You are on page 1of 4

Name: Czarrian Ten F.

Jose
Section: BEED 2A
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
Ikatlong Baitang

I. Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nailalahad ang mga paniniwala at relihiyon ng mga sinaunang Pilipino;
b. naipapakita ang kahalagahan ng sinaunang paniniwala at relihiyon ng sinaunang
Pilipino;
c. nakalalahok nang masigla sa mga pangkat gawain o talakayin.

II. Paksang aralin


a. Paksa: Ang mga paniniwala at relihiyon ng sinaunang Pilipino
b. Sangunian: Araling Panlipunan kagamitan ng mga mag-aaral 3
Rehiyon IX-Zamboanga Pensinsula pahina 267,
https://www.slideshare.net/RitchenMadura/ mga-paniniwala-at- tradisyon-
ng-sinaunang-pilipino

III. Kagamitan: Manila paper, larawan,worksheet,projector,laptop, incentive chart

IV. Pamamaraan:
a. Paghahanda
1. Pagganyak
Magandang umaga mga bata! (Magandang umaga din po teacher)
Ako ang magiging guro ninyo sa araw na ito, ako ay si teacher czar. Lahat ba ay
nandito? Wala bang lumiban? Sa klase? (wala po)
Gagawa si teacher ng tatlong pangkat, magbilang tayo simula sa kaliwa para
sa kanan.(1,2,3….)
Ngayon sa inyong pangakat ay magtalaga ng isang numero sa bawat isang
miyembro mula 1 hanggang 10.
Mga bata nakikita niyo ba ang mga larawan sa harap? ( opo)
Magaling, pumili ng isa at tignan,obserbahan at ilarawan kung ang numero niyo ay
tinawag.
Mag simula na tayo. Unang bunut (2) magsipag tayo ang mga numero na dalawa.

A b c
(sagot nila)
Magaling mga bata ang mga inilawaran niyo ay tama.
Sino sa inyo ang nakikita na ng mga nasa larawan? Taas ng kamay
Pwede niyo bang sabihin kay teacher kung saan mo to Nakita? (tv,cellphone)
Sa tunay na buhay Nakita niyo na ba ito? (hindi po teacher)
Okay, Salamat sa mga sagot ninyo, magpatuloy tayo sa susunod nating aktibidad.

b.Paglalahad
May konting tanong si teacher bago tayo sisimula sa ating paksa.Okay? (opo)
Itaas ang inyong kamay kung nais mong sumagot. Para sa inyo ano ang kahulugan
ng relihiyon? (pananampalataya, paggalang sa kinikilalang diyos) ano naman ang
kahulugan ng paniniwala? (mga pamahiin teacher tungkol sa mga bagay bagay na
walang relasyon s ating nakikita at ginagwa) magaling, nagyon ano-ano yata ang
mga reliyon meron tayo ngayon? (muslim,Christians at iba pa) sino sino dito ang
mga muslim?(taas ng kamay) sino naman ang mga Christians) (taas ng kamay)
Magaling, madami na tayong mga paniniwala at relihiyon sa pilipinas ngayon,
ngunit noon bago pa man dumating ang relihiyon Christians at muslim sa pilipinas
meron na ang mga sinaunang Pilipino, ngayon ano ang gusto niyong malaman?
Ano ang mga paniniwala at relihiyon ng mga sinaunang Pilipino?
(marahil ay pagsasamba sa kalikasa, ang diyos nila bathala)
Magaling.

c. Pagtatalakay
ngayon ay malalaman natin kung ano nga ba ang mga paniniwala at relihiyon
ng mga sinaunang Pilipino. Gagamit si teacher ng projector kayat masipag talikod
ang lahat upang Makita ninyo. Mag lista ng mga importanteng detalye.

Ang mga paniniwala at relihiyon ng sinaunang Pilipino

Bago pa man ang pananakop ng ibang bansa sa pilipinas ay may sariling


paniniwala at relihiyon na ang mga sinaunang Pilipino

Paganismo - Naniniwla sa maraming diyos

Animism -ito ay ang pagsasamba sa kalikasan

katalonan -ang tawag sa kanilang pag-aalay tulad ng pabango ,pagkain at


prutas

Anito -tawag sa sinaunang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng kalikasan


na sinasamba nila

-naniniwala rin sila na ang kaluluwa namatay na ay naninirahan sa puno at


mga bato.

-ayon sa kanila ang pagsamba sa mga espiritu ay magbubunga ng


magandang panahon at mabibigay ng magandang ani.

-ang larawan ng namatay na mahal sa buhay ay inuukit sa bato,ginto,at


garing.

Mga Sinasambang Espiritu


Bathala -pinakamataas o hari ng mga anito
idyanale -anito ng pagsasaka
sidapa -anito ng kamatayan
Mandaranga -anito ng digmaan
agni -pinakamataas na anito
Magwayen -anito ng kabilang daidig

Mga pinaniniwalang Nilalang


Diwata
manangangal
tiyanak
tikbalang
sirena
aswang
Ngayon ay magtatanong si teacher kung meron ba kayo naintindihan na nasagap
na importmasiyon sa aking pinakita.
Itaas ang kamay kung nais mong sumagot.
Ano ang relihiyon ng mga sianuang Pilipino na naniniwala sa maraming diyon o
anito? (paganism) Bakit nila sinasamba ang mga espiritu? (dahil po ay magbubunga
ng magandang panahon at mabibigay ng magandang ani) bakit nila inuukit ang
mga larawan ng mahal nila sa buhay sa kahoy,ginto at garing?(para patuloy nila
ma-alala sakanila na namatay na) ano ang tawag sa pinaniniwalang pinaka mataas
na diyos o anito ng sinaunang Pilipino?(bathala)
Magaling mga bata.

d. Paglalahat
magbibigay si teacher ng blankong papel at pilot pen kada pangakt, isulat
ang sagot saaking tanong. Ano-ano ang mga paniniwala at relihiyon ng mga
sinaunang Pilipino na Nakita niyo kanina.magbibigay lamang ako ng minuto upang
matapos ninyo at idikit sa manila paper na binigyan ni teacher at inyong basahin
kada pangakat. Okay ba? (opo)

e. Pagwawasto ng Suliranin
Tignan natin kung nasagot ba natin ang katanungan ninyon kanina
Ano ang mga paniniwala at relihiyon ng sinaunang Pilipino?
(marahil ay pagsasamba sa kalikasa, may mga ritwal , ang diyos nila bathala)
Tama ba ang sagot ninyo? (tama)magaing tama ang mga sagot ninyo at mas
madami pa kayong nalaman base sa atin aktibidad kanina.

f. Paggamit
Ito ay pangkatang-gawain, makinig ng Mabuti.
Pangkat isa (awit/jingle)
-Gumawa ng maikling awitin na hango sa paniniwala at relihiyon ng sinaunang
Pilipino.

Pangkat ikalawa (dula-dulaan)


-Gumawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng paniniwala at relihiyon ng
sinaunang Pilipino.

Pangkat ikatlo (Pagguhit)


-Gumawa ng isang senaryo na nagpapakita ng paniniwala at relihiyon ng sinaunang
Pilipino.
g. Pagbibigay halaga
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang na inilaan.
Hanay A Hanay B
______1. Ito ay ang kataas-taas na a. sirena
anito o diyos. b.katalonan
______2. Ginawa upang patuluy ang c. Bundok
pag-alala sa namayapa na. d.animismo
______3. Ito ang tawag sa naniniwala e.bathala
sa maraming diyos o anito. f.paganismo
______4. Ito ang tawag sa pag aalay g. mag-ukit ng larawan
sa mga diyos o anito.
______5. Ang nilalang na ito ay
kalahating tao at kalahating isda.

You might also like