You are on page 1of 6

PRESENTASYON NG ARALIN BATAY SA DULOG NA INQUIRY-BASED GAMIT ANGESTRATEHIYANG 5E

(ENGAGE, EXPLORE, EXPLAIN, ELABORATE & EVALUATION)

BANGHAY ARALIN PARA SA ARALING PANLIPUNAN 6

(UNANG MARKAHAN)

I. Layunin:Pamantayang Pangnilalaman:

 Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ngPilipinas sa globalisasyon


batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mgakasanayang pangheograpiya at ang ambag ng
malayangkaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:

 Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyungpandaigdig batay sa


lokasyon nito sa mundo

Pamantayan sa Pagkatuto:

 6. Nasusuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismongEspanyol

6.1 Sigaw sa Pugad-Lawin

6.2 Tejeros Convention

6.3 Kasunduan sa Biak-na-Bato

II. Paksa:

 Ang Himagsikan ng 1896: Mga Filipino Laban sa Kastila

Sanggunian:

Code: AP6PMK-Id-6

Gabay ng Guro: Araling Panlipunan 6

Batayang Aklat: Araling Panlipunan 6, pahina 110 - 137

MgaKagamitan:

Powerpoint presentation, video presentation, ANNA tsart, Tri-Venn Diagram,mga larawan, travelogue,
metacards

III. Pamamaraan:

A.Balik Aral/Pagsisimula ng BagongAralin(Engage)

 Magbigay ng pagsasanay kaugnay ng nakaraang talakayan tungkolsa pagkakatatag ng Katipunan.


 Kailangang matukoy ng mga mag-aaral kung sino-sino ang mga nasalarawanna nabunot nila at
masabi kung ano ang naging gampaninng bawat isa sa Katipunan.
 Awit: Dakilang Lahi

 Repleksyon: Kung may isa kang bagay na gustong gusto mongsabihin ngunit hindi mo masabi,
na nagpapasikip ng iyongdibdib ngunit pilit pa ring kumakawala, sa paano mo itoilalabas?
Kuhanin ang sagot sa mga mag-aaral. (Maaring maysumagot na isisigaw, hahanap ng bagay na
paglalabasan nggalit at iba pa).
 Bigyang daan ang pagsasagawa ng pagsigaw at ipatukoy angemosyon ng taong sumisigaw.

 Mga tanong na dapat sagutin pagkatapos ng awitin:


 Ano ang emosyon ng taong sumisigaw?
 Ano ang naramdaman mo habang siya ay sumisigaw?
 Sa anong mga pagkakataon sumisigaw ang tao parailabas ang kanyang nararamdaman?
 Kung iuugnay ang damdaming ito sa damdamin ng mga Filipinosa panahong
ipinaglalaban nila ang Kalayaan, ganoon din kayaang inyong magiging sigaw?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Engage)

 Magbibigay ang guro ng paunang salita hinggil sa tatalakayin upangmagabayan ang mga mag-
aaral.
 Gamit ang ANNA Tsart ( Alam na/ Nais Malaman/Natutunang Aralin) aalamin ng guro kung sino
ano ang ALAM NA ng mga mag-aaral tungkol sa himagsikan at ano ang NAIS MALAMAN ng mga
mag-aaral sa pangyayari noong panahon ng himagsikan?

ANNA TSART:

ANNA TSART
HIMAGSIKANG PILIPINO
ALAM NA NAIS MALAMAN NATUTUNANG ARALIN
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin(Engage)

 Mula sa nakalap na datos sa ANNA, bubuo ang mga mag-aaralng hinuha gamit ang Tavel Log
tungkol sa mga sumusunod nasuliranin:
 Ano ang nagbunsod upang maganap ang sumusunodpangyayari sa himagsikan
 Sigaw sa Pugad-Lawin
 Tejeros Convention
 Kasunduan sa Biak-na-Bato

 Ano ang nagbunsod upang maganap ang mga pangyayaringito sa Himagsikan?

 Paano ipinakita ng mga Filipino ang kanilang pakikipaglaban samga Kastilang mananakop?

 Naging madali ba para sa mga Pilipino ang paglaban sa mgaKastilang mananakop? Bakit?

 Isusulat nila ang kanilang sagot sa isang Travel Log. Sa kabilangbahagi nito ay ang aktuwal na sagot na
nakuha o natutunan mulasa isasagawang Travelogue.

D. Pagtalakay ng BagongKonsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan(Explore)

 Pagsasagawa ng Travelogue.
 Iikot ang mga pangkat sa tatlong Yugto ng Kasaysayan na nasaloob ng silid aralan.
 Unang Pangkat - Video presentation ng Sigaw ng Pugad Lawin
 Ikalawang Pangkat - Basahin at Talakayin ang teksto ngKumbensyon ng Tejeros
 Ikatlong Pangkat - Pagsusuri ng Primaryang Batis sa Kasunduansa Biak na Bato.Dito ay lilikumin
ng mga mag-aaral ang mga mahahalagangimpormasyon na kanilang kailangan para sa susunod
na gawain
 Matapos ang itinakdang oras at nakapaglikom na ngimpormasyon, magkakaroon ng
talakayan mula sa nakuha ngbawat pangkat gamit ang Tri-Venn Diagram sa pagkakatulad
atpagkakaiba ng 3 pangyayari. Isusulat sa metacard and mga itoupang mas mabilis na
maisagawa ang pagsusuri.
TRI-VENN DIAGRAM

Sigaw sa Tejeros
Pugan Lawin Convention

Kasunduan sa
Biak na Bato

E. Paglinang ng Kabihasaan (Explain)

Sa puntong ito, gamit ang inside-outside discussion ay ilalahad ng mgapangkat ang kanilang nakalap na
informasyon. Ang pangkat na nag-uulat ang nasa inside habang ang iba na nakikinig at sumusuri
sakawastuhan ng impormasyon ang nasa outside. Maaaring magtanongang nasa outside. May 1 lider ng
pangkat na tatayo bilang facilitator,itinatala ng niya ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng
mgaimpormasyon. Magkakaroon ng maikling pag-uulat ang lider ng bawatgrupo tungkol sa mga naitala
niya sa inside-outside discussion. Sa huli ayang pagwawasto at pagpapalawig ng guro.

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay (Elaborate)

Sa panahon natin ngayon, anong pangyayari ang maihahalintulad natinsa mga ginawang pag-aaklas ng
mga Filipino nooong panahon nghimagsikan? Anong bahagi ng kasaysayan noon ang maari natinggawin
muli upang makamit ang ating inaasam?Balikan natin ang damdamin ng taong may masidhing pagnanais
namaiparating ang kanyang ipinaglalaban, makatwiran ba na kanyanggawin ang pagsigaw?
Pangatwiranan ang sagot.

G. Paglalahat ng Aralin (Elaborate)

 Gamit ang ilustrasyon sa ibaba, kumpletuhin ang konseptongbubuo sa kaisipang nais


ipahiwatig nito at ibigay ang iyong sarilingopinyon tungkol dito.
H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Suriin at tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang kaugnay samga hakbang na ginawa ng mga
rebolusyonaryong Filipino laban sakolonyalismong Espanyol.

1. Paano ipinakita ng mga katipunero ang kanilangdeterminasyon na mag-alsa laban sa


pamahalaang Kastila?
2. Paano tinanggap ni Daniel Tirona ang pagkapanalo niBonifacio bilang Direktor ng Interyor
ng PamahalaangRebolusyonaryo?
3. Sa inyong palagay, bakit hindi naging matagumpay angginawang kumbensyon ng pangkat
Magdiwang atMagdalo sa Tejeros?
4. Sa kabila ng naganap na Kasunduan sa Biak na Bato, bakithindi parin nakamit ang
inaasahang kapayapaan atkatahimikan sa buong bansa?
5. Sa paanong paraan naghimagsik ang mgarebolusyonaryong Pilipino noong panahon
matapos patayinsi Rizal?
6. Ano ang layunin ng mga isinagawang hakbang ng mga Pilipinotungo sa himagsikan laban sa
kolonyalismong Espanyol?
7. Nahati sa dalawang pangkat ang mga katipunero, angMagdiwang at Magdalo. Sang-ayon ka
ba rito? Bakit?
8. Ano ang nakikita mong problema sa ugali ng mga Filipinonoon at ngayon na hindi
nakatutulong sa tunay na paglayaat pag-unlad ng Pilipinas? Bakit?
9. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa naging desisyonni Aguinaldo na magtungo sa
Hongkong kapalit ngkasunduang tigil-putukan?
10. Kung ikaw si Bonifacio sa makabagong panahon, sapaanong paraan mo ipaglalaban ang
kalayaan ng atingInang Bayan? Bakit?

J. TakdangAralin/Karagdagang Gawain (Elaborate)

Gumawa ng isangpangako kung paano mo iingatan ang kalayaangtinatamasa mo ngayon, bilang


pagpapahalaga sa lahat ng hirap atsakripisyong pinasan ng mga ninunong Pilipino noong panahon
ngpananakop. Isulat ito sa palad na gawa sa papel at ipaskil ito sa pisara bukas.

Inihanda at Ipinakitang Turo ni:

ROCHELLE S. ENRIQUEZ

Master Teacher II

San Ildefonso South District

Pinagtibay ni:

VIRGILIO L. LAGGUI, Ph.D.

EPS- Araling Panlipunan

You might also like