You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD CABANATUAN CITY
CAMP TINIO NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
Ang Pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa.

I. Panimula
Ang gawaing pampagkatuto ito ay makakatulong na magabayan ka na maunawaan
na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na
mahalin natin ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapuwa. Sa
pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating tunay na pananampalataya na
nagpapalalim ng ating espiritwalidad.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


1. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.
(EsP10PB-IIIb-9.3)
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
(EsP10PB-IIIb-9.4)

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagbabahagi ng mga paraan upang makatulong sa kapuwa;
2. mapaliliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng
pagbuo ng akrostik;
3. makapagtatala ng mga karanasan na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa; at
4. makapagbibigay ng hakbang upang mapaunlad ang espiritwal na buhay bilang tanda
ng pagmamahal sa Diyos.

IV. Pagtalakay

‘Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa kautusan?’ Sumagot si Jesus, ‘Ibigin mo


ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.
Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapuwa
gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at
ang turo ng mga propeta.’’ (Mateo. 22:36-40).

Ang pagmamahal sa kapuwa ang daan upang mapalalim ng tao ang kaniyang
pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

Madaling mahalin ang ating mga sarili lalo pa’t kasa-kasama natin ito saan man tayo
magpunta. Ang ating sarili ang “pinakamalapit” sa atin kung kaya’t natural at normal
lamang na mahalin natin ito.
Dahil sa pagmamahal natin sa ating mga sarili, kung minsan ay hindi nagiging
madali ang magmahal sa ating kapwa dahil madalas, bilang tao ay namamayani sa ating
puso ang pagkamakasarili. Ngunit kailangan nating mahalin ang ating kapuwa dahil ito ay
isang utos ng Diyos. Hindi maaaring sabihin ng tao na mahal niya ang Diyos kung hindi
niya minamahal ang kaniyang kapuwa dahil anuman ang ginagawa natin sa ating kapuwa
ay sa Diyos natin ito ginagawa.

Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi maaaring paghiwalayin. Mababasa


sa Mabuting Balita (Matt. 22:34-40) ang tungkol sa pagtatanong ng isang Pariseo kay Jesus
kung alin sa Jewish Law ang pinakamahalaga. Mula sa sampu, binuod ang mga batas sa
dalawang pinakaimportanteng utos batay sa paliwanag ni Jesus sa Pariseo: Ang
pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa. Hindi maaaring paghiwalayin ang
dalawang utos na ito. Lagi itong magkasama ayon na rin sa ilang talatang mababasa sa
Bibliya.

Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa


taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao
na magkausap, magkita, at magkakilala. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang
ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.

Ang pag-ibig ang nagtutulak sa tao upang magbahagi ng kaniyang sarili sa iba. Sa
oras na magawa niya ito, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil
naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at
walang pasubali.

Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa


kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos nang may kasamang kapayapaan at
kapanatagan sa kalooban. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang
disenyo bilang kawangis ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kaniyang kapwa.

Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot
naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita
ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?”

Sinabi ni Mother Teresa: “Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na
pagmamahal, ang magmahal nang walang hinihintay na anumang kapalit kahit na
nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin”. Ganito ang ipinakitang
pagmamahal ni Mother Teresa – isang klase ng pagmamahal kung saan ang Diyos ang
nakikita niya sa mukha ng taong kaniyang pinaglilingkuran. Kaya nga, upang
mapatunayan ng isang tao na mahal niya ang Diyos ay kailangan niyang mahalin ang
kaniyang kapuwa.

Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kaya’t imposibleng maghiwalay ang
pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa. Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat ng pag-
ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay Niya para sa atin. Magkakaroon lamang ng
katuturan ang isang pag-ibig kung ang pag-ibig natin sa ating kapuwa ay gaya ng pag-ibig
natin sa Diyos. At magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa Diyos kung magagawa
nating mahalin at kahabagan ang ating kapuwa. Ipinadama ng Panginoon ang labis na
pag-ibig Niya sa atin, ibalik natin ito sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit
sa isa't isa.

2
V. Gawain
Gawain #1 (Performance Task)
Panuto: Kumatha ng bukas na liham sa Diyos na nagpapahayag ng pagtitiwala, pananalig
sa kanyang presensya, pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Isulat ang liham
sa loob ng kahon.

RUBRIK para sa Gawain


Kaayusan ng ideya 3
Nilalaman ng sagot 3
Kaangkupan ng sagot 4
kabuuan -10 puntos

You might also like