You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Division of Cagayan
Cataggaman National High School
(Banghay sa Araling Panlipunan 7)
MAY 10, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag - aaral ay napapahalagahan
ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng TimogSilangang Asya sa Transisyonal at MakabagongPanahon
(ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang Mag - aaral ay nakapagsasagawa nang
kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog
Silangang Asya sa Transisyonal atMakabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
C. PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang mga salik, pangyayari, at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
Layuning Pampagkatuto:
Pagkatapos ng animnapung minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. naipaliliwanag ang mga salik at pangyayari na nagbigay-daan sa
pagusbong ng nasyonalismo sa Pilipinas;
B. naipapakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng dula-dulaan, slogan, poster,at sanaysay; at
C. naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.
II. Nilalaman:
A. Paksa: Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya (Nasyonalismo sa
Pilipinas)
B. Sanggunian: Araling Panlipunan, Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (pahina 1-21) Asya:
Teacher's Guide pp. 451-467
C. Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Visual Aids
III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Panimulang Gawain
• Pagsasa-ayos ng silid-aralan
--Isaayos ang inyung mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa ibaba ng
inyong upuan.
• Panalangin
-“Ama naming sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo, mapa sa
amin ang kaharian mo, sundin ang
loob ditto sa lupa para lng sa langit,
bigyan mo kami ng kakanin sa araw-
araw at patawarin mo kami sa aming
mga sala, gaya ng pagpapatawad
naming sa mga nagkasala sa amin at
wag niyo pong ipahintulot sa tukso at
i-adya mo kami sa lahat ng masama
AMEN!
• Pagtatala sa mga lumiban
-Meron bang lumiban sa klase “wala po sir”
ngayong araw klas?
• Classroom Rules:
-Bago mag-umpisa ang klase, narito
ang mga dapat sundin:

• Balik-Aral:
Pangkat Gawain: Papangkatin ang
klase sa dalawa at sagutan ang
nakahandang aktibidad sa pisara.

Pagbabalik-aral sa pamamagitan ng
isang aktibidad na pinamagatang
“Hugutin at Sagutin” ang larong
ito ay magsisilbing patnubay ng mga
mag-aaral upang alalahaning muli
ang paksa na tinalakay sa nakaraang
talakayan.
Okay klas ano ba ang ating huling
tinalakay o patungkol saan ang ating “Patungkol po sa Kolonyalismo at
huling pinag-aralan? Imperyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya sir”
Tama, kaya naman meron akong
mga kahon dito sa harapan at inyo
lamang piliin ang gusto ninyong
kahon at sagutin ang mga nakalaang
tanong sa loob at kapag inyo itong
nasagot mayroong naghihintay na
premyo sa inyo.
Mga Katanungan:
 Siya ang nakatuklas ng bagong
ruta patungong Asya sa “FERDINAND MAGELLAN”
direksyong pakanluran, at
narating niya ang Pilipinas.
 Anong Bansa sa timog “PILIPINAS”
silangang asya ang unang
nasokop?
 Ibigay ang tatlong bansa na “SPAIN, JAPAN, AMERICA”
sumakop sa pilipinas.
 Relihiyong ipinakilala ng
Espanyol at tinanggap ng mga “KRISTIYANISMO”
Pilipino.
 Sino ang nasyonalista sa India
na gumamit ng mapayapang
pamamaraan sa pagkamit ng “MAHATMA GANDHI”
kanilang kalayaan?

Napakahusay niyo mga anak,


nagagalak ako at inyo pang
natatandaan ang ating aralin noong
nakaraang lingo.
A. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating
talakayan magkakaroon muna tayo
ng maikling akitbidad. “I-TAMA MO
AKO”
Handa na ba kayo klas? “opo sir, handa na po kami”
Para sa aktibidad na ito, may mga
salita na nakapaskil sa harapan at Nagpapakita Hindi
ang mga estudyante ay kukunin ang ng pagka- nagpapakita
mga salita at ididikit kung saan nga nasyonalismo ng pagka-
ba nararapat ilagay ang mga salita nasyonalismo
kung nagpapakita ba ito ng pagka- -Pagtulong sa -Pagtangkilik
kapwa sa produkto at
nasyonalismo o hinde.
-Pagkakaisa Kultura ng
-Handang ibang bansa
mamatay para -Makasarili
sa kanyang -Pag-awit sa
bansa lupang hinirang
-Pagtangkilik ng walang
sa sariling paggalang
produkto at
kultura
Okay magaling, bigyan ninyo ng
Jollibee Clap ang inyong mga sarili. “123,123, ang saya saya”
B. Paglalahad
Batay sa ating ginawang akitibidad
ano kaya ang ating magiging Paksa “Patungkol po sa Nasyonalismo ng
ngayong araw klas? Timog-Silangang Asya ”
Okay magaling, handa na ba kayong
makinig at matuto sa ating “Handan na po kami sir”
talakayan?
Halina’t simulan na natin ang ating
talakayan.
C. Pagtatalakay
Pamprosesong Tanong:

1. Patungkol saan ang larawan klas?


“Patungkol po sa mga bayaning
nagpakita ng pagmamahal sa bansang
pilipinas sir”
2. Paano naipakita ng mga bayani sa
larawan ang kanilang pagmamahal sa “Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa
bansang pilipinas? bansang pilipinas laban sa mga
mananakop sir”
Ano ba ang salitang Nasyonalismo “Pagpapakita ng pagmamahal sa
klas? bansa sir”
Magaling, tama ang kanyang sinabi
ito ay patungkol sa pagmamahal sa
nasyon o bansa. Ito ay isang
kamalayan sa kanyang laki na
nanggaling sa pagkakaroon ng isang
wika, kultura, relihiyon, kasaysayan
at pagpapahalaga.
Sa papaanong paraan ba ninyo “Pagtatanggol laban sa mga
naipapakita ang inyong pagmamahal mananakop”
sa bansang pilipinas?
“Pagtulong sa kapwa”

“Pagtangkilik sa produkto at kultura ng


bansang pilipinas”

“Handang mamatay para sa kanyang


bansa”
Mahusay mga anak, ngayon alam
niyo ba ang dalawang uri ng “Ang Pasibo at Aktibong Nasyonalismo
Nasyonalismo? sir”

Dalawang Uri ng Nasyonalismo

1. Pasibong Nasyonalismo
 pagpapakita ng pagmamahal sa
Halimbawa: Pagsusulat, Pagpipinta, bayan sa mapayapang paraan.
Pagsasadula, at Pag-awit.

2. Aktibong Nasyonalismo
 pagpapakita ng pagmamahal sa
bayan sa pamamagitan ng
Halimbawa: Rebolusyon, Pag-aalsa, dahas.
himagsikan, labanan, atbp.
Nasyonalismo sa Pilipinas
Alam ba ninyo ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pagbuo ng  Propaganda
Nasyonalismo sa Pilipinas?  Sekularisasyon
 Ang Pag-alsa sa Cavite
 Paggarote kina GOMBURZA
matapos ang pag-aalsa sa
Cavite
 Pagpasok ng kaisipang liberal sa
bansa bunga ng pagbubukas ng
Kanal Suez
Magaling, Bigyan ng Jollibee Klap ang “123, 123, ang saya-saya”
inyong mga sarili.

Kilala niyo ba siya? “Si Dr. Jose Rizal po sir”

Paano siya nakilala?


Nakilala sya sa pagiging lider
nasyonalista
Ano pa klas?

Siya ay isang Pilipinong bayani at isa


sa pinakatanyag na tagapagtaguyod
ng pagbabago sa pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga
kastila. At Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at itinala
bilang isa sa mga pambansang bayani
ng pilipinas ng lupon ng mga
pambansang bayani.

Okay klas, kilala niyo ba rin ng nasa


larawan? “Carlos Maria dela Torre y
Navacerrada”
Bakit siya kilala?
Siya ay isang Kastilang Gobernador-
Heneral ng bansang Pilipinas. Siya ay
naglingkod mula 1869 hanggang 1871.
Ano ang mahalagang nagawa ni
Carlos Maria dela Torre y
Navacerrada? Siya ay tumatayo bilang isang liberal
na heneral sa Pilipinas. Ipinatupad niya
at iminungkahi na dapat ang mga
Pilipino ang mamahala ng mga
simbahan o parokya dito sa bansa.

Anong samahan naman ito klas? “ Katipunan po sir”

Sino ang namuno sa samahang ito?


“Andres Bonifacio sir”
Paano ipinakita ni Andres Bonifacio
ang pagiging isang lider ng KKK?
Binuo niya ang KKK bilang isang
samahanag makabayan na ang layunin
ay palayasin ang mga Kastila sa
Pilipinas. Ipinaglaban ni Andres
Bonifacio ang Kalayaan ng Pilipinas sa
pamamagitan himagsikan o aktibong
nasyonalismo.
Magaling!

Sino naman ang bayaning ito klas? “ Si Emilio Aguinaldo sir”

Tama, ang proklamasyon ng kalayaan


ng Pilipinas ay naganap noong Hunyo
12, 1898 sa pamumuno ni Emilio
Aguinaldo na kauna-unahang
republika sa Asya. Hindi nagtagal ang
Unang Republika ng Pilipinas at
napailalim sa pananakop ng United
States.
Kalian nakamit ng bansang pilipinas
ang kalayaan klas?
“Nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan
Tama, pagkatapos ang Ikalawang noong Hulyo 4, 1946.”
Digmaang Pandaigdig.

Nasyonalismong Pilipino:
Dalawang Anyo o Pamamaraan

Inyo bang naintindihan ang ating “Opo sir”


paksa o tinalakay nagyong araw klas?

D. Paglalahat
Gawain: Pick A Color
Panuto: Pipili ang mag-aaral ng
“Kulay ng Envelope” kung saan may
nakapaloob na mga gawain na may
katumbas na puntos para sa kanilang
performance task.

Ang mga mag-aaral ay ipapakita ang


kanilang mga talento sa Paggawa ng
isang Slogan, Poster, Dula-Dulaan, at
Sanaysay patungkol sa kung papaano
nila maipapakita ang kanilang
pagmamahal sa kanilang Bansa.

Rubrics:
Pagkamalikhain……………. 15
Kagandahan/kalinisan…… 10
Presentasyon……………….. 5

Kabuuang puntos…………. 30

E. Paglalapat

Ano ang kahalagahan ng


nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya? ”Sa pamamagitan ng nasyonalismo
naging malayang bansa ang mga
dating sakop ng mga Kanluranin sa
Silangan at Timog Silangang Asya sa
pangunguna ng bansang Pilipinas”
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Paano ito
nagbigay daan sa mga Asyano upang makamit ang kanilang Kalayaan?
A. Ito ang naging daan upang maging mapagmahal ang mga Asyano sa
kanilang mga kapwa.
B. Ito ang naging daan upang laging maging handa sa panganib ang mga
Asyano.
C. Ito ang naging daan upang makisalamuha sila sa mga Asyano.
D. Ito ang naging daan upang pigilan ng mga Asyano ang paglaganap ng
imperyalismong kanluranin.
2. Paano umunlad ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Dahil sa mga pakikipag-unayan nila sa ibang kanluraning bansa.
B. Dahil sa hindi pagkakasundo ng mga Pilipino sa bawat isa.
C. Dahil sa hindi pagbibigay ng karapatan ng mga Kastila na mamuno ang mga
Pilipino.
D. Dahil sa hindi maganda pagtrato at pang-aalipin ng mga Kastila sa mga
Pilipino.
3. Paano ipinakita ni Andres Bonifacio ang kanyang damdaming nasyonalismo
upang ipagtanggol ang bayan?
A. Nakipag-ugnayan siya sa mga Kastila.
B. Nagsagawa siya ng isang rally.
C. Nagtatag siya ng isang sekretong organisasyon na naging kasangkapan
upang maisakatuparan ang paglaya sa mga mananakop.
D. Hindi siya nakialam sa mga gulo na nagyayari sa bansa.
4. Sa paanong paraan ipinakita ng mga Katipunero ang kanilang pagmamahal
sa bayan?
A. Sa pamamagitan ng Rebolusyon
B. Sa pamamagitan ng Himagsikan
C. Sa pamamagitan ng Reporma
D. Sa pamamagitan ng Pagbabago
5. Nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng kanilang paglaya, bakit hindi
parin lubos naramdaman ng mga Pilipino ang tunay na kalayaan?
A. Dahil sa mga naiwan ng mga kaunluraning mananakop na impluwensiya sa
bansa.
B. Dahil matapos nilang makalaya mula sa pananakop ng mga Kastila sinakop
naman sila ng mga Amerikano.
C. Dahil sa kolonyolismo.
D. Dahil sa ugnayan na nabuo mula sa mga kanluraning bansa.

Tamang Kasagutan:
1. D
2. D
3. C
4. A
5. B
V. Kasunduan/ Takdang Aralin
A. Follow- Up:
Panuto: Batay sa ating paksang tinalakay, Ibigay ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga bayani noong unang panahon at ngayong kasalukuyan
gamit ang Venn Diagram.
B. Advance:
Basahin ang Modyul 3: Mga Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang
Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano at sagutin ang mga
sumusunod:
1. Paano nasangkot sa Una ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ang mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?
2. Paano nakaapekto ang mga karanasan at implikasyon ng mga
Digmaang Pandaigdig sa buhay ng mga Asyano?

Prepared by: Verified by:

MARVIN VERDADERO MARITES T. TABIJE


Teacher-Intern Cooperating Teacher

Approved by: Noted by:

JONALYN D. CALLUENG JOHN BILLY B. SORIANO


School Principal III Supervising Instructor

You might also like