You are on page 1of 4

ANG BATAS MILITAR/ MARTIAL LAW

MGA NAGING DAHILAN NG PAGDEKLARA NG MARTIAL LAW

a. Pangbabato ng mga aktibista kay Pangulong Marcos noong SONA niya ginamit ang
bungkod ng pera, at madalas na pagwewelga ng mga estudyante mula Enero-Marso
1970. Tinatawag itong “First Quarter Storm”
b. Ang pagbagsak sa kamay ng pamahalaan ng mga armas na pinaghihinalaang
ibibigay sa NPA.
c. Pagsabog ng bomba sa Plaza Miranda,Maynila na nagdulot ng kaguluhan.
Maraming sugatan kasama ang pulitikong nagsasagawa ng miting de advance.
d. Tangkang pagpatay sa Defense Secretary, JUAN PONCE ENRILE.
e. Pag-usbong ng mga Black Propaganda mula sa mga samahang:
 Communist Party of the Philippines (CPP)
 National Democratic Front o NDF at New People’s Army o NPA
 Kabataang Makabayan
 Lapiang Manggagawa
 Malawakang Samahan Ng mga Mangsasaka
 Movement for Advancement of Nationalism
 Moro Islamic Liberation Front (MILF)

*Idineklara ni pang.Marcos ang Batas Militar dahil walang katahimikan at kaayusan ang
bansa noon. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang Punong Komander ng
Hukbong Sandatahan upang mailigtas sa pananakop, rebelyon at insureksyon ng bansa.

ENERO 26,1970- isang napakalaking rali ang idinaos ng National Union of Students of the
Philippines sa harap ng gusali ng Kongreso. Hiniling ng mga estudyante at mga guro ang
pagkakaroon ng kumbensyon sa Saligang Batas.

ENERO 30, 1970- isa pang rali ng mga estudyante sa sa harap ng Kongreso. Tumuloy ang
mga raliyista sa Malacanang matapos ang ilang talumpati. Naghagis sila ng mga Molotov,
pillboxes at mga teargas.

RALLY NG BAYAN- isang rali na idinaos sa Plaza Miranda ng mga guro, pari, madre, at iba
pang propesyonal. Nagging mapayapa ang rali subalit ang rali noong Pebrero 18,1970 sa
Plaza Miranda at sa Liwasang Bonifacio noong Pebrero 27,1970 na sinamahan ng mga guro
sa Philippine College of Commerce ay nagkaroon ng kaguluhan, namatay ang isang
demonstrador sa kaguluhang naganap sa rali sa harap ng Embahada ng United States.

AGOSTO 21,1971- isang miting de avance ang idinaos ng Lapiang Liberal para sa
proklamasyon ng kanilang kandidato para sa halalan ng mga senador at pinunong local.

*Ang dahilan ni Marcos ay “ SAGIPIN ANG REPUBLIKA AT MAGTATAG NG ISANG BAGONG


LIPUNAN”.

SETYEMBRE 21, 1972- nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon Blg.1081 na


nagpasailalim ng buong bansa sa Batas Militar. Ito ay ipinahayag sa radio at telebisyon.

BATAS MILITAR- isang sistema ng mga patakaran kapag ang military ay magkaroon ng
malakas na kapangyarihan sa pamahalaan ng bansa.

May karapatan ba ang Pangulo na ideklara ito?

 Art.V11, Seksyon 10,paragraph 2 ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas. “ANG


PANGULO AY MAGING COMMANDER-IN-CHIEF SA LAHAT NG SANDATAHANG
LAKAS NG PILIPINAS, KAPAG KAKAILANGANIN, MAARI NIYANG TAWAGIN ANG
SANDATAHANG LAKAS UPANG SUGPUIN ANG KARAHASAN, PANANALAKAY O
REBELYON. SA KASO NG PANANALAKAY, INSUREKSYON O KAKAILANGANIN ANG
KALIGTASAN NG PUBLIKO, MAARI NIYANG ISUSPENDE ANG PRIBELIHIYO NG WRIT
OF HABEAS CORPUS, O ILAGAY ANG PILIPINAS O ANUMANG BAHAGI NG
PILIPINAS SA ILALIM NG BATAS MILITAR”
WRIT OF HABEAS CORPUS-karapatan ng mamamayan laban sa illegal o hindi
makatarungang pagpigil o pagkapiit ng walang kasulatan ng utos ng hukuman
na naglalahad ng dahilan kung bakit ipinipiit ang isang tao, at walang paglilitis
ng korte.

ANG BATAS MILITAR: Sa ilalim ngg Batas Militar,

 Ang bansa ay pinamunuan ng militar.


 Sinuspende ang Saligang Batas ng Ikatlong Republika at iwinaksi ang
pamahalaang sibil.
 Inalis ang lahat ng opisyal ng pamahalaan, pati na rin ang mambabatas at
ang mga nanunungkulan.
 Ang buong kapuluan ay napasailalim sa kapangyarihan ng militar.

MGA PANGYAYARI MATAPOS IDEKLARA ANG MARTIAL LAW

1. Nagkaroon ng malawakang black out.


2. Ipinasara ang istasyon ng radio at telebisyon
3. Sinuspende ang writ of habeas corpus
4. Marami ang ikinulong bilang “Political-Prisoners”
5. Pinagbabawal ang pagtitipon-tipon ng limang tao at inilagay ang bansa sa curfew.
6. Marami ang nabalitaang na-salvage
7. Bawal ang magsalita laban sa pamahalaan.
8. Nawala ang karapatan ng mamamayan.

MGA PAGBABAGO SA PAMAHALAAN

a. Nawalan ng kapangyarihan ang Kongreso at Senado.


b. Nagpatuloy ang Korte Suprema ngunit nagtatag si Pangulong Marcos ng hukumang
Militar.
c. Pinagtibay ang Batas Republika Blg. 6132 (Constitutional Convention Act) sa paghalal
ng mga katiwalian na babalangkas sa Bagong Saligang Batas.
NOBYEMBRE 10,1970- nagkaroon ng paghahalal sa pambansang kombensyon.
HUNYO 1971- nagsimula ang pagpuupulong ng kumbensyon.
Setyembre 25, 1972- pinagtibay ng mga delegado ang kumbensyon sa isang pulong
nang walang pagtutol sa pagpapatuloy ng pag-aaral tungkol sa mahahalagang
bagay.
d. Nabuo ang Saligang Batas ng 1973, IKAAPAT NA REPUBLIKA(konstitusyong Marcos)
 Ito ay kanyang ginamit upang ipairal ang sarili sa pamamahala.
 Mga probisyon ng Saligang Batas 1973:
1. Mga hangarin ng mga tao at ang pagkakabuo ng isang bagong lipunan na
tiyak ang kaunlaran at pangmatagalang kapakinabangan ng
sambayanang Pilipino.
2. Opisyal na pagwawalang bias sa Kongreso.
3. Ang pagbabago ng uri ng pamahalaan mula sa presidensyal tungo sa
pagiging parliyamentaryo.
4. Paggamit ng pangulo sa kanyang kapangyarihan tipunin ang Interem
Batasang Pambansa.

e. Binalangkas ang isang parlamentaryong uri ng pamahalaan dahil sa Saligang Batas


ng 1973.

MGA PROGRAMANG PANGKABUHAYAN:

 Ipinatupad ang repormang pansakahan, ang Presidential Decree 27. Binigyan nito
ang mga magsasaka ng pagkakataon na magkaroon ng sariling lupa.
 Nagpagawa ng mga patubig upang higit na maging masagana ang ani at lumawak
ang industriya. Isinaayos ang mga pagkukunan ng tubig at enerhiya- ang Binga-
Ambuklao Dam, Angat Dam, Caliraya, Pantabangan, at Maria Cristina.
 Ipinagawa ang Pan-Philippine Highway na nag uugnay sa lalawigan ng Luzon,Visayas
at Mindanao. Ang San Juanico Bridge na nag uugnay sa mga pulo ng Samar at
Leyte.
 Nakatuklas an gating bansa ng geothermal energy at sa pamumuno ni Marcos,
nakapagpatayo ng mga planta sa Benguet, Mountain Province, Palipunon, Negros ,
Manito, Sorsogon, Makban, Laguna, Tongonan, Leyte, Tiwi at Albay. Maraming planta
ng industriya ang naitayo at milyon-milyong mamamayan ang nakinabang sa mga
ito.

PAGBABAGO SA SISTEMA NG EDUKASYON

a. Pagbibigay-diin sa layunin ng Bagong Lipunan, “ Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang


kailangan’’
b. Pag-aaral ng 3Rs: reading, writing at arithmetic (pagbasa, pagsulat at pagkwenta) at
tinawag itong back-to-the-basics program.
c. Pagsasakatuparan sa bilingual policy odalawang wika sa pagtuturo, Math&Filipino.
d. Pagkakaroon ng eksamen bago pumasok sa kolehiyo upang matiyak ang
kahandaan ng mga mag-aaral (NATIONAL COLLEGE ENTRANCE EXAMINATION)
e. Pagtulong sa mga kabataang mag-aaral sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
sa pamamagitan ng Youth Civic Action Program.
f. Pagbibigay-diin sa paglinang ng kasanayang vocational at technical.

You might also like