You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Cotabato
SALUNAYAN HIGH SCHOOL
Salunayan, Midsayap, Cotabato

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. Piliin at isulat ng titik ng tamang sagot.


1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap
magpakatao?”
a. May isip at kilos-loob ang tao.
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
d. May konsensiya ang tao.
2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap
magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong
sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay
nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
3. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon
b. kamalayan sa sarili
c. pagmamalasakit
d. pagmamahal
4. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal
b. paglilingkod
c. hustisya
d. respeto
5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
6. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo,
personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano
ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c. Batas ng Diyos
d. Batas Positibo
7. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti
8. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. kilos-loob
b. konsensiya
c. pagmamahal
d. responsibilidad
9. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang
gagawin?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
10. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang
pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

II. Pagtutugma – tugma. Itugma ang mga lupon ng salita sa hanay A sa mga lupon ng salita sa Hanay B. Isulat
lamang ang titik ng iyong sagot.

Hanay A Hanay B
____ 11. May kamalayan sa sarili a.emosyon, kilos-loob
____ 12. Umiiral na nagmamahal b. pagtugon sa pangangailangan ng kanyang kapwa
____ 13. Pangkaalamang Pakultad c. makasariling interes, pagmamataas, katamaran, atbp
____ 14. Kilos-loob d. pagkakaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral
____ 15. Pagkagustong Pakultad e. gawin ang mabuti, iwasan ang masama
____ 16. Kamangmangang madaraig f. may kakayahan ang tao na magnilay
____ 17. Kamangmangang di madaraig g. ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona
____ 18. Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral h. panlabas at panloob na pandama, isip
____ 19. Kalayaan mula sa i. isang makatwirang pagkagusto
____ 20. Kalayaan para sa j. bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa
kanyang kilos o pasya.

III. Punan ang patlang sa bawat bilang ng mga salitang angkop sa pangungusap. Pumili sa mga salitang
nkapaloob sa kahon.

isip kamalayan memorya imahinasyon instinct

konsensya kalayaan kilos-loob kamay puso

21. Mahuhubog ang _________ sa pamamagitan ng panalangin at mas malalim na pagkakakilala sa mabuti
laban sa masama.
22. Ang _________ ang munting tinig na nagbibigay payo sa tao sa gitna ng isang moral na pagpapasya.
23. Ang __________ ay kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa
katwiran.
24. Ang kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito ay tinatawag na _________.
25. Ang pagkakaroon ng ___________ sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa.
26. Ang _________ ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
27. Ibinibigay ng __________ ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.
28. Ang __________ ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaring hantunga.
29. Ang paggamit ng __________ upang palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti.
30. Ginagamit ang ________ upang makapili, makapagpasya at kumilos tungo sa kabutihan.

IV. Pag iisa – isa. Ibigay ang mga hinihingi:


31 – 34 Apat (4) na Yugto ng Konsensya
35 – 38 Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
39 – 40 Dalawang Aspeto ng Kalayaan
41 – 42 Dalawang Uri ng Kalayaan
43 – 45 Kakayahan ng Isp

V. Sanaysay. Ipaliwanag sa loob ng 3 pangungusap ang kahulugan ng kasabihang

“MADALING MAGING TAO, MAHIRAP MAGPAKATAO.” (5 puntos)


Rubriks:
5 pts- Wasto, kumpleto at maayos ang sagot at baybay ng mga salita. Malinis ang sagot.
3 pts- Wasto, may 2 pangungusap at maayos ang sagot at baybay ng mga salita. Hindi malinis ang sagot.
1 pt- Hindi nakasunod sa pamantayan.

You might also like