You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III

Guro: Justlyd Marie H. Tandang Baitang: III


Petsa: Learning Area: Araling Panlipunan

Oras: 1 Quarter: 3rd

I. Layunin
A. Natutukoy ang konsepto ng kultura at mga uri nito.
B. Napapahalagahan ang kultura bilang bahagi ng pag-aaral ng lipunan.
C. Naipapakita ang pagkakaiba ng materyal at di-materyal na kultura sa
pamamagitan ng pagguhit.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Konsepto ng Kultura
Sanggunian: Pahina 251-258. Araling Panlipunan III – Kagamitan ng Mag-aaral.
BIT:
• sanghaya – eksena
• kubyertos – kutsara at tinidor
• kalipon – kagrupo
• tuklasin – alamin
• batid – alam, napagtanto
Kagamitan: Mga larawan (flashcards), mga larawan ng sinaunang kagamitan, laptop,
DLP, pisara, tsart.
Integrasyon: Filipino, Music, Arts, PE

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Bata
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. In the name of the father, and of the
(Susundan ng bata ang pagbigkas ng guro sun, and of the holy spirit. Amen.
ng panalangin).
Our Father, who art in heaven.
Hallowed be Thy Name. Thy Kingdom
come, Thy Will be done, on earth as it is
in Heaven. Give us this day, our daily
bread, and forgive us our trespasses, as
we forgive those who trespass against
us. And lead us not into temptation but
deliver us from evil. Amen!

2. Pagbati
Magandang umaga/hapon, Grade III Magandang umaga/hapon din po!
Mabini!

3. Pagsasaayos ng silid aralan


Bago magsi-upo ang lahat, atin munang (Ang mga mag-aaral ay pupulutin ang
pulutin ang lahat ng kalat sa ating paligid at lahat ng kalat at itatapon ito sa tamang
itapon ito sa tamang basurahan. basurahan.)
Maaari nang umupo ang lahat.

4. Pagtala ng Liban

Atin munang i-tsek ang ang inyong Opo, teacher!


attendance. Kapag tinawag ko ang
pangalan Ninyo, maaring sabihin lamang
ay “Present!”. Malinaw ba?

Mabuti naman at walang lumiban sa inyo


ngayong araw. Mahusay, grade 3 Mabini!

5. Balik-aral
Ngayon naman, tayo ay magkaroon ng
balik-aral mula sa leksyon na ating huling
tinalakay.

Ano ang ating huling tinalakay? (Ang mga bata ay magtataas ng


kamay.)

Sige, _______. Ano ang ating huling Ang huli po nating tinalakay ay tungkol
tinalakay? sa mga Bayaning Filipino.

Tama iyon! Mahusay!

Magbigay naman kayo ng pangalan ng (Ang mga bata ay babanggitin ang


mga Filipinong Bayani na kilala ninyo base mga Bayaning Filipino na kilala nila.)
sa ating huling tinalakay.

Si Dr. Jose Rizal po!


Dr. Jose Rizal, tama! Ang ating pambansang
bayani.

Paano n’yo mailalarawan ang ating Possibleng sagot:


pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal? Matalino
Makabayan
Magiting
Matapang
Mapagmahal

Ang lahat ng inyong tinuran ay tama!


Mahusay!

Sino pa ang ating mga Filipinong bayani? Apolinario Mabini po!

Si Apolinario Mabini, mahusay! Sino pa? Tsaka po si Andres Bonifacio!

Si Andres Bonifacio. Tama! Mahusay, mga


bata!

Sa tingin ninyo, bakit tinawag na mga Posibleng sagot: Dahil sila ay


bayani ang mga taong inyong nabanggit? nakipaglaban at tumindig para sa atin,
at sila rin ang dahilan sa likod ng
kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

Mahusay mga bata! Batid kong kayo ay


may natutunan talaga sa ating nakaraang
leksyon.

6. Paghahawan ng Balakid

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng (Ang-mga mag-aaral ay bubuo ng


isang aktibidad. Mayroon ako ditong apat apat na grupo at pupunta sa kani-
na larawan. Ang mga larawang ito ay may kanilang grupo.)
kinalaman sa ating susunod na tatalakaying
aralin. Bubuo kayo ng apat (4) na grupo at
bubuuin n’yo ang puzzle. Pagkatapos n’yo
itong buuin ay ipapaskil n’yo ito sa pisara.
Ang unang grupong makakatapos ay ang
siyang panalo.

(Ipapamigay ng guro ang bawat envelope


na may lamang puzzle sa bawat grupo.)

Maari na kayong magsimula. (Ang mga mag-aaral ay magsisimula


nang buuin ang puzzle na napunta sa
kanila at ididkit ito sa pisara ng unang
grupong makakatapos.)

Mahusay, Group ____. Kayo ang naunang (Ang mga bata ay gagawin ang “Aling
matapos. At dahil d’yan ay bigyan natin Dionisia Clap”.)
ang kanilang grupo ng “Aling Dionisia
Clap”!

Maaari na ring ipaskil ng iba pang natitirang


grupo ang kanilang puzzle na nabuo.

Mga larawan:
Ngayon naman ay alamin natin kung ano-ano
ba ang mga nasa larawan.

1. Ano ang ipinapakita o ipinapahayag sa


unang larawan? Bayanihan po o pagtutulungan!

Mahusay! Ang unang larawan ay


nagpapakita ng pagbabayanihan ng
mga Filipino.

2. Ang ikalawang larawan naman ay


nagpapakita ng ano? Paggalang po at pagrespeto sa
matatanda!
Tama! Ito ay nagpapakita ng
paggalang at pagrespeto ng mga
Filipino sa mas nakatatanda.

Sa paanong paraan naman ipinakita


ang paggalang ng bata sa matanda Sa pamamagitan po ng pagmamano.
base sa larawan?

Tama! Sa pamamagitan ng
pagmamano.

3. Ang ikatlong larawan naman ay ang


ating pambansang kasuotan, ito ay ang
barong tagalog at ang baro’t saya.

Bakit kaya tayo mayroong tinatawag na


pambansang kasuotan? Para po sa pagkakakilanlan ng mga
Filipino.
4. Ang ika-apat naman na larawan ay ang
tinatawag nating bahay-kubo.
Bakit ba tayo mayroong bahay-kubo sa Dahil ito po ang ating katutubong
Pilipinas? bahay at tradisyonal na pamumuhay
ng mga Filipino ang tumira sa isang
bahay kubo.

Tama! Dahil ang bahay kubo ang s’yang


katutubong bahay at ang tradisyonal at
kinagisnang pamumuhay ng mga
Pilipino ay ang tumira sa bahay kubo.

7. Pagganyak na Tanong

Base sa puzzle na inyong nabuo, ano sa tingin Ang tatalakayin po natin sa araw na ito
n’yo ang ating tatalakayin sa araw na ito? ay ang kultura ng mga Filipino.

Tama! Mahusay!

Alam n’yo ba na ang lahat ng bagay na


nakapaligid sa inyo ay bahagi ng ating kultura?

Bilang isang Pilipino, kailangan na malaman


natin at ipagmalaki ang iba’t ibang kultura ng
bansa.

Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong Opo!


aralin, handa na ba kayo?

B. Paglalahad
(Magpapaskil ang guro ng tsart sa pisara.)

Basahin nating lahat kung ano nga ba ang Kultura – Ito ay ang uri ng paraan ng
kultura. pamumuhay ng mga tao sa isang lugar
na nagpapakita ng kanilang
paniniwala, kagamitan, moralidad,
batas, tradisyon, sining, relihiyon,
kaugalian, pamahalaan, at kaalaman
o sistema ng edukasyon.
Salamat.

May dalawang uri tayo ng kultura. Alam


n’yo ba kung anu-ano ang mga ito?

Ito ay ang kulturang materyal at di-


materyal. Kaya n’yo bang tukuyin sa mga
larawang inyong binuo ang bahagi ng
materyal na kultura at di-materyal na
kultura?

Pero bago natin tukuyin ang mga larawan,


atin munang tuklasin kung ano nga ba ang
mga materyal at di-materyal na kultura.
Kulturang Materyal Kulturang Di-
Materyal
Mga bagay na Mga bagay na ‘di
nakikita, nahihipo o nahahawakan o ‘di
nahahawakan gaya nahihipo gaya ng
ng damit, kubyertos, awit, sayaw,
kasangkapan, panitikan, mga
pagkain, tirahan, tradisyon, kaugalian,
palamuti sa bahay at paniniwala, saloobin,
sa katawan, at iba edukasyon,
pa. pagpapahalaga,
pamahalaan, at iba
pa.

Ngayong natalakay na natin ang mga sakop Opo, maliwanag na po!


ng konsepto ng kultura, maliwanag na ba sa
inyo kung ano ang materyal at di-materyal na
kultura?

At dahil alam n’yo na ang pinagkaiba ng


materyal at di-materyal na kultura, balikan
natin ang puzzle na inyong binuo at tukuyin at
sabihin ninyo sakin kung ang mga ito ba ay
materyal na kultura o di-materyal na kultura.

1. Ang unang larawan ay nagpapakita ng Di-materyal na kultura!


pagbabayanihan ng mga Filipino. Ito ba
ay materyal na kultura o di-materyal na
kultura?
Mahusay, mga bata!

2. Eh ang pagmamano kaya? Materyal na Di-materyal na kultura!


kultura bai to oh di-materyal na kultura?

Tama iyon! Mahusay!

3. Eh ang mga kasuotang barong at baro’t Materyal na kultura po!


saya kaya? Anong konsepto kaya ito ng
kultura?

Mahusay!

4. At ang panghuli naman ay ang bahay- Materyal na kultura po!


kubo, ito ba ay materyal na kultura o di-
materyal na kultura?

Mahusay mga bata! Bigyan n’yo ang (Ang mga mag-aaral ay gagawin ang
inyong sarili ng “Ang galing-galing clap”! “Ang galing galing clap”.)

C. Pangkatang Gawain
Ngayon naman ay alamin natin kung
talaga bang naintindihan ninyo ang ating
pinag-aralan.

Bumuo kayo ng tatlong grupo. Sa unang


grupo ang materyal na kultura, at sa
ikalawang grupo naman ang di-materyal
na kultura. Sa pangatlong grupo naman
mapupunta ang parehong materyal at di-
materyal na kultura.

Panuto:
1. Ang unang grupo ay bubuo ng isang
sayaw at gagamit ng props na kulturang
materyal ng mga Filipino.

2. Ang pangalawang grupo naman ay


bubuo ng isang maikling tula patungkol
sa kulturang di-materyal ng mga Filipino.

3. Ang ikatlong grupo naman ay bubuo ng


isang maikling kanta patungkol sa mga
materyal at di-materyal na kultura ng
mga Filipino.

4. Ang presentasyon ng bawat


magkakalipon ay isasagawa sa susunod
na araw sa oras ng klase.
D. Panglinang na Gawain
Isulat sa kwadernong sagutan ang sagot sa
mga sumusunod na pagsasanay.

Isulat ang M kung materyalnat DM kung di-


materyal ang bawat kulturang sumusunod.
____ 1. Katutubong awit
____ 2. Katutubong sayaw
____3. Kwintas, hikaw, at palamuti
____ 4. Prusisyon
____ 5. Bahay-kubo
____ 6. Barangay
____ 7. Bugtong at Kasabihan
____ 8. Simbahan sa Quiapo
____ 9. Paghalik sa kamay ng nakatatanda.
____ 10. Banga at Palayok

E. Paglalahat
Gumuhit ng limang (5) halimbawa ng
materyal na kultura at limang (5) halimbawa
ng di-materyal na kultura ng mga Pilipino.

IV. Pagtataya

Isulat sa kwadernong sagutan ang sagot sa mga sumusunod. Basahin at unawain


ang bawat pangungusap. Isulat ang (√) kung ang pangungusap ay Totoo at (X) naman
kung Hindi Totoo.

____ 1. Ang larong sipa ay halimbawa ng kultura ng kulturang di-materyal nating mga
Pilipino.
____ 2. Ang kultura ng bansa ang nagbibigay ng pagkakakilanlan dito.
____ 3. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong sayaw.
____ 4. Ang sining at panitikan ay bahagi ng kulturang materyal ng bansa.
____ 5. Ang pangingisda ay halimbawa ng kulturang materyal.
____ 6. Ang bahay-kubo ay halimbawa ng kulturang materyal.
____ 7. Ang batas na ipinatutupad ng pamahalaan ay maituturing na kulturang di-
materyal.
____ 8. Bahagi ng ating kulturang materyal ang mga katutubong awit.
____ 9. Ang relihiyon ay bahagi ng ating kulturang di-materyal.
____ 10. Ang baro’t saya ay halimbawa ng kulturang materyal.

V. Pampasiglang Gawain (Culminating Activity)


Gumawa ng isang maikling dula-dulaan. Ang bawat sanghaya ay dapat
tumatalakay o sumasalamin sa mga materyal at di-materyal na kultura ng mga Pilipino.

You might also like