Professional Documents
Culture Documents
Nasyonalismo FD 1.edited
Nasyonalismo FD 1.edited
Kagawaran ng Edukasyon
Division of Cagayan
Cataggaman National High School
(Banghay sa Araling Panlipunan 7)
MAY 10, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag - aaral ay napapahalagahan
ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng TimogSilangang Asya sa Transisyonal at MakabagongPanahon
(ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang Mag - aaral ay nakapagsasagawa nang
kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog
Silangang Asya sa Transisyonal atMakabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo).
C. PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO: Nasusuri ang mga salik, pangyayari, at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
Layuning Pampagkatuto:
Pagkatapos ng animnapung minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. naipaliliwanag ang mga salik at pangyayari na nagbigay-daan sa
pagusbong ng nasyonalismo sa Pilipinas;
B. naipapakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng dula-dulaan, slogan, poster, sanaysay at jingle;
C. naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.
II. Nilalaman:
a) Paksa: Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya (Nasyonalismo sa
Pilipinas)
b) Sanggunian: Araling Panlipunan, Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (pahina 1-21) Asya:
Teacher's Guide pp. 451-467
c) Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Visual Aids
III. Pamamaraan:
• Balik-Aral:
Pangkat Gawain: Papangkatin ang
klase sa dalawa at sagutan ang
nakahandang aktibidad sa pisara.
Pagbabalik-aral sa pamamagitan ng
isang aktibidad na pinamagatang
“Hugutin at Sagutin” ang larong
ito ay magsisilbing patnubay ng mga
mag-aaral upang alalahaning muli
ang paksa na tinalakay sa nakaraang
talakayan.
Okay klas ano ba ang ating huling
tinalakay o patungkol saan ang ating “Patungkol po sa Kolonyalismo at
huling pinag-aralan? Imperyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya”
Tama, kaya naman meron akong
mga sobre dito sa harapan at inyo
lamang piliin ang gusto ninyong
sobre at sagutin ang mga nakalaang
tanong sa loob at kapag inyo itong
nasagot mayroong naghihintay na
premyo sa inyo.
Mga Katanungan:
Ang Moluccas ay isla sa
Indonesia na mayaman sa “PAMPALASA”
________.
Siya ang nakatuklas ng bagong
ruta patungong Asya sa
direksyong pakanluran, at “FERDINAND MAGELLAN”
narating niya ang Pilipinas.
Ginamit ito ng mga astronomo
at navigators upang masukat
ang nakakiling na posisyon sa “ASTROLOBE”
langit ng isang celestial
katawan, araw o gabi.
Sistemang pang-ekonomiya na
umiral sa Europe kung saan
ang yaman ng bansa ay batay “MERKANTILISMO”
sa dami ng ginto at pilak.
Relihiyong ipinakilala ng
Espanyol at tinanggap ng mga “KRISTIYANISMO”
Pilipino.
Ang ________ ay isang
halamang gamot na kapag
inabuso ay nagdudulot ng “OPYO”
masamang epekto sa katawan.
2. Aktibong Nasyonalismo
pagpapakita ng pagmamahal sa
bayan sa pamamagitan ng
Halimbawa: Rebolusyon, Pag-aalsa, dahas.
himagsikan, labanan, atbp.
Nasyonalismo sa Pilipinas
Alam ba ninyo ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pagbuo ng Propaganda
Nasyonalismo sa Pilipinas? Sekularisasyon
Ang Pag-alsa sa Cavite
Ang pagbukas ng Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan
Paggarote kina GOMBURZA
matapos ang pag-aalsa sa
Cavite
Pagpasok ng kaisipang liberal sa
bansa bunga ng pagbubukas ng
Kanal Suez
Magaling, Bigyan ng Jollibee Klap ang “123, 123, ang saya-saya”
inyong mga sarili.
Rubrics:
Pagkamalikhain……………. 15
Kagandahan/kalinisan…… 10
Presentasyon……………….. 5
Kabuuang puntos…………. 30
E. Paglalapat
Ano ang kahalagahan ng
nasyonalismo sa pagbuo ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya? Sa pamamagitan ng nasyonalismo
naging malayang bansa ang mga
dating sakop ng mga Kanluranin sa
Silangan at Timog Silangang Asya sa
pangunguna ng bansang Pilipinas.
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Paano ito
nagbigay daan sa mga Asyano upang makamit ang kanilang Kalayaan?
A. Ito ang naging daan upang maging mapagmahal ang mga Asyano sa
kanilang mga kapwa.
B. Ito ang naging daan upang laging maging handa sa panganib ang mga
Asyano.
C. Ito ang naging daan upang makisalamuha sila sa mga Asyano.
D. Ito ang naging daan upang pigilan ng mga Asyano ang paglaganap ng
imperyalismong kanluranin.
2. Paano umunlad ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
A. Dahil sa mga pakikipag-unayan nila sa ibang kanluraning bansa.
B. Dahil sa hindi pagkakasundo ng mga Pilipino sa bawat isa.
C. Dahil sa hindi pagbibigay ng karapatan ng mga Kastila na mamuno ang mga
Pilipino.
D. Dahil sa hindi maganda pagtrato at pang-aalipin ng mga Kastila sa mga
Pilipino.
3. Paano ipinakita ni Andres Bonifacio ang kanyang damdaming nasyonalismo
upang ipagtanggol ang bayan?
A. Nakipag-ugnayan siya sa mga Kastila.
B. Nagsagawa siya ng isang rally.
C. Nagtatag siya ng isang sekretong organisasyon na naging kasangkapan
upang maisakatuparan ang paglaya sa mga mananakop.
D. Hindi siya nakialam sa mga gulo na nagyayari sa bansa.
4. Sa paanong paraan ipinakita ng mga Katipunero ang kanilang pagmamahal
sa bayan?
A. Sa pamamagitan ng Rebolusyon
B. Sa pamamagitan ng Himagsikan
C. Sa pamamagitan ng Reporma
D. Sa pamamagitan ng Pagbabago
5. Nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng kanilang paglaya, bakit hindi
parin lubos naramdaman ng mga Pilipino ang tunay na kalayaan?
A. Dahil sa mga naiwan ng mga kaunluraning mananakop na impluwensiya sa
bansa.
B. Dahil matapos nilang makalaya mula sa pananakop ng mga Kastila sinakop
naman sila ng mga Amerikano.
C. Dahil sa kolonyolismo.
D. Dahil sa ugnayan na nabuo mula sa mga kanluraning bansa.
Tamang Kasagutan:
1. D
2. D
3. C
4. A
5. B
V. Kasunduan/ Takdang Aralin
A. Follow- Up:
Panuto: Batay sa ating paksang tinalakay, Ibigay ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga bayani noong unang panahon at ngayong kasalukuyan
gamit ang Venn Diagram.
B. Advance:
Basahin ang Modyul 3: Mga Karanasan at Implikasyon ng mga Digmaang
Pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano at sagutin ang mga
sumusunod:
1. Paano nasangkot sa Una ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ang mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?
2. Paano nakaapekto ang mga karanasan at implikasyon ng mga
Digmaang Pandaigdig sa buhay ng mga Asyano?