
PAKSA: Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
Pamantayan sa pagkatuto:
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya

LAYUNIN
Ang araling ito ay naglalayong:
a. natutukoy ang mga pagnanais ng Kanluranin sa kolonisasyon
b. nakapaghahambing ng kolonyalismo at imperyalismo
c.
d.Panimulang Pagtataya
PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa nakalaang patlang.

____1. Ito ay mga sundalong Indian na sinanay g mga Kanluranin sa


pakikipaglaban.

a. Sepoy b. Militar C. Pranses d. Briton

____2. Kailan naganap ang hindi pagkakasunduan ng ga Pranses at Briton sa


Plassey.

a. Hunyo 24, 1757 b. Hulyo 23, 1757 c. Hunyo 23, 1757 d. Hulyo 24, 1757

____3. Ang labanan sa Plassey ay pinagwagian ng mga Briton sa ilalim ng


pamumuno ni ____________.

a. Sharif b. Henry McMahon c. Robert Clive d. Mark Skyes

____4. Siya ay kilalang pinakamagaling na mananakop ng daigdig.

a. Mangal Pandey b. Henry McMahon c. Robert Clive d.Mark Skyes

____5. Ito ay tumutukoy sa mga teritoryong ganap na sakop ng mga Briton.

a. princely states b. provinces c. bansa d. pagmamay-ari

____6. Ito ay tumutukoy sa mga estadong pinamamahalaan ng mga maharajah


saklaw rin naman ng kapangyarihan ng mga Imperyong Briton.

a. princely states b. provinces c. bansa d. pagmamay-


____7. Siya ang umatake sa isang sundalong Briton na nagbunsod ng pag-alsa.

a. Mangal Pandey b. Henry McMahon c. Robert Clive d.Mark Skyes

____8. Ang rebelyong ito ang itinuturing na kauna-unahang digmaang


pangkasarinlan ng mga Indian.

a. Briton b. Militar C. Pranses d. Sepoy

____9. Ang konseptong Hind Swaraj na nangangahulugang ___________.

a. Kapayapaan b. Pag-alsa c. Pagmamahal d. Kasarinlan

____10. Ito ang namamahala sa India na nagpapatupad ng mga altuntunin mula


sa Britain.

a. Presidente b. Militar c. viceroy d. Heneral

Panimula
Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang
nakasakop sa mga basa sa Asya. Napakalayp ng Europe sa mga sa Asya pero
nakarating pa rin sila at nanakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na ito ay
nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano – mga mabuti at
hindi mabuting pagbabago. Is-isahin natin ang mga pangyayaring naganap at
nagbibigay-daan sa pagdating ng mga Europeo sa Asya.

Nilalaman
MGA DAHILAN AT PARAAN NG KOLONYALISMO AT IMERYALISMO NG MGA
KANLURANIN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagtamo ng mga lupain upang
matugunan ang pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa. Ang
kolonisasyon ng mga Kanluranin mula ika-14 siglo hanggang ika-18 na siglo ay
nagsimula sa pagnanais ng mga bansang Europeo na maipalaganap ang
kanilang pananampalataya, makatuklas ng iba pang ruta patungo sa Silangan
upang simulant ang pagtatag ng mga kompanyang pangkalakalan, at kilalanin
sila bilang isang makapangyarihang bansa.

Samantala nag imperyalismo ay tumutukoy sa patakaran ng isang


makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang
kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa.

TRANSPORMASYON NG TIMOG ASYA SA ILALIM NG MGA KANLURANIN

Ang Imperyong Briton ang kanilang pinakamalaking imperyong naitatag sa


kasaysayan ng daigdig. Ang mga Briton ay nagtatalaga ng kompanya na siyang
namahala sa pagtatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya sa pamamagitan
ng British East India Company.

Ang interes ng mga Kanluranin sa India ay nagsimula noong taong 1600,


nang magtatag ang British East India Company ng mga himpilang pangkalakalan
sa Madras, Bombay, at Calcutta. Naging maayos ang pagsisimula ng relasyon sa
pagitan ng mga Briton at emperador ng Munghai.

Nang nagsimulang humina anag Imperyong Munghai, unti-unting


tumiwalag ang mga kahariang Indian sa Imperyo, at ang bansa ay nahati-hati sa
mga kahariang pinamumunuan ng mga maharajah. Ang maharajah ay dating
mga gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng Imperyong Mughal. Ang
pangyayaring ito ay nagsilbing oportunidad para sa mga Kanluranin na
magkaroon ng mabutang relasyon sa mga maharajah
upang makuha ang kanilang pagtitiwala.

Gayunpaman, kinailangan nilang magkaroon ng


mga hukbong poprotekta sa kani-kanilang interes. Upang
mapunan ang kakulangan nito, sinanay ng Kanluranin
ang mga hukbong Bengali (Sepoy) na parang tunay na
hukbong Kanluranin. Ibinenta ng mga lokal na opisyal ang
naglalakihan nilang mga lupain sa mga ito kapalit ng
pagsasanay ng kanilang hukboy Sepoy. Ang mga Sepoy ay
mga sundalong Indian na sinanay g mga Kanluranin sa
pakikipaglaban. Upang matumbasan ang kapangyarihan ng mga Pranses,
nagsanay rin ng sarili nilang hukbong Sepoy ang mga Briton.

LABANAN SA PLASSEY

Noong Hunyo 23, 1757, naganap ang hindi pagkakasunduan ng mga


Pranses at Briton sa Plassey. Ang kaganapang ito ay pinagwagian ng mga Briton
sa ilalim ng pamumuno ni Robert Clive, ang kilalang pinakamagaling na
mananakop ng daigdig. Ang pangyayaring ito ang nagpasimula ng paglipat
pamamahala ng India sa kamay ng mga Briton.

PAMAMAHALA NG BRITISH EAST INDIA COMPANY SA INDIA

Ang rehiyon ay pinamahalaan ng mga Briton sa ilalim ng dalawang


kategorya: Ang provinces at ang princely states. Ang provinces ay tumutukoy sa
mga teritoryong ganap na sakop ng mga Briton samantala, ang princely states
(Nawabs) ay tumutukoy sa mga estadong pinamamahalaan ng mga maharajah
saklaw rin naman ng kapangyarihan ng mga Imperyong Briton.

ANG PAG-AALSANG SEPOY (SEPOY MUTINY)

Noong 1857, lumaganap ang isang balita sa kampo ng mga Sepoy na ang
kartutso ng kanilang gamit na ripple ay sinelyuhan ng taba ng baka at baboy.
Upang magamit ang mga repling ito, kinailangang kagatin ng mga Sepoy ang
selyo. Ang bagay na ito ay kapwa ikinagalit ng mga Sepoy na Hindu, na
itinuturing na sagrado ang baka, at ng mga Sepoy na Muslim, na hindi naman
kumkin ng baboy.

Ang pangyayaring naganap ay nagbunsod ng pag-alsa ng nagsimula nang


atakihin ni Mangal Pandey, isang Sepoy, ang isang sundalong Briton. Inutusan
ng isang heneral ang isa pang Sepoy na hulihin si Pandey, ngunit ito ay
tumanggi. Ang dalawang sundalo ay hinuli at pinagpapatay, at ang iba naming
kasamahan nila ay ipinakulong. Noong ika-10 ng Mayo 1857, ang iba pang
hukbong Indian na Sepoy tumiwalag sa hukbong sandatahan ng mg Briton.

Ang rebelyon ng mga Sepoy ang itinuturing na kauna-unahang digmaang


pangkasarinlan ng mga Indian. Maraming lider na Indian ang nakiisa sa kilusan.
Tulong-tulong nilang sinikap na gumawa ng paraan upang gisingin ang
kamalayan ng mga Indian tungkol sa kanilang mga karapatan at
pagpapalaganap ng mga mensahe na makatutulong upang mawakasan ang
kapangyarihan ng mga Birton sa bansa. Ang konseptong Hind Swaraj na
nangangahulugang “kasarinlan” ang naging paniniwala ng mga kilusang Indian.

TUWIRANG PAMAMAHALA NG BRITAIN SA INDIA

Dahil sa nagnap na pag-aalsa ng mga Sepoy, ang Indiam tuwiran nang


pinamahalaan ng Britain sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na Act for
the Better Government of India noong Agosto 1858. Nagwakas ang
kapangyarihan ng British East India Company sa India at ang pamamahala nito
ay inilipat sa British Raj. Ang India at hinati-hati sa 11 lalawigan at 250 distrito
na pinamumunuan ng ilang Briton. Ang bansa ay pinamahalaan ng isang viceroy
na nagpapatupas ng mga altuntunin mula sa Britain.

“Divide and rule” ang paraang ginamit ng mga Briton sa pamamahala sa


India. Binigyan ng mga Briton ng pantay na pagtrato ang mga Hindu at Muslim,
ngunit hindi naman sila gumawa ng kaparaanan upang mapigilan ang
pagkamuhi ng bawat pangkat sa isa’t isa.

ANG IMPERYALISMO SA KANLURANG ASYA

Ang kasalukuyang suliranin sa Kanlurang Asya ay nag-ugat sa nakaraang


kasaysayan nito, partikular ng Imperyong Ottoman o Imperyong Osman. Ito ang
bantog na imperyo ng mga Turk sa itinatag ng Dinastiyang Osman. Ang Osman
ay ang mga sultan o caliph, pinuno ng mga Islamic ummah o ummat al-Islamiyah
(Islamic nation o supranational community with common history).

Ang Imperyong Ottoman ay naging bantog mula Hulyo 27, 1299 hanggang
Oktubre 29, 1923. Ang Constantinople ang kilalang kabisera nito.

MGA PARAAN NG KOLONYALISMO AT IMERYALISMO SA KANLURANG ASYA

ANG MCMAHON-HUSAYN CORRESPONDENCE O HUSAYN-MCMAHON CORRESPONDENCE


Ang McMahon-Husayn Correspondence o ang Husayn-McMahon
Correspondence ay serye ng paglilihaman sa pagitan nina Sharif ng Mecca,
Husayn ibn Ali, at Sir Henry McMahon, ang British Hgh Comissioner sa Ehipto
noong Hulyo 14, 1915 hanggang Enero 30, 1916. Sa serye ng paglilihamang ito,
hinimok ng mga Briton ang mga Arab na maghimagsik laban sa Imperyong
Ottoman na kaanib ng Germany sa digmaan noong Nobyembre 1914.

Ang kalakhang bahagi ng Kanlurang Asya (Midlle East) ay napailalim sa


magkakaibang uri ng kolonyalismo. Ang mandatong Skyes-Picot Agreement ay
tumutukoy sa teritoryong isinuko ng Germany at Imperyong Ottoman na inilagay
sa proteksiyon ng mga makapangyarihang bansang Europe hanggang sa ang
mga ito ay may kakayahan nang pangasiwaan ang sarili nilang pamahalaan.

ANG 1916 SKYES-PICOT AGREEMENT

Ang Skyes-Pikot Agreement ay ang lihim na kasuduan sa pagitan ng


pamahalaan ng Britain at France sa pahintulot ng Imperyong Russia. Ang
kasunduang ito ay kinilala at tinanggap ng Russia ngunit hindi naman nito
nilagdaan.

Sa kasunduang ito, ang Kanlurang Asya ay binaha-bahagi nilang spheres


of influence. Ang sphere of influence at tumutukoy sa pantay na parte ng mga
bansang banyaga sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang
maaaring ipagkaloob ng isang bansa.

MGA KASUNDUANG ITINAKDA NG SKYES-PICOT AGREEMENT

 Perpetual Maritime Truce ng Britain sa mga bansang Bahrain, United Arab


Emirates, Muscat, at Oman noong 1853 – ito ay itinakda ng Britain upang
mapanatiling bukas ang kanyang ruta patungong India.
 Kasunduan ng 1892 – Pagkakaloob ng mga bansang Bahrain, United Arab
Emirates, Muscat, at Oman sa Britain ng tanging karapatng bilhin ang
anumang teritoryong nais na ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na
bansa.
 Kasunduang 1899 at 1916 – Pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at Qatar
sa Britain ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais na
ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na bansa.
 Sinakop ng Britain ang Aden noong 1839 at itinakda ito bilang bse
military. Itinakda ng Britain ang isang eksklusibong pakikipagsundo sa
mga pinuno ng tribu sa territory at ang Aden ay naging kolonya ng Britain.

EPEKTO NG KOLONYALISMO SA KANLURANG ASYA

Ang pagkakahati-hati ng koloyal na teritoryo ng mga Muslim ay nabalot ng


tensiyon at suliranin. Ang ibang kolonya ay itinatag lamang upang mapagbigya
ang mga kaalyadong kakampi ng mga Kanluranin o hindi kaya’y maging buffer
states laban sa iba pang nagnanais manakop ng ibang kolonyalista. Ang buffer
state ay tumutukoy sa isang bansang nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng
tensiyon sa pagitan ng dalawang basa.

Nangibabaw rin ang kapakinabangang pang-ekonomiya ng mga


Kanluranin sa rehiyon. Ang interes ng mga Briton sa mayamang langis sa
Persian Gulf ay nahantong sa pagtatag ng Kuwait. Gayundin ang kamunitkan
nang pagtatag ng “Arabistan” na lalawigan ng Iran.

Upang matupad ang layuning makapagtatag ng estadong Kristiyano-Arab,


itinatag ng France ang Lebanon mula sa Syria, at Itinatag naman ng Britain ang
Jordan upang mapagbigyan si Amir Abdullah.

Ang dibisyon ng rehiyon ay naging sanhi rin ng tensiyon sa pagitan ng mga


Muslim na magkakaparehong umaangkin sa iisang teritoryo. Samantala, ang
Saudi Arabia at United Arab Emirates ay nagtalo hinggil sa hangganang
katatagpuan ng mga oases at langis.

Higit sa lahat, ang pagkakatatag ng mga estadong Muslim ay hinamon din


ng mga karatig basa nito. Para sa kanila, ang mga naitatag na bansa ay
kahalintulad din ng mga kolonyalistang nagtatag ng mga ito. Inihahayag ng mga
ito ang patuloy na pag-aangkin ng Syria sa Lebanon at pag-aangkin ng Iraq sa
Kuwait. Ang mga dibisyong territorial sa rehiyon ay nananatili pa rin hanggang
sa kasalukuyan at patuloy na nagdudulot ng pagkalito sa mga mamamayan ng
rehiyon.

Pangunahing Konsepto
- Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupai upang
matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon ng isang bansa.
- Ang imperyalismo ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang
bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng
isang bansa o iba’t ibang bansa.
- Ang kasalukuyang suliranin sa Kanlurang Asya ay nag-ugat sa nakaraang
kasaysayan ito, partikular ng Imperyong Ottoman o Imperyong Osman.
- Ang Skyes-Picot Agreement ay lihim na kasunduan sa pagitan ng
pamahalaan ng Britain at France.
Aktibidad sa pagsusuri sa sariling kaalaman
GAWAIN : PAGHAMBINGIN!
Panuto: Paghambingin ang pinagkaiba ng kolonyalismo sa imperyalismo. Isulat ang
iyong sagot sa ibaba.
KOLONYALISMO IMPERYALISMO

GAWAIN:

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong piliin at bilogan ang tamang sagot.

“Divide and rule” ang paraang ginamit ng mga Briton sa pamamahala sa India.

Ang Osman ay ang mga sultan o caliph, pinuno ng mga Islamic ummah o ummat al-
Islamiyah

Ottoman empire – ang Constantinople ang kilalang kabisera nito

Ang Skyes-Pikot Agreement ay ang lihim na kasuduan sa pagitan ng pamahalaan ng


Britain at France sa pahintulot ng Imperyong Russia.

Ang sphere of influence at tumutukoy sa pantay na parte ng mga bansang banyaga sa


lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaaring ipagkaloob ng isang
bansa.
Pagapapaliwanag
1.

______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
______________________________.
2.

PAMANTAYAN SA APAGMAMARKA
Naayon sa paksa at nasasaagutan ng tama 2 Puntos
Kawastuhan ng Impormasyong 3 Puntos
Kabuuang Puntos 5Puntos

Pagpapayaman ng Kaalaman
Gawain 3:
(3-4 Lingo .)
ARALIN 2
PAKSA: Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa
Timog at Kanlurang Asya
Pamantayan sa pagkatuto:
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

LAYUNIN:

Balik-Aral
Panuto:

Panimulang Pagtataya
Panimula
Bago matapos ang ika-19 n siglo, nagbago ang hugis ng kolonyalismo. Ang
sinasabing layuninng pag bibigay ng halaga sa mga mamamayang naninirahan sa mga
bansang kolonya ay hndi naisakatuparan. Sa halip, hindi na iniwan ng mga
kolonyalistang bansa ng mga basing kanilang mga nasakop. Bungang mga pangyayaring
ito, nagkaroon ng manaka-nakang lokal nap ag-aalsa sa lood ng mga bansang hindi
naglaon ay nagnais na kumawala sa bigkis ng kolonyalismo.

Si Mohandas Gandhi at Mustafa Kemal Ataturk ay kinilala bilang mga bantog na


lider na nagpasimula ng mga kilusang nasyonalismo sa rehiyon.

Nilalaman
MGA SALIK AT PANGYAYARING NAGBIGAYDAAN SA PAGUSBONG
NG NASYONALISMO

Sa Timog Asya
Ang nasyonalismong Indian ay nagsimula nang umusbong mula pa noong ika-18
na siglo. Ang mga maykayang Indian na nakpang-aral sa nga paaralang Briton ay
nagkaroon na ng kaalaman tungkol sa nasyonalismo at demokrasya. Ang mga pananaw
at ideyang ito ay sinimulan nilang gamitin sa kanilang bansa

Mula sa mga nag-aral sa mga kanluraning paaralan, nabuo ang dalawang


pangkat na naglayong mapatalsik ang dayuhang pamamahala sa India: ang Indian
Natonal Congress na itinatag noong 1885 at ang All Indian Muslim League na itinatag ni
Mohammed Ali Jinnah noong 1906.

Nag-iba ang kalagayan sa India sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.


Nang manawagan ang mga Briton sa kalalakihang Indian na magpatala upang mag silbi
sa hukbong militar ng mga Briton, maraming Indian ang nagpatala kapalit ng
ipinangakong reporma sa bansa na maaaring matuloy sa pagsasarili. Ipinagkaloob ng
mga Indian ang kanilang panahon sa Briton bunsod ng inaasahang kapalit nito sa
sandaling matapos ang digmaan.

Sa panahon ng digmaan, pinaigyan ng pamahalaang Britan ang mga Indian na


makilahok sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Sa bahagi ng mga Indian, ito ay isa ng
hakbang tungo sa pagkakaroon g boses sa pamahalaan at inaasam na tuluyang
pagsasarili.

Noong 1918, matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, inasahan ng mga Indian
na tutuparin ng mga Briton ang kanilang ipinangakong kasarinlan. Ngunit sila ay
muling itinuring ng mga ito bilang mga second class na mamamayan.

ANG ROWLATT ACT

Noong 1919, upang mapigilan ang pagtutol ng mga Indian, ipinatupad ng


pamahalaang Britan ang Rowlatt Act. Sa batas na ito, ang pamahalaang Britan
ay pnagkalooban ng karapatang supilin at ikulong nang dalawang taong walang
paglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng Britan.

ANG AMRITSAR MASSACRE

Bilang pagtutol sa Rowlatt Act, ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa


Amritsar, kabisera ng lungsod ng Punjab. Sa pagtitipong ito, layon ng mga Indian
na mag-ayuno, manalangin, at makinig sa mga talumpating political ng kanilang
mga nasyonalistang lider. Lingid sa karamihan ng mga dumalo, ipinagbabawal
ng mga Briton ang pagtititpong pampubliko. Ngunit dahil sa paniniwalang
lantarang sinalungat ng mga Indian ang pag-uutos na ito, kaagad ipinag-utos ni
Heneral Reginald Dyer, ang komandanteng Briton sa Amritsar, ang
pagpapaputok ng ripple nang walang anumang babalansa tagal na sampung
minuto. Matapos ito, 400 Indian ang napatay at 1,200 naman ang nasugatan. Sa
loob lamang ng isang magdamag, ang milyong mga Indian ay nagmistulang mga
rebulosyonaryong nasyonalista na mahigpit na humuling ng kasarinlan.

IBA’T IBANG MANIPESTASYON NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA


SI MOHANDAS GANDHI AT ANG KILUSANG PANGKASARINLAN

Ang pagngyayari sa Amritsar ang nakahimok kay Mohandas K. Gandhi


upang mamuno sa kilusang pangkasarinlan ng India. Si Mohandas Karamchand
Ganhdi ay kilalang lider sa larangan ng politika sa India. Siya ay isa rin sa mga
masisigasig na lider ng kilusang Pangkasarinlan ng bansa. Si Gandhi ang
nagpasimula sa prinsipyong satyagraha, na nangangahulogang walang
kaharasang pagtutol ng mamamayan sa anumang hindi makatarungang batas o
mass civil disobedience. Ito ay nagsilbing daan tungo sa pagkakamit ng
kasarinlan ng India.

Si Gandhi ay higit na kilala bilang Mahatma na ang kahulogan ay


“Dakilang Kaluluwa” (Great Soul). Siya ay pinarangalan din bilang “Ama ng
Bansang India.” Si Gandhi ay nanirahan sa South Africa bilang manananggol sa
isang pamayanang Indian.

SATYAGRAHA O CIVIL DISOBEDIENCE NI GANDHI

Ang satyagraha o truth force ay isang pilosopiyang nilinang at oinangaral ni


Gandhi na sa kabuuan ay nangangahulugang walang karahasang pagtutol sa
anumang batas ng pamahalaan upang ito ay mahikayat na lumikha ng
pagbabago. Sa kabuuan, ito ay nangangahulugang nonviolent resistance o civil
disobedience. Inilunsad ni Gandhi ang kanyang kampanyang civil disobedience
upang mapahina ang kapangyarihang pampolitika at pangkabuhayan ng mga
Briton sa bansa. Nanawagan siya sa mga Indian na tinanggihan at tutulang
sundin ang mga alituntuning ipinatupad ng mga Briton at gawin ang
sumusunod:

 Iwasang bilhin ang anumang gawa mula sa Britain;


 Iwasan ang pagpasok sa mga paaralang pampubliko;
 Tutulan ang pagbabayad ng buwis;
 Iwasan ang pakikiisa sa halalan; at
 I-boycot ang kasuotang yaring Britain.

ANG SALT MARCH NI GANDHI

Noong 1930, si Gandhi ay naglunsad ng isang demonstrasyon upang


ipadama ang pagsuway sa kinamumuhiang Salt Act na ipinatupad ng mga
Briton. Ayon sa batas na ito, sa pamahalaan lamang maaaring bumili ng asin
ang mga Indian at kinakailangan din nilang magbayad ng kakulangang buwis sa
pagbili nito. Upang ipakita ang kanilang pagtutol, si Gandhi at ang kanyang mga
tagasunod ay naglakad ng distansyang 240 milya patungong baybay-dagat.
Pagsapit sa baybay-dagat, sumalok sila ng tubig alat at sinimulang gumaw ng
asin. Ang mapayapang protestang ito ay tinawag na Salt March.

ANG GOVERNMENT ACT OF INDIA


Noong 1935, isinabatas ng parlamentong Briton ang Government of India
Act. Ang batas na ito ay nagbigay ng higit na kalayaan sa mga lalawigang sakop
ng Briton sa India na pinaumunuan ng mga Indian.

Sa pamamagitan nito, inaasahan ng mga Indian ang unti-unting pagtatamo ng


kasarinlan mula sa mga Briton. Ngunit ang ilang batas na nakasaad dito ay
hindi napagkasunduan ng magkabilang panig ng Hindu at Muslim.

IBA’T IBANG MANIPESTASYO NG NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA

Noong ika-20 hanggang ika-21 siglo, ang Kanlurang Asya ay naging pusod
ng pagbabago at salungatan. Mula nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, iba’t
ibang ideolohiya ang sumibol at nakaimpuwensya sa politika at kultura ng mga
bansa sa rehiyon. Ang Zionism, Pan-Arabism, Islamic Fundamentalism, at iba
pang ideolohiyang panrelihiyon sa hindi relihiyoso ay nagpasimula ng mga
kilusang political sa rehiyon.

Bunsod ng magkakaibang pananalig at pananaw ng mga pangkat Asyano


sa Kanlurang Asya, tatlong mahahalagang kilusang nasyonalista na may iba’t
ibang layunin at pananalig ang nalinang sa rehiyon. Ito ay ang sumusunod:

 Ang Nasyonalismo ng mga Truk sa Imperyong Ottoman na nagtatag ng


Republic of Turkey.
 Ang Nasyonalismo ng mga Arab na humiling ng kalayaan mula sa mga
Kanluranin.
 Ang Kilusang Zionism na nagnais magtatag ng sariling bansa sa Palestine.

ANG MGA TURK

Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Turkey na lamang


ang naiwan mul sa Imperyong Ottoman. Ito ay binubuo ng Anatolia at isang
makitid na lupain sa paligid ng Constantinople (Istanbul sa kasalukuyan).

Ang nasyonalismong Turk ay unang ipinahayang ng Samahang Turkanian


(Turkanan Society) na itinatag noong 1839 ng mga Tartar na naglalayong
mapagbuklod ang mga mamamayang Turkic ng Imperyong Russia. Ang salitang
“Turan” ay nagmula sa pangalan ng isang lupain sa Persia na matatagpuan sa
silangang bahagi ng Iran kung saan naninirahan ag mga Turkic at Turan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mustafa Kemal, ipinagpatuloy ng mga Turk ang


pakikipaglaban para sa kanilang kalayaan.

Noong 1923, itinatag ni Mustafa Kemal ang Republic of Turkey, ang


kauna-unahang republika sa Kanlurang Asya.
Ang “Kemalism” o “Anim na Palaso” (Six Arrows) ang bumuo ng anim na
katangiang ng Republic of Turkey.

- Itinatag ni Kemal ang isang republikang secular, isang uri ng pamahalaang


hindi nakaugnay sa relihiyon. Pinaghiwalay niya ang batas Islam at batas
ng bansa.
- Inalis niya ang mga hukumang panrelihyon at nagtatag ng panibagong
sistemang legal na nakabatay sa batas Europeo.
- Pinagkalooban din niya ng karapatang makiisa sa halalan at humawak ng
puwestong pampubliko ang kababaihan.
- Ipinatupad niya ang edukasyong Kanluranin sa bansa.
- Inilunsad niya ang ilang programang industriyal upang mapaunlad ang
Turkey bilang industriyalisadong bansa.
- Itinalaga rin niya ang pagbabago sa pananamit ng mga Turk.

ANG PAN-ARABISM

Pan-Arabism ang modernong salitang gamit para sa politikal na


pagkakaisa ng mga bansang Arab sa Kanlurang Asya. Ninais ng mga Arab ang
layong pagkakabuklod mula pa noong panahon ng paglakas ng ga Ottoman Turk
upang makapagtatag ng malakas na samahan ng mga estadong Arab. Ang Arab
ay umanib sa mga Ingles noong Unang Digmaang Pandaigdig. Hiniling ng mga
Arab bilang gantimpala ang pangakong binitawan ng mga Ingles at Pranss na
kasarinlan para sa lahat ng lalawigan ng Arab sa ilalim ng Imperyong Ottoman.
Ngunit ang pangakong ito ay hindi natupad at sa halip ang rehiyon ay
pinaghatian ng Britain at France. Bunga nto, ang mga Arab ay nagsimulang
mag-alsa. Ang pagsalungat sa layunin ng mga Zionist na maitatag ang Palestine
ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Arab.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinatag ng mga Arab


ang sumusunod na samahan: Arab League, Arab Federation, Arab Union, United
Arab Emirates, at Arab Maghreb Union. Ang Partidong Ba’ath ang
pinakaaktibong samahan sa kabuuang estado ng mga Arab. Ito ay
pinamumunuan ni Gamal Abdel Nasser (1918-1970). Ngunit sa pagtatagumpay
ng Israel sa Digmaang Arab-Israeli noong June 1967, ang kilusang ito ay unti-
unting pinahina nang naglahong pagkakaisa ng mga bansang Arab na naging
abala sa paglilinang ng kani-kanilang interes.

ANG ISRAEL AT ANG KILUSANG ZIONISM

Noong 1897, ang kilusang Zionism ay itinatag upang maisakatuparan ang


layuning magkakaroon ng estado ang mga Jew. Ang kilusang ito ay
pinamumunuan ni Theodor Herzl, isang manunulat mula sa Vienna.

Bilang paghahanda sa kanilang layuning makamit ang Israel, sinimulan ng


mga Zionist na magtipon ng pondo upang masimulan ang paglipat ng mga Jew
sa Palestine. Hindi naglaon, nagawa nilang makapag-organisa ng sariling
pamahalaan. Sinikap nilang malinang ang mga lansangan, paaralan, at
serbisyong panlipunan para sa kanilang pangkat.

Kasabay ng kanilang paglinang, sinimulan din nila ang pagbili ng mga


lupain sa lokal na Arab na Palestinian. Huli na nang mapagtanto ng mga
Palestinian-Arab ang balak ng mga Jew.

Ang nabuong alitan sa pagitan ng mga Arab at Jew ang nagpadali sa


pagtatag ng Israel sa lupain ng Palestine. At ang pahunahing layunin ng Zionism
ay natupad noong 1948 nng ideklara ni David Bem Gurion ang Israel bilang
isang malayang estado.

Mula ng maitatag ang Israel, nagbago ang layunin ng kilusang Zionism.


Layunin nitong maprotektahan at harapin ang anumang hamong kakaharapin
ng estado upang maipagpatuloy ang seguridad at kasarinlan nito bilang isang
malayang bansa.

Pangunahing Konsepto
 Si Mohandas Gandhi at Mustafa Kemal Ataturk ay kinilala bilang mga bantog na
lider na nagpasimula ng mga kilusang nasyonalismo sa rehiyon.
 Ang nasyonalismong Indian ay nagsimula nang umusbong mula pa noong ika-18
na siglo.
 Si Gandhi ay higit na kilala bilang Mahatma na ang kahulogan ay
“Dakilang Kaluluwa” (Great Soul). Siya ay pinarangalan din bilang “Ama ng
Bansang India.”
 Noong 1923, itinatag ni Mustafa Kemal ang Republic of Turkey, ang
kauna-unahang republika sa Kanlurang Asya.
 Pan-Arabism ang modernong salitang gamit para sa politikal na
pagkakaisa ng mga bansang Arab sa Kanlurang Asya.
 Ang kilusang Zionism ay itinatag upang maisakatuparan ang layuning
magkakaroon ng estado ang mga Jew.
(5Linggo.)

ARALIN 3: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya

PAKSA: ANG TIMOG AT KANLURAG ASYA SA DALAWANG


DIGMAANG PANDAIGDIG

Pamantayan sa pagkatuto: Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng


digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.

PANIMULA
Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya, upang matamo ang kalayaan sa kamay ng mga
imperyalista ay mas nasubok nang maganap ang Una at Ikalawang Digmaang
Pandigdig. Ito ay mahalagang kaganapan sa Asya dahil naging malaking epekto
nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Kanlurang at Timog Asya noong Unang Digmaang Pandaigdig

Sa Kanlurang Asya, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Triple


Entente sa pangunguna ng Russia, France at Great Britain at ang Central
Powers sa pangunguna ng Imperyong Ottoman. Noong taong 1917, nasakop
na ng Allied Powers ang iba’t-ibang importanteng lugar sa Kanlurang Asya
katulad ng Baghdad, Iraq at ang Jerusalem

Armistice of Murdos – ito ay ang kasunduan na nagwakas sa digmaan sa


pagitan ng Allied Powers at ng Ottoman Empire. Noong Nobyembre 1918,
nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong Ottoman, ang
Constantinople. Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya ang
nagbigay-daan sa paglaya o pag-usbong nang damdaming nasyonalismo.
Halimbawa dito ay si Mustafa Kemal Ataturk, na pinangunahan ang laban sa
Imperyong Ottoman

Mandate System – Ito ay ang sistemang ipinatupad ng Allied Powers.


Nakasaad dito na paghahati- hatian ng mga Allies ang mga bansang dating
sakop ng Imperyong Ottoman

Noong Marso 3, 1924, bumagsak ang Imperyong Ottoman. Noong mga


unang bahagi ng 20th century, ang kabuoan ng Timog Asya ay nasasakop ng
Imperyong British. Noong 1914, Nagdeklara ng digmaan ang India, bilang suporta
sa Imperyong British, sa Triple Alliance, partikular na ang Alemanya. Ang India
ay ang pangalawa sa pinakamalaking suportang armies sa buong daigdig

Khudadad Khan Minhas – Pagkatapos ng Unang Labanan sa Ypres,


siya ay ang unang Indian na nagawaran ng Victoria Cross. Ang Unang
Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya ang nagsilbing inspirasyon upang
lalong sumidhi ang pagnanais na makalaya ang mga bansa sa Timog Asya
sa mga Briton. Lalong dumami ang mga organisasyong na naglalayon na
palayain ang kani-kanilang bansa.

Kanlurang at Timog Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa pagsakop ni Adolf


Hitler noong Setyembre 1, 1939 sa Poland. Anglo-Iraqi War – Ito ay ang
digmaan sa pagitan ng pamahalaan ni Rashid Ali, isang masugid na
sumusuporta kay Adolf Hitler, at ng mga bansang Great Britain, Australia at
Greece. Pagkatapos ng digmaan, sinakop ng Britanya ang Iraq hanggang
1947, upang maprotektahan ang mga plantasyon ng langis.

Operation Countenance (Pagsakop ng Anglo-Soviet sa Iraq) – Ito ang


pagsakop sa Imperyong Iran ng Russia at Britain noong 1941. Ang layunin ay
masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply lines patungong
Russia.

Ang India noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sakop pa rin ng


Imperyong British. Noong Setyembre 1939, opisyal na Nagdeklara ng
digmaan ang India sa Nazi Germany. Nagpadala ito ng 2 milyon na sundalo
upang labanan ang Axis Powers sa Europa, Asya at Hilagang Aprika.

Ang ika-4, ika-5, at ika-10 na dibisyon ng Indian Army ay nakipaglaban sa


Hilagang Aprika. Naging maigting at malupit ang labanan ng India at ng
Germany sa pangunguna ni Erwin Rommel.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang at Timog Asya:

1. Pagkakaroon ng kasarinlan ng mga bansa


2. Maraming namatay na sundalo na sumabak sa digmaan
3. Paglago ng ekonomiya
4. Maraming gusali ang nawasak
5. Pagkakaroon ng Slave labour at genocide
6. Pag-unlad ng mga teknolohiy

You might also like