You are on page 1of 5

Binalonan

FIRST QUARTER EXAMINATION


S.Y. 2019-2020
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SA ESP 10

Pangalan: _____________________ Baitang at Seksyon: _____________ Petsa:_________ Iskor: ________


Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat bilang at kulayan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang kilalang personalidad na bumuo sa samahang “Championing Community Children”?


a. Cris “Kesz” Valdez b. Joey Velasco c. Mother Teresa d. Roger Salvador
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng
pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagkasino?
a. Ang tao bilang personalidad
b. Ang tao bilang indibiwal
c. Ang tao bilang persona
d. Ang tao bilang siya
3. Kaninong pilosopiya ang nagsasaad na ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan?
a. E. Esteban c. Robert Edward Brenan
b. Fr. Roque Ferriols d. Santo Tomas de Aquino
4. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon c. pagmamalasakit
b. kamalayan sa sarili d. pagmamahal
5. Ano ang kakayahn ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
a. Mag-isp b. makaunaw c. maghusga d. mangatwiran
6. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwsyon?
a. katarungan b. paglilingkod c. pagmamahal d. respeto
7. Ang konsensiya ay natatanging kilos pangkaisipan, isang panghuhusga ng ating sariling katwiran” Ito
ay pahayag ni_______?
a. P. Cabellos. b. Sr Felicidad Lipio c. Ramon Reyes d. Santo Tomas De Aquino
8. Anong uri ng kamangmangan ang tumutukoy kung saan may magagawa ang tao upang malampasan ito
at magkaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pagsisikap at pag-aaral?
a. kamangmangang madaraig c. kamangmangang di madaraig
b. walang kaalaman d. kawalan ng pagsisikap
9. Ano ang batayan ng kabutihan at konsensiya?
a. PPMB (Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay)
b. Likas na Batas Moral
c. Umiiral na nagmamahal
d. Ang kakayahang kumuha ng buod
10. Anong uri ng kamangmangan ang tumutukoy kung saan walang pamamaraan na magagawa ang isang
tao upang ito ay malampasan?
a. kamangmangang madaraig c. kamangmangang di madaraig
b. walang kaalaman d. kawalan ng pagsisikap
11. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. kilos-loob b. konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad
12. . Ano daw ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ?
a. Ang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng ninanais
b. Kapag walang nakahahadalang sa kanyang pagkilos
c. Ang nagagawa ang lahat ng nais
d. Ang Makita ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili.
13. Ito ay uri ng kalayaan na tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng tao na makabubuti para sa
kanya.
a. vertical freedom b. horizontal freedom c. inner freedom d. freedom for
14. Ano ang tinutukoy na mabuti?
a. Ang pagkakaroon ng kalayaan
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan
15. Anong uri ng kalayaan ang tumutujoy sa istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao?
a. freedom to b. inner freedom c. horizontal freedom d. vertical freedom
16. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakato” sa kasabihang “Madaling maging tao,
mahirap magpakato?’
a. Ito ay nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong
sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniyan habang siya ay
nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohan at kabutihan.
17. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil nong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng
espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarapa at pagpapahalaga ng
bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniya kapuwa dahil siya ay lumilikha ng kaniyang pagka-sino.
18. “Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensihan ang kilos loob”. Ano
ang kahulugan nito?
a. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob
b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
c. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
d. Hindi maaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkaugnay ang mga ito
19. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
b. Tama ,dahil ang pandama ang nagbibigay ng kaalaman sa isip
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
d. Mali, dahil may kakayahan ang isip na salain ang impormasyong naihahatid dito
20. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang
kanyang kalayaan.
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo s pagitan ng tama at mali,ng mabuti at
masama sa kanyang isipan.
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
d. Wala sa nabanggit
21. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama,ngunit ito parin ay
subhetibo,personal ,at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan
pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na batas Moral
c. Batas nd Diyoa
d. Batas Positibo
22. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauuwaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
23. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdedesisyon kung ano
ang gagawin?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kanya
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kanyang konsensiya
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
24. Bakit kailangang lumaya ang tao muna sa makasariling interes,pagmamataas, katamaran, at iba pang
negatibong pag-uugali?
a. Nakasentro lamang siya s kanyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian
c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugaali
25. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang
nagmumula sa loob ng tao. Ano nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ngkalayaan
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang arili niyang pag-uugali

Para sa bilang 26 at 27

Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento - ang tulungan ang
mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang
kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal
at espiritwal ng mga mahihirap.

26. Anong katangian ng pagpapakato ang ipinamalas ni Mother Teresa sa talata?


a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
d. May pagtanggap sa kaniyang mga talent
27. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiginga
daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talent at kakayahan
d. Kasipagan at katapatan

Para sa bilang na 28 at 29
Si Xavier ay mahilig sa pagkain ng french fries subalit ng nagkaroon siya ng sakit na hypertension kaya
nagiging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kinakain kahit gusting-gusto niya ito.

28. . Kung ikaw si Xavier ano ang gagawin mo?


a. Kakain pa rin ako ng french fries ,babawasan ko nalang ang dalas.
b. Hindi na ako kakain ng french fries iiwasan ko nalang ito para sa aking kabutihan
c. Hindi muna ako kakain ng french fries kapag sumisigi ang sakit ko.
d. Lahat ng nabanggit
29. Bakit nakaya ni Xavier na kontrolin ang kanyang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. May kakayahan ang taong mangatwiran
d. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

Para sa bilang 30,31 at 32

May suliranin sa pera ang pamilya mo. Isang araw may dumating na kolektor sa bahay niyo,ngunit alam
mong wala kayong nakahandang pambayad. Inutusan ka ng nanay mon na sabihin sa kolektor na wala siya
at may mahalagang pinuntahan. Alam mong dapat mong sundin ang utos ng iyong ina. Sa kabilang banda
alam mong masama ang magsinungaling. Sa panahong ito ano kaya ang magiging hatol ng konensiya mo?
Ano dapat mong maging pasiya?

30. Alam mong dapat sundin ang iyong ina ngunit alam mong masama ang magsinungaling. Aling yugto
ng konsensiya ang tinutukoy dito?
a. Unang yugto b. ikalawang yugto c. ikatlong yugto d. ikaapat na yugto

31. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin batay sa hatol ng iyong konsensiya?
a. Iuutos ko nalang sa kasambahay na sabihing wala kami sa bahay
b. Harapin ang kolektor at sabihing wala kaming pambayad.
c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor
d. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor
32. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya:gawin ang mabuti;iwasan ang masama. Ngunit hindi
ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito
sayo?
a. Sa lahat ng pagkakataon tama ang hatol ng ating konsensiya
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya
c. Maaring magkamali ang konsensiya kaya mahalagang hubugin ito para kumiling sa tama
d. Kumikilos an gating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasya
33. “Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti, Walang tunay na kalayaan
kundi sa pagmamahal at paglilingkod.”
Mula sa pahayag ano ang mabubuo mong mensahe nito?
a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao
c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan
d. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.
34. Mula sa pahayag sa bilang 31, ano sa tingin moa ng tinutukoy na mabuti?
a. Ang pagkakaroon ng kalayaan
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
35. Sa iyong palagay alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa
c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao
d. Kahit pago na galling sa trabaho, sinamahan parin ni Jackie ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
36. May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kakayahang magmuni-
muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa
kakayahan niyang pag-isipan ang kaniyang sarili. Ano ang buod ng talata?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. Maraming magagawa ang isip ng tao.
c. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili.
d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.
37. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaroon ng dignidad ng isang tao.
a. Isang empleyado si Myra,ngunit dahil sa sama ng loob sa narinig na tsismis sa kapwa empleyado ay
sinugod niya at pinagmumura niya ang taong nagsabi nito.
b. Isang pulis trapiko ang pinagmumura ng motorista sa daan ,nang dahil sa tungkulin binaliwala
nalang niya ito at pinakiusapan nalang ng maayos ang motorista .
c. Nais ni Jaynee na makapasa ang kanyang kamag-aral kayat ipinakopya rin niya ang sagot na kanya
ring kinopya.
d. Nanalo si Mang Henry bilang barangay captain sa kanilang lugar. Wala pa siyang isang buwan sa
puwesto ay nakikita na siyang nakikipagsugal sa kanilang barangay.
38. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may mataas itong kakayahan upang
kilalanin ang bagay na nkikita,tunog, amoy ng kanyang paligid lalo na kung may kaugnayan ito sa
kanyang buhay. Mayroon in itong pakiramdam kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang
kabutihan o kapakanan. Mula sa pahayag para sa’yo, para saan ang kakayahang ito ng hayop?
a. Kailangang makita ang kakayahan ng mga hayop upang pahalagahan sila.
b. Ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili
c. Mapaunlad ng mga hayop ang kakayahang ito
d. Upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao.
39. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbalik sa inaalok na cell phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing ito sa masama.
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa, ngunit ipinagbili lamang ng rugby.
c. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito.
d. Pagtawidsa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid.
40. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Dahil kailanagang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng
kaniyang buhay sa mundo.
b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa
pangangailangan.
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kanyang nais ng walang
hadlang
d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kanya ang
kalayaan.
41. “Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo n a kaya niya ginagawa ito ay dahil
crush din pala niya ang crush mo”. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo?
a. Aawayin ko siya at sisiraan ko din siya
b. Ipagkakalat ko sa paaralan ang masama niyang ugali
c. Iiwasan ko siya at hindi na kakausapin kalian man
d. Kakausapin ko siya at sasabihing mali ang ginagawa niya
42. Suriin ang pahayag ni Fr. Roque Ferriols na ‘ang katotohan ay tahanan ng katoto.” Ano ang kaisipan
mula rito?
a. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao
b. May kasama ako na makakita sa katotohan
c. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
d. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob nga tahanan kung sama-samang hinahanap ito.
43. Saan nagkakapantay –pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at lipunan
b. Sa apgmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
44. Alin sa mga sumusunod ang nakakaimpluwensiya sa paghubog ng konsensiya para sa mapanagutang
pagpapasiya?
a. kaluluwa b. kilos-loob c. damdamin d. ulo
45. Suriin ang pangungusap.”Malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o
gumawa”.
Anong aspekto ng kalayaan ang ipinapakita sa pangungusap?
a. freedom for b. freedom from c. inner freedom d. antecedent choice
46. Paano mapapanatili ang ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang galang na indibidwal
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang lagging makuha ang paggalang sa kapwa
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat ng kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang
pagkilala.
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayron kundi sa karangalan bilang
tao.
47. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hanggat siyay nabubuhay
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmmahal

Para sa bilang 46, 47 at 48


“Magkakasama kayo ng mga kaklase mo na kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan
nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo
nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa.
Kapitbahay ninyo si Liza.”

48. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?


a. makikisawsaw sa usapan at kukutyain ko siya
b. magsasawalang kibo nalang ako
c. ipagkakalat ko rin ang narinig kong balita tungkol sa kanya.
d. Pupuntahan ko sa bahay nila si Liza at kakausapin tungkol sa narinig kong balita kung totoo ito.
49. Sa paanong paraan mo ipaliliwanag kay Liza ang nalaman mong balita?
a. Sasabihin ko na pinagtsitsismisan siya pag wala sa grupo
b. Ipaalam ko sa kanya na huwag siyang makikisama sa grupo dahil pinag-uusapan siya.
c. Ipaparating ko sa kanya na ipinagkakalat nila na may karelasyon siya.
d. Kakausapin ko ng masinsinan bilang kaibigan at sasabihin kong may naririnig akong mga balita
tungkol sa kanya, upang sa ganon ay mapagtanto niya kung ano na ang nagyayari sa paligid niya.
50. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong nabasa?
a. Magagawa ng taong kontrolin ang kanyang sarili at emosyon at ilagay sa tamang direksiyon
b. Ang tao ang namamahala sa kanyang sarili at walang makapagdidikta sa kanya ng kailangang gawin
c. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng pasiyang gagawin
d. Lahat ng nabanggit

You might also like