Professional Documents
Culture Documents
LEARNING COMPETENCY:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa mga isyu ng karahasan
at diskriminasyon.
PANIMULA
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis sa ating lipunan
ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang makaiwas sa mga karahasan at
diskriminasyon. Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano
mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.
CED A W
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang
kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin
sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
1
Ano ang epekto ng pagpirm a at pagratipika ng Pilipinas sa C EDAW ?
Gender Roles
Isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon
laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga
2
babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan
upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na
nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala,
salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
3
PATERNITY LEAVE
Republic Act 8187
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang
bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang
lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin
siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa
unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado
na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer
ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng
panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa kalalakihan,
patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan at diskriminasyong
kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga panukalang batas upang
mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.