You are on page 1of 1

Naging Karanasan Sa Pandemya.

Naghahari ngayon sa ating ang isang nakatatakot na pangyayari

Sakit na kumakalat ngunit hindi natin makita

Singbagsik ng sakuna, Sinbilis ng hangin kung manalansa

Walang sinasanto, walang sinisino

Sa ilang buwan pagsasatupad ng tinatawag nating lock down, marami sa mga pangkabuhayan natin ang

naapektuhan.

Sa mga unang buwan nito ay nakaranas ako ng pagbabago sa takbo ng aking buhay at Negosyo.

Pagbabagong di ko inaakala ngunit napagkayanan ko. Maraming pagsubok ang dumating dala ng

paghihigpit sa paglapit sa ibang tao. Nariyan ang hindi kami pinahintulutang pumasok sa Baler, upang

mag-angkat sana ng produkto. Pero sabi nga nila, pag gusto ay maraming paraan. Natutuwa akong kahit

nasa gitna ng pandemya ay nakakagawa pa rin ako ng maraming paraan upang maging produktibo at

makatulong sa kapwa. Upang ipagpatuloy ang aking nasimulan

Pagdating sa pag-aaral ay marami akong natutunang bagay tungkol sa teknolohiya na kung saan

hanggang ngayon ay ginagamit ko at at patuloy pang hinahasa.

Pagdating sa pamilya naman ay aking ikinatutuwa na kahit papaano ay nanatili itong masaya, matatag at

pundasyon ng lakas at pagmamahalan sa bawat isa.

You might also like