You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 10
Quarter 4 – Week 1-2
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
Araling Panlipunan 10
Learners’ Activity Sheets
Quarter 4– Week 1-2: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of such work for a
profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim ownership
over them.

Development Team of the Learners’ Activity Sheets

Writer/s: Matt John C. Catoto


Reviewer/Editor/s: Lelani R. Abutay, Emie B. Espino, Concepcion Orcullo, Lalaine S. Gomera,
Waren N. Alicante
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Suroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Rene P. Cabana
Michael S. Pareja
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 10
Ika-apat na Markahan: Una-Ikalawa na Linggo

Pangalan:_________________________________ Baitang: ______________


Seksiyon: _________________________________ Petsa: ________________

I. Pamagat: Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan

III. Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong nakasaad. Sagutin ang mga sumusunod
na gawain sa sagutang papel.

IV. Pagtatalakay

 May dalawang pananaw ang pagkamamamayan: ang ligal na pananaw at lumawak


na pananaw.

Ligal na Pananaw

 Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng


isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig.
 Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng
citizen.
 Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.
 Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang
mithiin.
 Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
 Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga
karapatan at tungkulin.
 Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga
citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
 Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng
paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.
 Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
 Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang
konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen.
 Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng
isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.
 Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin.
 Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng
mga mamamayan nito.
 Dito rin makikitakung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang
kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.
 Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na
artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa
pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng
Pilipinas.
 ARTIKULO IV: PAGKAMAMAMAYAN
 SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong
mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na
ito; (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3)
yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at (4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
 SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring
na katutubong inianak na mamamayan.
 SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling
matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
 SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na
nagtakwil nito.
 SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
 Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal.
 Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa
ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1.)ang panunumpa ng
katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa; 2.)tumakas sa hukbong
sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng
naturalisasyon.
 Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
1. Jus sanguinis
- Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.

2. Jus soli o jus loci


-Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan


 Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.
 Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga
tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
 Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa
kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para
sa kabutihang panlahat.
 Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama
ang ibang tao.
 Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang
isang mamamayan.
 Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat
gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga
isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa
kalagayan nito.
 Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan
ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.
 Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa
mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
 Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkatwala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang
ipatutupad sa isang estado.
 Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip,
siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon
sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
 Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang
mga katangian ng isang mabuting mamamayan.
 Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
 Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring
makatulong sa ating bansa.
1. Sumunod sa batas trapik. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto.
Bilhin ang gawang Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin, gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

 Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin
ng bawat isa sa atin.
 Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito
ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.
IV. Mga Gawain:

Gawain 1: Tele-Masid

Panuto: Kopyahin at sagutin ang graphic organizer na nasa ibaba sa isagutang papel gamit
ang mga gabay na tanong. Magtala ng mga gawain na nagpapakita ng isang aktibong
pagkamamamayan na…

Namasid sa iyong komunidad

Napanood sa telebisyon
/youtube/internet/ o nabasa sa aklat 1.
magasin o diaryo

1.
2.

2.
3.

3.
4.

4.
5.

5.

Gabay na mga Tanong:

1. Batay sa iyong napanood at napagmasid, ihanay sa tamang ranggo kung ano ang
pinaka-una at ang pinakahuli ayon sa iyong talaan na nasa itaas na nagpapakita ng
isang aktibong pagkamamamayan?
2. Alin sa mga nabanggit sa itaas ang mahalagang gawin mo? Bakit?
Gawain 2: TAMA o MALI.

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay tama o makatotohanan at Mali naman kung
ang pahayag ay mali o di-makatotohanan.

1. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa


kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para
sa kabutihang panlahat.
2. Ang Jus Sanguinis ay tumtukoy sa pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.
3. Ang Jus soli o jus loci ay tumutukoy kung saan ang pagkamamayan ay nakabatay sa
lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
4. Maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Isa sa mga dahilan
nito ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
5. Ayon kay Murray Clark Havens ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at
ng estado.
6. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga
citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
7. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga
karapatan at tungkulin.
8. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
9. Sumunod sa batas trapik. Sumunod sa batas. Ito ay isang halimbawa ng
lumawak na pananaw ng pagkamamamayan.
10. Magbayad ng buwis. Ito ay isang halimbawa ng ligal na pananaw ng
pagkamamamayan.

V. Pagwawakas/Pagpipinid: Isip-Ulap

Panuto: Ano ang iyong naiisip o nalalaman tungkol sa kahalagahan ng aktibong


pagkamamamayan? Isulat sa mga Isip-Ulap.
VI. Sanggunian

Department of Education. Kontemporaryong Isyu - Module para sa mga Mag-


aaral Baitang 10, pp. 315-317, 319-322.

“K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.”


DepEd Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc

(E. M. Dallo 2016, E. M. Dallo 2016)


VII. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Maaring magkaiba ang mga sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Mali

Gawain 3
Maaring magkaiba ang mga sagot ng mga mag-aaral.

You might also like