You are on page 1of 11

M0 00f K0

0HY0


Proyekto sa Filipino 3 Masining na Pagpapahayag



ljriasa ka. D. Nare Cesrsta
ljriasa ir. 1ORDA, Vrkkr Ca 1.
PAGLALAHAD

KuIturang Asyano

Mahalaga sa mga Pilipino na malaman ang kulturang Asyano sapagkat kabilang
ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na itinuturing na pinakamalaking sa pitong
kontinente sa mundo.
Karamihan ng mga Asyano ay nagpapahalaga sa aspetong ispiritwal at hindi sa
mga material na bagay. Mahalaga sa kanila ang kalinisan ng kalooban kaysa panlabas
na kalinisan. May mga Asyano na naniniwala na ang isang tao ay naiimpluwensyahan
ng mga puwersang superior. Ang kaniyang kalayaan sa pagpapasya ay nalilimitihan ng
kaniyang pamilya, lipunan, kaugalian , kalikasan at relihiyon. Tinatanggap nang
mahinahon ng isang Asyano ang kamatayan, kabiguan, sakit at kasawian. Nalinang na
sa isang Asyano ang pagiging matiisin dahil sa pagdaranas ng kahirapan dulot ng iba't
ibang kalamidad at kaguluhan. Ang katangi-tanging kaugalian ng mga Asyano na labis
na hinahangaan ng mga dayuhan ay ang mabuting pagtanggap sa panauhin.
pagkakaloob nila ang lahat nilang makakayang maglingkod upang masiyahan ang
kanilang panauhin. Matibay ang bigkis ng pagmamahalan ng pamilyang Asyano.
Karaniwang makikitang sama-sama sa iisang bubong ang mga lolo, lola, mga magulang
at mga anak. Nagtutulungan ang magkakamag-anak. Ang mga magulang at mga anak
ay labis na malalapit sa isa't isa. ginagalang at sinusunod ng mga anak ang mga
magulang at inaalagaan nila ang mga iyon sa panahon ng katandaan. Ang matatalik na
kaibigan ay itinuturing nilang parang tunay na kapatid. Naniniwala ang mga Asyano na
ang anumang hakbang na gawin ng isang tao ay maaaring makaapekto sa kalikasan.
Ayon sa kanila, ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan ay bunga ng paggawa ng
masamang tao.
Ang mga Asyano at mga Kanluranin ay magkaiba ng pananaw at
pangangatwiran. Samantalang minamabuti ng isang Kanluranin na linawin at tiyaking
sabihin ang mga nasa kalooban, iniiwasan naman ng isang Asyano ang pakikipagtalo at
tuwirang pagpapahayag. Sa halip, minamabuti niya ang mahinahon at matatalinhagang
pananalita.

PAGHAHAMBING AT PAG-IIBA

Ang Babaeng PiIipina, Noon at Ngayon

Sinasabing ang ababeng Pilipina ay ulirang asawa at ina abagama't sa lahat ng
tuntunin ay may eksepsyon. Lagi siyang may panahon para sa kaniyang pamilya.
Pinangangalagaan at ginagabayan niya ang mga anak sa wastong landas ng buhay.
Marunong siyang makipagkapwa tao at hindi niya hahangaring mapulaan ang kaniyang
asawa dahil sa mali niyang Gawain. Kaya nga ba't maraming mga lalaking banyaga ang
nagnanais mapangasawa nila ang isang babaeng Pilipina. Nababalitaan nilang
mapagmahal, maasikaso sa pamilya at marunong gumawa ng mga gawaing bahay ang
mga babaeng Pilipina. Ang mga babaeng Pilipina ay ikararangal na maging asawa ng
sino mang lalaki sa alinmang panahon.
Ang mga babae noon ay mahiyain at halos ayaw makihalubilo sa kalalakihan.
Ang ibang mga magulang ay may paniniwalang sapat nang matutong bumasa, sumulat
at matuto ng kagandahang-asal at mga gawaing pambabae ang isang anak na babae.
Ang mga babae ay pantahanan lamang upang mag-aruga at sumubaybay sa mga anak
habang ang mga lalaki naman ang bubuhay sa mga naak at magtatrabaho. Ang mga
babae ay walang sapat na lakas ng loob na sumalungat sa nais ng asawa. Ang lalaki
ang palaging nasusunod sa tahanan. Sa pananamit, ang mga babae noon at nakabaro
at saya, ni hindi Makita ang mga paa. Sila'y hindi gumagamit ng mga kosmetikong
ipinapahid sa mukha, mga braso, binti, kamay at paa. Ang mga buhok nila'y mahahaba
at nakapusod.
Sa kasalukuyan, ang mga lalaki at babae ay may pantay na katayuan sa
tahanan. Sila'y kapwa kumikilala sa karapatan ng bawat isa. Sa larangan ng propesyon,
pantay na ang mga babae at lalaki. Ang karamihan sa mga babae ngayon ay
naghahanapbuhay at tumutulong sa asawa sa mga gastusin sa bahay at sa iba pang
pangangailangan sa buhay. Sa pananamit, palibhasa'y naimpluwensyahan na ng
kanluranin, makabago na ang kanilang pananamit. Nawala na ang baro't saya sa pang-
araw-araw na gamit at isinusuot na lamang ito kung kinakailangan sa mga okasyon.
Gumagamit na rin sila ng mga kosmetiko at mga pampaganda. Ang karamihan sa
kanila ay putol o maiikli ang buhok bagama't may mangilan-ngilan pa ring mahahaba
ang buhok.
Anupa't sa alinmang panahon, ang babaeng Pilipina ay isang ilaw ng tahanang
tumatanglaw sa bahay. Nagsisikap siyang maging matibay ang bigkis ng
pagmamahalan at pagsasamahan ng kaniyang pamilya kaya't dangal ng lahi ang
babaeng Pilipina.

$ANHI AT BUNGA

Pagsira sa KaIikasan, Banta ng Panganib sa Bansa

Pagsira sa kalikasan, mitsa ng pakasawi ng maraming buhay. Ang ating
kalikasan na pangunahing pinagkukuhanan ng kabuhayan n gating bansa ay
nilalapastangan at sinisira ng ibang mga tao.
Pansinin natin ang ating mga kaguabatan at kabundukan. Ang mga ito'y unti-unti
nang nakakalbo dahil sa mga ilegal na pagtrotroso kung kaya't ang nagiging bunga ay
ang pagbaha sapagkat wala nang mga punongkahoy na sisipsip ng tubig na dulot ng
malalakas na ulan. Ang mga higanteng pabrikang nagbubuga ng maruruming usok at
pagsisiga ay ilan lamang sa mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran.
Hindi na sariwa ang hanging ating nalalanghap na maaring magdulot ng mga sakit sa
baga at sa balat. Napipinsala na rin ang mga katubigan dahil sa mga basurang
itinatapon ditto at sa mga kemikal na dumadaloy mula sa mga malalaking pabrika. Ang
ibang mga bukid na pinagkukuhanan ng mga biyaya ng kalikasan ay ginagawang
subdivision kaya't nagkakaroon tayo ng kakapusan sa pagkain. Unti-unti nang
nawawala ang matatabang lupang mapagkukuhanan ng kabuhayan ng bansa.
Ang pagkasira n gating kalikasan ay isa sa magiging sanhi ng pagbagsak ng
ekonomiya n gating bansa. Napakalaking paghihirap at pagdurusa ang maaaring idulot
nito hindi lamang sa mga taong nabubuhay sa kasalukuyan kundi maging sa mga
susunod pang henerasyon. Hindi pa huli ang lahat, gumising tayo at magtulung-tulong
sa ikaliligtas ng ating bansa sa banta ng panganib sa pagkasira ng ating kalikasan.

PAG$A$ALAY$AY

Ikaw at Ako Lamang

Tagpo:
Si Jenny ay nagtatrabaho sa isang pastry shop at malimit niyang binibisita sa
may simbahan ang kaniyang kasintahang si Kim na may sakit na Leukemia. Wala nang
magawa ang mga doktor sa karamdaman niyang ito dahil malala na ito kung kaya't
hindi na siya makalakad at naging lumpo. Simula noon, malimit na siyang bisitahin ni
Jenny. Ginagawa niya ang lahat upang mapanatiling masaya si Kim para hindi na nito
maisip pa ang kaniyang karamdaman. Ganto ang mga pangyayari hanggang sa
dumating ang Araw ng Pasko. Nais ni Jenny na bigyan ng sorpresa si Kim ngunithindi
niya akalain na siya ay iiwan na agad nito.
~
"Uuwi na ako, Tita! wika ni Jenny sa kaniyang tiya. Maaga siyang makauuwi
mula sa kaniyang trabaho dahil ang kaniyang tiya ay may importanteng lakad kaya
isinara niya ang kanilang tindahan.at siya ay nagagalak dahil mabibisita rin niya ang
kaniyang kasintahan. Kaugalian na niyang bisitahin si Kim isang beses sa isang araw
dahil kung hindi, siya ay mababahala lamang.
Matapos tulungan ni Jenny ang kaniyang tiya na magsara ng kanilang tindahan
ay pumunta na siya sa simbahan at dumiretso na siya sa kwarto ni Kim.
"Kumusta, baby? bati ni Jenny kay Kim.
"Mabuti. Napaaga ka yata ngayon?
"Napaaga kasi kami nang pagsasara ngayong ng shop.
"Ahh, ano iyang dala mo? wika ni Kim habang nakatingin sa dalahin ni Jenny.
"Cupcakes! Ginawa ko ito para sa iyo. sabi ni Jenny at iniabot ang mga ito kay
Kim.
"Paborito ko ang mga ito! Salamat baby!
Matapos kumain ni Kim ay niyaya ni Jenny na maglakad-lakad sila sa parke.
Ngunit, dahil hindi nga makalakad si Kim ay dinala na lamang niya ito sa wheelchair
upang makapunta sila sa parke. Habang sila ay naglilibot, napapansin niyang may
sinusulat si Kim sa kaniyang diary. Nais sanang basahin ito ni Jenny ngunit hindi
pumayag si Kim at sinabing mababasa lamang niya ito sa takdang panahon.
"Hanggang kalian na lang kaya ang itatagal ko dito sa mundo? biglaang
pagtatanong ni Kim.
"Bakit mo naman 'yan naitanong, baby?
"Gusto ko lang naman malaman.
"'Wag kang mag-alala, magtatagal ka pa rito.
"Sana nga, dahil hindi ko pa nagagawa ang nais kong gawin sa iyo.
"Ano 'yon?
"Ang pakasalan ka, wika ni Kim habang si Jenny ay hindi makapagsalita dahil sa
mga salitang nabitawan ng kaniyang mahal. Niyakap niya ito at umiyak.
"pangako mong hindi mo ako iiwan.
"pinapangako ko, sabi ni Kim sabay halik sa kamay ni Jenny.
Matapos nilang magpunta sa parke ay bumalik na sila sa loob ng simbahan at
hinintay na lamang ni Jenny na makatulog si Kim upang siya ay makauwi na.
Habang siya ay naglalakad pauwi, may nakita siya ilaw na kulay rosas at siya ay
nagtaka kung kaya't pinuntahan niya ito at siya ay nabighani. At bigla siya nagkaroon
ng ideya para sa Araw ng Pasko bukas.
Kinabukasan, pagsapit ng Pasko, pagkagaling ni jenny sa kaniyang trabaho ay
dumiretso siya sa simbahan at hinihintay na siya ni Kim sa harap ng pinto. Malugod
niyang sinalubong ito at binati.
"Wala ba akong regalo mula sa'yo? wika ni Kim.
"Siyempre hindi pwedeng mawalan ng regalo ang aking mahal. Gusto mo na ba
itong makita? wika ni Jenny sabay tango ni Kim.
"Tara na!
"Saan tayo pupunta? wika ni Kim.
"Hindi ko muna maaaring sabihin. suot mo muna itong panyo at itakip sa iyong
mga mata para hindi mo makita ito. Sorpresa ko ito para sa iyo, nasasabik na pagwika
ni Jenny sabay tulak sa wheelchair ni Kim. Nang makarating na sila sa lugar na nakita
ni Jenny kahapon, tinanggal na niya ang panyo sa mga mata ni Kim.
"Ano ito? wika ni Kim.
"to ang puno ng cherry blossoms, ano pa ba?
"Alam ko, ngunit ito ay ordinaryong puno lamang, walang espesyal dito.
"Sa tingin ko, mali ka. Wala kang nakikitang espesyal sa punong ito.
"Ano 'yon?
"Dapat mong tingnan mula... hindi tinapos ni Jenny ang kaniyang salita at dinala
si Kim sa kabilang dulo. Nang makarating, sinabi niyang, "mula dito. At tama nga siya
dahil ang puno ay kumikinang katulad ng kaniyang natanaw kahapon.
"Ano nang nasa tingin mo? tanong ni Jenny.
"Napakaganda! sabi ni Kim nang nagagalak.
"Nakita ko ito kahapon kung kaya't gusto kong ipakita sa iyo.
"Salamat, baby, salamat! wika ni Kim habang nangingilid ang kaniyang mga
luha.
Pinagmamasdan lamang ng magkasintahan ang puno at ang pagkinang nito.
Biglang bumulong si Kim, "Mahal na mahal kita, Jenny, sabay halik sa kamay ni Jenny.
"Mahal na mahal din kita, Kim, wika ni Jenny sabay tingin muli sa kalikasan.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa'yo? tanong ni Jenny upang matigil ang
katahimikang naganap sa pagitan nilang dalawa. Ngunit hindi sumasagot si Kim.
"Masyado mo bang nagustuhan ito at hindi ka makapagsalita? tinanong pang
muli ni Jenny, ngunit hindi pa rin sumasagot si Kim. Naramdaman ni Jenny na hindi na
tama ang mga pangyayari kung kaya't hinawakan niya si Kim at doon niya naramdaman
ang malamig na kamay ni Kim. Binitwan niya ito at nahulog ito nang walang buhay.
Nang malaman niya na tila wala na nga si Kim, "baby, gising! at pinakinggan niya ang
tibok ng puso nito at hindi nga niya ito marinig. Tinignan rin niya ang pulso nito at wala
na rin. Hindi na niya mapigilan ang kaniyang mga luha at umiyak lang siya buong gabi
sa piling ni Kim at hindi niya napansin ang unti-unting paglagas ng mga dahon ng puno
ng cherry blossoms.
Kinabukasan, matapos ang libing ni Kim ay muli siyang pumunta sa kwarto nito
at doon umiyak. Maya-maya lamang ay naalala niya ang diary ni Kim at binuksan ito,
habang ipinagdarasal na sana ay kaniyang makayanan ang pagbasa nito. Dahan-
dahan niya itong binuksan at muling umiyak habang binabasa ang mga nakasulat.
Nakasaad doon ang mga araw na Masaya silang magkasama ni Kim, simula nang sila'y
magkakilala hanggang sa kaniyang mga huling araw. Nakasaad din doon kung gaano
kamahal ni Kim si Jenny pati ang planong pakasalan ito. Hindi alam ni Jenny may
sinulat palang ganoon si Kim. Lalo siyang nagulat nang makita niya ang isang larawan
na iginuhit ni Kim, ang larawan ni Jenny. At sa likod nito ay may nakasulat: Ang aking
pinakamamahal.
Matapos tingnan ni Jenny ang diary ni Kim ay napagpasyahan niyang umuwi
muna dala-dala ang diary. Habang siya ay naglalakad pauwi, naisipan niyang dumaan
muna sa puno ng cherry blossoms na kung saan nawala sa kaniyang piling si Kim
habambuhay. Nagulat na lamang siya dahil wala nang natira sa mga dahon nito.
Biglang humangin nang malakas.
"Kahit ang kalikasan ay nagluluksa din, bulong ni Jenny sa sarili habang mahigpit na
hinahawakan ang diary. Pakiramdam niya ay dama pa din niya ang init ng presensya ni
Kim.
Umuwi na si Jenny gamit ang kaniyang motorsiklo ngunit pinili niyang dumaan sa
isang lambak. Maya-maya, biglang may dumaan sa kaniyang gilid. Sobrang bilis nito
ngunit nakikilala niya kung sino ito.
"kaw ba 'yan, Kim? tanong ni Jenny.
"Oo, ako nga. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo pero kailangan mong sumama
sa akin.
"Sige, sasama ako sa iyo.
"pikit mo ang iyong mga mata at hawakan mo ang aking mga kamay, wika ni
Kim habang iniaabot ang kaniyang mga kamay kay Jenny. Hinawakan nang mahigpit ni
Jenny ang kamay ni Kim at ipinikit ang kaniyang mga mata hanggang sa ang paligin
niya ay dumilim at naging puti na lamang.
Sa kabilang dako naman ay nanonood ng balita sa telebisyon ang tiya ni Jenny.
Doon niya nabalitaan ang aksidente at siya ay nagulat nang makita niya ang bangkay
na pinakita sa telibisyon. dahil hindi niya akalain na si Jenny ang binabalitang kabilang
sa aksidente. Hindi niya rin akalain na mawawala si Jenny sa araw ng Pasko.
Sa kabilang buhay naman ay masaya nang magkasama sina Kim at Jenny.
Lalong lalo na si Jenny na nagnais na makasama si Kim.

PANGANGATWIRAN


Bakit MahaIaga ang Komunikasyon?

Ang komunikasyon ay isang pangunahing kailangan ng tao sa ikapagtatagumpay
ng nilalayon. Pinakamahalagang kasangkapang maangkin ng isang tao ang kaniyang
kakayahan g maipaliwanag nang buong linaw ang kaniyang iniisip at nadarama. Ang
kakayahan ng taong gumamit ng wika ang siyang dahilan upang siya'y makapamuhay
nang maayos. Kung walang komunikasyon ay walang pag-unlad. Bawat pagbabago,
maliit man o malaki ay depende sa wika, sa pagsusulat, pagsasalita, pagbabasa at
pakikinig.

Hindi sapat ang isang plano para sa pagbuo ng isang kompyuter. Bago gawin ito
ay nangangailangan muna ng masusing pagsasaliksik, pagtatala, pag-uulat at pag-
aaral. Daraan din sa iba't ibang kumperensya at mga talakayan bago mapagpasyahan
ang tatamuhing mga pakinabang ng tao kaysa sa gagastusing pera sa pagbuo ng
nasabing bagay. Nakasalalay sa mabuting pagpapaliwanag, demonstrasyon at pang-
akit ang pagtanggap ng madla sa bagong imbensyon. Ang matuling pag-unlad ng
sibilisasyon ay batay sa kakayahan ng taong makibahagi sa karanasan ng kapwa,
makipagpalitan ng ideya at mag-ambag ng kaalaman sa mga sumusunod pang
salinlahi.

Sa kabilang dako, ang komunikasyon ay nakapagpapabago at humuhubog sa
takbo ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Sa panahong ito, ang komunikasyon ay
dapat pag-ukulan ng pansin upang mapanatili ang kalusugang pangkaisipan, gayon din
ang pambansa at pandaigdig na kapayapan.

Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan. Ang lahat ay nadadaan sa
pakiusapan. Kung mayroon tayong mabisa at maayos na komunikasyon sa bawat isa,
hindi magkakaroon ng maraming isyu sa politika, bayan at iba pa. Ang minsang di
pagkakaunawaan ng mga bansa ay maaaring magbunga ng di-mabuti para sa
sangkatauhan. Sa makatuwid, napakahalaga ng komunikasyon. to ay nakabubuo,
nakalilikha at maaari ring mangwasak.

PAGLALARAWAN

Katangian ng mga PiIipino

Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. sa na rito ang
pagkakaroon nating mga Pilipino ng tiwala sa Panginoon. sang magandang katangian
ito ng mga Pilipino. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat na
pananampalatay. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng
kanilang Gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa
kanilang sarili.
sa rin sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang. sang
magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano
sa matatanda. sang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata
matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay,
kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at
nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. pinakikita rin ang paggalang ng mga
batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo at
magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po."
Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate,
manong, manang, lolo, lola at iba pa.
Likas din sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Nagsisimula ang
pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa
mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang
maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. yan ay likas na katangian ng isang
Pilipino. Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang
magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling
panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na
gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa
paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.
Kilala rin ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang
masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng
pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan
para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang
kanilang mga panauhin.
At ang katangian ng mga Pilipino na hindi makikita sa ibang lahi ay ang
pagmamahal sa pamilya. Maaaring mapagmahal dn ang ibang lahi sa kanilang pamilya
ngunit hindi tulad ng mga Pilipino. Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may
maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa
pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-
asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-
anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. yan
ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino. naalagaan at
minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng
bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at
kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. yan ang paraan ng pagpapakita ng
magandang pagtingin sa matatanda. Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa
kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.. Maraming mga Pilipino ang tumitira
malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay
may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng
mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang
binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay magkakakilala.

You might also like