You are on page 1of 4

Paaralan Luis Palad Integrated High School

Guro Brychelle Anntherese A. Paseos


TALA SA PAGTUTURO Petsa Marso 2023
Baitang 10
Markahan Ikatlo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay …

nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusudlong ng


pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay ….

may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan


sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng
pamayanan.

C. Pinakamahalagang Kasanayan Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayang Pilipino sa


sa Pagkatuto (MELCs) mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.

D. Paghahabi ng Layunin Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


naiilahad ang iba’ uri ng karahasan na nararanasan ng mga kababaihan
Natutu

a) nailalahad ang tugon ng pamahalaan ng Pilipinas sa karahasan at


diskriminasyon;
b) natatalakay at nasusuri ang Magna Carta for Women bilang tugon ng
pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon ; at
c) nakakapagpahayag ng sariling saloobin o disposiyon tungkol sa
nasabing isyu.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa Ano ang Magna Carta of Women
Sanggunian Araling Panlipunan MELC Guide Pivot Learner’s Material Pahina (57-
58)

Department of Education. Araling Panlipunan Grade 10 Learners


Module Ikatlong Markahan – Modyul 3:Tugon ng Pamahalaan at
Mamamayang Pilipino sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon,
Pahina (13-14)

Kagamitan Blackboard at chalk, Cartolina, Printed Pictures, Tape, Pentel Pen


Pagpapahalaga Nabibigyang-halaga ang mga isyu hinggil sa karahasan na kinakaharap
ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay saloobin at
repleksyon buhat sa pagkakaunawa sa nasabing paksa.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagtatala ng liban sa klase
Pamamahala ng silid aralan
Pagbabalik-aral
Pagganyak

B. Pagpapaunlad sa Gawain
1. Aktibiti Picture Ko, I-guess Mo!
Panuto: Gamit ang lohikal na pag-iisip, ang bawat mag-aaral ay
inaasahang makabuo ng salita mula sa ipapakitang mga larawan. Sabay-
sabay na bibigkasin ang nabuong salita.

+ +
SAGOT:

+ NA + A 4
SAGOT:

2. Analisis Mga Pamprosesong Tanong:

1. Anu-anong salita ang inyong nabuo sa mga larawang pinakita?


2. Batay sa mga salitang nabuo, ano ang kaugnayan ng mga ito sa
isa’t isa?

3. Abstraksyon Ipapakita ng guro ang panturong-biswal para sa pagbabahagi ng


panibagong kaalaman. Magsisimulang talakaying ang tungkol sa Magna
Carta of Women, particular na kung tungkol saan at hanggang saan ang
sakop ng batas na ito.

Ang Magna Carta of Women ay isang batas na nagbibigay


proteksyon sa mga kababaihan laban sa iba’t-ibang uri ng
diskriminasyon at itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay. Isinabatas noong Agosto 14, 2009 alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento lalo na ang
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination.
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang Magna Carta of Women?
2. Sino ang tagapagpatupad ng batas na ito?
3. Sino ang pinoprotektahan ng batas na ito?
4. Ilahad at ipaliwanag ang mga kabutihang dulot ng batas na ito?

4. Aplikasyon Panuto: Ang bawat isa sa klase ay inaasahang makakabuo ng isang


talatang sanaysay na binubuo ng sampong pangungusap na
nagpapaliwanag ng mga bagay na iyong gagawin kung ikaw mismo ang
makaranas ng diskriminasyon at paano mo ipaglalaban ang iyong
karapatan.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Babasahin ng guro ng dalawang beses ang mga tanong at pamimilian. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa inyong papel.
1. Kailan naisabatas ang Magna Carta for Women?
A. Hulyo 8, 2008
B. Agosto 14, 2009
C. Agosto 14, 2008
D. Hunyo 8, 2000
2. Ano ang layunin ng Magna Carta for Women?
A. Itaguyod ang husay at galing ng mga babae.
B. Linangin ang potensiyal ng bawat babae bilang alagad ng pagbabago.
C. Ang karapatan ng kababaihan ay dapat hiwalay sa karapatang pantao.
D. A at B
3. Ito ay batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan laban sa iba’t-ibang uri ng diskriminasyon?
A. VAWC
B. Magna Carta for Men
C. Magna Carta for Women
D. CEDAW
4. Sino-sino ang kinikilala na nakakatanggap sa adventahe sa sinasaklaw ng Magna Carta for Women?
A. Lahat ng Pilipino
B. Lahat ng babaeng Pilipino anuman ang edad, relihiyon at etnisidad
C. Lahat ng mga babaeng Pilipino mula 18 pataas
D. Lahat ng babaeng Pilipino mula edad 18 pababa
5. Ang Magna Carta of Women ay kilala bilang _________?
A. Republic Act of 9710
B. Republic Act of 1990
C. Republic Act of 1013
D. Republic Act of 1029

Susi sa Pagwawasto:
1. B
2. D
3. C
4. B
5. A

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at unawain sa PIVOT Learner’s Material pahina 13 ang paksang tumatalakay sa mga
karapatan na binibigay ng batas na Magna Carta of Women.
Inihanda ni:
BRYCHELLE ANNTHERESE A. PASEOS
Student-Teacher

Isinulit kay:
GNG. SUSAN ABUEL
Cooperating Teacher

You might also like