You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CEBU PROVINCE
TABOGON PUBLIC SECONDARY SCHOOL
TABOGON, CEBU

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10


NAME: ______________________________________________ DATE: _____________________
YEAR. & SEC. __________________________________ SCORE: ______________________
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at unawain ang tanong. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ang kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.


A. kilos ng tao B. makataong kilos C. kilos-loob D. lahat ng nabanggit
2. Saan nakasalalay ang pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon kay Aristoteles?
A. intensyon B. paniniwala C. bibliya D. wala sa nabanggit
3. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
A. kilos ng tao B. makataong kilos C. kilos-loob D. lahat ng nabanggit
4. Ang ________ay tumutukoy sa mga responsibilidad o tungkulin na kailangang gawin ng isang tao, grupo, o institusyon.
A. kalayaan B. kaisipan C. pananagutan D. kilos-loob
5. Ginawan ng pabor ni Arturo ang isang kandidato na gawin ang “dagdag-bawas” kahit labag sa kalooban nito dahil baka siya ay matanggal sa trabaho. Anong
uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ipinakita sa sitwasyong ito?
A. Walang Kusang-Loob B. Kusang-Loob C. Di Kusang-Loob D. Kilos-Loob
6. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang tao na nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksyon sa panloloko sa kanya?
A. Walang Kusang-Loob B. Kusang-Loob C. Di Kusang-Loob D. Kilos-Loob
7. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawin ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng
kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri dahil sa magaganda niyang ginagawa. May
pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot C. Oo, dahil hindi niya pinagbigyan ang ibang kaklase upang sumagot
B. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang mag-aaral D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klas
8. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat
gawin sa lahat ng pagkakataon?
A.Oo, dahil ito ay dapat para sa kabutihan ng lahat C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain
B. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng
isang maling bunga.
9. Kahit ang tao ay may kakayahang pumili at magpasya, nararapat pa rin na kanyang pagsisihan ang masamang ginawa bunga ng kanyang piniling kilos.
A. Tama B. Mali
10. Aling elemento sa kakulangan sa proseso ng pagkilos kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa
kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka?
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan
B. Pagsasakilos ng paraan D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang
kilos-loob at pagkukusa? A. kamangmangan B. masidhing damdamin C. takot D. karahasan
12. Alin ang tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
A. kamangmangan B. masidhing damdamin C. takot D. karahasan
13. Ano ang tawag sa pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay?
A. kamangmangan B. masidhing damdamin C. takot D. karahasan
14. Ito ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga
emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa ng tao.
A. kamangmangan B. masidhing damdamin C. takot D. karahasan
15. Ito ay ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
A. kamangmangan B. masidhing damdamin C. gawi D. karahasan
16. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang
_____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad
17. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
18. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush. C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
19. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob C. Paghuhusga at Pagpili
B. Intensiyon at Layunin D. Sanhi at Bunga
20. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya
sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin
B. Nais ng layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
___21. Gamit ang halimbawa sa Bilang 20. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa
kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan
B. Pagkaunawa sa layunin D. Masusing pagsusuri ng paraan
22. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian?
A. pasiya B. kilos C. kakayahan D. damdamin
23. Bakit mahalagang malaman natin ang bawat yugto ng makataong kilos?
A. Upang malaman ang dalawang kategoryang nasakupan nito. C. Upang makapag-isip ng maayos.
B. Upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. D. Wala sa nabanggit
24. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
25. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay. C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
26. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang posibilidad
B. Magkalap ng patunay D. Maghanap ng ibang kaalaman
27. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad C. Umasa at magtiwala sa Diyos
B. Maghanap ng ibang kaalaman D. Tingnan ang kalooban
28. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng
kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na nakukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada.
Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan. C. Tama, dahil mabuti naman ang kanyang panlabas na kilos.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
29. Kung mali ang layunin magiging mali na rin ba ang paraan at sirkumstansiya?
A. Hindi, dahil iba ang paraan at sirkumstansiya sa layunin.
B. Oo, dahil kung masama ang panloob na kilos ay magiging masama na rin ang buong kilos
C. Hindi, dahil layunin lang naman ang apektado hindi ang ibang kilos
D. Oo, dahil konektado ang mga kilos
30. Paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos?
A. Kapag napagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kanyang isinasagawang kilos C. Kapag nagsusuri siya sa kanyang kilos
B. Kapag alam niyang may pananagutan siya sa ginawa niyang kilos D. Kapag nalalaman niya ang tama at maling kilos.
31. Ano ang ibig sabihin ng makataong kilos?
A. Ito ay kung ano ang kalabasan ng kilos ng kapwa mo batay sa iyong pagpapasiya
B. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
C. Ito ay nangangahulugan ng kilos na hindi akma para sa isang taong may dignidad.
D. Ito ay nasa isip lang natin.
32. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
A. Layunin B. Paraan C. Sirkumstansiya D. Kilos
33. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
A. Sino B. Ano C. Saan D. Doon
34. Ito ay tumutukoy sa lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan.
A. Sirkumstansiya B. Kahihinatnan C. Paraan D. Kilos-Loob
35. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Paraan B. Kahihinatnan C. Sirkumstansiya D. Kilos-loob
36. Ano ang layunin ng kilos ng pangongopya sa pasulit?
A. Makasagot B. Magkapera C. Maging mabuting anak D. Maging popular
37. Si Bea ay may nawalang gamit ng kanyang kaklase. Takot siyang manghingi sa magulang niya dahil tiyak na pagagalitan lang siya. Dahil alam niya kung
saan nakatago ang pera ng mama niya ay kumuha siya ng pera. Masama ba ang ginawa ni Bea? Bakit?
A. Hindi. Kasi kung hihingi siya ay tiyak na pagagalitan lang din siya.
B. Opo. Kasi isang kasalanan ang kumuha ng pera nang hindi nagpapaala
C. Hindi. Kasi maiintindihan lang din siya.
D. Opo. Pero hindi ito malalaman ng kanyang magulang
38. Nag-aral ka ng mabuti pero noong exam na ay nakalimutan mo ang iyong pinag-aralan. Nakita mo ang papel ng iyong katabi. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi titingnan ang sagot dahil masamang gawain ang kumopya ng sagot ng iba.
B. Titingnan ang papel para maalala ang pinag-aralan ko.
C. Kukopyahin ang sagot dahil alam ko naman na pinag-aralan ko ito.
D. Kukunin at kokopyahin ang sagot
39. Ano ang tawag sa mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
A. Sirkumstansya B. Paraan C. Layunin D. Kilos- loob
40. Ano ang pamantayan sa kabutihan ng layunin?
A. Kung may ginawang pagkilos na isinaalang-alang ang sariling kapakanan
B. Kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapuwa
C. Kung gagawa ka ng masama sa kapwa
D. Kung mali ang motibo mo sa taong malapit sa iyo

You might also like