You are on page 1of 31

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog
Yunit 4

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email
ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog

i
Unang Edisyon, 2012
ISBN: 978-971-9981-50-3

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tangapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Consultant: Fe A. Hidalgo, PhD.

Editor at Tagasuri: Irene de Robles

Mga Manunulat: Teresita M. Anastacio, Gloria M. Cruz, April Ann M. Curugan, Anna
Cristina Nadora, Jennifer Quinto, at Rubie Sajise

Mga Tagasuri: Marilou D. Pandiño, Joselita B. Gulapa, Minda Blanca Limbo, Lourdes
Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,
Ma. Rita T. Belen, Elvira E. Seguerra, Grace U. Salvatus

Mga Tagaguhit: Jesus Trinidad, Jr, Arnold Macabangon, Eric S. de Guia, Fermin M.
Fabella, at Amphy B. Ampong,

Mga Naglayout: Aro R. Rara, Ma. Theresa M. Castro

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-


IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

ii
Talaan ng Nilalaman

Yunit 4 Pananalig sa Panginoon at


Preperensya sa Kabutihan
Aralin 1: Pananampalataya sa
138
Panginoon ..
Aralin 2: Paggalang sa Paniniwala ng
146
Iba ...
Aralin 3: Pagkakaroon ng Pag-asa ……….
153

iii
Yunit 4
Pananalig sa Panginoon at
Preperensiya sa Kabutihan

4
Aralin 1: Pananampalataya sa
Panginoon

Hello. Kumusta ka na? Ang ating paksa sa araling


ito ay tungkol sa pananampalataya sa Diyos.
Ngunit bago ang lahat, piliin ang mga larawan na
nagpapakita ng mga bagay na iyong tinatamasa?

Isaisip

5
Ang mga mabubuting bagay na
ipinagkakaloob ng Diyos ay tinatawag nating mga
pagpapala o biyaya. Ilan sa mga halimbawa nito
ang sumusunod:

Ang mga biyayang bigay ng Diyos ang


nagpapatatag ng ating pananampalataya. Ang
mga pagpapalang ito ay maaari nating
ipagpasalamat sa pamamagitan ng sumusunod:

6
Isagawa

Gawain 1

Mag-isip ng mga bagay na maituturing na


biyaya mula sa Panginoon. Isulat o iguhit sa iyong
kwaderno ang sagot.

Humanap ka ng kapartner at ibahagi ang


inyong sagot sa isa’t-isa. Piliin ang sagot ng
kaklase na dapat mo ring ipagpasalamat. Isulat o
iguhit din ang mga ito sa tabi ng inyong sagot.

Gawain 2

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Piliin ang mga


larawan na ipinapanalangin mong makuha. Isulat
ang bilang ng tamang sagot sa inyong kwaderno.

7
1 2 3

4 5 6

Gawain 3

Tingnan mong mabuti ang mga larawan na


nagpapakita ng iba’t-ibang paraan kung paano
nagpapasalamat ang mga Pilipino sa Dakilang

8
Maykapal. Sabihin kung ano ang ipinapakita ng
bawat larawan.

May naiisip ka pa bang ibang paraan kung


paano nagpapasalamat ang iyong pamilya sa
Diyos? Humanap ka ng iyong kapartner at pag-
usapan ninyo ang inyong mga sagot.

Isapuso
9
Ang pananalig at pananampalataya sa Diyos
ay likas sa ating mga Pilipino.

Tandaan:
1. Ang mga biyaya o mga pagpapala na
ating tinatamasa ay bigay sa atin ng
Diyos.
2. Ang pananalangin o pagdarasal ay
isang paraan ng pakikipag-usap sa
Diyos upang ipaabot ang ating
pasasalamat at mga kahilingan sa
buhay.
3. Maraming paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat at pakikipag-ugnayan sa
Diyos gaya ng pagdarasal, pag-awit, at
pagsamba.

Isabuhay
Gumuhit ng treasure box na katulad ng
nasa ibaba. Iguhit sa loob nito ang mga bagay na
mahalaga para sa iyo at nais mong ipagpasalamat
sa Panginoon. Sumulat sa inyong kwaderno ng
isang maikling panalangin ng pasasalamat sa mga
pagpapalang inyong tinatanggap.
10
Subukin

Pakinggan ang sumusunod na mga sitwasyon.


Iguhit ang puso sa inyong papel kung ito ay
nagpapakita ng pagpapasalamat sa Panginoon o
araw kung nagpapakita ng pananampalataya
sa Panginoon.

11
1. Tuwing gabi, sabay-sabay na nananalangin ang
Pamilya Reyes bago matulog.
2. Hindi nawawalan ng pag-asa ang Pamilya
Santos na magkakaroon sila ng sariling bahay.

3. Naniniwala sina Ginoo at Ginang Cruz na


mapagtatapos nila sa pag-aaral ang kanilang
mga anak.
4. Linggo-linggo ay maagang nagsisimba ang
Pamilya Mozol.
5. Nagtitiwala ang Pamilya Herman na
makakaahon din sila sa hirap.

Aralin 2: Paggalang sa Paniniwala ng


Iba

Magandang araw. Tingnan mo ang bawat


larawan. Nakakita ka na ba ng mga ito sa inyong
pamayanan? Ito ay mga gusaling pinupuntahan ng
mga tao upang sumamba. Sa araling ito,
tatalakayin natin ang paggalang sa iba’t-ibang
paniniwala ng mga Pilipino.

12
Isaisip

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang


paniniwala tungkol sa Dakilang Lumikha. Marami
sa mga Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo.
Kabilang dito ang relihiyong Katoliko, Iglesia ni
Cristo at Protestante. Mayroon ding naniniwala sa
Islam.
Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga
Pilipino, mahalagang igalang ang mga ito. Ilan sa

13
mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba ay ang sumusunod:

Pakikipagkaibigan sa may Paggalang sa lugar ng


ibang paniniwala. sambahan ng iba.

Pagkakaroon ng bukas na
isipan at pagrespeto sa
Paggalang sa kanilang
kanilang paniniwala.
paraan ng pakikipag-
ugnayan o pagsamba.

Isagawa

Gawain 1

Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang


larawan na nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba. Ipaliwanag ang inyong sagot.

14
Gawain 2

Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng guro.


Iguhit sa inyong papel ang isang parisukat
kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang
sa paniniwala ng iba at isang bilog kung hindi
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.
1. Maayos na kinakausap ni Beth ang bagong
kaklaseng kabilang sa Iglesia ni Cristo.
2. Pinagtatawanan ni Marco ang kaniyang
kaibigan tuwing ito ay nagsisimba.
3. Magalang na nagtatanong si Alvin kay Eric
tungkol sa kanilang ibang paniniwalang
panrelihiyon.
4. Iniiwan nina Jim at Anton si Ben tuwing
15
maglalaro dahil siya ay Kalotiko at sila ay
Protestante.
5. Bukas ang isipan at pakikinig ni Jamie sa
mga paniniwala ni Jezil at iginagalang niya
ang mga ito.
6. Iniiwasan si Micka sa kanilang lugar dahil
iba ang kaniyang paraan ng pagsamba.
7. Hindi pinipilit ni Rosy si Eliza na magsimba
dahil ito ay may ibang paniniwala.
8. Walang pumapansin kay Amir sa kaniyang
klase dahil siya ay isang Muslim.
9. Tanggap ni Rico na iba ang paraan ng
pagsamba ni Alec sa Diyos.
10. Laging tinutukso si Henry sa kanilang lugar
tuwing siya ay magpupuri sa Diyos.

Gawain 3
Paano mo ipapakita ang paggalang sa
paniniwala ng iba? Gumupit o gumuhit ng mga
larawan na nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba. Idikit ito sa iyong papel o
kwaderno. Ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.
Tandaan:
1. May iba’t-ibang paniniwala ang mga
Pilipino tungkol sa Dakilang Lumikha.
Isapuso
2. Ang paggalang at pagtanggap sa
pagkakaiba-ibang ito ay susi sa
pagkakaunawaan
Ang paggalang at pagkakaroon
sa paniniwala ng ay
ng iba
kapayapaan.
mahalaga sa pamumuhay ng payapa.
3. Bilang isang batang Pilipino,
mahalagang maipakita mong
iginagalang mo at nirerespeto ang
16
paniniwala ng iba.
Isabuhay
Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng
Iba
Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa
Ako
araling si __________________
ito? , ay nangangakong
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
igagalang ang paniniwala ng iba. Ipakikita ko
Kumpletuhin ang pangako ng paggalang sa
ang paggalang na ito sa pamamagitan ng:
paniniwala ng iba sa inyong kwaderno. Bigkasin
1. ______________________________________
ang inyong pangako patungkol sa paggalang sa
iba. 2. _______________________________________
3. _______________________________________
Makatutulong na alalahanin ang iyong mga
Iiwasan
natutunan ko ang
upang paggawang
matugunan ngwasto
sumusunod
ang mga
upang hindi
patlang ko masaktan ang aking kapwa:
sa ibaba.
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
17
_________________
Lagda
Subukin

Tukuyin kung tama o mali ang sinasaad sa bawat


sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha  kung
tama at malungkot na mukha kung mali.

1. Nirerespeto ng mga kaklase ni Tony ang


kaniyang relihiyon bagaman siya ay isang
Muslim at sila ay Kristiyano.
2. Pinagtatawanan nina Mark, Ben, at Gabby
ang kanilang kaibigang umaawit ng
papuri sa Diyos.

18
3. Sinusulatan nina Randy at Rico ang
simbahan ng ibang relihiyon.
4. Maingay at magulo sina Sam, Eric at Jun
sa loob ng simbahan habang nagdarasal
ang mga tao.
5. Magalang na nakikinig si Jenny sa
paliwanag ng kaniyang kaibigan tungkol
sa pagkakaiba ng kanilang paniniwala.

Aralin 3: Pagkakaroon ng Pag-asa

Mapagpalang araw sa iyo. Sana ay marami


kang natutunan sa ating nakaraang aralin. Sa
araw na ito ay may bago kang mapag-aaralan.
Ngunit, bago ang lahat, nais ko sanang itanong,
nanonood at nakikinig ka ba ng mga balita sa
telebisyon? Kung oo, maaaring nabalitaan at
nakita mo ang mga ito.

19
Ang unang larawan ay nagpapakita ng epekto
ng Bagyong Sendong. Ang ikalawang larawan
naman ay nagpapakita ng nangyari sa Cebu ng
magkaroon ng malakas na lindol. Naaalala mo ba
ang mga balitang ito? Ano ang nararamdaman mo
tuwing nakakabalita ka ng ganitong pangyayari?

20
Sa mga pagkakataong tulad nito, mahalaga
ang pagkakaroon ng “pag-asa”.
Paano ba nakatutulong ang pag-asa sa
pagharap sa mga problema sa buhay? Maaaring
hindi mo pa masagot ngayon ang tanong na iyan.
Kaya naman inihanda ang araling ito. Sa iyong
pagbabasa, ikaw ay inaasahang:
a. Makatukoy ng mga inaasahan at
ninanasang mangyari sa iyong buhay.
b. Makapag-isip ng paraan upang matupad
ang iyong inaasahan.
c. Magkaroon ng positibong pagtingin sa
mga nangyayari sa iyong buhay.
Alin sa mga ito ang naranasan mo na? Lagyan
ng tsek () ang kahon kung naranasan mo na. Ano
ang iyong naisip at naramdaman ng mangyari sa
iyo ang mga sitwasyong isinasaad sa bawat
bilang? Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong
klase at mababa ang nakuha mong grado.
2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang
asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa
ng iyong gawa.
3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang
paligsahan sa inyong paaralan subalit
hindi ka nakasama sa laban dahil
nagkaroon ka ng sakit.

21
4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit
ngunit hindi ka nanalo.
5. Nais mong mapabilang sa mga may
karangalan sa inyong klase ngunit hindi
umabot ang iyong grado upang mabigyan
ka ng parangal.

Isaisip

Maaaring naranasan mo na ang mga


nabanggit na sitwasyon. Ito ay halimbawa ng mga
pagkakataong maituturing nating hindi
magandang pangyayari sa ating buhay. Ang mga
ganitong pangyayari ay nagdudulot sa atin ng
iba’t-ibang damdamin tulad ng pagkalungkot,
panghihinayang, pagkainis, at galit.
Sa mga pagkakataong ito, hindi ka dapat
manatiling malungkot at nagmumukmok.
Mahalagang maghanap ng paraan kung paano mo
lulutasin ang iyong problema. Kinakailangan mong
mag-isip ng paraan kung paano ka makakabawi at
makakabangon muli. Ang isang tao ay
kinakailangang maniwalang may mabuting
mangyayari sa kaniyang buhay. Ang taong ito ay

22
humahanap ng paraan upang matupad ang
kaniyang hinahangad at ninanais. Ito ang taong
mayroong pag-asa. Hindi siya nawawalan ng
pasitibong pagtingin sa buhay.
Narinig mo na ba ang kasabihang ito - “May
bukas pa. Huwag kang mawalan ng pag-asa”.?
Ang linyang ito ay karaniwan nating maririnig
bilang payo ng mga nakatatanda. Tulad ng
pagsikat ng araw sa bawat umagang dumarating,
ang pag-asa ay nagbibigay sa atin ng magandang
pakiramdam.
Ang pag-asa ay tulad ng sikat ng araw na
nagbibigay sa atin ng malinaw na pag-iisip kung
paano haharapin ang mga problema sa ating
buhay. Gaya rin ng sikat ng araw, ito ay
nagbibigay sa atin ng kalakasang harapin ang
bawat sitwasyon - maganda man o hindi. Ang
pagkakaroon ng pag-asa ay nagdudulot din ng
katatagan ng ating pananalig sa Diyos. Umaasa
tayo na may mabuting mangyayari sa ating buhay
sa gabay at patnubay ng Panginoon.
Sa iyong mga hindi magagandang karanasan,
ano ang iyong ginawa upang hindi na ito maulit?
Paano mo nilutas ang iyong mga problema?

Isagawa

Gawain 1

23
Balikan natin ang mga sitwasyong iyong
binasa. Iguhit sa iyong kwaderno ang masayang
mukha

sa bawat pangungusap na nagpapakita ng batang
may pag-asa.
1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase
at mababa ang nakuha mong grado.
a. Pagbubutihin ko pa ang pag-aaral at
gagawa palagi ng takdang-aralin upang
makakuha ng mas mataas na grado sa
susunod na pagsusulit.
b. Maglalaro na lamang at manonood ng
telebisyon tuwing uuwi sa bahay dahil
hindi na mababago ang aking grado sa
paaralan.

2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang


asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa ng
iyong gawa.
a. Hahayaan na lamang na walang
naipasang proyekto.
b. Makikiusap sa guro kung maaaring
tapusin at ipasa ang nagawang proyekto
kahit pa huli na.

3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang


paligsahan sa inyong paaralan subalit hindi ka
nakasama sa laban dahil nagkaroon ka ng
sakit.

24
a. Hindi ka na sasali sa kahit anong
paligsahan kahit kalian.
b. Magpapagaling kaagad at mag-eensayong
muli upang sa susunod ay makasama na
sa paligsahan.

4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit ngunit


hindi ka nanalo.
a. Babatiin ang nanalo at pag-iibayuhin pa
ang angking talento upang sa susunod na
paligsahan ay manalo.
b. Iiyak at magagalit sa nanalo. Kalilimutan
at titigil na din sa aking hilig.

5. Nais mong mapabilang sa mga may


karangalan sa inyong klase ngunit hindi
umabot ang iyong grado upang mabigyan ka
ng parangal.
a. Magiging lalo pang masipag at masigasig
sa pag-aaral at mga gawaing
pampaaralan.
b. Malulungkot at magagalit sa sarili.
Magmumukmok na lamang sa isang tabi
at hindi na aayusin ang pag-aaral.

Gawain 2

Ikaw ba ay may mga pangarap sa iyong


buhay? Kaakibat ng mga pangarap ang pag-asang
magkaroon ng mabuting kinabukasan. Bilang
isang mag-aaral, ano-ano ang iyong mga

25
pangarap? Sa iyong kwaderno, gumawa ng
dalawang hanay, Hanay A at Hanay B. Isulat sa
Hanay A ang iyong mga pangarap, hinahangad, at
ninanais. Isulat naman sa Hanay B ang maaari
mong gawin upang matupad ang mga ito.

Gawain 3

Ang isang taong may pangarap ay laging may pag-


asa. Ang taong ito ay mayroong positibong
pagtingin sa buhay. Alin sa mga larawang ito ang
nagpapakita ng isang taong may positibong
pananaw? Ipaliwanag sa klase ang iyong napiling
sagot.

Larawan ng isang batang


malungkot at magagalitin sa
loob ng bahay.

26
Isapuso

Sa ngayon alam mo na ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng pag-asa at positibong pagtingin sa
buhay. Sa pamamagitan ng pagguhit sa isang
papel, ipakita mo ang iyong pagkaunawa sa isang
taong may pag-asa at positibong pagtingin sa
buhay.

Tandaan:
Ang bawat tao ay nakakaranas ng mga
problema at hindi magagandang pangyayari
sa buhay.
Sa bawat problema at hindi magandang
pangyayari sa buhay ng isang tao,
importante ang pagkakaroon ng pag-asa at
positibong pananaw sa buhay.
Ang pag-asa at positibong pananaw sa
buhay ay nagbibigay ng kalakasan at
katatagang harapin ng may pananalig sa
Panginoon ang kinabukasan.
Ang bawat pangarap, ninanais at hangad ay
may kaakibat na pag-asang mapabuti ang
kalagayan ng buhay sa hinaharap.
27
Isabuhay

Hayan at patapos na naman an gating aralin.


Basahin mo ang maikling tula sa ibaba. Gawan mo
ito ng aksyon at ipakita ang iyong ginawa sa
kaklase. Sa susunod na maharap ka sa isang
mahirap na sitwasyon o sa isang problema,
alalahanin mo ang tulang ito.

PAG-ASA

Sa bawat pagsubok sa ating buhay,


Pag-asa sa puso ay palaging taglay,
Sa puso mo ito ay wag kalimutan,
Lakas at tibay ng loob ay makakamtan.

Ang bawat problema ay dapat harapin,


Ng may pag-asa at tiwala sa Panginoon,
Pangarap sa buhay ay iyong kakamtin,
Dulot ng pag-asa na nasa puso natin.

28
Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap.


Bilugan ang titik ng iyong sagot sa bawat tanong.

1. Mayroong nalalapit na palaro sa paaralan.


Sino kaya sa tatlo ang gumagawa ng paraan
upang mapabilang sa paligsahang ito?
a. Tuwing matatapos ang klase ay
sumasama pa sa mga kaibigan si Jezil
upang maglaro at makipagkwentuhan.
b. Tuwing matatapos ang klase ay umuuwi
kaagad si Jamie upang mag-ensayo ng
kaniyang kakayahan.
c. Tuwing matatapos ang klase ay maagang
umuuwi si Marnie upang magpahinga at
manuod ng paboritong telenobela.
2. Masipag mag-aral si Raymond. Lagi siyang
gumagawa ng takdang-aralin at mga proyekto
sa bawat aralin. Umaasa siyang makasama sa
magkakaroon ng karangalan sa kanilang klase.
Matupad kaya ang kaniyang inaasahan?
a. Oo, dahil gumagawa siya ng paraan
upang matupad ang kaniyang pangarap.
b. Hindi, dahil walang halaga ang kaniyang
pagsusumikap.
c. Maaari, baka makilala siya ng kaniyang
guro sa kaniyang ginagawa.
29
3. Nais ng pamilya Reyes na magkaroon ng
sariling bahay na titirhan. Ano ang dapat
nilang gawin upang matupad ang kanilang
pangarap?
a. Tumaya sa lotto at baka manalo, saka
bibili ng bahay.
b. Mangutang ng pera sa mga kakilala at
bumili ng bahay.
c. Magsipag sa pagtatrabaho at magtipid
upang makaipon at makabili ng bahay.
4. Nagkaroon ng sunog ang isang pamayanan.
Sino sa pamilyang ito ang may positibong
pananaw sa buhay?
a. Kinuha ng pamilya ni Mang Jose ang
natira sa kanilang mga kagamitan at
naghanap kaagad ng lugar na maaaring
pansamantalang matitirhan.
b. Tulala si Mang Nicanor sa sinapit ng
kanilang bahay pati ang kaniyang mag-
iina ay hindi matigil sa pag-iyak at
panghihinayang.
c. Lungkot at pagmumukmok lamang ang
ginagawa ng pamilya ni Mang Sidro dahil
hindi nila matanggap ang nangyari sa
kanila.
5. Ano ang katangian ng isang taong may pag-
asa sa buhay?
a. Malungkot, takot, at laging
nagmumukmok.
b. Magagalitin, palaaway at maraming
kinaiinisan.

30
c. Masayahin, matatag at may magandang
pananaw sa hinaharap.

31

You might also like